"Huwag ka na ngang mag-impake ng buong aparador mo, Giselle! Isang malaking maleta lang ang dadalhin mo, at mamayang gabi na agad ang alis mo!" bungad na sigaw at mabilis na pagpasok ni Christian sa kuwarto habang nakikitang pinipilit isiniksik ni Giselle ang mga branded na damit sa mamahaling luggage. Maarteng huminto si Giselle, pumewang habang nakasuot pa ng silk bathrobe at hair rollers ang buhok. "Are you out of your mind, Kuya?! Paanong isang maleta lang? Like, paano ang makeup ko?" "Ang skincare ko?" "Ang limited-edition heels ko, pati na rin ang mga designer bags ko?" "Paano ako magli-live without them?" "Giselle Monet Aragones, hindi ka magbabakasyon sa Paris o sa Milan para magdala ng limang maleta!" inis na sagot ni Christian habang sapo ang noo. "Magtatago ka! Tatakas ka sa mga taong gustong manakit sa atin!" Napairap siya habang kinukuha ang isa pang kahon ng high-end palette. "Whatever, pero hinding-hindi ko iiwan ang baby pink Birkin ko, over my dead body,"
Last Updated : 2026-10-28 Read more