Início / Romance / NEPOOR BABY / KABANATA 3: PUTIKAN

Compartilhar

KABANATA 3: PUTIKAN

last update Data de publicação: 2026-10-29 14:35:42

Napalinga sila ni Giselle nang bahagyang yumugyog ang malaking gate na gawa sa bakal at lumang kahoy bago ito dahan-dahang bumukas nang pabalagbag.

Mula sa loob, iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. Naka-simpleng maong na pantalon ito na may bakas ng matatagong dumi, pambukid na bota na baon sa putik, at abuhing t-shirt na medyo basang-basa ng pawis sa paligid ng leeg at dibdib.

Nakatupi ang sleeves nito paitaas, na lalong nagpalitaw sa mamumula-mula at maskuladong braso nito mula sa pagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw.

Dahan-dahang napakisap si Giselle.

Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit balot ito ng pawis at alikabok ng sakahan, hindi maikakaila ang matangos nitong ilong, malalim na mga mata, at ang napakagandang pangangatawan nito na parang gawa para sa mga luxury fitness brand ad sa BGC.

Parang nahipnotismo ang mga mata ni Giselle nang pagmasdan ang lalake. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi.

"'Gosh, spatial design-wise, perfect proportion!' bulong niya sa sarili habang nanliliit ang mga mata. "Sayang, tauhan lang rito. Why are all the handsome guys in the middle of nowhere working as farm hands? Like, super waste of potential!"

Sinuot niya ang mamahaling sunglasses gamit ang dalawang daliri habang nakatayo sa tapat ng nakabukas na gate.

"Excuse me?" maarte siyang kumaway matapos tumayo mula sa pagkakaupo sa maleta.

Seryoso ang mga mata ng lalake nang ibaling sa kanya. Pa-sweet siyang ngumiti rito. "Are you the caretaker here or something?" maarte niyang tanong.

"Can you please call the owner of this place right now? My lower back is literally screaming in pain, my white sneakers have formed their own muddy ecosystem, and I urgently need a bottle of cold sparkling water and a sanitizing wipe! Hurry up, please."

Sinipat siya ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa habang kaswal na sa nagbubuhat ng hawak na lubid.

"Please?" kumurap-kurap pa si Giselle.

Unti-unti nitong ibinaba ang gamit at pinihit ang ulo para harapin si Giselle. Napatingin ito sa buhok ng dalaga, sa gusot at mantsadong designer top nito, at sa nagpapa-cute nitong mukha.

"Hindi ako tauhan rito," malamig at seryosong sagot ng lalaki. Ang boses nito ay malalim, baritono, at walang kahit anong bakas ng giliw.

"At ako ang may-ari ng buong sakahang tinatayuan mo."

Namilog ang mga mata ni Giselle. Napahawak siya sa dibdib at napapaatras ng kalahating hakbang. "What?!"

"As in you?!"

"You're the owner of this, this whole massive hacienda?!"

Napatitig si Giselle sa mukha ng lalaki, at may isang tao siyang naaalala, ang matitulis at matatagas nitong features.

At may isang pangalan na parang kidlat na tumama sa kanya.

Santiago "Santi" Cueva.

"Wait, oh my god," napasinghap siya tuluyang napatakip ng bibig. "You're, you're Santi?! As in Santiago Cueva?!"

Nagpantig ang tainga ni Santi pero nanatiling seryoso ang mukha, walang reaksyon habang pinagmamasdan ang hindi makapaniwalang mukha ng dalaga.

Biglang bumalik kay Giselle ang alaala ilang taon na ang nakararaan noong college pa sila ng Kuya Christian niya.

Si Santi na galing sa probinsya at nagpunta sa Maynila para mag-aral sa Maynila. Naalala pa niya kung paano nilaait-lait si Santi sa harap ng pamilya nila noong minsan itong bumisita sa mansyon nila sa Forbes Park.

'Kuya, why are you even making friends with someone who looks like he literally belongs in a construction site?' ang maarteng sabi ni Giselle na 16 years old noon habang pinagmamasdan ang kasama ng kapatid.

"Like, ew, he's so poor! Wala man lang bang kaparehong level ng lifestyle natin na pwedeng maging friend mo? He smells like dust and jeepney fumes!"

Kinabahan siyang napangiti. Muling binalik ang sunglasses at hoodie para itago ang mukha dahil sa hiya.

Inirapan lang ito ni Santi. Walang alinlangang tinalikuran ang dalaga at nagbaling ng tingin sa matandang babaeng nakatayo sa likod ni Giselle.

Naalala ni Santi ang tawag sa kanya ni Christian bago pa man dumating ang mga ito. Sinabi ng abogado na may kasamang matandang kasambahay ang kapatid nitong si Giselle para may mag-alaga rito habang nagtatago.

"Magandang umaga po. Kayo po ba si Aling Marta?" tanong ni Santi, agad na lumambot ang boses at naging magalang, malayo sa malamig na pakikitungo niya kay Giselle.

Mabilis na yumuko si Aling Marta at ngumiti nang alanganin. "Oho, Sir Santi. Ako po si Marta. Pasensya na po kayo sa abala at sa itsura namin, medyo mahirap po kasi ang biyahe mula sa Maynila."

"Walang problema, Aling Marta. Welcome po sa sakahan," maayos na tugon ni Santi. Kinuha niya ang bitbit na dalawang lumang bag ng ginang mula sa kamay nito nang walang kaabog-abog.

"Tuloy po kayo sa loob para makapagpahinga at makakain po kayo."

"Naku, maraming salamat po, Sir Santi!" tuwang-tuwang sagot ni Marta.

Bumaling si Santi kay Giselle na nagtatago at hindi masalubong ang mga mata niya. Ngumisi siya dahil alam niyang naalala nito ang ginawa sa kanya noon.

Malamig ang mga mata niya habang sinusuri ang tatlong malalaking designer luggage nito na puro putik na rin.

"Tara na ho, Manang."

"Sige ho-"

Sandaling pumikit si Giselle para lunukin ang kahihiyan. Mabilis niyang inalis ang hoodie at agad na dumaing habang pilit na humahawak sa braso ng kasambahay.

Alangan niyang sinulyapan ang kaibigan ng kapatid.

"Oh my gosh, Santi, you have literally no idea how traumatizing the whole commute was!" mabilis at maarteng reklamo niya habang naka-pout na itinuturo ang suot na sapatos. "Like, sumakay kami sa bus na parang totoong oven, then a jeepney where some random stranger literally stepped on my white sneakers! And don't get me started on that horrific tricycle na halos magdislocate ng spine ko! My back is completely ruined, my skin is dehydrating by the second, and I think one of my hair rollers fell into actual cow dung! Can you please get someone to carry my bags and lead me to my air-conditioned room right now?!"

Hindi man lang kumurap si Santi. Tiningnan niya lang si Giselle nang may halong pagkabagot.

Hindi niya sinagot ang kahit isang salita ng dalaga.

Sa halip, tumingin si Santi kay Marta. "Pumasok na po kayo sa loob, Aling Marta. Mag-iingat po sa hagdan, medyo madulas gawa ng ulan kanina."

May alinlangan na sinulyapan ni Marta ang alaga bago tumango. Akmang hahawakan nito ang isa sa mga maleta ni Giselle para tulungan.

"Ma'am Giselle, tulungan ko na po kayo diyan-"

"Huwag po, Aling Marta," mabilis at seryosong singit ni Santi habang nakatayo sa gitna ng daan. "Kaya na niya 'yan. May dalawang kamay at dalawang paa naman siya. Hindi po kayo pumunta rito para maging utusan ng taong kayang magbitbit ng sarili niyang gamit. Kinaya niyang mag-empake nang ganiyan karami."

Napatigil si Marta. Napatingin ito kay Giselle na pautal-utal na bumuka ang bibig sa sobrang gulat.

"What?! Are you seriously telling me to drag these three massive bags through all this putik?!" bulalas ni Giselle, napahawak sa leeg sa matinding gulat. "Santi, hello?! I am a guest here! At saka, hello, I am Giselle Monet Aragones! I don't carry heavy stuff! My hands are made for sketching interior layouts, not for manual labor!"

Dumaan lang sa gilid niya si Santi, bitbit ang bag ng kasambahay niya, at kaswal na naglakad pabalik sa loob ng malaking bakuran ng sakahan. "Pasok na po kayo, Aling Marta."

"Ah., opo, Sir," alanganing sagot ng matanda.

Tumingin ito nang may awa sa kanya. "Ma'am Giselle, pasensya na po, susunod na po ako sa loob."

"Aling Marta, wait! Don't leave me here with this savage!" sigaw ni Giselle habang nakaturo sa likod ni Santi. "Aling Marta, that's betrayal! Like, major, major betrayal!"

Nilingon siya ni Santi nang bahagya nang hindi man lang humihinto sa paglalakad. "Kung ayaw mong buhatin 'yang mga maleta mo, iwan mo diyan sa labas. Maraming ligaw na aso at kalabaw diyan na pwedeng maglaro sa mga branded bags mo."

Namilog ang mga mata niya."What?! You wouldn't dare! My Birkin is inside one of these! Don't you dare let a cow touch my Birkin!"

Tuluyan nang pumasok si Santi at Marta sa loob, na pabalagbag na naisara nang bahagya ang gate sa lakas ng hangin.

Naiwan si Giselle na mag-isa sa gitna ng maputik na daan. Tiningan niya ang maruruming bag na bibitbitin niya.

Napadabog ang mga paa niya.

"I can't believe this! This is a literal nightmare! As in nightmare!" tili niya habang nagtatampisaw ang kanyang maduduming sapatos sa putik.

Inalis niya nang padabog ang suot na sumbrero at sinubukang hilahin ang pinakamalaking maleta. Kaso dahil sa matinding lagkit ng putik sa gulong, ayaw nitong gumalaw.

"Ugh! Move, you stupid bag! Move!" sigaw niya habang buong pwersang hinihila ang handle.

Sa lakas ng hila niya, biglang nadulas ang mga paa niya sa basang lupa.

"No!!!" Napasigaw si Giselle habang pabalagbag na napaupo sa mismong gitna ng putikan, hawak-hawak pa rin ang handle ng maleta. Ang magkabila niyang siko at ang likod ng kanyang mamahaling top ay tuluyan nang nabalutan ng kulay tsokolateng putik.

"AAAAAHHHH!" napatili siya sa taas ng boses na halos makabasag ng salamin sa buong sakahan at magliparan ang lahat ng hayop sa paligid.

Awang-awa niyang pinagmamasdan ang sarili.

"My clothes! My skin! My whole aesthetic! Everything is ruined!"

angatal ang mga labi niya habang nakatingin sa sariling mga kamay na puno ng dumi. Masama ang tingin niya nang bumaling sa nakatalikod at naglalakad na palayong kaibigan ng kapatid.

"Santi, you brute!" tili niya.

" I hate you!"

"I hate this farm!"

"I hate commuting!"

"I hate everything!" padabog siyang pilit na tumayo at muling hinaltak ang dalawang maleta sabay tayo, mukha nang tanga habang pilit na kinakaladkad ang mga ito sa daan habang nagtitili sa bawat hakbang. "Kapag ako talaga nakabalik sa Forbes Park, I will sue this place! I will literally buy this land and turn it into a mall! Ugh!"

Nang makapasok si Marta sa loob ng bahay. Huminto si Santi sa p***o, tumayo siya, humalukipkip at pinanood ito.

Parang basang sisiw na nag-iingay at nagwawala habang hinihila ang mga gamit nito sa putikan.

Napailing na lang siya na may kaunting ngiti ng pang-aasar sa mga labi bago naging seryoso ang mukha.

"Welcome sa sakahan at pagmamay-ari ko, Giselle Monet Aragones."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • NEPOOR BABY   KABANATA 4:

    Pagpasok ng hinihingal na si Giselle sa loob ng bahay matapos niyang hilahin ang tatlong malalaking maleta mula sa putikan, agad siyang napahinto.Naka-tile na maayos ang ground floor at gawa sa makintab na narra ang sahig sa ikalawang palapag. Malinis at amoy kape't kahoy ang buong lugar. Wala nga lang karangyaang tulad ng chandelier o imported Italian marble, pero napaka-homey at presko.Pero dahil si Giselle siy, wala pa ring nakaligtas sa kanyang maarteng mga mata."Wait, is this it?" "Ito na 'yon?""As in?" tanong niya habang pilit na humahawak sa nanakit na balakang. Nilingon niya ang binata na bitbit pa rin ang maleta ng kasambahay. "Santi, where is the elevator? Don't tell me I have to drag these heavy bags up those wooden stairs?!"Hindi siya pinansin ni Santi. Sa halip, ibinaba nito ang bag ni Marta at itinuro ang isang pinto, simpleng silid sa ibaba para sa matanda."Dito po ang kwarto niyo, Aling Marta. May sarili po nyang banyo sa loob," maayos na sabi ni Santi."Nak

  • NEPOOR BABY   KABANATA 3: PUTIKAN

    Napalinga sila ni Giselle nang bahagyang yumugyog ang malaking gate na gawa sa bakal at lumang kahoy bago ito dahan-dahang bumukas nang pabalagbag. Mula sa loob, iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. Naka-simpleng maong na pantalon ito na may bakas ng matatagong dumi, pambukid na bota na baon sa putik, at abuhing t-shirt na medyo basang-basa ng pawis sa paligid ng leeg at dibdib. Nakatupi ang sleeves nito paitaas, na lalong nagpalitaw sa mamumula-mula at maskuladong braso nito mula sa pagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw. Dahan-dahang napakisap si Giselle. Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit balot ito ng pawis at alikabok ng sakahan, hindi maikakaila ang matangos nitong ilong, malalim na mga mata, at ang napakagandang pangangatawan nito na parang gawa para sa mga luxury fitness brand ad sa BGC. Parang nahipnotismo ang mga mata ni Giselle nang pagmasdan ang lalake. Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi. "'Gosh, spatial design-wise, perfect proportio

  • NEPOOR BABY   KABANATA 2: BARYO TAGAKTAK BUHI

    "Huwag ka na ngang mag-impake ng buong aparador mo, Giselle! Isang malaking maleta lang ang dadalhin mo, at mamayang gabi na agad ang alis mo!" bungad na sigaw at mabilis na pagpasok ni Christian sa kuwarto habang nakikitang pinipilit isiniksik ni Giselle ang mga branded na damit sa mamahaling luggage. Maarteng huminto si Giselle, pumewang habang nakasuot pa ng silk bathrobe at hair rollers ang buhok. "Are you out of your mind, Kuya?! Paanong isang maleta lang? Like, paano ang makeup ko?" "Ang skincare ko?" "Ang limited-edition heels ko, pati na rin ang mga designer bags ko?" "Paano ako magli-live without them?" "Giselle Monet Aragones, hindi ka magbabakasyon sa Paris o sa Milan para magdala ng limang maleta!" inis na sagot ni Christian habang sapo ang noo. "Magtatago ka! Tatakas ka sa mga taong gustong manakit sa atin!" Napairap siya habang kinukuha ang isa pang kahon ng high-end palette. "Whatever, pero hinding-hindi ko iiwan ang baby pink Birkin ko, over my dead body,"

  • NEPOOR BABY   KABANATA 1: NEPO BABY

    "Oh my gosh, please tell me you have the baby pink one in size 37, because if you'll tell me na naubusan na naman kayo, I am literally going to cry in front of this whole boutique," maarte at pabulong na reklamo ni Giselle habang nakabalandra ang mga paa niyang suot ang pinakabagong limited-edition designer heels sa isang exclusive luxury store sa Makati. Nakadekwatro ang mga binti niya habang patamad na umiinom ng mamahaling champagne na inihain ng store manager. Paligid siya ng punong-puno ng mga paper bags na naglalaman ng tatlong pares ng high-end shoes at isang designer handbag. Siya si Giselle Monet Aragones. Isang dalagang sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap lang—ultimate spoiled princess kung ituring ng pamilya, pero para sa kanya, ito ang standard lifestyle ng tulad niyang single at laging naharap sa kamera bilang social media influencer. "Right away, Miss Giselle! Checking na po kami sa stock room," kabadong tugon ng sales associate habang halos yu

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status