Mag-log inDahlia's POV
Pagpasok ko sa restaurant, agad kong napansin ang pamilyar na pigura na nakaupo sa isa sa mga mesa malapit sa bintana.
“Good evening, sir,” magalang kong bati sa boss kong si Sir Hunter laurente.
Si Sir Hunter laurente ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Pero napansin ko nitong mga nakaraang linggo, halos gabi-gabi na siyang nandito—na para bang may hinihintay… o may binabantayan.
Tumango lang siya—katulad ng dati. Tahimik, seryoso, at halos walang emosyon sa mukha.
Lumapit ang supervisor sakin..
“O, Dalhia! Buti dumating ka na. Nag-text ako sa’yo ah. Sabi ko pumasok ka ng 8 dahil wala na naman si Cathy,” bungad sa akin ng supervisor ko.
Agad kong dinukot ang cellphone ko at tiningnan iyon. At tama nga—may message siya.
“Sorry po, Ma’am. Hawak po ng anak kong si Dustin ang cellphone ko kanina.”
Napailing siya nang bahagya.“Sige na, mag-start ka na.”
“Okay po.”
Mabilis akong nagtungo sa locker area para isuot ang apron ko. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok ko sa maayos na ponytail bago lumabas ulit sa dining area.
Nagsisimula pa lang dumami ang mga customer kaya agad na akong kumilos bilang waitress.
Ako ang nakadestino sa VIP interaction, at ramdam ko agad ang pressure. Lahat ng mata ng table ay bahagyang nakatingin sa akin habang inaabot ko ang menu.
“Good evening po, welcome to The Ivory Lounge,” bati ko sa bagong pasok na customer habang hawak ang notepad.,”
Isa-isa kong pinuntahan ang mga mesa sa VIP intersection—kumukuha ng order, nagdadala ng pagkain, at paminsan-minsang ngumingiti kahit pagod na ang mga paa ko sa kakalakad.
Pero sa tuwing mapapaling ang tingin ko sa may Bandang dulo, naroon pa rin si Sir Hunter. Tahimik lang siyang nakaupo sa parehong pwesto, nakatanaw sa loob ng restaurant.
Paminsan-minsan, pakiramdam ko… sinusundan niya ng tingin ang bawat galaw ko.
Mabilis akong umiwas ng tingin at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng tray.
Siguro nagkataon lang, sabi ko sa sarili ko.
Pero sa kung anong dahilan… hindi maalis sa isip ko na parang may hinihintay siya.
At pakiramdam ko… ako iyon,
Wag naman sanang ihahatid niya ulit ako pauwi katulad nung nakaraan..
Flashback.....
Pumasok sa classroom namin ang aming principal sa public school. Napatigil ang lahat sa pag-uusap at agad kaming bumati.
"Good morning po, Ma'am Florencia Reyes..."
“Class, may magandang balita ako,” sabi niya habang nakangiti.
“May isang estudyante mula sa school natin ang nakapasa sa scholarship program ng isa sa pinaka-prestigious na paaralan sa bansa.”
Agad kaming nagkatinginan ng mga kaklase ko. Halatang lahat ay excited kung sino ang tinutukoy niya, Kasi naman maraming sumubok sa test na yun..Lahat ng public school sa bansa kumuha ng test...
Graduating student na ako noon, pero sinubukan ko pa rin mag-apply sa scholarship na iyon. Sayang din kasi ang pagkakataon.
Hindi lang basta sikat ang school na iyon—pang mayaman talaga ang mga nag-aaral doon.
Bukod pa roon, may sarili na rin silang college building, at kapag nakapasok ka sa scholarship program nila… sasagutin nila ang tuition f*e mo hanggang sa makapagtapos ka Nang college.
Para sa isang tulad kong galing sa simpleng pamilya, parang napakalaking pangarap na makapag-aral sa ganoong lugar.
At sa totoo lang… hindi ko rin inasahang may mangyayari sa simpleng pagsubok ko lang.
Sandaling tumahimik ang buong classroom habang hawak ng principal ang papel galing sa school na yun. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko kahit alam kong maliit lang ang tsansa..
“Dalhia Revano… congratulations.”
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko.“A-ako po?” halos pabulong kong tanong habang nakaturo sa sarili ko.
Ngumiti ang principal at tumango.
“Yes, Dalhia. Ikaw ang nakapasa sa scholarship program.”
Biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Yung iba ay napatingin sa akin na parang hindi rin makapaniwala.
Unti-unti akong tumayo mula sa upuan ko, nanginginig pa ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa..
Para sa isang tulad kong galing sa simpleng buhay… ang makapag-aral sa isang paaralan ng mga mayayaman ay parang napakalayong pangarap.
Pero sa sandaling iyon, pakiramdam ko… parang biglang bumukas ang isang p***o para sa mas magandang kinabukasan ko.
Pagkauwi ko ng bahay, agad kong hinanap si Mama. Halos hindi ko mapigilan ang excitement ko habang lumalapit sa kanya.
“Ma! Nakapasa ako sa scholarship!” masaya kong sabi.
“Hanggang college na po sasagutin nila ang tuition f*e ko—”
Hindi pa ako tapos magsalita nang maputol niya ako.
“Ano ba, Dalhia. Yung anak nga ni Tessie, pagkakatuntong ng eighteen, nagtrabaho na agad sa fast food.”
Napatigil ako.
“Pero Ma… magandang opportunity po ’yun,” mahina kong sagot.
Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siya habang abala sa ginagawa niya, na parang walang narinig sa sinabi ko.
Alam ko naman kung bakit.Gusto niya kasi na pagkatapos kong grumaduate ng Grade 12, mag-apply na agad ako sa mga fast food chain para makatulong sa gastusin sa bahay.
Pero pangarap ko talagang makapagtapos ng college.
At ngayon… may nagbukas na pagkakataon para doon.
Isang pagkakataon na alam kong hindi ko puwedeng sayangin.
ASHWOOD INTERNATIONAL SCHOOL
Nakatayo ako sa labas ng Ashwood International School, suot ang bago kong uniform—na sagot din ng school.
Mahigpit kong hawak ang papel na naglalaman ng room assignment ko habang pinagmamasdan ang napakalaking gate sa harapan ko.
Huminga ako nang malalim bago marahang naglakad papasok.
Pero sa mismong gate pa lang… ramdam ko na agad ang pangliliit.Halos lahat ng estudyanteng nadadaanan ko ay napapatingin sa akin.
May mga nagbubulungan.
“Siya ba ’yon?”
“Dumating na siya?”
“Siya ’yung scholar…”
“OMG… ang lakas ng loob niya.”
"Ilang araw Kaya Siya!?"
“Uy, Bookworm incoming! Ready na ba kayo?”
“Hala, baka matulala tayo sa galing niya… o sa yabang niya.”
“Pinapatawag daw siya ni Young Master Damon at Young Master Darius. Gusto raw siyang makita nang personal.”
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit ako ang pinag-uusapan nila, pero mas lalo akong nailang sa mga tingin nila.Ibinaba ko ang tingin ko sa papel na hawak ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkatapos ng ilang minuto, narating ko rin ang classroom na nakasulat sa papel.Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at sa sandaling binuksan ko ang p***o…
Biglang tumahimik ang buong klase.
Yukong-yuko ang ulo ko habang naglalakad papasok ng classroom.
Ayokong makasalubong ang mga tingin nila kaya agad akong dumiretso sa bakanteng upuan malapit sa dulo.
Tahimik akong umupo roon, mahigpit pa ring hawak ang papel ko.
Pero ilang segundo lang ang lumipas, napansin kong may kakaibang nangyayari.Isa-isa sa mga estudyante ang nagtayuan.
May mga lumabas pa nga ng classroom, na para bang may iniiwasan… o may hinahayaan na mangyari.Hindi nagtagal, halos wala nang natira sa loob.
Naiwan na lang ako…
At ang dalawang lalaking magkamukhang-magkamukha na nakaupo malapit sa aking kinauupuan.Tahimik lang silang nakatingin sa akin.
At sa paraan ng pagtitig nila… pakiramdam ko, ako talaga ang hinihintay nila.Isa sa kanila ang lumapit, tahimik lang pero ramdam mo ang aura niya. Hinila niya ang upuan sa harap ko at umupo nang sobrang dikit sa akin.
Sobrang dikit ng mga upuan namin, kaya kahit gaano ko subukang huminga nang normal, ramdam ko pa rin ang init ng presensya niya.
Lalo na yung titig niya—matindi, nakaka-intimidate, at parang sinusuri bawat galaw ko.
Habang nakaupo siya, nakatayo naman ang isa, nakangisi lang, naka-crossed arms, parang nag-eenjoy sa bawat segundo ng sandali.
“Congratulations, Miss Scholar Dalhia,” boses niya, mababa at puno ng confidence.
Ramdam ko ang tensyon sa paligid… bawat bulungan ng kaklase namin ay parang background noise lang kumpara sa presensya nila.
Tahimik akong huminga, Pinilit kong tumingin sa kanya. Ilang segundo lang… pero para bang tumigil ang oras. Pakiramdam ko… hindi lang basta “bantay” o bully ang dating nila—may power, may control, at alam kong kailangan kong maging maingat sa bawat kilos ko ngayon.
Ang titig niya—mata sa mata—ay parang sinusuri bawat galaw ko, bawat kilos ko. Ramdam ko ang init ng presensya niya, ang confidence, at yung aura ng power na halos bumabalot sa buong silid.
“T-thank you…” mahinang sagot ko, halos pabulong, habang pinipilit kontrolin ang kaba na tumatama sa dibdib ko.
Para bang may ngiti siya sa gilid ng mga labi niya, isang ngiting alam kong naglalaro sa hangganan ng intimidation at curiosity.
Habang nakatingin siya sa akin, naramdaman ko… hindi lang basta basta pagkakilala ang nangyayari.
Ito… ay simula pa lang.
FLASHBACK 4 Sa unang tikim ko pa lang ng alak, napangiwi na agad ako sa lasa. Halos maduwal ako. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak. At higit sa lahat… natatakot akong maamoy iyon ni Mama kapag umuwi ako. Kaya agad kong inilapag ang bote sa mesa matapos ang isang maliit na lagok. “Damon… uminom na ako,” sabi ko habang pilit kinokontrol ang boses ko. “Akina na ang ID ko… uuwi na ako, please.” Ngumisi siya. Tumingin muna siya sa bote… pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin. “Ang sabi ko… ubusin mo.” Umiling ako agad. “Hindi puwede, Damon… baka maamoy ng Mama ko..” takot kong sagot. Bahagya siyang umusog palapit sa akin. At dahil doon, napaatras din ako sa kinauupuan ko—hanggang sa wala na akong mauusugan. “Please, Damon…” kabado kong sabi. May kung anong pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing may balak talaga siya. “E di…” mabagal niyang sabi. “Dito ka na lang muna matulog. Para hindi ka mahalata ng mama mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ak
Flashback 3Pumunta ako.Kailangan kong mabawi ang ID ko.Isa pa naman iyon sa mga requirement para makapasok sa school—hindi ako makakapasok kinabukasan kung wala iyon.Pero 9:30 PM na nang makarating ako.Late ako ng tatlumpung minuto.Nahirapan pa kasi akong magpaalam kay Mama. Kaya hinintay ko munang makatulog siya bago ako palihim na umalis ng bahay.Sandali lang naman, sabi ko sa sarili ko. Kukunin ko lang ang ID ko… tapos uuwi na agad ako.Pero pagdating ko pa lang sa baba ng hotel, may lumapit na agad sa akin na lalaki.Halatang nagmamadali.At kabado.“Bakit ngayon ka lang? Galit na galit na si Boss Damon!” sabi niya agad.Bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang braso ko at halos kaladkarin ako papunta sa elevator.“H-hoy—sandali!”Pero hindi siya nakinig.Habang hinihila niya ako, napansin ko ang mga guard at ilang staff ng hotel.Nakatayo lang sila.Nakatitig sa amin.Pero wala man lang kahit isa ang kumilos para tumulong.Parang… wala silang nakikitang mali.Siguro n
FLASHBACK 2“Class, good morning,” sabi ng guro pagkapasok niya sa silid. “We have a new transfer student today. Siya lang naman ang nag-iisang nakapasa sa scholarship program ng school.”Bahagya akong napayuko habang nararamdaman ang mga titig ng buong klase.“Miss Revano… introduce yourself.”Marahan akong tumayo mula sa upuan ko.Dahan-dahan akong tumingin sa guro… pagkatapos ay sa mga kaklase ko.Kabilang na roon ang kambal sa bandang likuran. Nakataas pa ang dalawang paa nila at nakapatong sa sandalan ng upuan ng kaklase nilang nasa harap.Ang mas nakakagulat… wala man lang reaksyon ang kaklase naming iyon. Para bang sanay na sila sa ganitong asal ng dalawa—parang hinahayaan na lang nila ang pambubully ng mga ito.Napasinghap ako nang mahina bago nagsalita.“H-hello, classmates…” mahina kong bati.“Hi!!!” sabay-sabay nilang sigaw, halos ikinagulat ko.Kasunod noon ang mahihinang bulungan at ilang tawang pilit nilang tinatago.Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.“I’m D
Dahlia's POVPagpasok ko sa restaurant, agad kong napansin ang pamilyar na pigura na nakaupo sa isa sa mga mesa malapit sa bintana.“Good evening, sir,” magalang kong bati sa boss kong si Sir Hunter laurente.Si Sir Hunter laurente ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.Pero napansin ko nitong mga nakaraang linggo, halos gabi-gabi na siyang nandito—na para bang may hinihintay… o may binabantayan.Tumango lang siya—katulad ng dati. Tahimik, seryoso, at halos walang emosyon sa mukha.Lumapit ang supervisor sakin..“O, Dalhia! Buti dumating ka na. Nag-text ako sa’yo ah. Sabi ko pumasok ka ng 8 dahil wala na naman si Cathy,” bungad sa akin ng supervisor ko.Agad kong dinukot ang cellphone ko at tiningnan iyon. At tama nga—may message siya.“Sorry po, Ma’am. Hawak po ng anak kong si Dustin ang cellphone ko kanina.”Napailing siya nang bahagya.“Sige na, mag-start ka na.”“Okay po.”Mabilis akong nagtungo sa locker area para isuot ang apron ko. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok
Dahlia's POV“Mama… diba lahat ng bata may papa?”Napahinto ako sa ginagawa ko. Dahan-dahan akong napalingon kay Dustin. Apat na taon pa lang siya, pero ang mga tanong niya parang kayang hiwain ang puso ko sa dalawa.“Oo naman, anak…” pilit akong ngumiti.Tumingin siya sa’kin, malalaki ang mata at inosente.“Eh… nasaan yung papa ko?”Para akong nabingi sa tanong niya. Ilang taon ko nang iniiwasan ang araw na ’to. Ilang taon ko nang tinatago ang katotohanan.Nilapitan ko siya at pinaupo sa kandungan ko.“Anak…” mahina kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. “May papa ka.”“Talaga?” biglang lumiwanag ang mukha niya. “Mayaman ba siya? Kagaya nung papa ni Ashley na may malaking kotse?”Napangiti ako nang mapait.Kung alam mo lang, anak…Mayaman?Hindi lang mayaman.Ang pamilya ng papa mo… isa sa mga mayayaman sa bansa at kayang bumili ng buong lungsod kung gugustuhin nila.Pero hindi ko ’yon sinabi.“Siguro…” sagot ko, umiwas ng tingin.“Mabait ba siya?” tanong ulit ni Dustin.Napapik







