Share

5

Author: Sunmaru
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-22 08:12:51

FLASHBACK 4

Sa unang tikim ko pa lang ng alak, napangiwi na agad ako sa lasa.

Halos maduwal ako.

Hindi naman talaga ako umiinom ng alak.

At higit sa lahat… natatakot akong maamoy iyon ni Mama kapag umuwi ako.

Kaya agad kong inilapag ang bote sa mesa matapos ang isang maliit na lagok.

“Damon… uminom na ako,” sabi ko habang pilit kinokontrol ang boses ko.

“Akina na ang ID ko… uuwi na ako, please.”

Ngumisi siya.

Tumingin muna siya sa bote… pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin.

“Ang sabi ko… ubusin mo.”

Umiling ako agad.

“Hindi puwede, Damon… baka maamoy ng Mama ko..” takot kong sagot.

Bahagya siyang umusog palapit sa akin.

At dahil doon, napaatras din ako sa kinauupuan ko—hanggang sa wala na akong mauusugan.

“Please, Damon…” kabado kong sabi.

May kung anong pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing may balak talaga siya.

“E di…” mabagal niyang sabi.

“Dito ka na lang muna matulog. Para hindi ka mahalata ng mama mo.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Agad akong kumilos para tumayo.

Pero bago pa ako makaalis…

Inakbayan niya ulit ako.

“Inom pa…” bulong niya sa tabi ng tenga ko.

Alam kong hindi pa siya tuluyang lasing—matino pa ang pag-iisip niya. Hindi pa siya ganoon kalasing para mawalan ng kontrol sa sarili niya.

"Gusto mong umuwi diba?"

Dahan-dahan kong inabot ang bote sa mesa.

Kailangan ko na lang itong tapusin.

Kesa manatili pa ako dito… kasama siya.

Haharapin ko na lang ang galit ni Mama pag-uwi ko.

Mas mabuti na iyon kaysa manatili sa malaking kwarto ng hotel na ito… na kaming dalawa lang ang naroon.

Lalo akong kinabahan nang mapatingin ako sa paligid.

Bukod sa sofa kung saan kami nakaupo…

May malaking kama rin sa gitna ng kwarto.

At sa tuwing napapatingin ako roon…

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman kong sumandal si Damon sa sofa habang nakatabi pa rin sa akin.

Halos magkadikit na ang mga balikat namin.

Mayamaya, tumunog ang cellphone niya.

Kinuha niya iyon at sinagot… pero hindi man lang siya lumayo sa tabi ko.

Tahimik lang akong nakaupo habang hawak ang bote, pero malinaw kong naririnig ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

At ang sinabi niya… lalo pang nagpakilabot sa akin.

“Wag kayo dito, Darius,” sabi niya sa kabilang linya.

“May bisita ako.”

Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.

“Doon na lang kayo sa suite mo. Sabihin mo rin sa iba—walang pupunta dito. Wala munang istorbo.”

Unti-unti kong ibinaba ang bote habang nanlalamig ang mga kamay ko.

Paglingon ko sa kanya…

Nakangisi siya.

Parang alam na alam niya kung gaano ako kinakabahan.

“Inom na,” sabi niya.

Tiningnan niya ang bote sa kamay ko.

“Wala pa sa kalahati. Kalahatiin mo ’yan… tapos papayagan na kitang umalis.”

Napatingin ako sa bote.

Tama siya.

Hindi pa nga iyon kalahati.

Napapikit ako sandali.

Wala akong nagawa kundi damputin ulit ang bote at pilit na ininom ang laman nito.

Halos mapangiwi ako sa bawat lagok.

Narinig ko pa siyang mahina na tumawa habang pinapanood ako.

Parang aliw na aliw siya sa paghihirap ko.

Matapos kong maabot ang kalahati, agad kong inilapag ang bote sa mesa.

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kanya.

“A-akina na ang… ID ko,” mahina kong sabi.

Pero habang nagsasalita ako…

may kakaibang pakiramdam na biglang sumiksik sa katawan ko.

Biglang umiikot ang paligid.

Nanlalabo ang paningin ko.

Parang unti-unting nawawala ang balanse ko habang nakaupo parin ako sa sofa.

Iniabot naman niya sa akin ang ID ko.

Pero halos hindi ko iyon mahawakan.

Iba na talaga ang pakiramdam ko.

Umiikot ang paligid… at parang ang bigat ng katawan ko.

“N-nahihilo ako, Damon…” takot kong sabi habang pilit na hinahawakan ang ulo ko.

Unti-unti niyang hinimas ang likod ko,

Bago ko pa tuluyang maiproseso ang mangyayari, nararamdaman ko na ang mainit na hininga niya sa balat ng leeg ko—malapit, masyadong malapit.

Napapikit ako sa takot.

Gusto kong umatras.

Gusto kong itulak siya palayo.

Pero hindi ko magawa.

Parang nawawalan ng lakas ang buong katawan ko.

Ang mga kamay ko ay nanginginig… at ang paningin ko ay lalo pang lumalabo.

“Damon… p-please…maawa ka..” halos pabulong kong sabi, habang pilit na lumalaban sa antok at hilo na unti-unting kumakain sa akin.

Ginamit ko ang natitira kong lakas para makatayo.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang pilit akong humahakbang palayo.

Umiiyak na ako.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta—umiikot ang paningin ko at parang gumagalaw ang buong paligid.

Halos hindi ko na maramdaman ang sarili kong mga paa habang umiekis na ang bawat hakbang ko.

Muli kung hinagilap si Damon.

Nakatayo na siya.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin…

Tapos dahan-dahan siyang naglakad palapit.

Habang inaalis niya ang suot niyang damit.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Para akong napako sa kinatatayuan ko habang palapit siya nang palapit.

“Damon… p-please…huwag..” nanginginig kong sabi.

Pero wala akong nakitang awa sa mga mata niya.

Parang mas lalo pa siyang naaliw sa takot ko.

Nang tuluyan niya akong mahawakan…

Hinila niya ako palapit sa kanya.

Mahigpit.

“Damon…” mahina kong nasabi, halos hindi na lumalabas ang boses ko.

Umiikot na ang paningin ko.

Parang lumulubog ang buong katawan ko sa mabigat na antok at hilo.

Sinubukan kong kumawala.

Pero wala na talaga akong lakas.

Lalong lumabo ang paligid ko.

Ang ilaw sa kwarto ay parang unti-unting nagdidilim sa paningin ko.

Ang huling bagay na naalala ko…

ay ang pagbuhat ni Damon sakin at ang Malambot na kama sa likod ko.

At pagkatapos noon—

tuluyan nang nagdilim ang lahat.

KINABUKASAN..

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata.

Mabigat ang ulo ko, parang may humahampas sa loob nito.

Agad kong nasapo ang noo ko.

“A-anong…” mahina kong ungol.

Pilit akong bumangon mula sa higaan—

pero bigla akong napahinto.

May matinding hapdi akong naramdaman sa katawan ko, lalo na sa bandang ibaba.

Napasinghap ako sa sakit.

Dahan-dahan akong napatingin sa sarili ko…

At halos hindi ako makahinga.

Wala akong kahit anong saplot sa katawan.

Para akong napako sa kinauupuan ko sa kama.

Nanlamig ang buong katawan ko.

At doon… unti-unting bumalik sa isip ko ang mga nangyari kahapon.

Ang comfort room ng school.

Ang ID kong kinuha niya.

Ang hotel na pinapuntahan niya sa akin.

Ang alak na pilit niyang ipinainom.

Ang bigla kong pagkahilo.

“Hindi… hindi…si Damon, pinagsamantalahan niya ako!!” nanginginig kong bulong.

Napahagulhol ako habang pilit na bumabangon mula sa kama.

Masakit… sobrang sakit ng katawan ko.

Lalo na sa gitna.

Para bang bawat galaw ko ay may kasamang kirot.

Pero kahit ganoon, pinilit kong tumayo.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang hinahawakan ko ang kumot na pilit kong ipinantatakip sa sarili ko.

Pagtingin ko sa kama…

Natigilan ako.

May bakas ng dugo sa puting kumot.

Para akong biglang nawalan ng hangin sa dibdib.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig doon.

Parang iyon na ang tahimik na patunay ng nangyari kagabi.

Napahawak ako sa bibig ko habang umiiyak.

“Hindi…” mahina kong bulong, habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.

Gusto kong sabihin sa sarili ko na panaginip lang ang lahat.

Pero alam kong hindi.

Totoo ang lahat ng nangyari.

Agad kong tinakpan ang hubad kong katawan gamit ang kumot habang nanginginig ang mga kamay ko.

Gumala ang paningin ko sa buong kwarto.

Tahimik na tahimik.

Magulo ang paligid—may mga bote sa mesa, at nakakalat ang ilang gamit.

Pero may isang bagay na agad kong napansin.

Ang note sa gilid ng mesa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The twins brother's Obsession    5

    FLASHBACK 4 Sa unang tikim ko pa lang ng alak, napangiwi na agad ako sa lasa. Halos maduwal ako. Hindi naman talaga ako umiinom ng alak. At higit sa lahat… natatakot akong maamoy iyon ni Mama kapag umuwi ako. Kaya agad kong inilapag ang bote sa mesa matapos ang isang maliit na lagok. “Damon… uminom na ako,” sabi ko habang pilit kinokontrol ang boses ko. “Akina na ang ID ko… uuwi na ako, please.” Ngumisi siya. Tumingin muna siya sa bote… pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa akin. “Ang sabi ko… ubusin mo.” Umiling ako agad. “Hindi puwede, Damon… baka maamoy ng Mama ko..” takot kong sagot. Bahagya siyang umusog palapit sa akin. At dahil doon, napaatras din ako sa kinauupuan ko—hanggang sa wala na akong mauusugan. “Please, Damon…” kabado kong sabi. May kung anong pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing may balak talaga siya. “E di…” mabagal niyang sabi. “Dito ka na lang muna matulog. Para hindi ka mahalata ng mama mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ak

  • The twins brother's Obsession    4

    Flashback 3Pumunta ako.Kailangan kong mabawi ang ID ko.Isa pa naman iyon sa mga requirement para makapasok sa school—hindi ako makakapasok kinabukasan kung wala iyon.Pero 9:30 PM na nang makarating ako.Late ako ng tatlumpung minuto.Nahirapan pa kasi akong magpaalam kay Mama. Kaya hinintay ko munang makatulog siya bago ako palihim na umalis ng bahay.Sandali lang naman, sabi ko sa sarili ko. Kukunin ko lang ang ID ko… tapos uuwi na agad ako.Pero pagdating ko pa lang sa baba ng hotel, may lumapit na agad sa akin na lalaki.Halatang nagmamadali.At kabado.“Bakit ngayon ka lang? Galit na galit na si Boss Damon!” sabi niya agad.Bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang braso ko at halos kaladkarin ako papunta sa elevator.“H-hoy—sandali!”Pero hindi siya nakinig.Habang hinihila niya ako, napansin ko ang mga guard at ilang staff ng hotel.Nakatayo lang sila.Nakatitig sa amin.Pero wala man lang kahit isa ang kumilos para tumulong.Parang… wala silang nakikitang mali.Siguro n

  • The twins brother's Obsession    3

    FLASHBACK 2“Class, good morning,” sabi ng guro pagkapasok niya sa silid. “We have a new transfer student today. Siya lang naman ang nag-iisang nakapasa sa scholarship program ng school.”Bahagya akong napayuko habang nararamdaman ang mga titig ng buong klase.“Miss Revano… introduce yourself.”Marahan akong tumayo mula sa upuan ko.Dahan-dahan akong tumingin sa guro… pagkatapos ay sa mga kaklase ko.Kabilang na roon ang kambal sa bandang likuran. Nakataas pa ang dalawang paa nila at nakapatong sa sandalan ng upuan ng kaklase nilang nasa harap.Ang mas nakakagulat… wala man lang reaksyon ang kaklase naming iyon. Para bang sanay na sila sa ganitong asal ng dalawa—parang hinahayaan na lang nila ang pambubully ng mga ito.Napasinghap ako nang mahina bago nagsalita.“H-hello, classmates…” mahina kong bati.“Hi!!!” sabay-sabay nilang sigaw, halos ikinagulat ko.Kasunod noon ang mahihinang bulungan at ilang tawang pilit nilang tinatago.Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.“I’m D

  • The twins brother's Obsession    2

    Dahlia's POVPagpasok ko sa restaurant, agad kong napansin ang pamilyar na pigura na nakaupo sa isa sa mga mesa malapit sa bintana.“Good evening, sir,” magalang kong bati sa boss kong si Sir Hunter laurente.Si Sir Hunter laurente ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.Pero napansin ko nitong mga nakaraang linggo, halos gabi-gabi na siyang nandito—na para bang may hinihintay… o may binabantayan.Tumango lang siya—katulad ng dati. Tahimik, seryoso, at halos walang emosyon sa mukha.Lumapit ang supervisor sakin..“O, Dalhia! Buti dumating ka na. Nag-text ako sa’yo ah. Sabi ko pumasok ka ng 8 dahil wala na naman si Cathy,” bungad sa akin ng supervisor ko.Agad kong dinukot ang cellphone ko at tiningnan iyon. At tama nga—may message siya.“Sorry po, Ma’am. Hawak po ng anak kong si Dustin ang cellphone ko kanina.”Napailing siya nang bahagya.“Sige na, mag-start ka na.”“Okay po.”Mabilis akong nagtungo sa locker area para isuot ang apron ko. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok

  • The twins brother's Obsession    1

    Dahlia's POV“Mama… diba lahat ng bata may papa?”Napahinto ako sa ginagawa ko. Dahan-dahan akong napalingon kay Dustin. Apat na taon pa lang siya, pero ang mga tanong niya parang kayang hiwain ang puso ko sa dalawa.“Oo naman, anak…” pilit akong ngumiti.Tumingin siya sa’kin, malalaki ang mata at inosente.“Eh… nasaan yung papa ko?”Para akong nabingi sa tanong niya. Ilang taon ko nang iniiwasan ang araw na ’to. Ilang taon ko nang tinatago ang katotohanan.Nilapitan ko siya at pinaupo sa kandungan ko.“Anak…” mahina kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. “May papa ka.”“Talaga?” biglang lumiwanag ang mukha niya. “Mayaman ba siya? Kagaya nung papa ni Ashley na may malaking kotse?”Napangiti ako nang mapait.Kung alam mo lang, anak…Mayaman?Hindi lang mayaman.Ang pamilya ng papa mo… isa sa mga mayayaman sa bansa at kayang bumili ng buong lungsod kung gugustuhin nila.Pero hindi ko ’yon sinabi.“Siguro…” sagot ko, umiwas ng tingin.“Mabait ba siya?” tanong ulit ni Dustin.Napapik

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status