Share

CHAPTER 5

Author: YANGSLIM
last update publish date: 2026-10-23 16:46:20

BEATRICE POV

Hindi ako nakatutog kahit isang segundo buong gabi. Sa isang murang motel malapit sa EDSA ako nagpalipas ng madaling-araw, hawak ang bag ko habang nakatitig sa lumang kisame. Bawat oras na lumilipas, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang lahat: kailangan ko nang tumakbo.

Ang boundary na apat na taon kong iningatan ay wala na. Nilamon na ng emosyon, ng galit, at ng matinding atraksyon na hindi na pwedeng pigilin ng simpleng propesyonalismo. Kapag nanatili pa ako sa kumpanyang ito sa tabi ni Reno, unti-unti akong mawawalan ng kontrol sa sarili kong buhay. Kakainin ako ng sarili kong nararamdaman para sa kaniya hanggang sa wala nang maiwan sa dignidad ko.

Alas-siyete pa lang ng umaga, nakaupo na ako sa mesa ko sa 40th floor.

Mabilis kong itinape ang mga huling naiwang gamit ko sa maliliit na kahon. Pagkatapos, kumuha ako ng malinis na bond paper mula sa drawer at iniprint ang isang dokumentong kagabi ko pa inihanda: my Immediate Resignation Letter.

Hawak ang puting sobre, pumasok ako sa loob ng napakalaking suite ni Reno. Inilagay ko ang kape niya sa gilid ng mesa, at sa gitna mismo ng kaniyang desk, ibinaba ko ang sobre.

Lumipas ang dalawampong minuto. Narinig ko ang pamilyar na tunog ng mga hakbang niya sa may hallway.

Bumukas ang p***o. Pumasok si Reno, nakasuot ng dark charcoal suit, maayos ang buhok, at kapansin-pansin ang matatalim niyang mata na agad na dumaan sa akin bago lumipat sa ibabaw ng kaniyang mesa.

Nakatayo lang ako sa harap ng kaniyang desk, diretso ang likod at nakatupi ang dalawang kamay sa aking harapan.

Inabot niya ang sobre. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at binasa ang nakasulat. Sa bawat segundong tumatakbo, nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mukha—mula sa malamig na ekspresyon patungo sa matinding galit na halos magpalabas ng mga ugat sa kaniyang leeg.

"Anong kabaliwan 'to, Bea?" malamig at garalgal niyang tanong habang itinaas ang papel.

"I am resigning, Mr. Legazpi," sagot ko nang walang katiting na panginginig sa boses. "Effective immediately. Hindi na po magiging maganda ang performance ko rito kung mananatili ako. Na-cross na natin ang linya, at hindi ko na kayang magpanggap na walang nangyari."

Lalong kumitid ang mga mata niya. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair, dahan-dahang lumakad paikot sa mesa hanggang sa makatayo siya sa mismong harap ko.

"You're running away," akusasyon niya.

"I'm protecting myself, Sir," mabilis kong bawi. "Gusto kong maging maayos ang career ko. Ayokong mawala ang lahat ng pinaghirapan ko dahil lang sa gulo sa pagitan nating dalawa. Hahayaan ko na lang po na ang HR ang mag-process ng clearance ko—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hawak na ni Reno ang sulat.

Sa mismong tapat ng mukha ko, walang alinlangang pinunit niya ang papel sa dalawa. Pagkatapos ay pinunit niya muli 'yon nang paulit-ulit hanggang sa maging maliliit na piraso bago niya inihagis sa sahig.

Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya.

"Reno! Ano ba?!" napasigaw ako, nakalimutan ang pormal na tawag sa kaniya sa sobrang gulat.

Tinalikuran niya ako, naglakad patungo sa p***o ng kaniyang executive suite, at mabilis na pinalitan ang lock nito mula sa loob. Narinig ko ang malakas na *click* ng electronic lock. Pinatay rin niya ang automatic blinds ng mga salamin na pader, dahilan para maging saradong-sarado ang buong opisina sa paningin ng mga tao sa labas.

"Sir, anong ginagawa mo?" nangangatog kong tanong habang napapaatras.

Naglakad siya pabalik sa akin. Ang kaniyang bawat hakbang ay may dalang matinding panganib at awtoridad.

"I told you last night, Beatrice," bulong niya habang kinukulong ako muli sa pagitan ng mesa at ng kaniyang katawan. "Hindi ako pumapayag. You want a purely professional relationship? Too late. Nagkamali ka nang isipin mong papayagan kitang umalis pagkatapos ng lahat ng nangyari."

"Hindi mo ako pwedeng pilitin!" galit kong sabi habang itinutulak ang kaniyang dibdib. "Karapatan kong mag-resign! I'm an employee, not your property!"

"Then I'm buying out your choice," mariin at mayapang sabi niya. Hinalikan niya nang mabilis ang noo ko bago hinawakan ang magkabila kong balikat. "Effective today, I'm doubling your salary. Titira ka sa condo unit sa tapat ng penthouse ko—sagot ng kumpanya. Tatanggalin ko ang lahat ng utang na iniwan ng ex-fiancé mo gamit ang legal team ng Legazpi Group."

Napatitig ako sa kaniya, hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Ginagamit mo ba ang pera mo para lang itali ako rito?"

"I'm using every resource I have to keep you where I can see you," hinarap niya ako nang walang bahid ng pagsisisi sa kaniyang mga mata. "Gusto mong maging sekratarya ko lang? Fine. I'll be your boss from 8:00 AM to 5:00 PM. But you are not leaving this office, and you are certainly not leaving me."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, dahilan para maramdaman ko ang mainit at mabigat niyang paghinga sa mga labi ko.

"Your resignation is denied, Ms. Elizalde. Welcome back to work."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TRAPPED BY THE CEO   CHAPTER 5

    BEATRICE POVHindi ako nakatutog kahit isang segundo buong gabi. Sa isang murang motel malapit sa EDSA ako nagpalipas ng madaling-araw, hawak ang bag ko habang nakatitig sa lumang kisame. Bawat oras na lumilipas, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang lahat: kailangan ko nang tumakbo.Ang boundary na apat na taon kong iningatan ay wala na. Nilamon na ng emosyon, ng galit, at ng matinding atraksyon na hindi na pwedeng pigilin ng simpleng propesyonalismo. Kapag nanatili pa ako sa kumpanyang ito sa tabi ni Reno, unti-unti akong mawawalan ng kontrol sa sarili kong buhay. Kakainin ako ng sarili kong nararamdaman para sa kaniya hanggang sa wala nang maiwan sa dignidad ko.Alas-siyete pa lang ng umaga, nakaupo na ako sa mesa ko sa 40th floor.Mabilis kong itinape ang mga huling naiwang gamit ko sa maliliit na kahon. Pagkatapos, kumuha ako ng malinis na bond paper mula sa drawer at iniprint ang isang dokumentong kagabi ko pa inihanda: my Immediate Resignation Letter.Hawak ang puting sobre,

  • TRAPPED BY THE CEO   CHAPTER 4

    BEATRICE POVNatapos ang dinner meeting sa Shangri-La nang halos alas-diyes na ng gabi. Buong oras na nakaupo ako sa tabi ni Reno habang nakikipag-usap siya sa mga foreign investors, ramdam ko ang bawat pasimpleng tingin niya sa akin. Bawat galaw ko, bawat pag-abot ko ng mga dokumento, at bawat pagtango ko sa mga kliyente ay parang binabantayan ng hawla ng kaniyang mga mata.Pagod na pagod na ang buong katawan ko. Hilong-hilo na ako sa puyat at gutom, pero pilit kong pinaninindigan ang professional mask ko.Nang makabalik kami sa kumpanya para kukunin ko lang ang bag ko sa 40th floor bago umuwi, sabay kaming pumasok sa private executive elevator.Nang mag-isa na lang kami sa loob, agad na bumalot ang napakabigat na katahimikan. Nakatitig lang ako sa mga numerong bumababa sa indicator panel. Pipi, malamig, at walang kibo.Biglang may pinindot si Reno sa control panel.Isang matinis na tunog ang umawit sa loob ng maliit na kwarto, kasunod ng biglang paghinto ng elevator sa gitna ng 25th

  • TRAPPED BY THE CEO   CHAPTER 3

    BEATRICE POVWalang gumalaw sa loob ng limang segundo. Nakatitig lang si Reno sa akin, ang kaniyang mayapang mukha kagabi ay pinalitan na naman ng malamig at nakakatakot na ekspresyon. Sa kaniyang kanang kamay, hawak pa rin niya ang lukot-lukot na papel na iniwan ko sa kama niya kaninang madaling-araw.Gusto kong yumuko at umiwas sa kaniyang matatalim na mata, pero pilit kong pinanatiling matatag ang tayo ko. Masakit ang likod ko, kumakabit pa ang panginginig sa mga binti ko mula sa mga nangyari sa penthouse niya, ngunit hindi ko pwedeng ipakita na naapektuhan ako."A mistake?" malamig at halos pabulong niyang tanong. Ang bawat salita ay parang galing sa ilalim ng lupa.Ibinaba niya ang kaniyang bag sa gilid at dahan-dahang lumapit sa mesa ko. Bawat hakbang ng kaniyang mamahaling sapatos ay nagpapatalon sa puso ko, pero pinalitan ko ng blangkong ngiti ang takot sa mukha ko."Yes, Mr. Legazpi," sagot ko sa pinakapormal na boses na kaya ko. "Naging emosyonal lang po ako kagabi dahil sa

  • TRAPPED BY THE CEO   CHAPTER 2

    BEATRICE POVNatigilan ako habang nakatitig sa mga mata ni Reno. Ang init ng palad niya sa baba ko ay parang kuryenteng lumalatay sa buong katawan ko. Apat na taon kong itinago sa likod ng mga gawaing-bahay, scheduling, at pagiging perpektong sekretarya ang anumang atraksyon na naramdaman ko para sa kaniya. Pero ngayong gabi, kung kailan gumuho na ang buong mundo ko, wala na akong lakas para magpanggap."Mr. Legazpi..." pabulong kong sabi, halos kapusin ng hangin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. "Mali 'to. Boss kita.""Gusto kong kalimutan mo muna kung sino ako ngayong gabi, Bea," malamig ngunit garalgal niyang sagot. "Tumingin ka sa akin. Hindi bilang CEO mo, kundi bilang lalaking matagal nang nagtitimpi sa 'yo."Bago pa ako makasagot, inagaw na niya ang baso ng tubig sa kamay ko at mabilis iyong ibinaba sa katabing side table. Sa isang mabilis at kabig na galaw, isinandal niya ako sa pader ng kaniyang living room.Napasinghap ako nang dumapo ang kaniyang mga labi sa akin. Nung

  • TRAPPED BY THE CEO   CHAPTER 1

    BEATRICE POVNanginig ang mga daliri ko habang inaayos ang huling slide ng board presentation para sa 8:00 AM meeting bukas. Sinulyapan ko ang digital clock sa gilid ng laptop ko—2:14 AM.Labis na dalawampu't apat na oras na akong gising. Lawit na ang dila ko sa labingwalong oras na dire-diretsong trabaho para lang masigurong walang maipipintas ang boss kong walang ibang alam gawin kundi ang maging perpekto.Severino Legazpi.Ang pinakabata, pinakamatagumpay, at pinakamalamig na CEO sa buong Central Business District. Apat na taon ko na siyang pinaglilingkuran bilang Executive Secretary. Sa apat na taong 'yon, natutunan ko nang basahin ang bawat galaw ng mga kilay niya, ang bawat buntong-hininga, at ang bawat mabilis na pagtaas ng presyon niya sa tuwing may nagkakamali sa paligid niya.Napahilot ako sa bridge ng ilong ko bago kinuha ang phone ko sa gilid ng mesa. May limang unanswered calls mula kay Jerome. Ang fiancé ko—o mas tamang sabihing ang lalaking pilit kong itinutaguyod sa lo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status