Share

Chapter 3

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-10-22 21:25:25

CHAPTER 3

Habang abala ako sa kakaisip kung paano ako magkakaroon ng sariling bahay, kotse, at asawang hindi babaero, biglang umingay ang cellphone ko.

Napatingin ako sa screen.

TITA CALLING...

Napangiwi ako.

Ay, naku! Speaking of malas, tumatawag na naman ang reyna ng sugal at pang-iinsulto!

"Hello, Tita?" mahinahon kong sagot.

"Nasaan ka na naman, Pitra?!" bungad niya sa akin. Ni hindi man lang nagtanong kung buhay pa ba ako o kung nakainom na ako ng tubig.

"Nagtitinda po ng talaba, Tita. Bakit po?"

"Bakit? Tanong ka pa nang tanong! Nasaan na ang perang iuuwi mo?!"

Napapikit ako at huminga nang malalim.

Ayan na naman tayo sa paborito niyang paksa.

Pera.

Pera sa umaga, pera sa tanghali, pera sa gabi. Kung puwede lang sanang gawing pera ang bawat mura at lait niya sa akin, baka matagal na akong bilyonarya!

"May kinita naman po ako, Tita. Mamaya po, ibibigay ko sa inyo ang pambayad sa mga gastusin."

"Dapat lang! Nakikitira ka lang dito, huwag kang umasta na para bang may-ari ka ng bahay!"

Napakagat ako sa labi.

Kung alam lang niya kung gaano ako nagsisikap araw-araw. Umaga pa lang, nasa palengke na ako. Pagsapit ng hapon, naglalako ako ng talaba sa mga kalsada. Minsan, gabi na ako nakakauwi, pagod na pagod at halos hindi na makatayo.

Pero para sa kanya, wala pa rin akong silbi.

"Alam mo, Pitra, malas ka talaga sa pamilya namin! Simula nang tumira ka rito, puro problema na lang ang dinadala mo!"

Napahinto ako sa paglalakad.

Malas?

Ako?

Kung alam lang niyang kung hindi dahil sa akin, baka wala siyang perang maipangsusugal sa mga kaibigan niya!

Pero siyempre, hindi ko sinabi iyon. Baka mamaya, pag-uwi ko, sa labas na ako matulog kasama ng mga aso sa kanto.

"At huwag mong kalilimutan na anak ka lang sa labas! Huwag kang magpanggap na kabilang ka sa pamilyang ito!"

Napayuko ako.

Kahit ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyon, hindi pa rin pala talaga ako nasasanay.

Anak sa labas. Kaya napaisip mga ako kung sino nga ba ang ama ko. Bakit di niya ako hinanap. Oh baka may pamilya na ito kaya di niya ako hinanap. Ang saklap ng buhay ko, kahit masakit ay pilit ko na lang ibaliwala at inilibing ang sarili ko sa pagtitinda ng kahit anu-ano para mabawasan ang mga tanong nasa aking isipan. Pro sana balang araw ay makilala ko ang aking ama.

Iyon ang tawag niya sa akin mula nang maalala ko ang sarili ko. Para bang kasalanan kong isinilang ako sa mundong ito. Para bang pinili kong maging ulila at mapunta sa puder niya.

Minsan, gusto kong itanong kung ano ba talaga ang kasalanan ko sa kanya.

Dahil ba wala akong mga magulang na magtatanggol sa akin?

Dahil ba wala akong apelyidong maipagmamalaki?

O dahil wala akong ibang matakbuhan kapag sinasaktan niya ako sa mga salitang binibitawan niya?

"Tita, ginagawa ko naman po ang lahat para makatulong sa bahay—"

"Wala akong pakialam! Basta huwag kang uuwi nang walang pera!"

Naputol ang tawag.

Napatingin ako sa cellphone ko bago napangiti nang mapait.

"Wow. Napakagandang usapan. Walang kamustahan, walang good luck sa pagtitinda. Pera agad! Sana nagnegosyo na lang siya ng bangko para mas bagay sa personalidad niya."

Napailing ako at muling naglakad.

Sa totoo lang, matagal na akong puwedeng umalis sa bahay nila. Kaya kong magrenta ng maliit na kuwarto. Kaya ko ring magsikap nang hindi kailangang makarinig ng mga lait araw-araw.

Pero may isang dahilan kung bakit nananatili pa rin ako roon.

Si Lola.

Ang nag-iisang taong nagparamdam sa akin na kahit wala akong mga magulang, may isang taong handang magmahal sa akin.

Siya ang yumayakap sa akin kapag umiiyak ako. Siya ang palihim na nagbibigay sa akin ng pagkain kapag hindi ako pinapakain nang maayos ni Tita. At siya rin ang nagsasabi sa akin na hindi ko kailangang patunayan ang halaga ko sa mga taong ayaw akong tanggapin.

Naalala ko ang mga kamay niyang kulubot habang marahang hinahaplos ang buhok ko noon.

"Pitra, apo, huwag mong hayaang baguhin ka ng mundo. Kahit gaano kahirap ang buhay, manatili kang mabuting tao. Darating ang araw na maiintindihan mo rin kung bakit kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito."

Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, tinitiis ko ang lahat.

Dahil ayokong iwan si Lola sa bahay na iyon.

Ayokong maranasan niyang mag-isa, lalo na't alam kong hindi rin naman maganda ang pagtrato sa kanya ng sarili niyang anak.

Kaya kahit masakit, lumalaban ako.

Para sa kanya.

"Konting tiis pa, Pitra," bulong ko sa sarili. "Balang araw, makakabili rin ako ng sariling bahay. May aircon, malambot na kama, at refrigerator na hindi kailangang lagyan ng kandado!"

Napangiti ako sa sarili kong pangarap.

"At siyempre, may malaking kuwarto para kay Lola. Tapos, kapag mayaman na ako, ipaparanas ko sa kanya ang buhay na matagal na niyang deserve."

Muli kong inayos ang balde ng talaba at nagsimulang sumigaw sa mga dumaraang sasakyan.

"TALABA! BILI NA KAYO! FRESH NA FRESH! Masarap ipares sa kanin, sa pulutan, at sa sama ng loob!"

May ilang napatawa sa aking sigaw.

At kahit mabigat ang dibdib ko, ngumiti pa rin ako.

Dahil iyon ang natutuhan ko sa buhay.

Kahit gaano kasakit, kailangan mong bumangon.

Kahit gaano kabigat, kailangan mong lumaban.

At kahit ilang beses kang tawaging walang silbi, huwag mong hayaang maniwala ka sa kanila.

Ngunit habang abala ako sa pagtitinda, isang itim na sasakyan ang dahan-dahang huminto sa kabilang bahagi ng kalsada.

Bumaba ang bintana nito.

At sa loob ay nakaupo ang lalaking bumili ng talaba sa akin kanina.

Si Asher Montenegro Santiago.

Muli siyang napangiti nang makita akong abalang sumisigaw sa mga mamimili.

"Interesting," bulong niya.

Hindi niya alam kung bakit, pero gusto niyang malaman kung ano ang nasa likod ng malapad kong ngiti.

Dahil para sa isang babaeng palaging tumatawa, napansin niyang may lungkot sa mga mata ko na hindi kayang itago ng kahit anong biro.

At sa unang pagkakataon sa buhay niya, hindi pera o negosyo ang dahilan kung bakit gusto niyang malaman ang kuwento ng isang tao.

Kundi ang babaeng nagbebenta ng talaba sa gilid ng kalsada.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 11

    CHAPTER 11“TALABA! TALABA! BILI NA KAYO! FRESH NA FRESH! MAS MASARAP PA SA MGA PANGAKO NG MGA LALAKING WALANG PANININDIGAN!”“Pitra!”Napahinto ako sa pagsigaw nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.Ay, Diyos ko.Hindi pa ako patay, pero parang gusto ko nang magpahukay ng sarili kong libingan. Dahil andito na ang aking tiyahing kulang sa esmeringhoy kay tiyo.Sino ba naman ang hindi makakakilala sa boses ng isang taong kulang na lang ay gawing negosyo ang sarili niyang hininga sa kakahingi ng pera?Ang pinakamamahal kong tiyahin!Si Tiya Belen!Ang babaeng mas mabilis pa sa kidlat kapag pera ang usapan, pero kapag bayaran na ng utang, biglang nagiging bingi!Napalingon ako at nakita ko siyang papalapit sa akin. Nakakunot ang noo, nakapamewang, at ang mukha ay parang nakakita ng multo na may utang sa kaniya.Ay, hindi pala multo.Ako pala ang nakita niya.“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, ha?!” sigaw niya pagkadating sa puwesto ko.Napakurap ako nang dalawang beses.“Goo

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 10

    CHAPTER 10 Pitra POV “Okay na, Sir! Salamat sa pagbili! Balik kayo ulit, ha? Buy one, take one ang talaba ko kapag naging asawa na kita!” Napahinto ako sa pag-aabot ng supot ng talaba kay Mister Bilyonaryo. Este, Mister Talaba pala! Napatingin siya sa akin na para bang gusto niya akong kainin nang buhay. Ay, teka! Hindi naman siguro ako ang gusto niyang kainin. Baka ang talaba ko! “WHAT DID YOU SAY?” tanong niya, nakakunot ang noo. Ngumiti ako nang matamis. “Thank you for buying my oysters, Sir! Come again!” “That's not what you said!” “Talaga po? Baka ibang tindera ang narinig ninyo.” “Precious!” “Wow! Alam mo na ang pangalan ko! Close na tayo!” taas kilay kong sabi dito. Napasinghap ang dalawang lalaking kasama niya. Ang isa ay halos mapaupo sa kakatawa, habang ang isa naman ay nakahawak sa tiyan. Grabe! Mga mayayaman talaga! Hindi ko alam kung bakit, pero parang masaya silang kasama. Para silang mga batang nakakita ng libreng ice cream. Samantalan

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 9

    CHAPTER 9“Driver, bilisan mo!”“Yes, sir!”“Pero huwag kang mag-over speed!”Napalingon sa akin ang driver sa rearview mirror.“Sir?”“Ang sabi ko, bilisan mo pero huwag kang mag-over speed! Hindi mo ba naiintindihan ang English ko?!”“Yes, sir!”Napapikit ako at napahawak sa noo.Shit!Ano ba itong ginagawa ko?Bakit parang mas kinakabahan pa ako kaysa sa isang lalaking unang beses makikipag-date?Hindi naman ako makikipag-date!Bibili lang ako ng talaba!TALABA!T-A-L-A-B-A!Limang letra lang, pero bakit parang sampung taon ang nadadagdag sa buhay ko sa tuwing naiisip ko ang babaeng nagtitinda nito?“HAHAHAHAHAHA!”Napadilat ako nang marinig ang malakas na halakhak nina Lucas at Daniel.“What the fuck are you laughing at?!”Wala silang narinig sa akin dahil lalo pa silang nagtawanan.“Bro!” hawak ni Lucas ang tiyan niya. “Please! Maawa ka sa amin! Baka mamatay kami sa kakatawa!”“Then die quietly!”“HAHAHAHAHA!”Napailing ako.Mga baliw!Talagang mga baliw ang mga kaibigan ko!“Dan

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 8

    CHAPTER 8“Manong, change of route. Sa bar na lang tayo pupunta.”Napatingin sa akin ang driver sa rearview mirror. “Sir, hindi po ba tayo pupunta sa palengke?”“No questions. Just drive.”“Yes, sir.”Sumandal ako sa leather seat at mariing pumikit. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang maisip kong makikita ko na naman ang babaeng iyon.Damn it! That girl.Ano ba ang problema ko? Sa dami ng babaeng gustong makasama ako, bakit iyong tindera ng talaba pa ang hindi maalis sa isip ko?“Psst! Lucas.”“Hmm?” sagot ni Lucas habang nakatingin sa akin.“Daniel.”“Ano?” sabay na sagot ng dalawa.“Wala. Tumahimik nga kayo.”Nagkatinginan sila bago sabay na napangisi.“Bro, hindi ka ba natatakot sa sarili mo?” tanong ni Daniel.Kumunot ang noo ko. “Anong pinagsasasabi mo?”“Kanina, para kang may hinahabol na oras para makapunta sa palengke. Tapos ngayong malapit na tayo, bigla mong pinapalitan ang ruta.” Umayos siya ng upo at itinukod ang siko sa sandalan. “May sakit ka ba?”“Wala!”

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 7

    CHAPTER 7Nang makarating ako sa labas ng company building, agad kong nakita ang itim kong sasakyan na nakaparada sa harapan.Finally!Mabilis akong naglakad papunta roon habang hawak ang cellphone ko. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito bago pa ako maabutan ni Vanessa at muling magtanong kung bakit hindi ko siya pinapansin.Pero pagkalapit ko sa sasakyan, napansin kong bukas ang mga ilaw sa loob nito.May tao.Dalawa.At base sa mga aninong nakikita ko sa bintana, mukhang komportable pa ang mga lintik na iyon.Napakunot ang noo ko.Ano na naman ang ginagawa ng dalawang tukmol na iyon sa sasakyan ko?Hinawakan ko ang door handle at marahas na binuksan ang pinto.Pagkabukas na pagkabukas ko, bumungad sa akin ang dalawang kaibigan kong nakaupo sa loob. Pareho silang nakangisi na para bang nanalo sa lotto, at ang mas nakakainis, sabay pa silang tumingin sa akin.Lucas at Daniel.The two most irritating men in my entire life."Shit!" singhal ko. "You two... OUT!"Hindi man lang sila ku

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 6

    CHAPTER 6Dahil sa kakaisip ko kay Precious, hindi ko namalayang nakapasok na pala sa opisina ko ang secretary kong si Vanessa."Sir Asher?"Hindi ako sumagot."Sir?"Napaangat lamang ang tingin ko nang mapansin kong nasa harapan ko na pala siya."Yes? What is it?"Ngumiti siya bago dahan-dahang lumapit sa mesa ko. Habang naglalakad, halatang sinasadya niyang ipakita ang kanyang mga alindog. Bahagya pa siyang yumuko sa harapan ko upang ilapag ang mga dokumentong hawak niya."These are the documents you need to sign, sir."Napatingin ako sa kanya.Alam ko ang ginagawa niya. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi makilala ang isang babaeng naglalandi.Vanessa had been working for me for almost a year. Maganda siya, matalino, at higit sa lahat, alam niya kung paano ako lapitan.Aaminin ko, hindi lang trabaho ang namamagitan sa amin.Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng sexual relationship sa loob ng nakaraang mga buwan. Walang commitment, walang pangakong pag-aasawa, at walang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status