LOGINPagpasok ng hinihingal na si Giselle sa loob ng bahay matapos niyang hilahin ang tatlong malalaking maleta mula sa putikan, agad siyang napahinto.
Naka-tile na maayos ang ground floor at gawa sa makintab na narra ang sahig sa ikalawang palapag. Malinis at amoy kape't kahoy ang buong lugar. Wala nga lang karangyaang tulad ng chandelier o imported Italian marble, pero napaka-homey at presko. Pero dahil si Giselle siy, wala pa ring nakaligtas sa kanyang maarteng mga mata. "Wait, is this it?" "Ito na 'yon?" "As in?" tanong niya habang pilit na humahawak sa nanakit na balakang. Nilingon niya ang binata na bitbit pa rin ang maleta ng kasambahay. "Santi, where is the elevator? Don't tell me I have to drag these heavy bags up those wooden stairs?!" Hindi siya pinansin ni Santi. Sa halip, ibinaba nito ang bag ni Marta at itinuro ang isang p***o, simpleng silid sa ibaba para sa matanda. "Dito po ang kwarto niyo, Aling Marta. May sarili po nyang banyo sa loob," maayos na sabi ni Santi. "Naku, maraming salamat, Sir Santi. Napakaganda at napakapresko naman ng bahay niyo," nakangiting sagot ni Marta. Nanlalaki ang mga mata ni Gisella. "Napakaganda?!" ulit niya habang itinataas ang shades sa ulo. "Aling Marta, hello?! Nagpa-check ba kayo ng eyes?" "Where's beauty here?" "Where is the central aircon?" Sinimulan niyang umikot-ikot. "Why are there no smart switches? At bakit electric fan lang ang nakikita kong umiikot sa kisame?!" Bumaling ang nakahalukipkip na si Santi kay Giselle na malamig ang mga mata. "Nasa itaas ang kwarto mo. Apat ang bintana roon, malakas ang hangin mula sa bundok. " Bwisit niya itong nilinga. Hinilig nito ang ulo. "Mas malakas pa sa hangin mo." "No way!" Lumapit siya sa harap ng binata. "My skin will break out without proper temperature control!" Nagtataka siyang napaatras nang silipin nito ang mukha niya. "W-what?" Tinaas ni Santi ang tingin sa kanya. "May masisira pa riyan?" Nanlalaki ang mga mata niya sa bwisit. "What-" Seryoso siya nitong inirapan at tinuwid ang likod mula sa pagkakasilip sa kanya. "Sumunod ka sa akin, kung ayaw mong sa kubeta ka matulog." Nilampasan siya nito, napapadyak siya. "W-what is kubeta?" nandidiri niyang tanong at mabilis na nilingon si Santi. "What is kubeta?" "Malalaman mo kapag nag-inarte ka pa," sagot nito habang paakyat sa hagdan. Agad naman niyang hinila ang mga maleta at umakyat sa hagdan, halos magkandakuba sa pagbubuhat ng kanyang pinakamaliit na maleta. Nilampasan niya si Santi na huminto sa isang baitang at pinanood siya sa paghihirap Nagsasalita pa sana siya nang mabitawan niya ang hawak sa maleta. Umalingawngaw ang sunod-sunod na isang malakas na kalabog mula sa itaas ng hagdan. Nanlalaki ang mga mata niya nang luminga doon. "No!" Bumulusok pababa sa mga basang baitang ng narra ang dalawa niyang malalaking designer luggage. Nagpaikot-ikot ang mga ito sa sahig bago huminto mismo sa paanan ni Santi. Mula sa tuktok ng hagdan, tuluyan nang kumalas ang isa pang mamahaling maleta at humandusay sa kalagitnaan ng hakbang, nag-iiwan ng bakas ng kulay-tsokolateng putik sa makintab na kahoy. Tiningnan niya si Santi. "No." Sumulyap lang si Santi sa mga maletang halos humagip sa bota nito. Wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha nito. Bahagya lang itong umhakbang paitaas, iniwasan ang mga maleta nita at basta na lang nilagpasan ang mga gamit niya na parang mga basurang nakaharang lang sa daan. "Ugh!" "My rimowa! Like, literally, zero respect for luxury items!" sigaw ni Giselle mula sa ibaba, habang hingal na hingal at tagaktak ang pawis sa noo.l na patakbong bumaba sa hagdan. Nanliliit ang mga mata niyang pinulot ang mga iyon. "My babies, are you guys okay?" kausap niya sa mga ito habang paiyak-iyak. Pinunasan niya ng kamay ang mga gasgas at putik. "Sorry for being irresponsible mommy to you, babies," inis siyang tumingala. Naroon sa itaas si Santi, umiling-iling habang pinagmamasdan siya na para bang isa siyang malaking dismaya. "Bilisan mo riyan. Marami pa akong gagawin," apura nito bago tumalikod. Mabilis niyang pinulot ang mga maleta at napapadyak. "I really hate that monster!" Muli niyang himila paitaas ang unang dalawang maleta. Bawat hakbang ay parang impyerno, pumuputok ang mga uat sa braso niya, at ang poise niya na parang isang beauty queen ay nawala na. Nakabukaka na siya habang naglalakad. Nang sa wakas ay makarating siya sa hallway ng ikalawang palapag, napahinto siya habang hinihingal. Nakasandal si Santi sa gilid ng p***o ng isang silid, nakahalukipkip, at malamig siyang pinagmamasdan. Walang bakas ng awa sa mga mata nito habang nakatingin sa mukha niyang mukha nang basang sisiw. Padabog siyang huminto. "Are you really just going to stand there and watch me die of physical exertion?!" tanong niya. "Like, hello? Santi! A gentleman would at least offer to carry the thirty-kilogram one! My lumbar spine is literally about to leave my body!" Hindi man lang kumurap si Santi. "Hindi ako gentleman para sa mga taong sanay na ginagawang utusan ang ibang tao. At saka, buhay ka pa naman." Inihakbang ni Santi ang paa pabalik at pabalagbag na ibinukas ang p***o ng kwarto sa tabi niya. "Diyan ang kwarto mo." Napaatras ang napakunotnoo na si Santi nang Mlmabilis na sumilip si Giselle sa loob, at sagasaan siya. Impit pa niyang nahawakan ang paa nang madaaanan iyon ng gulong ng mga maleta niti. Ang sabik sa mukha ni Giselle ay isang idlap lang ay nawala. Sa halip, napatili itosa matinding shock. "Holy Moly!" Naka-tile nga ang sahig pero isang simpleng wooden bed frame na may malinis na puting kama at isang electric fan na dahan-dahang umiikot sa gilid, isang lumang tokador na gawa sa narra, at apat na malalaking bintana na nakabukas at nagpapapasok ng hangin mula sa labas ang loob ng silid. Wala pa rin chandelier. Walang walk-in closet. At higit sa lahat—walang centralized aircon o smart thermostat. "Wait, is this a joke?!" pasigaw na tanong ni Giselle habang nanlalaki ang mga mata na luminga kay Santi na nasa p***o. "Santi, don't tell me this is where I'm staying?! Where is the aircon?! Where am I supposed to plug my Dyson hair wrap?! And where is the velvet headboard?!" "Nasa probinsya ka, Giselle," walang emosyong sagot ni Santi. "Malakas ang hangin mula sa bundok, itapat mo 'yang buhok mo. Tingan natin, kung 'di pa matuyo 'yan. At kapag gabi, malamig dito kahit walang aircon. Kasya na 'yang kwarto para sa isang taong nagtatago at walang binabayarang upa." "You are literally so mean!" padabog niyang itinulak ang maleta papasok sa loob, sabay harap muli kay Santi habang nakapamaywang. "My skin needs a controlled temperature of twenty-one degrees Celsius! How am I supposed to achieve a glowing aesthetic under a fan na parang helicopter ang tunog?!" Nabibinging nagkamot ng likod ng tenga si Santi. "Ang dami mong sinasabing. Magpalit ka na ng damit at bumaba ka," malamig na utos nito at tiningan siya mula ulo hanggang paa bago lumabas ng kwarto. Nang maiwan si Giselle ay nagdadabog ang mga paa niya bago nadidiring hinawakan ang mga gamit sa loob ng kwarto. Tumingin pa siya sa paligid. "This is not a room, this is hell." Hanggang sa nahawakan niya ang tiyan. Tinapik-tapik niya iyon. "Calm down, we will eat." Nang sumapit ang gabi, bumaba si Giselle mula sa kwarto niya matapos ang ilang oras na pagmamaktol. Gutom na gutom na siya, kaya kahit labag sa kalooban niya ay naglakad siya patungo sa kusina. Nadatnan niyang nakaupo na si Santi sa mahabang lamesang gawa sa troso, habang naglalapag ang isang ginang g mga pagkain. Sa halip na pang-sosyal na hapunan, ang nakahain sa gitna ay mainit na kanin, pritong hito, gata na may sili at dahon ng santol, at isang mangkok ng sawsawsang may patis at kalamansi. Napahinto si Giselle at napatitig sa mesa. "Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Umupo ka na," apura ni Santi na nagsimulang sumandok ng kanin. "Wait, Santi, are you seriously feeding me this. This swamp fish for dinner?! Like, eww! Where is the truffle pasta? Where is the salmon sashimi or even just a decent steak from BGC? Are we literally eating like cavemen tonight?" Hindi man lang tinapunan ng tingin ni Santi ang pagdadrama niya. Malamig itong nagsandok ng kanin at isinubo ang pritong hito nang walang emosyon. "Kung ayaw mong kumain ng hito at gata, e di huwag kang kumain," kalmadong sagot nito nang hindi tumitingin. "Walang delivery rider na mag-aabot ng truffle pasta dito sa gitna ng bukid. Kung gusto mo ng sosyal na pagkain, lumabas ka dyan at baka makahuli ka ng palaka sa labas." Napatingin si Giselle nang mahinang nagtawanan ang mga ito. Isang matalim na irap ang ginawa niya bago tinitigan si Santi na gamit ang kamay ay maganang kumakain. "You are so impossible!" gigil na singit ni Giselle, sabay lapit sa lamesa at padabog na hinila ang silya. "My stomach is literally rejecting this aesthetic! Pero dahil dying na ako sa gutom, kailangan ko itong tiisin for the sake of my metabolic system!" Huminga lang si Santi at kaswal na ngumunguya. Itinaas ni Giselle ang kamay habang nakatikwas ang hinliit. Hindi niya alam kung anong uunahin habang ang mukha ay hindi maipinta. Pasimpleng kumuha siya ng kaunting sabaw. Maarte niyang hinigop iyon. Lihim na namilog ang mga mata niya sa sarap. Nang makitang nakatingin sa kanya si Santi mabilis niyang pinigilan ang sarili at umaktong parang nadidiri. "Ugh, so basic!" Pinunasan niya ang gilid ng labi ng dala-dalang table napkin. "Pero fine, tolerable naman pala kahit papano," bulong niya sa sarili habang mabilis na kumukuha pa ng isa pang subo. Pagkatapos kumain, akmang tatayo na si Giselle para iwan ang pinagkainan niya. "Aling Marta," tawag niya. "Please wash my plate and utensils, okay? And oh, wipe the table too, it's getting so sticky." Lumapit si Marta at akmang aabutin ang plato nang magsalita si Santi mula sa kabilang dulo ng lamesa, mababa at seryoso ang boses. "Aling Marta, huwag niyo hong galawin 'yan." Napatigil ang matanda at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Bumaling si Santi kay Giselle, matalim ang mga matang nakatitig sa mukha ng dalaga. "May mga kamay ka. Hugasan mo ang sarili mong plato. Hindi ka bisita rito para utusan ang mga taong sa pamamahay na ito." Namilog ang mga mata ni Giselle, halos mabitawan ang hawak na tissue sa sobrang gulat. "What?! Are you literally telling me to wash dishes?!" hindi niya makapaniwalang tanong. "Do you know who am I?" "I am Giselle Monet Aragones! My hands are designed exclusively for holding a champagne flute, typing on my iPad, and sketching luxury floor plans! I do not touch sponge, dishwashing liquid, or greasy plates!" "Wala akong pakialam kung sino ka," blangkong sagot ni Santi habang tuwid na nakatingin sa kanya. "At wala ring pakialam ang mga plato kung sino ang maghuhugas sa kanila. Hugasan mo 'yan ngayon din, o iiwan ko 'yan dyan sa kwarto mo para pagising mo bukas, amoy tuyo na." Dumoble ang hindi makapaniwala ekspresyon sa mukha niya habang pinagmamasdan ang seryosong pagtayo nito habang tinutungga ang tubig mula sa baso. "You are a total monster! A literal dictator!" nanginginig sa inis na sigaw ni Giselle, padabog na kinuha ang plato at kutsara habang nagdadabog patungo sa lababo. "I hate this farm! I hate your face! I hate everything about this place! Ugh!" Tahimik na pinapanood ni Santi ang pagwawala niyo habang si Marta naman ay napa-iling na lang habang nagpipigil ng tawa sa gilid.Pagpasok ng hinihingal na si Giselle sa loob ng bahay matapos niyang hilahin ang tatlong malalaking maleta mula sa putikan, agad siyang napahinto.Naka-tile na maayos ang ground floor at gawa sa makintab na narra ang sahig sa ikalawang palapag. Malinis at amoy kape't kahoy ang buong lugar. Wala nga lang karangyaang tulad ng chandelier o imported Italian marble, pero napaka-homey at presko.Pero dahil si Giselle siy, wala pa ring nakaligtas sa kanyang maarteng mga mata."Wait, is this it?" "Ito na 'yon?""As in?" tanong niya habang pilit na humahawak sa nanakit na balakang. Nilingon niya ang binata na bitbit pa rin ang maleta ng kasambahay. "Santi, where is the elevator? Don't tell me I have to drag these heavy bags up those wooden stairs?!"Hindi siya pinansin ni Santi. Sa halip, ibinaba nito ang bag ni Marta at itinuro ang isang pinto, simpleng silid sa ibaba para sa matanda."Dito po ang kwarto niyo, Aling Marta. May sarili po nyang banyo sa loob," maayos na sabi ni Santi."Nak
Napalinga sila ni Giselle nang bahagyang yumugyog ang malaking gate na gawa sa bakal at lumang kahoy bago ito dahan-dahang bumukas nang pabalagbag. Mula sa loob, iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. Naka-simpleng maong na pantalon ito na may bakas ng matatagong dumi, pambukid na bota na baon sa putik, at abuhing t-shirt na medyo basang-basa ng pawis sa paligid ng leeg at dibdib. Nakatupi ang sleeves nito paitaas, na lalong nagpalitaw sa mamumula-mula at maskuladong braso nito mula sa pagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw. Dahan-dahang napakisap si Giselle. Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit balot ito ng pawis at alikabok ng sakahan, hindi maikakaila ang matangos nitong ilong, malalim na mga mata, at ang napakagandang pangangatawan nito na parang gawa para sa mga luxury fitness brand ad sa BGC. Parang nahipnotismo ang mga mata ni Giselle nang pagmasdan ang lalake. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi. "'Gosh, spatial design-wise, perfect proportio
"Huwag ka na ngang mag-impake ng buong aparador mo, Giselle! Isang malaking maleta lang ang dadalhin mo, at mamayang gabi na agad ang alis mo!" bungad na sigaw at mabilis na pagpasok ni Christian sa kuwarto habang nakikitang pinipilit isiniksik ni Giselle ang mga branded na damit sa mamahaling luggage. Maarteng huminto si Giselle, pumewang habang nakasuot pa ng silk bathrobe at hair rollers ang buhok. "Are you out of your mind, Kuya?! Paanong isang maleta lang? Like, paano ang makeup ko?" "Ang skincare ko?" "Ang limited-edition heels ko, pati na rin ang mga designer bags ko?" "Paano ako magli-live without them?" "Giselle Monet Aragones, hindi ka magbabakasyon sa Paris o sa Milan para magdala ng limang maleta!" inis na sagot ni Christian habang sapo ang noo. "Magtatago ka! Tatakas ka sa mga taong gustong manakit sa atin!" Napairap siya habang kinukuha ang isa pang kahon ng high-end palette. "Whatever, pero hinding-hindi ko iiwan ang baby pink Birkin ko, over my dead body,"
"Oh my gosh, please tell me you have the baby pink one in size 37, because if you'll tell me na naubusan na naman kayo, I am literally going to cry in front of this whole boutique," maarte at pabulong na reklamo ni Giselle habang nakabalandra ang mga paa niyang suot ang pinakabagong limited-edition designer heels sa isang exclusive luxury store sa Makati. Nakadekwatro ang mga binti niya habang patamad na umiinom ng mamahaling champagne na inihain ng store manager. Paligid siya ng punong-puno ng mga paper bags na naglalaman ng tatlong pares ng high-end shoes at isang designer handbag. Siya si Giselle Monet Aragones. Isang dalagang sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap lang—ultimate spoiled princess kung ituring ng pamilya, pero para sa kanya, ito ang standard lifestyle ng tulad niyang single at laging naharap sa kamera bilang social media influencer. "Right away, Miss Giselle! Checking na po kami sa stock room," kabadong tugon ng sales associate habang halos yu







