Share

Chapter 4

Author: Celine Vale
last update publish date: 2026-10-29 17:28:04

The First Problem

Four Years Ago

Hindi pa man nagsisimula nang maayos ang araw ni Samantha Reyes, gusto na niyang umuwi.

Hindi dahil mahirap ang university na pinasukan niya. Hindi rin dahil kinakabahan siya sa bago niyang environment. Ang problema, halos labinlimang minuto na siyang paikot-ikot sa campus habang hawak ang schedule niya, at hindi pa rin niya mahanap ang tamang building.

“Great. First day, lost na agad.”

Napahinto siya nang makarinig ng tawanan mula sa may fountain.

May ilang estudyanteng nagkukumpulan roon, pero isang lalaki ang agad nakakuha ng atensyon niya. Matangkad, maayos manamit, at may ngiting parang sanay na sanay na nakukuha ang gusto niya.

Nakatayo ito sa harap ng isang babae, nakayuko nang bahagya habang may ibinubulong sa tainga nito. Nang tumawa ang babae, marahang hinawakan ng lalaki ang baywang nito para ilapit sa kaniya. Pagkatapos, inayos pa nito ang buhok ng babae at hinalikan ang noo nito na para bang matagal na silang magkasintahan.

Hindi alam ni Sam kung matatawa ba siya o mapapailing.

Ang aga-aga, may live demonstration na agad ng pagiging malandi.

“Hindi ka ba talaga papasok sa klase mo?” tanong ng babae, nakangiti pa rin.

“Why would I leave when you're here?” sagot ng lalaki.

“Ang cheesy mo.”

“But you like it.”

Lalong natawa ang babae nang hilahin siya ng lalaki palapit. May kung ano pa itong ibinulong na hindi na narinig ni Sam, pero sapat na ang reaksyon ng babae para malaman niyang hindi iyon tungkol sa assignment nila.

Napailing si Sam.

“First day pa lang, may halimaw na agad akong nakita,” bulong niya. “May subject ba sa pagiging walking red flag?”

“Excuse me?”

Napapikit siya sandali.

Oh, crap.

Dahan-dahan siyang lumingon at nadatnang nakatingin na sa kaniya ang lalaki. Nakataas ang isang kilay nito, habang ang babaeng kasama nito ay halatang nagtataka sa biglang pagbabago ng sitwasyon.

“May sinabi ka?” tanong ng lalaki.

“Wala.”

“Talaga? Parang may narinig akong halimaw.”

“Baka gutom ka lang.”

Napatawa nang bahagya ang babae, pero agad din itong nagpaalam nang tingnan siya ng lalaki.

“See you later, Nico.”

“Text me,” sagot nito, sabay hawak sa kamay ng babae bago tuluyang bumitaw. “Don't miss me too much.”

“Ang kapal mo!” natatawang sagot ng babae bago lumayo.

Naiwan silang dalawa, magkaharap sa gitna ng walkway.

Tiningnan ni Sam ang lalaki mula ulo hanggang paa. “Nico, huh?”

“May problema ka sa pangalan ko?”

“Wala. Bagay naman.”

“Really?” Ngumisi ito. “Akala ko may problema ka sa buong pagkatao ko.”

“Hindi pa kita kilala nang ganon kalalim para masabing buong pagkatao mo ang problema.”

“Pero may opinion ka na agad.”

“Hindi ko kailangang tikman ang pagkain para malaman kung panis.”

Sandaling natahimik si Nico bago natawa. Hindi iyong pilit na tawa para magpa-impress, kundi iyong halatang nagulat siya sa sagot ng kausap.

“Ang tapang mo naman.”

“Ang lakas mo rin kasing mambola. Baka kailangan mong marinig ang sarili mong sinasabi.”

“I'm just being nice.”

“Kung ganiyan ka maging nice, ayokong malaman kung paano ka maging rude.”

Lalong lumawak ang ngiti ni Nico. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Sam.

“Nicolas Alcantara.”

Tiningnan ni Sam ang kamay nito bago muling tumingin sa mukha niya.

“Congratulations.”

“Anong congratulations?”

“Akala ko kasi may award kang tinanggap.”

Hindi tinanggap ni Sam ang kamay nito. Sa halip, inayos niya ang hawak niyang schedule at nagpatuloy sa paglalakad.

“Wait. What's your name?”

“Hindi mo kailangang malaman.”

“Paano kung gusto kong malaman?”

“Then that's your problem.”

Naiwan si Nico sa kinatatayuan niya, nakatingin sa papalayong babae. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa. Kadalasan, kapag nagpapakilala siya, madali lang makuha ang atensyon ng kausap. Pero ang isang iyon, parang mas gugustuhin pang makipagtalo sa poste kaysa kausapin siya.

“Bro!”

Napalingon siya nang dumating si Gabriel Villanueva, may dalang dalawang iced coffee.

“Kanina pa kita hinahanap. Sino yung kausap mo?”

“Wala.”

“Wala, pero nakangiti ka nang ganiyan?”

Iniabot ni Gabe ang isang baso sa kaniya. “Huwag mong sabihing may bago ka na namang nilalandi.”

“Hindi lahat ng babae nilalandi ko.”

“Sure. At hindi rin lahat ng araw late ka.”

Kinuha ni Nico ang kape at naglakad na. “Ang dami mong sinasabi.”

“Best friend mo ako. Trabaho kong ipaalala sayo ang mga bagay na ayaw mong aminin.”

“Then resign.”

“Hindi puwede. Wala nang ibang makakatiis sa ugali mo.”

---

Ilang minuto pang naglakad si Sam bago tuluyang amining wala siyang ideya kung nasaan siya.

Tiningnan niya ulit ang campus map, umaasang biglang magkakaroon iyon ng saysay. Wala pa rin.

“Are you looking for something?”

Napatingin siya sa babaeng lumapit sa kaniya. May hawak itong folder at mukhang papunta rin sa kabilang building.

“Actually, yes. The College of Business building. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong umikot dito.”

Napangiti ang babae. “Nasa kabilang side ‘yon. Tara, ituturo ko sayo.”

“Sure ka? Baka maligaw ka rin dahil sa akin.”

“Hindi na. Nakapag-orientation na ako rito, kaya medyo kabisado ko na ang campus.” Itinuro nito ang walkway sa kanan. “Tara, sabay na tayo.”

“Okay. You're a lifesaver.”

“Alex Mendoza, by the way.”

“Sam Reyes.”

Sabay silang naglakad papunta sa building. Habang naglalakad, tinanong ni Alex kung anong course ni Sam at kung saan siya dating nag-aaral. Hindi naman nito masyadong kinulit ang mga sagot niya, kaya naging madali para kay Sam na makipag-usap.

“Transferee ka pala,” sabi ni Alex nang makita ang schedule sa kamay niya.

“Yeah. Medyo nangangapa pa.”

“Normal lang 'yan. Ako nga, noong orientation, mali pa ang building na napuntahan ko. Akala ko roon ang registration.”

“Please tell me may nakakita.”

“Meron. At hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung gaano ako nahiya.”

Napatawa nang malakas si Sam. “Okay, I feel better now.”

Pagdating nila sa tamang building, nagpasalamat siya kay Alex. Bago sila maghiwalay, nagpalitan sila ng contact details.

“Message mo ako kapag may kailangan ka,” sabi ni Alex. “Lalo na kung naliligaw ka na naman.”

“Paano kung ikaw ang maligaw?”

“Then sabay tayong maliligaw.”

Simple lang ang sagot, pero nagustuhan ‘yon ni Sam. Hindi pilit si Alex, at hindi rin nito ipinadama sa kaniya na kailangan niyang makibagay agad.

Pareho silang nagsisimula sa university, pero dahil nakapag-orientation na si Alex, mas madali para rito ang mag-adjust. Si Sam naman ay kailangan pang masanay sa campus at sa bagong routine niya.

Sa mga sumunod na linggo, naging madalas na ang pagkikita nila. Magkaiba man sila ng schedule at course, nagkakaroon sila ng oras para magkasama sa cafeteria o mag-usap sa pagitan ng mga klase.

Hindi nagtagal, naging unang kaibigan ni Sam sa university si Alex.

At dahil sa bagong kaibigang ‘yon, hindi rin niya naiwasang makita ulit ang lalaking nakilala niya sa fountain.

---

“Please tell me hindi mo na naman siya tinitingnan,” sabi ni Alex habang kumakain sila sa cafeteria.

Napatingin si Sam sa kaniya. “Sino?”

“'Yung lalaking nasa kabilang mesa.”

Sinundan ni Sam ang tingin ni Alex at agad na napabuntong-hininga nang makita si Nico. Katabi nito si Gabe, habang may kausap na namang babae ang binata.

At siyempre, hindi lang basta kausap.

Nakaupo nang malapit sa kaniya ang babae, at panay ang bulong ni Nico sa tainga nito. Paminsan-minsan, hinahawakan pa niya ang kamay nito habang nakangiting parang walang ibang tao sa paligid.

“Hindi ko siya tinitingnan,” depensa ni Sam. “Nasa harapan ko lang siya.”

“Right.”

“Alex, seryoso. May personal space ba ‘yang taong ‘yan?”

Napatawa si Alex. “Hindi ko alam. Hindi naman kami magkakilala.”

“Good. Keep it that way.”

Sa kasamaang-palad, tila narinig na naman ni Nico ang boses niya. Tumingin ito sa direksyon nila at ngumisi nang makilala siya.

Maya-maya, tumayo ito at lumapit sa mesa nila.

“Look who's here.”

Napatingin si Sam sa kaniya. “May hinahanap ka?”

“Wala. Bawal bang bumati?”

“Bawal kung hindi sincere.”

“Ang sama naman ng tingin mo sa akin.”

“Hindi ko naman kasalanang may dahilan.”

Umupo si Nico sa bakanteng upuan sa tabi ng mesa nila nang hindi hinihintay ang pahintulot ni Sam.

“Hindi ko pa rinnalam ang pangalan mo.” sabi nito.

“Hindi mo naman kailangang malaman.”

“Ang hirap mo namang kausap.”

“Then don't talk to me.”

Mula sa likuran ni Nico, dumating si Gabe at agad na napansin ang tensiyon sa mesa.

“Anong meron?”

“Wala,” sagot ni Nico.

“May kaaway ka na naman?” tanong ni Gabe, saka tumingin kay Sam. “Hi.”

Tumango lang si Sam bilang pagbati. Si Alex naman ay magalang na ngumiti, pero hindi na siya nagdagdag ng usapan.

“Sam,” sabi ni Nico, para bang sinusubukan ang pangalan nito sa unang pagkakataon.

Napakunot ang noo ni Sam. “Paano mo nalaman?”

“Sinabi ng kaibigan mo.”

“Good. At least marunong kang makinig kapag may ibang nagsasalita.”

Napatawa si Gabe. “Bro, mukhang nakahanap ka na ng katapat mo.”

“Walang katapat ang pagiging makulit,” sagot ni Sam.

“Are you always like this?” tanong ni Nico.

“Kapag may taong hindi marunong lumugar, oo.”

Natahimik si Nico nang isang segundo bago muling ngumisi.

“See you around, Sam.”

“Hopefully not.”

“Ang sakit naman.”

“Hindi pa ‘yan ang masakit.”

Tumayo si Sam at kinuha ang tray niya. Sumunod si Alex, pilit na pinipigilan ang tawa habang palayo sila sa mesa.

Sa likuran nila, narinig pa ni Sam ang pagtawa ni Gabe at ang reklamo ni Nico.

“Bro, hindi mo ba kayang manahimik kahit isang minuto?”

“Hindi kapag may taong kailangang turuan ng magandang asal.”

Napailing si Sam.

Hindi niya alam kung bakit tila natutuwa pa si Nico sa tuwing sinasagot niya ito. Ang alam lang niya, hindi niya gusto ang lalaking iyon—ang sobrang kumpiyansa, ang walang katapusang paglalandi, at ang ngiting parang palaging siya ang panalo.

Hindi rin niya alam na hindi iyon ang huling beses na magkakasalubong sila.

Dahil sa university na ‘yon, kahit magkaiba ang kanilang klase, schedule, at mga kaibigan, tila may kakaibang paraan ang tadhana para pagtagpuin sila.

At sa bawat pagkikita, mas lalo lang silang magkakaroon ng dahilan para mainis sa isa't isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 8

    The Things You Shouldn't Have ReadSam's POVFour Years AgoHindi ko alam kung bakit may mga taong kahit hindi mo naman hinahanap, palaging nasa paligid mo.At sa lahat ng taong puwede kong makasalubong sa university, si Nicolas Alcantara pa talaga."You're blocking the way."Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Sa halip, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng notes ko habang nakaupo sa isang bench sa hallway."Then take another route.""There's no other route, Sam."Napataas ang tingin ko. Nakatayo siya sa harap ko, hawak ang cellphone niya at may pamilyar na ngisi sa labi."Then wait."He glanced at his watch. "You're really making me late.""Not my problem.""You're impossible.""And you're annoying. We're even."Umiling siya bago tuluyang lumakad palayo. Akala ko ay ‘yon na ang huli naming interaction for the day, pero ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na naman siya kasama si Gabe sa kabilang dulo ng hallway.Hindi ko na lang pinansin.Sa totoo lang, sanay na akong mak

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 7

    Getting to Know You Sam's POV Nagising ako sa sunod-sunod na vibration ng cellphone ko sa tabi ng unan. Dinukot ko ito nang hindi pa tuluyang dumidilat. Akala ko may importanteng message, kaya agad kong inabot ang cellphone at binuksan ang notifications. Pero nang makita ko ang pangalan ng nag-message, napahinto ako. Nicolas Alcantara. Napatingin ako sa oras. Alas otso pa lang ng umaga. I unlocked my phone and opened our conversation. Nicolas: Good morning. Nicolas: Are you awake? Nicolas: Sam? Nicolas: Don't tell me you're still sleeping. Nicolas: Wake up, woman. Nicolas: Let's get to know each other nang hindi tayo matameme kapag may nag tanong. I stared at the messages for a moment. Kainis. Bakit ko pa kasi in-unblock ‘to? Mas malala, bakit ko pa nilagay sa contacts ko? I was about to put my phone down when another message came in. Nicolas: Unless you're planning to ignore your boyfriend already? Napairap ako. Me: You're not my boyfriend. Nicolas: Noted. Your ver

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 6

    The Rules of PretendingHindi pa man umaabot ng dalawampu't apat na oras mula nang pumayag si Sam sa plano ni Nico, nagsisimula na siyang magsisi.Hindi dahil may nararamdaman siya para sa lalaki. Malayo roon. Ang problema, hindi pa nga sila nagsisimulang magpanggap, pero parang gusto na niyang bawiin ang lahat."You're late."Napatingin si Sam sa kaniyang relo bago tumingin sa lalaking naghihintay sa labas ng café."Three minutes lang.""Three minutes is still late.""At least marunong kang magbilang. Proud ako sa progress mo."Napailing si Nico. Siya ang nagmungkahi na magkita sila para ayusin ang detalye ng kanilang kasunduan, pero ngayon ay nagsisimula na siyang magtanong sa sarili kung bakit si Sam pa ang pinili niya.Ah, oo. Dahil hindi siya nito gusto.Sa ngayon, mukhang hindi lang ‘yon ang magiging problema niya.Pumasok sila sa café at pumili ng mesang medyo malayo sa ibang customers. Umorder si Nico ng kape, habang tubig lang muna ang kinuha ni Sam."Okay," panimula ng lalak

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 5

    A Ridiculous ProposalSa lahat ng café sa buong Maynila, bakit naman sa café na iyon pa nagkita sina Sam at Nico?Galing sa isang meeting si Sam at balak sanang magtrabaho muna sa labas bago umuwi. Malapit lang ang café sa opisina ng Reyes Group, tahimik ang lugar, at hindi ganoon karami ang customers kapag hapon. Perfect sana para sa isang taong gusto lang uminom ng kape at tapusin ang ilang documents.Samantala, doon naman pumunta si Nico dahil may kailangan siyang basahin na contracts bago ang susunod niyang meeting. Ayaw niyang bumalik agad sa opisina, kaya naghanap siya ng lugar na puwedeng magtrabaho nang hindi naaabala ng mga empleyado.Pareho silang may sariling dahilan sa pagpunta roon.Wala sa kanilang umaasang makikita ang isa't isa.Kaya nang makapasok si Sam at makita ang lalaking nakaupo malapit sa bintana, agad na nawala ang magandang mood niya.Nico.Napansin din siya ng lalaki. Saglit itong natigilan bago ngumiti, halatang natutuwa sa hindi inaasahang pagkakataon."We

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 4

    The First ProblemFour Years AgoHindi pa man nagsisimula nang maayos ang araw ni Samantha Reyes, gusto na niyang umuwi.Hindi dahil mahirap ang university na pinasukan niya. Hindi rin dahil kinakabahan siya sa bago niyang environment. Ang problema, halos labinlimang minuto na siyang paikot-ikot sa campus habang hawak ang schedule niya, at hindi pa rin niya mahanap ang tamang building.“Great. First day, lost na agad.”Napahinto siya nang makarinig ng tawanan mula sa may fountain.May ilang estudyanteng nagkukumpulan roon, pero isang lalaki ang agad nakakuha ng atensyon niya. Matangkad, maayos manamit, at may ngiting parang sanay na sanay na nakukuha ang gusto niya.Nakatayo ito sa harap ng isang babae, nakayuko nang bahagya habang may ibinubulong sa tainga nito. Nang tumawa ang babae, marahang hinawakan ng lalaki ang baywang nito para ilapit sa kaniya. Pagkatapos, inayos pa nito ang buhok ng babae at hinalikan ang noo nito na para bang matagal na silang magkasintahan.Hindi alam ni S

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 3

    The Face I Never ForgotThird-Person POV — Sam“Sam, kapag hindi ka pa bumangon in the next five minutes, pupunta ako sa bahay ninyo at ako mismo ang magbibihis sayo.”Napatingin si Samantha Reyes sa cellphone niya. Sunod-sunod ang messages ni Alessandra Mendoza, o Alex, ang best friend niyang hindi marunong tumanggap ng no bilang sagot.Nakahiga pa rin siya sa kama, suot ang oversized shirt at pajama shorts. Wala siyang balak lumabas. Kung siya ang masusunod, gugugulin niya ang buong gabi sa panonood ng series habang kumakain ng snacks.Unfortunately, may ibang plano ang kaibigan niya.Sam: I'm not going.Ilang segundo lang ang lumipas bago tumunog ang cellphone niya.“Anong hindi ka pupunta?” bungad ni Alex nang sagutin niya ang tawag.“Exactly what I said.”“Sam, nakapag-reserve na ako!”“Then enjoy your reservation.”“Girl, we've been planning this since last week!”“Eh, nagbago ang isip ko. Isn't that allowed?”“Hindi kapag ako ang kaibigan mo.”Napabuntong-hininga si Sam. “You'r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status