Maagang-maaga, alas singko pa lang, nasa lupa na sina Lola Pacing at Maya.Kasama nila si Kapitan Morales, ang asawa nitong si Aling Elena, si Aling Nelia na ngayon ay nakangiti na, at tatlong trabahador na may hawak na pala.Sa harap nila, may nakatanim na apat na kawayan — marka ng magiging Branch 40. 1.5 ektarya. Tabing-dagat. Pangarap."Bago natin simulan, magdasal muna tayo," sabi ni Lola Pacing.Pumikit silang lahat. "Panginoon, maraming salamat po sa lupaing ito. Ito po ang pangarap ng asawa kong si Paco at ng anak kong si Delia. Ngayon, sa tulong po ninyo, sisimulan na namin. Basbasan ninyo po ang Branch 40."Pagkatapos magdasal, kinuha ni Lola Pacing ang pala. Siya ang unang humukay.Isang pala. Dalawa. Tatlo.Sa ikatlong hukay, may tumunog na matigas._Klang!_"Hala, may bato!" sigaw ng isang trabahador.Pero nang hukayin pa nila, hindi bato. Isang lumang baul na kahoy. Maliit lang, mga isang dangkal ang laki, gawa sa narra, may kalawang na kandado.Nagkatinginan ang lahat.
Last Updated : 2026-10-29 Read more