The Problem with Being SingleSam's POV"Sweetheart, anong plano mo sa love life mo?"Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain at dahan-dahang tumingin kay Mama, na nakaupo sa tapat ko habang kumakain kami ng dinner.Oh, no.Hindi na naman ito."Wala ka pang naging boyfriend kahit isa. You're already twenty-four, anak. At huwag mong gayahin ‘yang kuya mo na twenty-eight na, wala pa ring asawa at anak," dagdag niya bago sumulyap kay Kuya Basti.Napatingin ako sa kuya ko. Abala siya sa paghiwa ng steak niya, na para bang wala siyang narinig. Pero kilala ko ang lalaking ‘to. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong mang-asar."Ma, wala sa plano ko ang mag-asawa at magkaanak," kalmadong sagot niya. "Kay Sam pa nga lang, sakit na sa ulo. Mag-asawa at anak pa kaya?"Napasinghap ako."Excuse me? I'm not sakit sa ulo kaya!"Doon lang siya tumingin sa akin, saka ngumisi."Talaga? Sure ka?""Kuya!"Tumawa siya nang mahina habang ipinagpapatuloy ang pagkain. Nakakainis talaga. Minsan, iniisip kong ip
Last Updated : 2026-10-29 Read more