Masuk"Huwag ka na ngang mag-impake ng buong aparador mo, Giselle! Isang malaking maleta lang ang dadalhin mo, at mamayang gabi na agad ang alis mo!" bungad na sigaw at mabilis na pagpasok ni Christian sa kuwarto habang nakikitang pinipilit isiniksik ni Giselle ang mga branded na damit sa mamahaling luggage.
Maarteng huminto si Giselle, pumewang habang nakasuot pa ng silk bathrobe at hair rollers ang buhok. "Are you out of your mind, Kuya?! Paanong isang maleta lang? Like, paano ang makeup ko?" "Ang skincare ko?" "Ang limited-edition heels ko, pati na rin ang mga designer bags ko?" "Paano ako magli-live without them?" "Giselle Monet Aragones, hindi ka magbabakasyon sa Paris o sa Milan para magdala ng limang maleta!" inis na sagot ni Christian habang sapo ang noo. "Magtatago ka! Tatakas ka sa mga taong gustong manakit sa atin!" Napairap siya habang kinukuha ang isa pang kahon ng high-end palette. "Whatever, pero hinding-hindi ko iiwan ang baby pink Birkin ko, over my dead body," paninidigan niya nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa vanity table at kaswal na tinapat sa tenga. "Bonjour?" pagpe-french niyang bungad. "Makinig kayong mabuti sa akin, mga Aragones." Nahigit niya ang hininga at napakurap. "Who is calling me?" "Magnanakaw kayo! Kapag hindi kayo lumabas dyan at hindi ibinalik ang kaban ng bayan, kayong magkapatid ang uunahin kong ipapatay! Sisiguraduhin kong puputulin ko ang mga dila niyo!" Nanlamig ang buong katawan niya kasabay nang pagbitaw sa hawak niyang makeup brush habang nanginginig ang mga labi. "Giselle!" tawag ng kuya niya nang bigla siyang napaupo sa gilid ng kama, bumagsak ang mga balikat, at tuluyang tumulo ang mga luha. "Kuya, s-sino 'yun? Sabi niya, he will kill us." Lumapit si Christian, kinuha ang cellphone niya at mabilis na ibinaba bago siya tinabihan sa pagkakaupo. "Shh, hindi ka niya masasaktan, Giselle." Inakbayan siya nito at inalo-alo. "Kasama mo ako rito. Pero sa ngayon, kailangan mo lang umalis. Para ligtas ka." Kumapit siya rito at umiiyak na tumingala. "Magiging maayos ang lahat, trust me. Lilinisin ko ang pangalan ni Dad, ganoon na rin ng pamilya natin," pangako nito nang yakapin siya. Sumapit na ang malalim na gabi, tahimik silang sumilip sa bintana ng ikalawang palapag. Sa ibaba, tanaw na tanaw ang dilim na pinag-iilawan ng mga sulo at flashlight ng mga raliyistang nag-overnight sa tapat ng gate, may hawak pang mga placard at patuloy na nagbabantay. Sila naman ay nakayuko sa walang ilaw na kanilang bahay. "Sa likod tayo dumaan," bulong ng kasambahay nilang si Aling Marta na umakyat para sunduin siya. Dahil sa takot, nagmamadaling sumunod si Giselle habang bitbit ang isang malaking maleta. Habang pababa ng hagdan ay nakatungo para hindi sila makita sa bintana. "Grabe, ang scary nito. Para tayong mga fugitives sa isang movie, oh! Ang major difference lang, e... hello, ang ganda-ganda ko naman yatang magnanakaw, diba?" bulong niya sa kasambahay na alalay siya. Tulayan silang nakalabas ng bahay, gamit ang back door. Dahil sa matinding pagmamadali at nerbyos, hindi niya naisuot ang contact lens kaya malabo ang paningin niya sa dilim. "Aray ko! My gosh!" bulalas ni Giselle habang muntik nang madulas sa likod-bahay. "Aling Marta, bakit naman may invisible na paso rito?! Like, sino ba kasing naglagay ng tanim dito sa daanan ko, huh?!" maarte niyang reklamo habang sapo ang tuhod na halos masubsob sa lupa. "Ma'am Giselle, huwag na po kayong magreklamo, baka marinig po tayo ng mga tao sa labas!" saway ni Aling Marta habang inaalalayan siya. Nang makarating sila sa may bakod sa likod, sinalubong sila ni Christian na nag-abot ng sobreng naglalaman ng pera. Niyakap siya nito nang mahigpit ang nagharap. "Tandaan mo, Giselle, kukunin kita rito kapag humupa na ang gulo." "Yes, please, Kuya. I can't live in province, that's not me." "I promise," sagot nito at hinawakan siya sa isang pisngi. Pinagkatitigan niya ang nakakatandang kapatid. Si Christian ay ang tipo ng kapatid na maaasahan mo sa lahat ng bagay, isang seryosong abogado, number one sa bar exam noon, at laging abala sa pagtulong sa iba. Ito ang tipikal na panganay na kahit anong bigat ng responsibilidad ay kinakaya. Kabaligtaran naman niya na nagtapos ng Bachelor of Science in Interior Design, pagkatapos mag-aral ay hindi na siya kailanman nagbanat ng buto. "Saan ba talaga ako sasakay, Kuya? Paano ako magbi-byahe?" naiiyak na tanong niya. "Hindi ko alam mag-commute! Like, my shoes will be ruined." "Sasamahan ka ni Manang Marta," sagot ni Christian sabay turo sa matandang kasambahay. Sinulyapan naman niya ang ginang. Si Marta na ilang taon na palang nagtatrabaho sa kanila, pero ngayon lang niya napansin nang husto dahil masyado siyang nakatutok sa sarili niyang mundo. "Kayo na ang bahala sa kanya, Manang Marta," bilin ni Christian. "Hwuag po kayong mag-alala, Sir. Hindi ko po papabayaan si Ma'am Giselle." "Kuya," yakap ni Giselle sa kapatid. "Sige na, you need to go." Pagkatapos ng mabilis at madamdaming yakapan, isinakay sila sa isang traysikel. Habang umaandar palayo, malungkot na pinagmasdan ni Giselle ang kanilang bahay. Ang dati'y engrandeng gate ay mayroon nang malalaking pulang pinta ng mga salitang MAGNANAKAW! at mga itlog na natuyo. Hinawakan ni Marta ang nanginginig niyang kamay. "Magiging maayos din ang lahat, Ma'am Giselle. Tiis-tiis lang po muna." Pagdating nila sa terminal ng bus, halos ayaw huminga ni Giselle sa tindi ng alikabok at init. Suot niya ang pinakamalaking sumbrero, shades, at hoodie na nahanap niya para lang maitago ang mukha. "Aling Marta, bakit ang lagkit dito? Like, may aircon ba ang terminal na to o parang oven lang?" reklamo niya habang paypay ng kamay gamit ang kamay. Napatingin siya sa paligid, mga ordinaryong pasahero, tsuper na pawisan, at mga manggagawang tahimik na nagtitiis sa hirap. Habang naghihintay, napatingin si Giselle sa maliit na TV sa tabi ng tindahan. Bandang lumabas ang balita tungkol sa kanila. "Milyun-milyong pisong nakaw na yaman ng pamilya Aragones, patuloy na iniimbestigahan habang ang mga anak nito ay nagpapakasasa sa luho." Napatakip si Giselle sa bibig niya, tumulo ang luho, este, luha sa mga mata niya. Masakit na makita ang buong pamilya nila sa balita na may kinalaman sa korapsyon. Itinago niya ang mukha nang may dumaang mga tao at galit na galit sa balita. "Dapat talaga, ikulong ang mga 'yan." "Mga walanghiya. Tayo rito, nagtitiis pero ang mga anak nila nagpapakasaya." "Ma'am Giselle, halika na. Nakabili na ako ng ticket," dumating ang kasambahay at iginiya siyang magtungo sa bus. Nang sumakay na sila sa bus, hirap na hirap si Giselle. Ayaw niyang masagi ng ibang pasahero ang mamahaling maleta niya kaya halos yakapin niya ito habang nakatayo sa pasilyo bago makarating sa upuan. Pagkaupo niya sa tabi ng bintana ay pagod siyang huminga. At tumingin na lang sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan papalayo sa lungsod. Ilang oras ang binyahe nila. Umabot na yata ng siyamnapung beses siyang uminda dahil sa sakit ng pwet at likod. "Ouch! Aling Marta, parang nawalan na ng circulation ang spine ko sa bawat lubak ng daang 'to! Like, government road ba talaga 'to o obstacle course para sa mga tangke?!" reklamo niya habang pilit iniaayos ang upuan. "Magtiis na lang po kayo ng kaunti, Ma'am. Baba na rin po tayo, at sasakay na sa jeep." "Jeep? Another sakay na naman?" "Opo, Ma'am." "Saan ba tayo pupunta, sa Mars?" hindi niya makapaniwalang tanong dahil pakiramdam niya buong magdamag na silang lulan ng bus. At napakalayo na nila sa lahat. Hapon na nang makarating sila sa destinasyon. Pero hindi pa roon nagtatapos ang paghihirap nila, sumakay pa sila sa isang siksikang dyip kung saan may tumapak pa sa white sneakers niya. Gigil niyang pinagkatitigan ang may duming sapatos at mataray na tiningan ang babaeng may katabaan, at may kaiitiman nakatapak niyon na kaswal na may bitbit na plastik na baso, at kumakain ng streetfood. Para bang walang pakialam sa naapakan niya at pokus sa pagkain. Akma siyang magsasalita nang pigilan ni Marta. "Ma'am, hayaan niyo na po. Ganiyan po talaga sa mga jeep. Lilinisin ko na lang po," gamit ang kamay ay ito na mismo ang nagpunas ng dumi sa sapatos niya. Siya naman ay pumikit at huminga nang malalim. "Stress, don't stress yourself, Giselle. You're going to end up looking just like them," bulong niya sa sarili at pinapakalma ang mga nerves sa ulo. Abot-abot ang pasasalamat niya nang huminto ang jeep. Pagbaba ay pinag-aagawan ng mga traysikel drayber ang halos lahat ng pasahero. "Ma'am, dito na po kayo!" kinuha ng isang lalake ang maleta niya. "Take care of my luggage, please. Don't make it hulog, or I will sue you," aniya. Nagkatinginan naman ang may mga edad na drayber. "Ano daw?" Nagtawanan at nagkibit-balikat ang mga ito. Hindi siya makapaniwala nang basta ibinalagbag ang mamahalin niyang luggage sa likod ng traysikel. "What the heck-" "Ma'am, tara na po," putol sa kanya ni Marta at hinawakan siya sa kamay papasok sa loob ng traysikel. At nang umandar ang traysikel ay nagsimula na rin ang kalbaryo niya. "Oh my gosh! Aling Marta, hold on! Like, are we riding a tricycle or a roller coaster ride from hell?!" sigaw niya habang tadtad ng alog ang buong katawan at lumilipad-lipad ang mga hibla ng buhok niya sa bawat pagbulusok ng traysikel sa lubak. Halos magdikit ang mukha niya sa balikat ng matandang kasambahay dahil sa lakas ng pag-ugong at pag-uga ng lumang makina. Bawat talbog ng gulong sa putikan ay parang direktang sumasakit sa mamahaling spine niya. "Ma'am Giselle, kumapit po kayo nang mahigpit sa bakal! Baka mahulog kayo, pupulitin po kayo sa putikan niyan kung tatalbog-talbog kayo nang ganyan!" payo ni Marta habang nakakapit din nang mahigpit sa gilid ng sidecar at pilit pinipigilan ang sariling mahilo. "Im trying my best! But never in my life na nakasakay ako nang ganito sa buong life ko!" bulyaw pabalik niya habang pilit na iniiwasan ang bawat tilamsik ng putik na pumapasok sa loob ng traysikel. "And look at my white sneakers! It's muddy! Is this vehicle legally allowed to drive on actual roads or literal na torture chamber lang ito para sa mga alta?!" Napasigaw siya nang isang malaking lubak na naman ang sinalubong ng traysikel kaya sabay silang napasubsob sa unahan, buti na lang at nasalo ni Giselle ang sarili gamit para hindi masagi ng dumi ang mukha niya. Napapikit na lang siya habang umiiyak sa loob-loob niya, yakap-yakap ang maleta na parang hibla ng buhay niya. Nang huminto ang traysikel ay halos pagapang so Giselle na lumabas habang ang buhok ay gulo-gulo. Nakita niyang nakangiti ang drayber ng traysikel nang abutan ng bayad ni Marta. "Welcome sa Baryo Tagaktak Buhi." Umalis na ito siya naman ay nagtataka. "Baryo- what?" "What's that name?" "I can't even pronounce it. It sounds like yuck," aniya. "Ma'am, halika na po." Tinulungan siya ng kasambahay na maglakad sa putikan. Kahit anong iwas niya ay wala na siyang magagawa. Pikit-mata siyang naglakad doon at nang makarating sa malaking gate ay hikahos siyang kumapit habang puro putik. "Tell me, where here, right, Manang Marta?" "Because if not, I'm just going to bury myself in the mud," hingal niyang wika. Ngumiti naman ito. "Opo, Ma'am. Nandito na po tayo." "Good." "Great." "Bravo!" "Good News," pagod niyang sunod-sunod na usal. Laylay ang dila niya nang mapaupo na lang sa sa ibabaw ng maleta na katulad niya ay naliligo sa putik.Pagpasok ng hinihingal na si Giselle sa loob ng bahay matapos niyang hilahin ang tatlong malalaking maleta mula sa putikan, agad siyang napahinto.Naka-tile na maayos ang ground floor at gawa sa makintab na narra ang sahig sa ikalawang palapag. Malinis at amoy kape't kahoy ang buong lugar. Wala nga lang karangyaang tulad ng chandelier o imported Italian marble, pero napaka-homey at presko.Pero dahil si Giselle siy, wala pa ring nakaligtas sa kanyang maarteng mga mata."Wait, is this it?" "Ito na 'yon?""As in?" tanong niya habang pilit na humahawak sa nanakit na balakang. Nilingon niya ang binata na bitbit pa rin ang maleta ng kasambahay. "Santi, where is the elevator? Don't tell me I have to drag these heavy bags up those wooden stairs?!"Hindi siya pinansin ni Santi. Sa halip, ibinaba nito ang bag ni Marta at itinuro ang isang pinto, simpleng silid sa ibaba para sa matanda."Dito po ang kwarto niyo, Aling Marta. May sarili po nyang banyo sa loob," maayos na sabi ni Santi."Nak
Napalinga sila ni Giselle nang bahagyang yumugyog ang malaking gate na gawa sa bakal at lumang kahoy bago ito dahan-dahang bumukas nang pabalagbag. Mula sa loob, iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. Naka-simpleng maong na pantalon ito na may bakas ng matatagong dumi, pambukid na bota na baon sa putik, at abuhing t-shirt na medyo basang-basa ng pawis sa paligid ng leeg at dibdib. Nakatupi ang sleeves nito paitaas, na lalong nagpalitaw sa mamumula-mula at maskuladong braso nito mula sa pagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw. Dahan-dahang napakisap si Giselle. Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit balot ito ng pawis at alikabok ng sakahan, hindi maikakaila ang matangos nitong ilong, malalim na mga mata, at ang napakagandang pangangatawan nito na parang gawa para sa mga luxury fitness brand ad sa BGC. Parang nahipnotismo ang mga mata ni Giselle nang pagmasdan ang lalake. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi. "'Gosh, spatial design-wise, perfect proportio
"Huwag ka na ngang mag-impake ng buong aparador mo, Giselle! Isang malaking maleta lang ang dadalhin mo, at mamayang gabi na agad ang alis mo!" bungad na sigaw at mabilis na pagpasok ni Christian sa kuwarto habang nakikitang pinipilit isiniksik ni Giselle ang mga branded na damit sa mamahaling luggage. Maarteng huminto si Giselle, pumewang habang nakasuot pa ng silk bathrobe at hair rollers ang buhok. "Are you out of your mind, Kuya?! Paanong isang maleta lang? Like, paano ang makeup ko?" "Ang skincare ko?" "Ang limited-edition heels ko, pati na rin ang mga designer bags ko?" "Paano ako magli-live without them?" "Giselle Monet Aragones, hindi ka magbabakasyon sa Paris o sa Milan para magdala ng limang maleta!" inis na sagot ni Christian habang sapo ang noo. "Magtatago ka! Tatakas ka sa mga taong gustong manakit sa atin!" Napairap siya habang kinukuha ang isa pang kahon ng high-end palette. "Whatever, pero hinding-hindi ko iiwan ang baby pink Birkin ko, over my dead body,"
"Oh my gosh, please tell me you have the baby pink one in size 37, because if you'll tell me na naubusan na naman kayo, I am literally going to cry in front of this whole boutique," maarte at pabulong na reklamo ni Giselle habang nakabalandra ang mga paa niyang suot ang pinakabagong limited-edition designer heels sa isang exclusive luxury store sa Makati. Nakadekwatro ang mga binti niya habang patamad na umiinom ng mamahaling champagne na inihain ng store manager. Paligid siya ng punong-puno ng mga paper bags na naglalaman ng tatlong pares ng high-end shoes at isang designer handbag. Siya si Giselle Monet Aragones. Isang dalagang sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap lang—ultimate spoiled princess kung ituring ng pamilya, pero para sa kanya, ito ang standard lifestyle ng tulad niyang single at laging naharap sa kamera bilang social media influencer. "Right away, Miss Giselle! Checking na po kami sa stock room," kabadong tugon ng sales associate habang halos yu







