Inicio / Romance / NEPOOR BABY / KABANATA 1: NEPO BABY

Compartir

NEPOOR BABY
NEPOOR BABY
Autor: KokoyIsMyLife

KABANATA 1: NEPO BABY

last update Fecha de publicación: 2026-10-27 18:58:15

"Oh my gosh, please tell me you have the baby pink one in size 37, because if you'll tell me na naubusan na naman kayo, I am literally going to cry in front of this whole boutique," maarte at pabulong na reklamo ni Giselle habang nakabalandra ang mga paa niyang suot ang pinakabagong limited-edition designer heels sa isang exclusive luxury store sa Makati.

Nakadekwatro ang mga binti niya habang patamad na umiinom ng mamahaling champagne na inihain ng store manager.

Paligid siya ng punong-puno ng mga paper bags na naglalaman ng tatlong pares ng high-end shoes at isang designer handbag.

Siya si Giselle Monet Aragones.

Isang dalagang sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap lang—ultimate spoiled princess kung ituring ng pamilya, pero para sa kanya, ito ang standard lifestyle ng tulad niyang single at laging naharap sa kamera bilang social media influencer.

"Right away, Miss Giselle! Checking na po kami sa stock room," kabadong tugon ng sales associate habang halos yumuko na para pagbigyan ang hiling niya.

"Alright. Hindi ako sanay maghintay," sandali siyang sumisimim ng wine bago tiningan ang nasa harap. "Pero pagbibigyan ko kayo,, ang bait ko, right?" nakangiting dagdag niya.

Pilit ang naging ngiti ng staff. "Opo, nasisiraan ng bait," mahinang dugtong nito na hindi narinig nang kumindat na dalaga.

Nang maabot sa staff ang ang huling kahon ay napatayo si Giselle at napapalakpak sa saya.

"Oh, baby!" anito sa kahon.

"I-check out na po natin, Ma'am?"

"Yeah, ho ahead."

Nang i-punch na sa counter, pangiti-ngiti siyang naglabas ng ultra-exclusive black card. "Just charge it all here, thank you."

Mayabang niyang pinatong ang siko sa counter, at habang naghihintay ay tinitingan niya ang bagong kabit na fake nails.

Hanggang sa mapakunotnoo siya. Rinig niya ang Ilang beses napagwi-wip ng cashier sa terminal, pero isang nakakainis na beep ng declined ang paulit-ulit na naririnig niya.

"May problema ba sa terminal niyo? Try mo ulit, like, 500k naman ang limit niyan, eh."

Paulit-ulit na sinubukan ng cashier, kasama pa ang manager, pero paulit-ulit ding nagpapakita ang Transaction Declined.

Napapatingin na ang nasa paligid niya. Siya naman ay naiinip na humalukipkip.

"Hello? May problema ba dyan sa terminal niyo, kasi I'm pretty sure it's rusty na, kaya ayaw basahin ang card ko. Like, ang mahal ng mga tinda niyo rito, tapos hindi kayo maka-afford ng magandang machine?"

"Sorry, Ma'am," alangang sagot ng staff.

Naputol ang pagtataray niya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot habang nakataas ang isang kilay.

"Hello, my dear brother? Like, are you calling to fund my shopping spree? Kasi the terminal here is majorly malfunctioning-"

"Giselle! Nasaan ka?!" nanggigigil, tensyonado, at galit na sigaw ng kuya niyang abogado na si Christian mula sa kabilang linya. "Nasaang shop ka ngayon?!"

Napatigil si Giselle sa pag-irap dahil sa gulat sa tono ng kapatid. "What's with the interrogation? I'm just at Greenbelt, shopping for my new heels-"

"I-drop mo lahat ng binili mo dyan. Now!" putol ni Christian.

"What?!"

"I-open mo ang cellphone mo sa anumang news site sa phone mo. Tignan mo ang balita!"

"Huh? What are you talking about? Bakit may nangyari ba? I haven't paid yet kasi-"

"Gagawin mo ba ang sinasabi ko o susugurin ka nila riyan?!" bulyaw ni Christian.

"Sinong sila?"

"Wait, who are you referring to as 'them'?"

Gulong-gulo siya nang naputol ang tawag. Binaba at tiningan niyang cellphone. "Damn it!"

Nanginginig ang kamay na naghanap siya sa news app. Halos mabitawan niya ang hawak ng cellphone sa nakita.

Bumalandra sa mukha niya ang live broadcast: ang kanilang bahay sa Forbes Park, pinagkakaguluhan, sinisira ang gate, at dinudumog ng galit na taumbayan na may dalang mga placards na may katagang “Magnanakaw!” at “Ibalik ang Kaban ng Bayan!”.

Ang mukha ng tatay niyang congressman ay nakabandera sa screen habang pinuputakte ng mga alegasyon ng bilyon-bilyong pisong korapsyon.

"No, no, this is not happening," sinakbit niya ang bag at natatarantang naglakad.

"Ma'am, yung card niyo po!" habol ng staff pero dire-diretso siyang naglakad palabas at paalis ng shop.

Sumakay siya sa kulay dilaw niyang sports car. At ilang minuto lang ay palapit na siya sa tapat ng kanilang bahay sakay ng kotse, sumalubong sa kanya ang napakaraming tao.

"Is this real? This people?"

"Hindi nila alam ang ginagawa nila," matapang niyang dagdag at lumabas ng kotse.

"Hey, people!" tawag niya pero masyadong maingay at magulo para marinig siya.

Inipon niya ang hangin sa dibdib at sumigaw ng malakas. "People of the Philippines!"

Isang lalakeng may hawak na placard ang lumingon sa kanya bago nito kinalbit ang isa pa.

"Iyong anak ni Congressman Aragones?"

Napangiti siya at napahawak sa dibdib. "You recognize me?" na-touch pa rin siya dahil kilala siya ng mga ito. "I mean, I got million of followers, Who wouldn't know me?"

"Nandito ang NEPO BABY!" sigaw ng lahat.

"What- NEPO- what?" hindi niya makapaniwalang ulit.

Hanggang sa may lumipad nang isang bulok na kamatis at tumama sa mamahaling damit niya, sinundan pa ng tilamsik ng putik at tubig.

"Nepo baby!"

"Magnanakaw! Pamilya ng mga buwaya!" sigaw ng mga tao.

"Hey! Stop that! Do you know who I am?!" sigaw niya habang pinapagpagan ang damit na nadumihan, pero lalo lang lumakas ang galit ng mga tao at pinagbabato siya ng itlog.

"I said stop it!" tinakpan niya ang mukha.

"Giselle!"

Mabilis na bumukas ang gate at may humila sa kanya papasok. Itinaas niya ang mukha. "Brother Chris."

"Bakit hindi mo diniretso ang koste mo sa loob?"

"They're blocking my way. So how?"

Sabay silang napalingon magkapatid nang iharang ng mga guwardiya ang malaking bakal sa gate nila. Pilit iyong tinutulak ng galit na sigaw ng mga kapitbahay at raliyista sa labas.

Nakahawak sa dibdib si Giselle, hinihingal, at hindi makapaniwala habang pinapanood ang gulo mula sa labas.

"Brother! What is the meaning of this?! Bakit nila ginagawa ito sa atin? Look at my dress, it's ruined! And my card was declined, ano bang nangyayari?!"

"Open your eyes, Giselle!" galit na sabi ni Christian habang pilit siyang hinarap. Naguguluhan ang mga mata niyang sinundan ang bawat galaw ng mga mata nito.

"Pinagbibintangan si Daddy na kumuha ng kaban ng bayan. Bilyon-bilyon ang nawawala, at ang pondo na ginagamit natin sa lahat ng luho mo ay galing daw sa kaban ng kalsada!"

"That is so ridiculous!" depensa niya. Pilit siyang kumawala sa kapit ng kapatid. Lumapit pa siya sa gate at galit na sumigaw sa mga taong nandoon.

"Hey! Shut up! Mayaman kami, okay?! Legitimate ang kayamanan namin! My mom left a fortune, and my dad has been in politics for decade, mayor, governor, congressman! Hindi magnanakaw ang tatay ko, kaya get a life, all of you!"

Sa labas ng gate, sumabog ang mas malakas na hiyawan at galit mula sa mga raliyista habang itinataas ang mga placard at dinidikdikan ang bakal na bakod.

"Sinungaling! Magnanakaw!" sigaw ng isang lalaking may hawak na megaphone. "Ibalik niyo ang buwis ng bayan, mga buwaya!"

"Puro kayo luho habang kaming mga mahihirap ay nagugutom! Pwe!" dumura pa ito na nadidiri niyang kinaatras.

"That's unhygienic!" sigaw niya habang nakangiwi sa sobrang pandidiri. "Ew! What is wrong with you people?! May pagdura pa kayong nalalaman, do you even know how to use alcohol, hello?!"

"Maarteng maldita!"

"Huwag niyo kaming sipsipan ng yaman! Ikulong ang pamilyang 'yan! Magnanakaw! Corrupt na congressman ang tatay niyo!" sabay-sabay na sigaw ng buong grupo na parang kidlat sa lakas.

Dahil sa takot na baka masira ang gate, hinila na ni Christian ang kapatid, palayo at hinila papasok ng bahay.

"Are you insane, Giselle?! Gusto mo bang mamatay dyan sa labas?!" bulyaw ni Christian.

"Delikado ka na rito sa Maynila. Pinalilibutan na ang buong compound natin, at kahit anong oras, baka balikan ka ng mga taong galit na galit sa atin."

"So, what do you want me to do? Magkulong dito?" reklamo niya habang pinupunasan ang mantsa sa damit.

Naglalagay siya ng alcohol at hand sanitizer pagkatapos. Huminto ang Kuya niyang stress na pabalik-balik na naglalakad.

"No. Aalis ka. Kailangan mong magtago."

Namilog ang mga mata niya. "What?! No way!"

"Why I need to make tago?"

"I'm not criminal, I don't do anything against my country."

Umiling-iling si Christian at humarap sa kanya.

"Hindi sila titigil. Hindi ka nila titigilan. It won't be safe for you to be here."

Kumunotnoo lang siya.

"What do you mean? Sanay ako sa BGC, sa Makati, sa Paris! Saan naman ako pupunta, Kuya? Saan?!"

"Sa Batangas" seryosong sagot ni Christian. "Sa sakahan ng kaibigan ko. Doon ka muna mamumuhay nang malayo sa mga tao hangga't hindi ko pa naaayos ang kaso ni Daddy."

"Batangas?"

"Sakahan?!" halos ang hindi makapaniwala at inis niya. "Hello, Kuya, do I look like a farmer to you?"

"No, seriously, this is majorly a joke, right? Tell me it's a joke!"

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • NEPOOR BABY   KABANATA 4:

    Pagpasok ng hinihingal na si Giselle sa loob ng bahay matapos niyang hilahin ang tatlong malalaking maleta mula sa putikan, agad siyang napahinto.Naka-tile na maayos ang ground floor at gawa sa makintab na narra ang sahig sa ikalawang palapag. Malinis at amoy kape't kahoy ang buong lugar. Wala nga lang karangyaang tulad ng chandelier o imported Italian marble, pero napaka-homey at presko.Pero dahil si Giselle siy, wala pa ring nakaligtas sa kanyang maarteng mga mata."Wait, is this it?" "Ito na 'yon?""As in?" tanong niya habang pilit na humahawak sa nanakit na balakang. Nilingon niya ang binata na bitbit pa rin ang maleta ng kasambahay. "Santi, where is the elevator? Don't tell me I have to drag these heavy bags up those wooden stairs?!"Hindi siya pinansin ni Santi. Sa halip, ibinaba nito ang bag ni Marta at itinuro ang isang pinto, simpleng silid sa ibaba para sa matanda."Dito po ang kwarto niyo, Aling Marta. May sarili po nyang banyo sa loob," maayos na sabi ni Santi."Nak

  • NEPOOR BABY   KABANATA 3: PUTIKAN

    Napalinga sila ni Giselle nang bahagyang yumugyog ang malaking gate na gawa sa bakal at lumang kahoy bago ito dahan-dahang bumukas nang pabalagbag. Mula sa loob, iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. Naka-simpleng maong na pantalon ito na may bakas ng matatagong dumi, pambukid na bota na baon sa putik, at abuhing t-shirt na medyo basang-basa ng pawis sa paligid ng leeg at dibdib. Nakatupi ang sleeves nito paitaas, na lalong nagpalitaw sa mamumula-mula at maskuladong braso nito mula sa pagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw. Dahan-dahang napakisap si Giselle. Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit balot ito ng pawis at alikabok ng sakahan, hindi maikakaila ang matangos nitong ilong, malalim na mga mata, at ang napakagandang pangangatawan nito na parang gawa para sa mga luxury fitness brand ad sa BGC. Parang nahipnotismo ang mga mata ni Giselle nang pagmasdan ang lalake. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi. "'Gosh, spatial design-wise, perfect proportio

  • NEPOOR BABY   KABANATA 2: BARYO TAGAKTAK BUHI

    "Huwag ka na ngang mag-impake ng buong aparador mo, Giselle! Isang malaking maleta lang ang dadalhin mo, at mamayang gabi na agad ang alis mo!" bungad na sigaw at mabilis na pagpasok ni Christian sa kuwarto habang nakikitang pinipilit isiniksik ni Giselle ang mga branded na damit sa mamahaling luggage. Maarteng huminto si Giselle, pumewang habang nakasuot pa ng silk bathrobe at hair rollers ang buhok. "Are you out of your mind, Kuya?! Paanong isang maleta lang? Like, paano ang makeup ko?" "Ang skincare ko?" "Ang limited-edition heels ko, pati na rin ang mga designer bags ko?" "Paano ako magli-live without them?" "Giselle Monet Aragones, hindi ka magbabakasyon sa Paris o sa Milan para magdala ng limang maleta!" inis na sagot ni Christian habang sapo ang noo. "Magtatago ka! Tatakas ka sa mga taong gustong manakit sa atin!" Napairap siya habang kinukuha ang isa pang kahon ng high-end palette. "Whatever, pero hinding-hindi ko iiwan ang baby pink Birkin ko, over my dead body,"

  • NEPOOR BABY   KABANATA 1: NEPO BABY

    "Oh my gosh, please tell me you have the baby pink one in size 37, because if you'll tell me na naubusan na naman kayo, I am literally going to cry in front of this whole boutique," maarte at pabulong na reklamo ni Giselle habang nakabalandra ang mga paa niyang suot ang pinakabagong limited-edition designer heels sa isang exclusive luxury store sa Makati. Nakadekwatro ang mga binti niya habang patamad na umiinom ng mamahaling champagne na inihain ng store manager. Paligid siya ng punong-puno ng mga paper bags na naglalaman ng tatlong pares ng high-end shoes at isang designer handbag. Siya si Giselle Monet Aragones. Isang dalagang sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap lang—ultimate spoiled princess kung ituring ng pamilya, pero para sa kanya, ito ang standard lifestyle ng tulad niyang single at laging naharap sa kamera bilang social media influencer. "Right away, Miss Giselle! Checking na po kami sa stock room," kabadong tugon ng sales associate habang halos yu

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status