CHAPTER 1Pitra POV"Oh, isda! Isda! Galunggong, madam! Fresh na fresh! Dalawang daan at limampung piso kada kilo! Bili na kayo! Baka mamaya, pati asawa n'yo, isda na ang ulam!" malakas kong sigaw sa mga dumaraang mamimili sa tapat ng aking puwesto.Napahinto ang isang ale at napatingin sa akin."Ha? Bakit naman pati asawa ko?""Para po hindi na kayo mag-away, madam. Isda na lang ang pagdiskitahan n'yo. Mas mura pa kaysa magpa-annulment!" nakangisi kong sagot.Napailing siya habang natatawa, pero hindi rin nakatangging bumili ng isang kilong galunggong.Aba! Diskarte lang 'yan!Sa panahon ngayon, hindi puwedeng puro tindang isda lang ang puhunan mo. Kailangan may kasamang magandang sales talk, konting humor, at kaunting pang-uuto. Basta walang naloloko, puwede na!Ako nga pala si Precious, pero mas kilala sa palengke bilang Pitra. Bente sais anyos, single since birth, at sa kasamaang-palad, wala pa ring lalaking naglalakas-loob na umangkin sa puso ko.Hindi naman sa nagmamadali akong
Last Updated : 2026-10-22 Read more