Share

Chapter 2

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-10-22 21:13:54

CHAPTER 2

Hindi ko alam kung bakit parang mas lalo siyang natuwa sa mga sagot ko. Samantalang ang mga babaeng nakapaligid sa amin ay halos magliyab sa inggit.

"Can I have your number?" bigla niyang tanong.

Napahinto ang kamay kong nag-aayos ng paninda.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.

Ang mga babae naman ay sabay-sabay na napasinghap.

Ay, susmaryosep!

Heto na ba ang pinakahihintay kong pagkakataon?

May lalaking kusang humihingi ng numero ko!

Pero sandali lang.

Baka naman gusto niyang umorder ng talaba nang maramihan?

"Sure!" masigla kong sagot.

Agad kong kinuha ang isang pirasong papel at isinulat ang aking numero.

Pagkatapos, iniabot ko iyon sa kanya kasama ang isang malapad na ngiti.

"Kapag tumawag kayo, sabihin n'yo lang kung ilang kilo ang gusto n'yo. Nagde-deliver din ako!"

Napatitig siya sa papel.

"Delivery?"

"Opo. Pero may delivery f*e kapag malayo. Hindi po ako charity."

Napailing siya habang natatawa.

"You really are something, aren't you?"

"Of course! Fresh na talaba, fresh na personalidad!"

Bago pa siya makasagot, biglang may tumawag sa kanya mula sa mamahaling sasakyang nakaparada sa gilid.

"Sir Asher! We have to go. Your meeting starts in thirty minutes!"

Tumango siya at muling ibinalik sa akin ang tingin.

"See you around, Miss Talaba."

"Hoy! Precious ang pangalan ko! Pitra kung close tayo!"

"Then I'll call you Pitra."

"Libre naman ang pangalan ko, Sir. Hindi kasama sa bayad ang copyright!"

Napangiti siya bago tuluyang tumalikod.

Habang papalayo siya, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga babaeng kanina pa halos malaglag ang mga panga sa sobrang kilig.

"Mga ate, tapos na ang palabas! Wala nang second screening! Bumili na lang kayo ng talaba para may maiuwi kayong pakinabang!"

Nagsimula silang magbulungan habang sinusundan ng tingin ang sasakyan ni Asher.

Ako naman ay nagbilang ng kinita ko.

Isang libong piso!

Limang daang bayad sa talaba, limang daang tip!

Napahawak ako sa dibdib.

"Lord, kung ganito pala kaguwapo ang mga customer na nagbibigay ng tip, handa na po akong mag-overtime araw-araw!"

Ngunit bago pa ako makapagdiwang nang tuluyan, muling nag-vibrate ang cellphone ko.

Si Tita na naman.

Tita: Huwag kang uuwi nang walang dalang pera. At bumili ka ng karne para sa hapunan. May bisita tayo mamaya.

Napakunot ang noo ko.

Karne?

Bisita?

At sino na naman ang pakakainin ko?

Napabuntong-hininga ako habang pinupulot ang mga gamit ko.

Bahala na nga.

Basta ang alam ko, mamayang hapon ay kailangan ko pang maglako ng talaba sa kabilang kalsada.

Hindi ko alam na sa mismong araw na iyon, may isang bilyonaryong hindi na makakalimot sa pangalan ko.

At ang mas nakakainis? Mukhang hindi lang talaba ang gusto niyang balikan.

"No, Pitra! No!" mariin kong sabi sa sarili habang naglalakad sa gilid ng kalsada, bitbit ang aking balde na puno ng talaba.

"Siguradong playboy 'yon! Mag-asawa ka na lang ng pangit, huwag pogi!"

Tumango-tango pa ako na para bang may kausap akong konsehal sa barangay. Kaso, ilang segundo lang ay napangiwi ako.

"Pero teka lang..."

Huminto ako sa paglalakad at napatingin sa kawalan.

"Ano kayang hitsura ng anak namin kung ang maging asawa ko ay pangit?"

Napahawak ako sa baba at seryosong pinag-isipan ang bagay na iyon.

"Susmaryosep! Baka magmukhang bagong pisang sisiw na nalaglag sa kanal!"

Napangiwi ako sa sarili kong imahinasyon.

"Eh, kung gwapo naman ang mapangasawa ko, baka naman magmana sa akin ang anak namin. Ay, patay! Kawawa rin pala!"

Napahawak ako sa pisngi.

"Lord, sorry po! Alam kong ginawa N'yo akong maganda sa paningin N'yo, pero sana naman huwag N'yo akong bigyan ng anak na kamukha ko. Kahit ilong lang ng magiging asawa ko, puwede na!"

Muli akong naglakad habang napapailing sa sarili.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga iniisip ang pag-aasawa. Marami pa akong kailangang gawin. Kailangan kong makaipon, makabili ng sarili kong bahay, at higit sa lahat, makaalis sa poder ng tiyahin kong parang may personal na galit sa bawat pisong kinikita ko.

Pero hindi naman masamang mangarap, 'di ba?

Malay ko ba kung bukas o sa makalawa ay makatagpo ako ng lalaking mamahalin ako nang totoo.

Ang problema, saan ako makakahanap ng ganoong lalaki?

Sa palengke?

Baka mamaya, imbes na singsing ang iregalo sa akin, kaliskis ng bangus!

Sa simbahan?

Baka naman pari ang mapili ko!

Sa dating app?

Naku! Baka imbes na prinsipe ang makilala ko, magnanakaw ng litrato!

"Ay, Pitra! Tama na nga ang kakaisip mo!" saway ko sa sarili. "Magtrabaho ka na lang. Mas sigurado pang kikita ka kaysa umasa sa pag-ibig!"

Pagdating ko sa kabilang kanto, nagsimula na akong sumigaw.

"TALABA! TALABA! BILI NA KAYO! FRESH NA FRESH! MAS MASARAP PA SA EX N'YONG HINDI MARUNONG MAG-SORRY!"

May ilang napalingon sa akin. Ang iba ay natawa, habang ang isang lalaki ay napahinto sa pag-inom ng soft drink.

"Magkano, miss?" tanong niya.

"Depende po sa laki ng kukunin ninyo!"

"Eh, magkano ang pinakamalaki?"

Napangisi ako.

"Sir, kung talaba ang tinatanong n'yo, may presyo. Pero kung ibang bagay, huwag po rito. Maraming bata!"

Nabulunan ang lalaki sa iniinom niya.

Napahalakhak naman ako habang nagpatuloy sa paglalako.

Ganoon talaga ako. Mahirap na nga ang buhay, hindi pa puwedeng maging malungkot buong araw. Kung wala akong pera, kahit papaano, may humor naman ako.

Nang makarating ako sa tapat ng isang malaking gusali, saglit akong huminto upang magpahinga.

Napatingala ako sa matatayog na pader na salamin at sa mga mamahaling sasakyang sunod-sunod na pumapasok sa entrance.

"Grabe! Parang dito nagtatrabaho ang mga taong hindi kailangang tumingin sa presyo bago umorder ng pagkain."

Napatingin ako sa baon kong tinapay.

"Samantalang ako, kapag nadagdagan ng limang piso ang presyo ng sardinas, parang gusto ko nang mag-file ng reklamo sa Malacañang."

Napailing ako at muling inayos ang aking balde.

Saka ko naisip ang lalaking nakilala ko kanina.

Si Asher Montenegro Santiago.

Gwapo. Mayaman. At mukhang may sariling oxygen ang bawat babaeng nakapaligid sa kanya.

"Pero hindi, Pitra! Huwag kang magpapadala!" bulong ko sa sarili. "Baka mamaya, may asawa na pala 'yon. Tapos ikaw pa ang maging kontrabida sa buhay ng iba!"

Napatango ako.

Tama!

Hindi ko kailangan ng lalaking maraming babae. Gusto ko ng lalaking tapat, responsable, at marunong maghugas ng pinggan.

Bonus na lang kung mayaman.

Double bonus kung mayaman at gwapo.

Triple bonus kung ako lang ang babae sa buhay niya.

"Ay, Lord! Ang taas naman pala ng standards ko!" napasigaw ako.

Bigla akong napatingin sa paligid nang mapansing may ilang taong nakatingin sa akin.

Ngumiti ako nang pilit.

"Sorry po. May kausap lang akong future husband ko!"

Mabilis silang nag-iwas ng tingin.

Napailing ako.

Hay, Pitra! Kung may bayad lang ang bawat kahibangang pumapasok sa utak mo, baka mas mayaman ka pa sa mga taong nasa gusaling ito.

Hindi ko alam na sa loob ng gusaling iyon ay may isang lalaking kasalukuyang nakatitig sa CCTV monitor ng security room.

Isang lalaking nakasuot ng mamahaling suit, may hawak na cellphone, at may ngiting hindi maipaliwanag.

Si Asher Montenegro Santiago.

"Find out everything about her," malamig niyang utos sa kanyang assistant.

"Everything, sir?"

Tumango si Asher habang muling tinitingnan ang babaeng naglalako ng talaba sa labas.

"Her name, where she lives, and what she does."

"May I ask why, sir?"

Bahagyang ngumiti ang bilyonaryo.

"Because I'm curious."

Ngunit ang hindi niya sinabi ay ang totoo.

Sa loob ng maraming taon, ngayon lamang siya nakatagpo ng babaeng hindi nagpatihulog sa kanyang kaguwapuhan.

At hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.

Dahil si Asher Montenegro Santiago ay sanay na siya ang hinahabol.

Hindi ang siya ang naghahabol.

Samantala, ako naman ay abalang nagbibilang ng mga natitirang talaba sa aking balde.

"Isa, dalawa, tatlo..."

Bigla akong napahinto at napatingin sa langit.

"Lord, kung mayaman po talaga si Asher, kahit isang beses lang po sana akong makapag-dinner sa restaurant na walang plastik na upuan!"

Pagkatapos ay napangisi ako.

"Pero kung puwede, Lord, sa restaurant na may aircon. Ayoko pong kumain habang pinagpapawisan ang kaluluwa ko!"

At dahil wala akong ideya sa binabalak ng isang bilyonaryo, nagpatuloy lang ako sa aking buhay.

Hindi ko alam na sa susunod naming pagkikita, hindi na talaba ang magiging problema ko. Kundi ang mismong lalaking pilit kong iniiwasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 11

    CHAPTER 11“TALABA! TALABA! BILI NA KAYO! FRESH NA FRESH! MAS MASARAP PA SA MGA PANGAKO NG MGA LALAKING WALANG PANININDIGAN!”“Pitra!”Napahinto ako sa pagsigaw nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.Ay, Diyos ko.Hindi pa ako patay, pero parang gusto ko nang magpahukay ng sarili kong libingan. Dahil andito na ang aking tiyahing kulang sa esmeringhoy kay tiyo.Sino ba naman ang hindi makakakilala sa boses ng isang taong kulang na lang ay gawing negosyo ang sarili niyang hininga sa kakahingi ng pera?Ang pinakamamahal kong tiyahin!Si Tiya Belen!Ang babaeng mas mabilis pa sa kidlat kapag pera ang usapan, pero kapag bayaran na ng utang, biglang nagiging bingi!Napalingon ako at nakita ko siyang papalapit sa akin. Nakakunot ang noo, nakapamewang, at ang mukha ay parang nakakita ng multo na may utang sa kaniya.Ay, hindi pala multo.Ako pala ang nakita niya.“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, ha?!” sigaw niya pagkadating sa puwesto ko.Napakurap ako nang dalawang beses.“Goo

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 10

    CHAPTER 10 Pitra POV “Okay na, Sir! Salamat sa pagbili! Balik kayo ulit, ha? Buy one, take one ang talaba ko kapag naging asawa na kita!” Napahinto ako sa pag-aabot ng supot ng talaba kay Mister Bilyonaryo. Este, Mister Talaba pala! Napatingin siya sa akin na para bang gusto niya akong kainin nang buhay. Ay, teka! Hindi naman siguro ako ang gusto niyang kainin. Baka ang talaba ko! “WHAT DID YOU SAY?” tanong niya, nakakunot ang noo. Ngumiti ako nang matamis. “Thank you for buying my oysters, Sir! Come again!” “That's not what you said!” “Talaga po? Baka ibang tindera ang narinig ninyo.” “Precious!” “Wow! Alam mo na ang pangalan ko! Close na tayo!” taas kilay kong sabi dito. Napasinghap ang dalawang lalaking kasama niya. Ang isa ay halos mapaupo sa kakatawa, habang ang isa naman ay nakahawak sa tiyan. Grabe! Mga mayayaman talaga! Hindi ko alam kung bakit, pero parang masaya silang kasama. Para silang mga batang nakakita ng libreng ice cream. Samantalan

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 9

    CHAPTER 9“Driver, bilisan mo!”“Yes, sir!”“Pero huwag kang mag-over speed!”Napalingon sa akin ang driver sa rearview mirror.“Sir?”“Ang sabi ko, bilisan mo pero huwag kang mag-over speed! Hindi mo ba naiintindihan ang English ko?!”“Yes, sir!”Napapikit ako at napahawak sa noo.Shit!Ano ba itong ginagawa ko?Bakit parang mas kinakabahan pa ako kaysa sa isang lalaking unang beses makikipag-date?Hindi naman ako makikipag-date!Bibili lang ako ng talaba!TALABA!T-A-L-A-B-A!Limang letra lang, pero bakit parang sampung taon ang nadadagdag sa buhay ko sa tuwing naiisip ko ang babaeng nagtitinda nito?“HAHAHAHAHAHA!”Napadilat ako nang marinig ang malakas na halakhak nina Lucas at Daniel.“What the fuck are you laughing at?!”Wala silang narinig sa akin dahil lalo pa silang nagtawanan.“Bro!” hawak ni Lucas ang tiyan niya. “Please! Maawa ka sa amin! Baka mamatay kami sa kakatawa!”“Then die quietly!”“HAHAHAHAHA!”Napailing ako.Mga baliw!Talagang mga baliw ang mga kaibigan ko!“Dan

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 8

    CHAPTER 8“Manong, change of route. Sa bar na lang tayo pupunta.”Napatingin sa akin ang driver sa rearview mirror. “Sir, hindi po ba tayo pupunta sa palengke?”“No questions. Just drive.”“Yes, sir.”Sumandal ako sa leather seat at mariing pumikit. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang maisip kong makikita ko na naman ang babaeng iyon.Damn it! That girl.Ano ba ang problema ko? Sa dami ng babaeng gustong makasama ako, bakit iyong tindera ng talaba pa ang hindi maalis sa isip ko?“Psst! Lucas.”“Hmm?” sagot ni Lucas habang nakatingin sa akin.“Daniel.”“Ano?” sabay na sagot ng dalawa.“Wala. Tumahimik nga kayo.”Nagkatinginan sila bago sabay na napangisi.“Bro, hindi ka ba natatakot sa sarili mo?” tanong ni Daniel.Kumunot ang noo ko. “Anong pinagsasasabi mo?”“Kanina, para kang may hinahabol na oras para makapunta sa palengke. Tapos ngayong malapit na tayo, bigla mong pinapalitan ang ruta.” Umayos siya ng upo at itinukod ang siko sa sandalan. “May sakit ka ba?”“Wala!”

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 7

    CHAPTER 7Nang makarating ako sa labas ng company building, agad kong nakita ang itim kong sasakyan na nakaparada sa harapan.Finally!Mabilis akong naglakad papunta roon habang hawak ang cellphone ko. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito bago pa ako maabutan ni Vanessa at muling magtanong kung bakit hindi ko siya pinapansin.Pero pagkalapit ko sa sasakyan, napansin kong bukas ang mga ilaw sa loob nito.May tao.Dalawa.At base sa mga aninong nakikita ko sa bintana, mukhang komportable pa ang mga lintik na iyon.Napakunot ang noo ko.Ano na naman ang ginagawa ng dalawang tukmol na iyon sa sasakyan ko?Hinawakan ko ang door handle at marahas na binuksan ang pinto.Pagkabukas na pagkabukas ko, bumungad sa akin ang dalawang kaibigan kong nakaupo sa loob. Pareho silang nakangisi na para bang nanalo sa lotto, at ang mas nakakainis, sabay pa silang tumingin sa akin.Lucas at Daniel.The two most irritating men in my entire life."Shit!" singhal ko. "You two... OUT!"Hindi man lang sila ku

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 6

    CHAPTER 6Dahil sa kakaisip ko kay Precious, hindi ko namalayang nakapasok na pala sa opisina ko ang secretary kong si Vanessa."Sir Asher?"Hindi ako sumagot."Sir?"Napaangat lamang ang tingin ko nang mapansin kong nasa harapan ko na pala siya."Yes? What is it?"Ngumiti siya bago dahan-dahang lumapit sa mesa ko. Habang naglalakad, halatang sinasadya niyang ipakita ang kanyang mga alindog. Bahagya pa siyang yumuko sa harapan ko upang ilapag ang mga dokumentong hawak niya."These are the documents you need to sign, sir."Napatingin ako sa kanya.Alam ko ang ginagawa niya. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi makilala ang isang babaeng naglalandi.Vanessa had been working for me for almost a year. Maganda siya, matalino, at higit sa lahat, alam niya kung paano ako lapitan.Aaminin ko, hindi lang trabaho ang namamagitan sa amin.Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng sexual relationship sa loob ng nakaraang mga buwan. Walang commitment, walang pangakong pag-aasawa, at walang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status