“Isa pa nga, Kuya Bartender! Yung medyo may kurot sa lalamunan, ha!” sigaw ko habang iwinawagayway ang baso ko sa ere.Umingay ang live band sa unahan ng bar, pero mas maingay ang selebrasyon sa loob ng utak ko. Kakatapos ko lang i-email kay Ma'am Becky, ang masungit kong editor, ang final manuscript ng pinakabago kong erotic romance novel. ‘The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack.’ O, ‘di ba? Title pa lang, nakakagutom na.Bilang isang paboritong romance writer ng mga marurupok online, trabaho kong mag-isip ng mga eksenang nakakapagpapawis kahit naka-aircon. Sanay akong gumawa ng mga bidang lalaki na ubod ng yaman, malamig pa sa yelo ang ugali, pero kayang lumuhod at magmakaawa kapag nakita na ang babaeng mahal nila. Ang problema nga lang, hanggang sa MS Word ko lang sila nakakasama. Sa totoong buhay? Wala. Zero. Nganga. Ang huling boyfriend ko, iniwan ako kasi mas binibigyan ko pa raw ng pansin ang fictional abs ng mga character ko kaysa sa kanya. Eh ano bang magagawa ko kung mas
Last Updated : 2026-10-26 Read more