Kinabukasan. Alas-nueve ng umaga. SD Construction main office, Imus.May malaking meeting. Lahat ng empleyado nandoon. Lahat ng engineer, foreman, mason, at tagaluto. Dahil may bagong investor na darating — si Mr. Tan, 62 years old, may-ari ng limang hotel sa Tagaytay at mayamang-mayama. Kapag nakuha ni Miguel ang investment nito, 50 million ang kikitain ng kumpanya.Si Mariel ang in-charge sa lahat. Naka-black blazer na mamahalin, white blouse, at high heels. Nakalugay ang buhok na bagong rebond. Naka-red lipstick. Maganda. Elegante. Hindi na mukhang kawawa."Okay, everyone, darating na si Mr. Tan ng 9:30. Gusto ko malinis ang lahat, maayos ang lahat. Walang magpapakita ng kapangitan," sabi ni Mariel sa microphone, professional na professional.Si Romano at Carla, nasa dulo. Naka-uniform pa rin ng tagalinis ng banyo at tagahalo ng semento. Pawis na pawis. Amoy pawis."Bilisan mo, Romano, magwalis ka doon!" utos ni Mariel kay Romano.Napayuko si Romano. Dati, siya ang nag-uutos kay Ma
Last Updated : 2026-10-27 Read more