Share

ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)
ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)
Author: SKYGOODNOVEL

Chapter 1

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-10-22 21:08:32

CHAPTER 1

Pitra POV

"Oh, isda! Isda! Galunggong, madam! Fresh na fresh! Dalawang daan at limampung piso kada kilo! Bili na kayo! Baka mamaya, pati asawa n'yo, isda na ang ulam!" malakas kong sigaw sa mga dumaraang mamimili sa tapat ng aking puwesto.

Napahinto ang isang ale at napatingin sa akin.

"Ha? Bakit naman pati asawa ko?"

"Para po hindi na kayo mag-away, madam. Isda na lang ang pagdiskitahan n'yo. Mas mura pa kaysa magpa-annulment!" nakangisi kong sagot.

Napailing siya habang natatawa, pero hindi rin nakatangging bumili ng isang kilong galunggong.

Aba! Diskarte lang 'yan!

Sa panahon ngayon, hindi puwedeng puro tindang isda lang ang puhunan mo. Kailangan may kasamang magandang sales talk, konting humor, at kaunting pang-uuto. Basta walang naloloko, puwede na!

Ako nga pala si Precious, pero mas kilala sa palengke bilang Pitra. Bente sais anyos, single since birth, at sa kasamaang-palad, wala pa ring lalaking naglalakas-loob na umangkin sa puso ko.

Hindi naman sa nagmamadali akong mag-asawa. Ang problema, kahit man lang sana may magbigay sa akin ng libreng milktea o maghatid ng bulaklak, wala! Ni isang pirasong tuyong santan, hindi ako nakatanggap!

Baka naman kasi ang mga lalaking nakakasalubong ko ay takot sa akin. Hindi naman ako nangangagat. Maliban na lang kung may atraso sila.

"Hoy, Pitra! Huwag kang puro satsat diyan! Baka mamaya, mas maraming salita kaysa isdang mabenta mo!" sigaw ni Aling Nena, ang katabing tindera ko.

"Aba, Aling Nena! At least, ako may satsat! Kayo nga, kahit buong araw nakaupo, parang wala nang buhay ang mukha!"

"Sus! Bastos na bata!"

"Thank you po! Mana lang sa kapaligiran!"

Napahalakhak ang ilang mamimili. Si Aling Nena naman ay napailing na lang habang inaayos ang kanyang paninda.

Ganyan talaga ang buhay ko. Kung hindi ako nagtatrabaho, nakikipagbardagulan ako. Kung hindi ako nakikipagbardagulan, nag-iisip ako kung paano pagkakasyahin ang kinikita ko.

Maaga akong namulat sa hirap. Ulila na ako at nakatira sa bahay ng tiyahin kong para bang araw-araw ay may bayad ang bawat paghinga ko sa ilalim ng bubong niya.

Kaya naman, mula umaga hanggang tanghali, dito ako sa palengke nagtitinda ng isda. Pagsapit naman ng hapon, iba na ang trabaho ko.

Maglalako ako ng TALABA sa mga kalsada.

Oo, tama ang narinig ninyo. Talaba!

Fresh na talaba, masarap na talaba, talabang siguradong mapapapikit ka sa sarap!

Hindi ko alam kung bakit wala pang nakakaisip na gawing sikat na slogan iyon. Kung may mga lalaking puwedeng magbenta ng kung anu-anong produkto sa telebisyon, bakit hindi puwedeng ako?

Malay mo, balang araw, maging CEO ako ng pinakamalaking kumpanya ng talaba sa buong Pilipinas!

Pangarap lang? Hindi! May vision ako, mga besh!

"Pitra, alas-dose na! Kumain ka muna!" tawag ni Aling Nena.

"Sandali lang po! May dalawang kilo pa akong kailangang maibenta!"

"Eh, paano kung mahilo ka na naman diyan?"

"Eh, di libre na ang isda ko sa mga makakakita sa akin!"

"Lintik ka talagang bata ka!"

Natawa ako habang inaayos ang mga natitirang isda sa palanggana.

Pero bago pa ako makapagsigaw ulit, biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Isang mensahe mula sa tiyahin ko.

Tita: Pitra, huwag kang uuwi nang walang dalang pera. May mga bayarin dito. Huwag mong kalimutang nakikitira ka lang sa bahay ko.

Napabuntong-hininga ako.

Ayan na naman tayo.

Ni hindi man lang nagtanong kung kumain na ba ako o kung buhay pa ba ako. Pera agad ang bungad.

Napatingin ako sa maruruming kuko ko, sa mga kamay na halos araw-araw ay amoy isda, at sa damit kong ilang beses nang nalabhan hanggang sa halos mawalan na ng kulay.

Minsan, nakakapagod din pala.

Pero saglit lang ang lungkot ko dahil may isang mamimiling lumapit sa puwesto ko.

"Miss, magkano ang talaba?"

Agad akong ngumiti.

"Depende po, sir! Gusto n'yo ba ng maliit, katamtaman, o malaki?"

Napakunot-noo ang lalaki.

"Talaba ang tinatanong ko."

"Alam ko po! Kaya nga nagtatanong ako kung anong size ang gusto n'yo!"

Umiling siya, tila hindi makapaniwala sa akin.

"Malaki."

Napangisi ako.

"Good choice, sir! Mas sulit talaga kapag malaki!"

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang ngiti siyang pinipigilan habang nakatingin sa akin.

Ano ba? May dumi ba sa mukha ko?

O baka naman nabighani na siya sa aking natural na kagandahan?

Aba, sa wakas! May himala rin pala!

Pero nang ilabas niya ang wallet niya, saka ko napansin ang mamahaling relo sa kanyang pulsuhan at ang kotse na nakaparada sa kabilang kalsada.

Mukhang mayaman.

At mukhang hindi marunong tumawad.

Napangiti ako nang mas malawak.

Lord, salamat po! Ito na ba ang sagot sa mga panalangin kong makatagpo ng lalaking may pera?

Hindi ko pa alam na ang simpleng pagbebenta ko ng talaba sa araw na iyon ang magiging simula ng pinakamagulong kabanata ng buhay ko.

Dahil ang lalaking nasa harapan ko ay hindi ordinaryong mamimili.

At ang mas malala?

Hindi ko pa alam na balang araw, ang lalaking iyon ang magiging dahilan kung bakit gugustuhin kong magretiro nang maaga sa paglalako ng talaba.

O baka naman hindi. Depende kung magkano ang ibabayad niya!

Hindi ko na namalayan na dumami na pala ang mga tao sa paligid ko. Este, hindi pala basta mga tao—mga babae!

At ang mga bruha, este, mga ate, parang mga kandilang natutunaw sa sobrang kilig habang nakatingin sa lalaking kaharap ko.

May isa pang halos mapatalon sa tuwa habang kinikilig na tinatakpan ang bibig. Ang isa naman, panay ang kuha ng litrato gamit ang cellphone. Para silang mga nakakita ng artista na biglang bumaba mula sa langit.

Napataas tuloy ang kilay ko habang salit-salitang tinitingnan ang mga mukha nila.

Ano ba'ng meron sa lalaking ito? May pakpak ba siya? May gintong sungay? O baka naman may libreng pera siyang ipinamimigay?

Napatingin ako sa lalaking bumibili ng talaba sa harapan ko. Gwapo naman, hindi ko maikakaila. Matangkad, matikas ang pangangatawan, maayos ang buhok, at mukhang hindi pa nakakaranas maglaba ng sariling brief sa buong buhay niya.

Pero para sa akin, mukha lang naman siyang lalaking may kakayahang bumili ng buong palengke.

Big deal ba iyon?

"Hoy, mga chulalat! Para kayong mga butiking naputulan ng buntot kung makakilig! Ano ba'ng nakita ninyo sa lalaking 'yan? May libreng load ba siya? O may pa-raffle ng isang kilong bigas?" pang-aasar kong tanong.

Agad na napalingon sa akin ang mga babae.

"Excuse me! Alam mo ba kung sino 'yan?" singhal ng isang babaeng nakasuot ng pink na damit.

"Oo naman. Mamimili ng talaba."

Nagtawanan ang ilang tao sa paligid.

"Ang tanga mo! Si Asher Montenegro Santiago 'yan!"

Napakurap ako.

Asher Montenegro Santiago?

Parang pangalan ng kontrabida sa teleseryeng may limang mansion at sampung kabit.

"So?" inosente kong tanong. "May discount ba kapag may pangalan siyang ganyan kahaba?"

Lalong lumakas ang tawanan ng mga tao.

Napatingin naman sa akin ang lalaking tinatawag nilang Asher. Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi niya, tila naaaliw sa pinagsasasabi ko.

"Miss, hindi mo ba talaga ako kilala?" tanong niya.

Umiling ako habang abala sa pagsasalin ng talaba sa supot.

"Dapat ba?"

"I'm Asher Montenegro Santiago."

"Congratulations!"

Natigilan siya.

Maging ang mga babaeng nasa paligid ay tila nawalan ng hangin sa dibdib.

Ako naman, abalang-abala sa pagtimbang ng kanyang binili.

"May premyo po ba kapag nakilala ko kayo, Sir Asher? Kung wala, bayad na lang po. Marami pa akong talabang kailangang ibenta."

Ipinatong ko sa timbangan ang supot at ngumiti nang matamis.

"Limang daan po lahat."

Tumingin siya sa supot, pagkatapos ay sa akin.

"Five hundred?"

"Opo. Bakit? Mahal po ba? Kung gusto n'yo, puwede ko namang bawasan."

Bahagyang umangat ang kilay niya.

"How much?"

"Yung talaba? Hindi ko babawasan. Yung ngiti ko, puwede kong dagdagan. Baka sakaling magbigay kayo ng tip."

Natawa ang lalaking nasa likuran niya.

Si Asher naman ay tuluyan nang napangiti. Inilabas niya ang kanyang wallet at kumuha ng isang libong piso.

"Keep the change."

Napanganga ako.

Hala! Langit!

Mayaman nga talaga!

Mabilis kong inabot ang pera at isinilid sa aking maliit na lalagyan.

"Maraming salamat, Sir! Balik po kayo! Kapag nagustuhan n'yo ang talaba ko, may promo akong sampung kilo, libre ang pambobola!"

"Is that so?" nakangiting tanong niya.

"Opo! Pero sa mga gwapo lang. Kapag pangit, bayad pati pambobola!" Muli siyang natawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 11

    CHAPTER 11“TALABA! TALABA! BILI NA KAYO! FRESH NA FRESH! MAS MASARAP PA SA MGA PANGAKO NG MGA LALAKING WALANG PANININDIGAN!”“Pitra!”Napahinto ako sa pagsigaw nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.Ay, Diyos ko.Hindi pa ako patay, pero parang gusto ko nang magpahukay ng sarili kong libingan. Dahil andito na ang aking tiyahing kulang sa esmeringhoy kay tiyo.Sino ba naman ang hindi makakakilala sa boses ng isang taong kulang na lang ay gawing negosyo ang sarili niyang hininga sa kakahingi ng pera?Ang pinakamamahal kong tiyahin!Si Tiya Belen!Ang babaeng mas mabilis pa sa kidlat kapag pera ang usapan, pero kapag bayaran na ng utang, biglang nagiging bingi!Napalingon ako at nakita ko siyang papalapit sa akin. Nakakunot ang noo, nakapamewang, at ang mukha ay parang nakakita ng multo na may utang sa kaniya.Ay, hindi pala multo.Ako pala ang nakita niya.“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, ha?!” sigaw niya pagkadating sa puwesto ko.Napakurap ako nang dalawang beses.“Goo

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 10

    CHAPTER 10 Pitra POV “Okay na, Sir! Salamat sa pagbili! Balik kayo ulit, ha? Buy one, take one ang talaba ko kapag naging asawa na kita!” Napahinto ako sa pag-aabot ng supot ng talaba kay Mister Bilyonaryo. Este, Mister Talaba pala! Napatingin siya sa akin na para bang gusto niya akong kainin nang buhay. Ay, teka! Hindi naman siguro ako ang gusto niyang kainin. Baka ang talaba ko! “WHAT DID YOU SAY?” tanong niya, nakakunot ang noo. Ngumiti ako nang matamis. “Thank you for buying my oysters, Sir! Come again!” “That's not what you said!” “Talaga po? Baka ibang tindera ang narinig ninyo.” “Precious!” “Wow! Alam mo na ang pangalan ko! Close na tayo!” taas kilay kong sabi dito. Napasinghap ang dalawang lalaking kasama niya. Ang isa ay halos mapaupo sa kakatawa, habang ang isa naman ay nakahawak sa tiyan. Grabe! Mga mayayaman talaga! Hindi ko alam kung bakit, pero parang masaya silang kasama. Para silang mga batang nakakita ng libreng ice cream. Samantalan

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 9

    CHAPTER 9“Driver, bilisan mo!”“Yes, sir!”“Pero huwag kang mag-over speed!”Napalingon sa akin ang driver sa rearview mirror.“Sir?”“Ang sabi ko, bilisan mo pero huwag kang mag-over speed! Hindi mo ba naiintindihan ang English ko?!”“Yes, sir!”Napapikit ako at napahawak sa noo.Shit!Ano ba itong ginagawa ko?Bakit parang mas kinakabahan pa ako kaysa sa isang lalaking unang beses makikipag-date?Hindi naman ako makikipag-date!Bibili lang ako ng talaba!TALABA!T-A-L-A-B-A!Limang letra lang, pero bakit parang sampung taon ang nadadagdag sa buhay ko sa tuwing naiisip ko ang babaeng nagtitinda nito?“HAHAHAHAHAHA!”Napadilat ako nang marinig ang malakas na halakhak nina Lucas at Daniel.“What the fuck are you laughing at?!”Wala silang narinig sa akin dahil lalo pa silang nagtawanan.“Bro!” hawak ni Lucas ang tiyan niya. “Please! Maawa ka sa amin! Baka mamatay kami sa kakatawa!”“Then die quietly!”“HAHAHAHAHA!”Napailing ako.Mga baliw!Talagang mga baliw ang mga kaibigan ko!“Dan

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 8

    CHAPTER 8“Manong, change of route. Sa bar na lang tayo pupunta.”Napatingin sa akin ang driver sa rearview mirror. “Sir, hindi po ba tayo pupunta sa palengke?”“No questions. Just drive.”“Yes, sir.”Sumandal ako sa leather seat at mariing pumikit. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang maisip kong makikita ko na naman ang babaeng iyon.Damn it! That girl.Ano ba ang problema ko? Sa dami ng babaeng gustong makasama ako, bakit iyong tindera ng talaba pa ang hindi maalis sa isip ko?“Psst! Lucas.”“Hmm?” sagot ni Lucas habang nakatingin sa akin.“Daniel.”“Ano?” sabay na sagot ng dalawa.“Wala. Tumahimik nga kayo.”Nagkatinginan sila bago sabay na napangisi.“Bro, hindi ka ba natatakot sa sarili mo?” tanong ni Daniel.Kumunot ang noo ko. “Anong pinagsasasabi mo?”“Kanina, para kang may hinahabol na oras para makapunta sa palengke. Tapos ngayong malapit na tayo, bigla mong pinapalitan ang ruta.” Umayos siya ng upo at itinukod ang siko sa sandalan. “May sakit ka ba?”“Wala!”

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 7

    CHAPTER 7Nang makarating ako sa labas ng company building, agad kong nakita ang itim kong sasakyan na nakaparada sa harapan.Finally!Mabilis akong naglakad papunta roon habang hawak ang cellphone ko. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito bago pa ako maabutan ni Vanessa at muling magtanong kung bakit hindi ko siya pinapansin.Pero pagkalapit ko sa sasakyan, napansin kong bukas ang mga ilaw sa loob nito.May tao.Dalawa.At base sa mga aninong nakikita ko sa bintana, mukhang komportable pa ang mga lintik na iyon.Napakunot ang noo ko.Ano na naman ang ginagawa ng dalawang tukmol na iyon sa sasakyan ko?Hinawakan ko ang door handle at marahas na binuksan ang pinto.Pagkabukas na pagkabukas ko, bumungad sa akin ang dalawang kaibigan kong nakaupo sa loob. Pareho silang nakangisi na para bang nanalo sa lotto, at ang mas nakakainis, sabay pa silang tumingin sa akin.Lucas at Daniel.The two most irritating men in my entire life."Shit!" singhal ko. "You two... OUT!"Hindi man lang sila ku

  • ANG MASARAP KONG TALABA (SSPG)   Chapter 6

    CHAPTER 6Dahil sa kakaisip ko kay Precious, hindi ko namalayang nakapasok na pala sa opisina ko ang secretary kong si Vanessa."Sir Asher?"Hindi ako sumagot."Sir?"Napaangat lamang ang tingin ko nang mapansin kong nasa harapan ko na pala siya."Yes? What is it?"Ngumiti siya bago dahan-dahang lumapit sa mesa ko. Habang naglalakad, halatang sinasadya niyang ipakita ang kanyang mga alindog. Bahagya pa siyang yumuko sa harapan ko upang ilapag ang mga dokumentong hawak niya."These are the documents you need to sign, sir."Napatingin ako sa kanya.Alam ko ang ginagawa niya. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi makilala ang isang babaeng naglalandi.Vanessa had been working for me for almost a year. Maganda siya, matalino, at higit sa lahat, alam niya kung paano ako lapitan.Aaminin ko, hindi lang trabaho ang namamagitan sa amin.Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng sexual relationship sa loob ng nakaraang mga buwan. Walang commitment, walang pangakong pag-aasawa, at walang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status