Share

4

Author: Sunmaru
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-22 08:12:26

Flashback 3

Pumunta ako.

Kailangan kong mabawi ang ID ko.

Isa pa naman iyon sa mga requirement para makapasok sa school—hindi ako makakapasok kinabukasan kung wala iyon.

Pero 9:30 PM na nang makarating ako.

Late ako ng tatlumpung minuto.

Nahirapan pa kasi akong magpaalam kay Mama. Kaya hinintay ko munang makatulog siya bago ako palihim na umalis ng bahay.

Sandali lang naman, sabi ko sa sarili ko. Kukunin ko lang ang ID ko… tapos uuwi na agad ako.

Pero pagdating ko pa lang sa baba ng hotel, may lumapit na agad sa akin na lalaki.

Halatang nagmamadali.

At kabado.

“Bakit ngayon ka lang? Galit na galit na si Boss Damon!” sabi niya agad.

Bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang braso ko at halos kaladkarin ako papunta sa elevator.

“H-hoy—sandali!”

Pero hindi siya nakinig.

Habang hinihila niya ako, napansin ko ang mga guard at ilang staff ng hotel.

Nakatayo lang sila.

Nakatitig sa amin.

Pero wala man lang kahit isa ang kumilos para tumulong.

Parang… wala silang nakikitang mali.

Siguro napansin ng lalaking kasama ko ang pagtataka sa mukha ko.

Kaya bahagya siyang ngumisi.

“Walang tutulong sa’yo dito,” malamig niyang sabi.

Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

“Si Boss Damon… ang may-ari ng hotel na ’to.”

Parang biglang lumamig ang buong katawan ko sa narinig ko.

At doon ko lang naisip…

Baka nagkamali ako ng pagpunta dito mag-isa.

Tanda ko pa ang room na pinasukan namin.

Room 663.

Pagkabukas ng p***o, tumambad agad sa akin ang eksena sa loob.

May mga bote ng alak sa mesa.

Sa sofa, naroon ang ilan sa mga kapwa ko estudyante—nag-iinuman at naninigarilyo, parang wala lang sa kanila ang oras o lugar.

At sa pinakagitna ng lahat…

Nakita ko si Damon.

Nakasandal siya sa sofa, hawak ang baso ng alak.

Madilim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Mukhang galit siya.

Siguro dahil late ako ng tatlumpung minuto.

“Sit down… here.”

Itinuro niya ang bakanteng pwesto sa tabi niya.

“H-hindi ako puwedeng magtagal,” agad kong sabi habang pilit pinatatag ang boses ko.

“Kailangan ko lang kunin ang ID ko… please, ibalik mo na.”

Bigla siyang tumawa.

Kasabay ng pagtawa ng iba pang naroon sa loob ng kwarto.

“Ibabalik ko rin naman,” sabi niya, mabagal ang tono.

“Pero umupo ka muna dito… Dalhia.”

“Upo na,” dagdag ng isa sa mga lalaki.

Naramdaman ko ang pag-igting ng panga ko habang napapakuyom ang mga kamao ko.

Pero kahit ayaw ko…

Marahan akong naglakad palapit sa kanila.

Ramdam ko ang lahat ng mata na nakatutok sa akin.

At sa bawat hakbang ko palapit kay Damon…

Pakiramdam ko lalo lang lumalalim ang bitag na pinasok ko.

Pagkaupo ko pa lang, mabilis na niyang inakbayan ang balikat ko.

Napakunot agad ang noo ko.

Pilit kong inalis ang braso niya sa balikat ko.

Pero ngumisi lang siya.

At mas lalo pang hinigpitan ang akbay niya.

“D-Damon… hindi ako puwedeng magtagal,” sabi ko habang pilit na kumakawala sa kanya.

“Please… ibalik mo na yung ID ko.”

Halos nakikiusap na ang boses ko.

Bahagya siyang yumuko palapit sa akin.

“Kaya nga kita pinapunta dito,” sabi niya, mababa ang boses.

“Wala kasi akong kapareha.”

Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita.

“At saka… birthday ko ngayon.”

Lalong bumigat ang pakiramdam ko sa narinig ko.

“Anong gift mo sa’kin?”

Mahina niyang ibinulong iyon sa tainga ko.

Napakapit ako sa gilid ng sofa.

Parang biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.

May kung anong masamang kutob na sumiksik sa dibdib ko.

“U-uwi na ako…” mahina kong sabi habang pilit tumatayo.

“Please, Damon… natatakot na ako,” mahina kong sabi.

Pero imbes na lumayo, mas lalo pa siyang sumiksik sa akin.

Lalong humigpit ang braso niya sa balikat ko, halos hindi na ako makagalaw sa pagkakahawak niya.

Narinig ko ang mahihinang tawa ng mga kasama niya sa paligid.

Parang nanonood lang sila ng palabas.

“Natakot ka na agad?” bulong niya, mababa ang boses sa tabi ng tenga ko.

Napapikit ako sandali, pilit pinipigilan ang panginginig ng katawan ko.

“Relax… wala pa nga akong ginagawa,” dagdag pa niya, may halong ngisi sa boses.

“Please… ibalik mo na lang yung ID ko,” sabi ko ulit, halos pabulong na.

Sandaling tumahimik si Damon.

Pagkatapos ay bahagya siyang umurong para tingnan ako nang diretso sa mga mata.

Madilim pa rin ang titig niya.

Parang pinag-iisipan kung ano ang susunod niyang gagawin.

“Ganito na lang,” sabi niya sa wakas.

“Stay here for a while… then maybe I’ll give it back.”

Napatitig ako sa kanya.

Tapos may inaabot na bote ng inumin mula sa mesa.

Inilapag niya iyon sa harap ko.

Pagkatapos, sa mismong harapan ko… may inilabas siyang maliit na tablet mula sa bulsa niya at inihulog iyon sa loob ng bote.

Bahagyang bumula ang laman nito.

“Drink.”

Utos niya iyon nang malamig.

Mabilis akong umiling.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko.

“Pag naubos mo ’yan… papayagan na kitang umalis.”

Lalong nanlaki ang mga mata ko.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Pakiramdam ko parang sumisikip ang dibdib ko sa takot.

“P-please…” mahina kong sabi.

Pero hindi nagbago ng ekspresyon niya.

“Don’t worry,” mabagal niyang sabi habang nakatingin sa akin.

“Candy lang ’yung hinulog ko… pampasarap ng lasa.”

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang pinasadahan ng dila ang labi niya habang nakatingin pa rin sa akin.

Parang may kung anong balak na hindi ko maintindihan.

At sa paraan ng pagtitig niya…

Lalong lumalim ang masamang kutob sa dibdib ko.

“Ayoko… uuwi na lang ako,” sagot ko habang pilit tumatayo.

Pero bago pa man ako makagalaw, hinila niya ulit ako pabalik sa upuan.

“Damon!!” takot kong sigaw, habang sinusubukang kumawala.

Ngumisi lang siya.

“Bakit nahihiya kabang uminom… Kasi may ibang tao?” malamig niyang tanong, parang pangungutya.

Napatingin ako sa paligid—lahat ng mata ng iba pang estudyante ay nakatutok sa amin.

“Gusto mo bang paalisin ko sila?” dagdag niya, may halong ngisi sa dulo ng boses.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Ang dibdib ko ay bumabalik-balik sa takot at kaba.

Parang bawat salita niya ay may dalang banta… kahit hindi niya ito sinasabi ng direkta.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko.

“Leave us.”

Isang salita lang, at agad namang sumunod ang mga kasama niya.

Isa-isa silang lumabas ng kwarto, ang ilan ay humakbang nang may halong pagtataka at interes sa nangyayari.

Unti-unti, naiwan kaming  dalawa.

Ako at si Damon.

Tahimik ang kwarto.

Para bang tumigil ang oras sa paligid ko.

Ang hangin ay mabigat… at bawat titig niya sa akin ay parang sumusukat sa lahat ng galaw ko.

“Now… drink.”

Utos niya nang diretso.

“Kapag ininom ko ’yan… paalisin mo na ako at ibibigay mo na ang ID ko?” kabado kong tanong, halos pabulong.

Balak kong sumunod… para makaalis na agad..

Kakaunti lang naman… iinum lang naman ako..

Tumango siya—marahan, sabay ngumisi nang may halong kasiyahan.

Hinawakan ko ang bote, at uminum.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The twins brother's Obsession    5

    FLASHBACK 4 Sa unang tikim ko pa lang ng alak, napangiwi na agad ako sa lasa. Halos maduwal ako. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak. At higit sa lahat… natatakot akong maamoy iyon ni Mama kapag umuwi ako. Kaya agad kong inilapag ang bote sa mesa matapos ang isang maliit na lagok. “Damon… uminom na ako,” sabi ko habang pilit kinokontrol ang boses ko. “Akina na ang ID ko… uuwi na ako, please.” Ngumisi siya. Tumingin muna siya sa bote… pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin. “Ang sabi ko… ubusin mo.” Umiling ako agad. “Hindi puwede, Damon… baka maamoy ng Mama ko..” takot kong sagot. Bahagya siyang umusog palapit sa akin. At dahil doon, napaatras din ako sa kinauupuan ko—hanggang sa wala na akong mauusugan. “Please, Damon…” kabado kong sabi. May kung anong pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing may balak talaga siya. “E di…” mabagal niyang sabi. “Dito ka na lang muna matulog. Para hindi ka mahalata ng mama mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ak

  • The twins brother's Obsession    4

    Flashback 3Pumunta ako.Kailangan kong mabawi ang ID ko.Isa pa naman iyon sa mga requirement para makapasok sa school—hindi ako makakapasok kinabukasan kung wala iyon.Pero 9:30 PM na nang makarating ako.Late ako ng tatlumpung minuto.Nahirapan pa kasi akong magpaalam kay Mama. Kaya hinintay ko munang makatulog siya bago ako palihim na umalis ng bahay.Sandali lang naman, sabi ko sa sarili ko. Kukunin ko lang ang ID ko… tapos uuwi na agad ako.Pero pagdating ko pa lang sa baba ng hotel, may lumapit na agad sa akin na lalaki.Halatang nagmamadali.At kabado.“Bakit ngayon ka lang? Galit na galit na si Boss Damon!” sabi niya agad.Bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang braso ko at halos kaladkarin ako papunta sa elevator.“H-hoy—sandali!”Pero hindi siya nakinig.Habang hinihila niya ako, napansin ko ang mga guard at ilang staff ng hotel.Nakatayo lang sila.Nakatitig sa amin.Pero wala man lang kahit isa ang kumilos para tumulong.Parang… wala silang nakikitang mali.Siguro n

  • The twins brother's Obsession    3

    FLASHBACK 2“Class, good morning,” sabi ng guro pagkapasok niya sa silid. “We have a new transfer student today. Siya lang naman ang nag-iisang nakapasa sa scholarship program ng school.”Bahagya akong napayuko habang nararamdaman ang mga titig ng buong klase.“Miss Revano… introduce yourself.”Marahan akong tumayo mula sa upuan ko.Dahan-dahan akong tumingin sa guro… pagkatapos ay sa mga kaklase ko.Kabilang na roon ang kambal sa bandang likuran. Nakataas pa ang dalawang paa nila at nakapatong sa sandalan ng upuan ng kaklase nilang nasa harap.Ang mas nakakagulat… wala man lang reaksyon ang kaklase naming iyon. Para bang sanay na sila sa ganitong asal ng dalawa—parang hinahayaan na lang nila ang pambubully ng mga ito.Napasinghap ako nang mahina bago nagsalita.“H-hello, classmates…” mahina kong bati.“Hi!!!” sabay-sabay nilang sigaw, halos ikinagulat ko.Kasunod noon ang mahihinang bulungan at ilang tawang pilit nilang tinatago.Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.“I’m D

  • The twins brother's Obsession    2

    Dahlia's POVPagpasok ko sa restaurant, agad kong napansin ang pamilyar na pigura na nakaupo sa isa sa mga mesa malapit sa bintana.“Good evening, sir,” magalang kong bati sa boss kong si Sir Hunter laurente.Si Sir Hunter laurente ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.Pero napansin ko nitong mga nakaraang linggo, halos gabi-gabi na siyang nandito—na para bang may hinihintay… o may binabantayan.Tumango lang siya—katulad ng dati. Tahimik, seryoso, at halos walang emosyon sa mukha.Lumapit ang supervisor sakin..“O, Dalhia! Buti dumating ka na. Nag-text ako sa’yo ah. Sabi ko pumasok ka ng 8 dahil wala na naman si Cathy,” bungad sa akin ng supervisor ko.Agad kong dinukot ang cellphone ko at tiningnan iyon. At tama nga—may message siya.“Sorry po, Ma’am. Hawak po ng anak kong si Dustin ang cellphone ko kanina.”Napailing siya nang bahagya.“Sige na, mag-start ka na.”“Okay po.”Mabilis akong nagtungo sa locker area para isuot ang apron ko. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok

  • The twins brother's Obsession    1

    Dahlia's POV“Mama… diba lahat ng bata may papa?”Napahinto ako sa ginagawa ko. Dahan-dahan akong napalingon kay Dustin. Apat na taon pa lang siya, pero ang mga tanong niya parang kayang hiwain ang puso ko sa dalawa.“Oo naman, anak…” pilit akong ngumiti.Tumingin siya sa’kin, malalaki ang mata at inosente.“Eh… nasaan yung papa ko?”Para akong nabingi sa tanong niya. Ilang taon ko nang iniiwasan ang araw na ’to. Ilang taon ko nang tinatago ang katotohanan.Nilapitan ko siya at pinaupo sa kandungan ko.“Anak…” mahina kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. “May papa ka.”“Talaga?” biglang lumiwanag ang mukha niya. “Mayaman ba siya? Kagaya nung papa ni Ashley na may malaking kotse?”Napangiti ako nang mapait.Kung alam mo lang, anak…Mayaman?Hindi lang mayaman.Ang pamilya ng papa mo… isa sa mga mayayaman sa bansa at kayang bumili ng buong lungsod kung gugustuhin nila.Pero hindi ko ’yon sinabi.“Siguro…” sagot ko, umiwas ng tingin.“Mabait ba siya?” tanong ulit ni Dustin.Napapik

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status