Share

Chapter 5

Author: WiloAgcol
last update publish date: 2026-10-26 15:54:03

Literal na kumakaladkad.

Hindi ko alam kung ganyan ba talaga maglakad ang mga bilyonaryo o sadyang mahaba lang ang mga binti niya, pero halos magkandapatid-patid na ako sa suot kong stilettos habang hila-hila niya ako palabas ng event area. Ang higpit ng hawak ng malapad niyang kamay sa siko ko. Pakiramdam ko, kapag pumalag ako, mababali ang buto ko.

“Rolishun! Ano ba! Bitawan mo nga ako!” pabulong na sigaw ko, pilit na ngumingiti sa mga nakasalubong naming readers na nagtataka kung bakit ako kinakaladkad ng isang mukhang modelong naka-suit. “Kidnapping ‘to, uy! Pag nakita tayo ng guard, ipapahuli talaga kita!”

Isang malamig na ngisi lang ang isinukli niya nang hindi man lang nililingon ang nagwawala kong pigura. “Go ahead. Scream for help, Diane. Let’s see who they’ll listen to.”

Nang dumaan kami sa main entrance ng mall, humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang dalawang naglalakihang security guard. This is it. My heroic rescue.

“Kuya Guard! Tulong! Kinikidnap po ako ng taong ‘to—”

“Good afternoon, Mr. Rivera! Welcome back po!” sabay na bati ng dalawang gwardya, todo-saludo pa habang binubuksan nang maluwang ang glass doors para sa amin. Ni hindi man lang nila tiningnan ang namumutla kong mukha!

Nalaglag ang panga ko. P*****a. Poging male lead in real life?! Yung hawak ng bida ang buong Pilipinas kaya walang naglalakas-loob na lumaban sa kanya? Sa mga nobela ko, ang hot basahin ng ganitong eksena. Pero kapag ikaw na pala ang biktima ng kapangyarihan at yaman, nakakabwisit!

Bago pa ako makapag-isip ng panibagong escape plan, nakarating na kami sa VIP parking area. Isang pamilyar na nakakasilaw na itim na sasakyan, Rolls Royce yata o Maybach, ewan ko, hindi ako car enthusiast, basta mukhang mas mahal pa sa buhay ko, ang nakaparada roon. Isang lalaking naka-barong ang mabilis na nagbukas ng p***o sa likod nang makita kami.

Walang pasabi, walang ‘excuse me’, inihagis ako ni Rolishun sa loob ng sasakyan.

“Aray ko naman!” reklamo ko habang bumabagsak ang puwitan ko sa pinakamalambot at pinakamakinis na leather seat na nasubukan ko sa buong buhay ko. Agad kong inayos ang palda ng dress ko at akmang susugod palabas, pero mabilis siyang sumakay at sinara ang p***o.

Rinig na rinig ko ang auto-lock ng sasakyan.

“Buksan mo ‘to!” Kininalampag ko ang bintana. “May deadline pa ako! At saka, anong trip mo? Dadalhin mo ba ako sa abandonadong warehouse para ipatubos sa editor ko? Sasabihin ko sa’yo ngayon pa lang, kuripot si Ma'am Becky! Hindi ka yayaman sa akin!”

Sumandal si Rolishun sa sandalan ng upuan at tamad na ipinilig ang ulo niya para tingnan ako. Ang mga mata niyang kulay tsokolate at yelo ay madilim, nag-aaral sa bawat reaksyon ko.

“I don’t need a ransom, Diane,” mababa niyang sabi, ang boses niya ay nagpa-vibrate sa hangin sa loob ng airconditioned na sasakyan. “I already have more money than I could spend in ten lifetimes. What I want is an explanation. And... compensation.”

Napalunok ako. “C-Compensation? Magkano ba ang rate mo for one night? Sige na, babayaran na kita. Pwede bang two gives? Wala pa yung advance royalty ko para sa next book eh. Tumanggap ka ba ng post-dated checks?”

Dumilim ang paningin niya. Sa isang iglap, nawala ang espasyo sa pagitan namin. Hindi ko napansin na gumalaw siya, pero bigla na lang ay nasa harap ko na ang mukha niya, ang isang kamay niya ay nakapatong sa sandalan ng upuan ko, ikinukulong ako. Ang pamilyar na amoy ng mint at musk ay muling sumalakay sa ilong ko, nagpapabalik sa alaala ng isang mainit na gabi at isang kuwartong hindi ko dapat pinasukan.

“Do I look like a male prostitute to you?” mariin niyang bulong, ang bawat salita ay parang yelo na dumadampi sa balat ko.

Tiningnan ko ang perpekto niyang panga, ang mamahaling suit na yakap ang malapad niyang balikat, at ang kumikinang na relo sa pulso niya. “Hindi,” matapat kong sagot, kagat ang ibabang labi ko. “Mukha kang magnanakaw ng puri.”

Imbes na magalit, isang mahina at malalim na tawa ang kumawala sa dibdib niya. “You stole mine first, little writer. Ginawa mo akong research subject. Dahil sa kalasingan, imbes na sa sariling kuwarto, napadpad ka sa presidential suite ko at inangkin mo ako. And then you ran away. Did you honestly think I wouldn’t find you?”

Umiwas ako ng tingin, kinakabahan na baka marinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko. “P-Paano mo ba nalaman kung nasaan ako? Stalker ka siguro ano?”

Hinawakan niya ang baba ko at marahang pilit na ipinaharap ang mukha ko sa kanya. “You dropped this in my suite,” sabi niya sabay dukot sa bulsa ng suit niya. Inilabas niya ang isang pamilyar na itim na panty na may tatak na Victoria's Secret.

Nanlaki ang mga mata ko hanggang sa parang luluwa na ito sa sahig ng kotse. Hinablot ko iyon mula sa kanya. “B-Bakit mo tinago ‘yan?! Manyakis ka ba?! Saka ko lang na-realize na nawawala yan nung nasa taxi na ako eh!”

“It was evidence. And a souvenir,” pilyong ngisi niya. At sa muli naming pagkikita ngayon, kitang-kita sa mga mata niya na hindi na niya ako papakawalan pa. “Now be a good girl and sit still. We’re going to my place.”

Bago pa ako makapag-protesta, umandar na ang sasakyan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para mag-text ng S.O.S kay Ma'am Becky, pero mabilis niyang hinablot ito mula sa kamay ko at ibinulsa.

“Hey! Ibalik mo ‘yan!”

“No distractions. Tonight, your full attention belongs to me.”

Makalipas ang dalawampung minuto ng nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse kung saan pinigilan ko ang sarili kong titigan ang mahahabang pilikmata niya habang nagbabasa siya ng emails sa tablet niya, huminto ang sasakyan sa basement ng isang nagtataasang high-end condominium sa BGC.

Sumakay kami sa private elevator na may fingerprint scanner pa bago gumana. Grabe, feeling ko nasa isang heist movie ako. Nang bumukas ang p***o sa pinakatuktok na floor, bumungad sa akin ang isang napakalaking penthouse.

Floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng buong skyline ng Manila. Madilim na mahogany wood floors, black leather couches, at mga abstract paintings na siguro ay nagkakahalaga ng milyun-milyon pero mukhang tinapunan lang ng pintura.

“Wow,” hindi ko mapigilang mapabulong habang naglalakad papasok. “Ang cliché ng interior designer mo, ha. Sobrang sad boy billionaire aesthetic. Nasaan ang red room of pain? O baka may hidden dungeon ka rito?”

Hindi niya pinansin ang biro ko. Sa halip, kalmado niyang hinubad ang suit jacket niya at inihagis ito sa sofa. Sumunod niyang niluwagan ang necktie niya, at binuksan ang unang tatlong butones ng polo niya.

Show, don't tell, Diane! Ang paggalaw ng mga kalamnan niya sa bawat paghinga. Ang paraan ng pagbakat ng malapad niyang dibdib sa puting tela. Parang biglang uminit ang aircon ng penthouse.

“So,” umatras ako nang mapansin kong humahakbang siya palapit sa akin, parang isang predator na inaarok ang biktima. “A-Anong gagawin natin dito? Magre-review ng manuscript? Kasi kung oo, wala akong dalang red pen.”

Huminto ako nang maramdaman ko ang malamig na salamin ng dining table sa likod ko. Wala na akong atrasan. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng bewang ko, ikinukulong ako sa pagitan niya at ng mesa.

“No writing tonight, Diane,” bulong niya, ang mukha niya ay napakalapit kaya nararamdaman ko na ang init ng hininga niya sa labi ko. “Tonight, we do practical applications. We’re going to recreate every single scene you ran away from. And this time... you won't be leaving in the morning.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 5

    Literal na kumakaladkad.Hindi ko alam kung ganyan ba talaga maglakad ang mga bilyonaryo o sadyang mahaba lang ang mga binti niya, pero halos magkandapatid-patid na ako sa suot kong stilettos habang hila-hila niya ako palabas ng event area. Ang higpit ng hawak ng malapad niyang kamay sa siko ko. Pakiramdam ko, kapag pumalag ako, mababali ang buto ko.“Rolishun! Ano ba! Bitawan mo nga ako!” pabulong na sigaw ko, pilit na ngumingiti sa mga nakasalubong naming readers na nagtataka kung bakit ako kinakaladkad ng isang mukhang modelong naka-suit. “Kidnapping ‘to, uy! Pag nakita tayo ng guard, ipapahuli talaga kita!”Isang malamig na ngisi lang ang isinukli niya nang hindi man lang nililingon ang nagwawala kong pigura. “Go ahead. Scream for help, Diane. Let’s see who they’ll listen to.”Nang dumaan kami sa main entrance ng mall, humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang dalawang naglalakihang security guard. This is it. My heroic rescue.“Kuya Guard! Tulong! Kinikidnap po ako ng ta

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 4

    Isang buong buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang 'The Great Presidential Suite Escape' ko. At sa loob ng isang buwan na iyon, dalawang bagay lang ang na-realize ko. Una, ang hirap palang mag-move on kapag ang naka-one-night stand mo ay may naglalakihang billboard sa EDSA. At pangalawa, nagka-writer's block ako nang napakalala.Paano ba naman hindi? Tuwing bubuksan ko ang MS Word para simulan ang bago kong draft, naiisip ko yung pawisang likod ni Rolishun. Kapag tina-type ko ang salitang 'chiseled abs,' nai-imagine ko yung perpektong hulma ng tiyan niya bago niya ako tuluyang angkinin. Kapag sinusulat ko ang linyang 'malamig ngunit nakakapapasong halik,' nagpa-palpitate agad ang puso ko. Nasira na niya ang fictional standards ko! Gusto ko tuloy idemanda ang Rivera Empire for emotional damages at loss of income."Miss Diane, pa-sign po! 'Yung may 'To my fellow marupok' sana," masiglang sabi ng isang reader na nagpabalik sa akin sa reyalidad.Nandito ako ngayon sa paborito kon

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 3

    Tuluyan nang bumagsak sa magkabilang braso ko ang manipis na silk dress na suot ko, kasunod ng pag-uumpisa ng isang eksenang siguradong bubura sa lahat ng outlines at drafts na nakasave sa laptop ko.Kung bibigyan ko ng rating ang pacing ng ginagawa ni Rolishun, big solid five stars ito. Walang dragging scenes. Walang unnecessary dialogues. Diretso sa main plot.Naramdaman ko ang malamig na hangin mula sa aircon ng presidential suite na dumampi sa balat ko, pero agad din itong napalitan ng nagbabagang init nang idikit ni Rolishun ang katawan niya sa akin. Bawat haplos ng malalaki at magagaspang niyang palad ay parang nag-iiwan ng apoy sa balat ko.“You’re beautiful,” paos niyang bulong, ang boses niya ay parang musika na nagpapanindig ng mga balahibo ko. “And you talk too much.”Bago pa ako makasagot at maipagtanggol ang verbal diarrhea ko, sinakop na naman niya ang mga labi ko. Isang halik na malalim, nag-aangkin, at nakakalunod. Nawala na sa isip ko kung anong kulay ng underwear ang

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 2

    “Careful what you wish for, little writer,” paos niyang babala. “Because once I start this 'research' of yours... I don't stop until I'm satisfied.”Bago pa man ma-process ng lasing kong utak ang sinabi niya, naramdaman ko na lang ang pag-angkin ng mga labi niya sa labi ko.Holy plot twist.Nanlaki ang mga mata ko. Sa dami ng isinulat kong kissing scenes, yung tipong umaabot ng tatlong paragraphs para lang i-describe kung paano naglapat ang kanilang mga labi, kung paano nag-away ang kanilang mga hininga, at kung paano sumabog ang mga bituin sa kalawakan, wala, as in wala, sa mga iyon ang makakapantay sa ginagawa ng lalaking ito ngayon.Hindi ito yung gentle at sweet na first kiss ng mga pa-cute na teen romance. At lalong hindi ito yung tentative na halik ng mga nagkakapaan pa lang na characters. Ito? Ang halik ni Rolishun Rivera ay parang isang bagyo na bigla na lang nanira ng bubong ng bahay nang walang pasabi. Mapusok. Nag-aangkin. Uhaw.At bilang isang dedicated na manunulat, ano p

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 1

    “Isa pa nga, Kuya Bartender! Yung medyo may kurot sa lalamunan, ha!” sigaw ko habang iwinawagayway ang baso ko sa ere.Umingay ang live band sa unahan ng bar, pero mas maingay ang selebrasyon sa loob ng utak ko. Kakatapos ko lang i-email kay Ma'am Becky, ang masungit kong editor, ang final manuscript ng pinakabago kong erotic romance novel. ‘The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack.’ O, ‘di ba? Title pa lang, nakakagutom na.Bilang isang paboritong romance writer ng mga marurupok online, trabaho kong mag-isip ng mga eksenang nakakapagpapawis kahit naka-aircon. Sanay akong gumawa ng mga bidang lalaki na ubod ng yaman, malamig pa sa yelo ang ugali, pero kayang lumuhod at magmakaawa kapag nakita na ang babaeng mahal nila. Ang problema nga lang, hanggang sa MS Word ko lang sila nakakasama. Sa totoong buhay? Wala. Zero. Nganga. Ang huling boyfriend ko, iniwan ako kasi mas binibigyan ko pa raw ng pansin ang fictional abs ng mga character ko kaysa sa kanya. Eh ano bang magagawa ko kung mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status