Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nasa penthouse na si Alessandra, napapalibutan ng mga wedding planner, designer, makeup artist, at personal assistant ni Damian.“Ma'am, please try this gown.”“Ma'am, your hair appointment is ready.” “Ma'am, the jewelry has arrived.”“Ma'am, Mr. Montenegro wants you downstairs in fifteen minutes.” Napapikit si Alessandra.“May oras pa ba akong huminga?”Ngumiti ang assistant na si Sofia. “Welcome to the Montenegro family, ma'am.” Hindi niya alam kung matatawa o iiyak siya.Pagsapit ng tanghali, nakatayo siya sa harap ng salamin, suot ang isang eleganteng puting gown. Simple ang disenyo, ngunit halatang napakamahal ng tela. Ang buhok niya ay maayos na nakapusod, at may maliliit na diyamanteng nakasabit sa kaniyang mga tainga.Hindi niya makilala ang sarili. “Beautiful,” sabi ni Sofia.“Para akong artista sa pelikulang hindi ko naman gustong salihan.” “Trust me, ma'am. Mr. Montenegro will be speechless.”“Mas gusto kong magsalita siya at kanselahin ang
Last Updated : 2026-10-26 Read more