“EXCUSE me, sir?”Napalingon si Allen. “Yes? May kailangan ka ba?”“Ah, yes, sir. I'm Danielle Alcantara. Dani po ang tawag sa akin.” Bahagya siyang ngumiti. “New secretary po ako ni Mr. Light Del Fierro.”Mabilis siyang nag-abot ng kamay. Tinanggap iyon ni Allen, bagaman bahagyang nagulat sa sinabi niya. “Oh. Ikaw pala ang bagong secretary ni Sir Light.”“Opo.”“You can call me Allen. I'm his personal assistant.”“Nice to meet you, Sir Allen.”“Nice to meet you, too.”Saglit siyang pinagmasdan ni Allen, tila sinusubukang alalahanin kung saan niya nakita ang apelyido nito. Danielle Alcantara, pamilyar ang pangalan. Pero hindi niya na iyon pinag-isipan nang husto.“Come with me. Ipapakita ko sa 'yo kung saan ang office ni Sir Light.”“Thank you po.”Naglakad si Allen patungo sa private elevator, habang tahimik na sumusunod si Dani. Habang umaakyat ang elevator, panay ang tingin niya sa mga numerong nagbabago sa digital display.Thirty-five.Thirty-eight.Forty-two.Bawat palapag na nad
最終更新日 : 2026-10-28 続きを読む