Kinaumagahan, alas 8 ng umaga, nasa harap na ng kulungan si Mariel, si Miguel, at si Lola Conching. Malamig at maingay ang kulungan. Maraming pulis."Mariel, sigurado ka ba? Ayaw mo ba ako na lang ang pumasok?" tanong ni Miguel na hawak ang kamay ni Mariel."Hindi, Miguel. Kailangan kong harapin si Amelita. Para sa sarili ko, para makalaya na ako sa galit. At para sa inyo ni Lola," sabi ni Mariel na nanginginig pero matapang.Pumasok sila sa visiting room. Bawal ang yakap, may salamin sa gitna. Maya-maya, lumabas si Amelita. Naka orange na damit ng preso, payat, walang make-up, at mukhang matanda na ng 10 taon. Wala na ang mayabang na Amelita dati.Pagkakita kay Mariel, biglang umiyak si Amelita."Mariel?" tawag ni Amelita sa basag na boses."Amelita," sabi ni Mariel na malamig pero umiiyak din."Mariel, salamat at pumunta ka. Akala ko hindi ka na darating. Alam kong galit ka sa akin. Alam kong ang dami kong kasalanan sa inyo," sabi ni Amelita habang umiiyak sa salamin."Amelita, baki
Last Updated : 2026-10-27 Read more