Share

Chapter 2

Author: WiloAgcol
last update publish date: 2026-10-26 15:48:10

“Careful what you wish for, little writer,” paos niyang babala. “Because once I start this 'research' of yours... I don't stop until I'm satisfied.”

Bago pa man ma-process ng lasing kong utak ang sinabi niya, naramdaman ko na lang ang pag-angkin ng mga labi niya sa labi ko.

Holy plot twist.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa dami ng isinulat kong kissing scenes, yung tipong umaabot ng tatlong paragraphs para lang i-describe kung paano naglapat ang kanilang mga labi, kung paano nag-away ang kanilang mga hininga, at kung paano sumabog ang mga bituin sa kalawakan, wala, as in wala, sa mga iyon ang makakapantay sa ginagawa ng lalaking ito ngayon.

Hindi ito yung gentle at sweet na first kiss ng mga pa-cute na teen romance. At lalong hindi ito yung tentative na halik ng mga nagkakapaan pa lang na characters. Ito? Ang halik ni Rolishun Rivera ay parang isang bagyo na bigla na lang nanira ng bubong ng bahay nang walang pasabi. Mapusok. Nag-aangkin. Uhaw.

At bilang isang dedicated na manunulat, ano pa nga ba ang gagawin ko kundi ang mag-immerse sa eksena?

Pumikit ako at gumanti ng halik. Ibinuka ko ang labi ko para bigyan siya ng access, at doon na niya tuluyang kinuha ang kontrol sakin. Naramdaman ko ang init ng dila niya na nakipaglaro sa akin, ang lasa ng mint at mamahaling alak na humahalo sa lasa ng murang tequila na ininom ko.

Okay, rating ng kiss na 'to: 100 over 10. Perfect execution. Realistic. Five stars sa rating.

Napaungol ako nang maramdaman ko ang kagat niya sa ibabang labi ko. Napahawak ako sa malapad at basa pa niyang balikat. Ang bango-bango niya talaga! Siguro kung gagawin ko siyang book merchandise, ubos agad ang pre-order ng pabango niya.

“Ah…” Isang mahinang singhap ang nakawala sa akin nang bigla niyang ibaba ang halik niya sa leeg ko.

Ang mga kamay niyang nakahawak sa bewang ko ay mas humigpit. Naramdaman ko ang pag-angat ng mga paa ko mula sa makapal na carpet. Teka, anong nangyayari? Bago ko pa masundan ang pacing ng eksena, naramdaman ko na lang na buhat-buhat niya ako. Bridal style!

Shet! Totoo pala 'yung trope na 'to! Akala ko sa W*****d lang may nagbubuhat nang ganito kabilis!

Habang naglalakad siya papunta sa kung saan ay nakatingala lang ako sa mukha niya. Kahit sa medyo madilim na ilaw ng suite, kitang-kita ko ang matalim niyang panga at ang seryosong-seryoso niyang ekspresyon. Kung titingnan mo ang mukha niya, parang nagko-compute siya ng quarterly taxes ng kumpanya niya, pero yung mga kamay niya at ang init ng katawan niya? Ibang klase.

“Hoy, Rolishun or Armando or whoever you are,” bulong ko habang nilalaro ang basang buhok niya sa batok. “Saan mo 'ko dadalhin? Baka mamaya may extra charge itong buhat na 'to ah. Hanggang basic package lang ang budget ko.”

Isang mababang angil ang pinakawalan niya bago niya sinipa pabukas ang isang malaking double door.

“Shut up, Diane,” utos niya.

Wait. Nanlaki ang mata ko. “Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ka ba?”

Inihagis niya ako sa gitna ng isang napakalaking kama. Sobrang lambot ng mattress, pakiramdam ko ay nahulog ako sa isang higanteng marshmallow. Pagtingala ko, nakita kong hawak niya ang ID lace ko. Kumalas pala sa leeg ko noong naghaharutan kami sa sala.

“Diane Zamora,” basa niya sa ID ko, ang boses niya ay parang hinihimay ang bawat pantig ng pangalan ko. Inihagis niya ang ID sa bedside table. “You have a loud mouth for a writer, Diane.”

Gumapang siya paakyat sa kama, nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng katawan ko. Nakakulong ako sa ilalim niya. Nakatunghay siya sa akin, ang tuwalya niya ay mukhang anytime ay bibigay na.

Show, don't tell, Diane, paalala ko sa sarili ko. Wag mong sabihin na gwapo siya. I-describe mo! Ang kanyang mga mata ay parang nagliliyab na uling. Ang kanyang dibdib ay nagbabanta ng matinding panganib... at sarap.

Tumawa ako nang mahina, yung tawang may halong kalasingan at landi. “Well, you have a very nice body for a... research subject. Sigurado ka bang hindi ka escort? Kasi kung oo, irerekomenda kita sa mga writer friends ko. Five-star rating ka sa akin, Kuya.”

Dumilim ang paningin niya. Tila naubos na ang natitirang pasensya ng 'Ice King'. “I told you, I am not a damn escort. And you're not recommending me to anyone. Because after tonight, you won't have the energy to even hold a pen.”

Oh my god. Linyahan ng mga Alpha Male! Na-hit niya ang bullseye!

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong sumagot. Sinakop niya ulit ang mga labi ko, pero mas mapusok ngayon, mas nagmamadali. Ang mga kamay niyang kanina ay nakapatong lang sa kama ay nagsimulang gumalaw. Naramdaman ko ang paggapang ng magaspang at maiinit niyang palad sa hita ko, pataas sa bewang, hanggang sa marating nito ang laylayan ng suot kong silk na dress.

Napasabunot ako sa buhok niya nang maramdaman ko ang mainit niyang labi na nag-iwan ng basa at nag-aapoy na mga halik sa collarbone ko. Bawat dampi ng balat niya, bawat hininga, parang may kuryenteng pinapasada sa mga ugat ko.

Nakakabaliw. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag totoong tao na ang kaharap mo at hindi lang keyboard? Ang sarap!

“Rolishun...” sambit ko, hindi ko na mapigilan ang pagtawag sa pangalan niya. Wala na yung joke. Wala na yung escort banter. Ang naiwan na lang ay yung pangangailangan na lalo pa niyang iparamdam sa akin kung anong kayang gawin ng isang bilyonaryo sa loob ng kwartong hindi ko naman dapat pinasukan.

“Say it again,” utos niya sa pagitan ng mga halik niya sa leeg ko.

“Ang alin?” nahihirapan kong tanong, nawawala na sa wisyo.

“My name. Say it like you mean it, little writer.”

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinilit akong tumingin sa mga mata niyang kulay abo. May nakita akong kakaibang determinasyon doon. Para siyang isang predator na nahanap na ang paborito niyang biktima, at wala siyang balak na pakawalan ako.

“Rolishun,” bulong ko, at napangiti ako. “My cold CEO.”

Isang matamis at mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi niya bago niya hinablot ang strap ng damit ko.

Kung ito man ay isang panaginip na dulot ng tequila, sana hindi na ako magising. At kung ito man ay totoong buhay, pwes, sigurado akong magkakaroon ako ng writer's block pagkatapos nito, dahil walang nobelang makakapantay sa kung ano ang nangyayari ngayon sa presidential suite na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 5

    Literal na kumakaladkad.Hindi ko alam kung ganyan ba talaga maglakad ang mga bilyonaryo o sadyang mahaba lang ang mga binti niya, pero halos magkandapatid-patid na ako sa suot kong stilettos habang hila-hila niya ako palabas ng event area. Ang higpit ng hawak ng malapad niyang kamay sa siko ko. Pakiramdam ko, kapag pumalag ako, mababali ang buto ko.“Rolishun! Ano ba! Bitawan mo nga ako!” pabulong na sigaw ko, pilit na ngumingiti sa mga nakasalubong naming readers na nagtataka kung bakit ako kinakaladkad ng isang mukhang modelong naka-suit. “Kidnapping ‘to, uy! Pag nakita tayo ng guard, ipapahuli talaga kita!”Isang malamig na ngisi lang ang isinukli niya nang hindi man lang nililingon ang nagwawala kong pigura. “Go ahead. Scream for help, Diane. Let’s see who they’ll listen to.”Nang dumaan kami sa main entrance ng mall, humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ang dalawang naglalakihang security guard. This is it. My heroic rescue.“Kuya Guard! Tulong! Kinikidnap po ako ng ta

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 4

    Isang buong buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang 'The Great Presidential Suite Escape' ko. At sa loob ng isang buwan na iyon, dalawang bagay lang ang na-realize ko. Una, ang hirap palang mag-move on kapag ang naka-one-night stand mo ay may naglalakihang billboard sa EDSA. At pangalawa, nagka-writer's block ako nang napakalala.Paano ba naman hindi? Tuwing bubuksan ko ang MS Word para simulan ang bago kong draft, naiisip ko yung pawisang likod ni Rolishun. Kapag tina-type ko ang salitang 'chiseled abs,' nai-imagine ko yung perpektong hulma ng tiyan niya bago niya ako tuluyang angkinin. Kapag sinusulat ko ang linyang 'malamig ngunit nakakapapasong halik,' nagpa-palpitate agad ang puso ko. Nasira na niya ang fictional standards ko! Gusto ko tuloy idemanda ang Rivera Empire for emotional damages at loss of income."Miss Diane, pa-sign po! 'Yung may 'To my fellow marupok' sana," masiglang sabi ng isang reader na nagpabalik sa akin sa reyalidad.Nandito ako ngayon sa paborito kon

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 3

    Tuluyan nang bumagsak sa magkabilang braso ko ang manipis na silk dress na suot ko, kasunod ng pag-uumpisa ng isang eksenang siguradong bubura sa lahat ng outlines at drafts na nakasave sa laptop ko.Kung bibigyan ko ng rating ang pacing ng ginagawa ni Rolishun, big solid five stars ito. Walang dragging scenes. Walang unnecessary dialogues. Diretso sa main plot.Naramdaman ko ang malamig na hangin mula sa aircon ng presidential suite na dumampi sa balat ko, pero agad din itong napalitan ng nagbabagang init nang idikit ni Rolishun ang katawan niya sa akin. Bawat haplos ng malalaki at magagaspang niyang palad ay parang nag-iiwan ng apoy sa balat ko.“You’re beautiful,” paos niyang bulong, ang boses niya ay parang musika na nagpapanindig ng mga balahibo ko. “And you talk too much.”Bago pa ako makasagot at maipagtanggol ang verbal diarrhea ko, sinakop na naman niya ang mga labi ko. Isang halik na malalim, nag-aangkin, at nakakalunod. Nawala na sa isip ko kung anong kulay ng underwear ang

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 2

    “Careful what you wish for, little writer,” paos niyang babala. “Because once I start this 'research' of yours... I don't stop until I'm satisfied.”Bago pa man ma-process ng lasing kong utak ang sinabi niya, naramdaman ko na lang ang pag-angkin ng mga labi niya sa labi ko.Holy plot twist.Nanlaki ang mga mata ko. Sa dami ng isinulat kong kissing scenes, yung tipong umaabot ng tatlong paragraphs para lang i-describe kung paano naglapat ang kanilang mga labi, kung paano nag-away ang kanilang mga hininga, at kung paano sumabog ang mga bituin sa kalawakan, wala, as in wala, sa mga iyon ang makakapantay sa ginagawa ng lalaking ito ngayon.Hindi ito yung gentle at sweet na first kiss ng mga pa-cute na teen romance. At lalong hindi ito yung tentative na halik ng mga nagkakapaan pa lang na characters. Ito? Ang halik ni Rolishun Rivera ay parang isang bagyo na bigla na lang nanira ng bubong ng bahay nang walang pasabi. Mapusok. Nag-aangkin. Uhaw.At bilang isang dedicated na manunulat, ano p

  • The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack   Chapter 1

    “Isa pa nga, Kuya Bartender! Yung medyo may kurot sa lalamunan, ha!” sigaw ko habang iwinawagayway ang baso ko sa ere.Umingay ang live band sa unahan ng bar, pero mas maingay ang selebrasyon sa loob ng utak ko. Kakatapos ko lang i-email kay Ma'am Becky, ang masungit kong editor, ang final manuscript ng pinakabago kong erotic romance novel. ‘The Ruthless Billionaire’s Midnight Snack.’ O, ‘di ba? Title pa lang, nakakagutom na.Bilang isang paboritong romance writer ng mga marurupok online, trabaho kong mag-isip ng mga eksenang nakakapagpapawis kahit naka-aircon. Sanay akong gumawa ng mga bidang lalaki na ubod ng yaman, malamig pa sa yelo ang ugali, pero kayang lumuhod at magmakaawa kapag nakita na ang babaeng mahal nila. Ang problema nga lang, hanggang sa MS Word ko lang sila nakakasama. Sa totoong buhay? Wala. Zero. Nganga. Ang huling boyfriend ko, iniwan ako kasi mas binibigyan ko pa raw ng pansin ang fictional abs ng mga character ko kaysa sa kanya. Eh ano bang magagawa ko kung mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status