BEATRICE POVNatigilan ako habang nakatitig sa mga mata ni Reno. Ang init ng palad niya sa baba ko ay parang kuryenteng lumalatay sa buong katawan ko. Apat na taon kong itinago sa likod ng mga gawaing-bahay, scheduling, at pagiging perpektong sekretarya ang anumang atraksyon na naramdaman ko para sa kaniya. Pero ngayong gabi, kung kailan gumuho na ang buong mundo ko, wala na akong lakas para magpanggap."Mr. Legazpi..." pabulong kong sabi, halos kapusin ng hangin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. "Mali 'to. Boss kita.""Gusto kong kalimutan mo muna kung sino ako ngayong gabi, Bea," malamig ngunit garalgal niyang sagot. "Tumingin ka sa akin. Hindi bilang CEO mo, kundi bilang lalaking matagal nang nagtitimpi sa 'yo."Bago pa ako makasagot, inagaw na niya ang baso ng tubig sa kamay ko at mabilis iyong ibinaba sa katabing side table. Sa isang mabilis at kabig na galaw, isinandal niya ako sa pader ng kaniyang living room.Napasinghap ako nang dumapo ang kaniyang mga labi sa akin. Nung
Last Updated : 2026-10-23 Read more