LOGINA Ridiculous Proposal
Sa lahat ng café sa buong Maynila, bakit naman sa café na iyon pa nagkita sina Sam at Nico? Galing sa isang meeting si Sam at balak sanang magtrabaho muna sa labas bago umuwi. Malapit lang ang café sa opisina ng Reyes Group, tahimik ang lugar, at hindi ganoon karami ang customers kapag hapon. Perfect sana para sa isang taong gusto lang uminom ng kape at tapusin ang ilang documents. Samantala, doon naman pumunta si Nico dahil may kailangan siyang basahin na contracts bago ang susunod niyang meeting. Ayaw niyang bumalik agad sa opisina, kaya naghanap siya ng lugar na puwedeng magtrabaho nang hindi naaabala ng mga empleyado. Pareho silang may sariling dahilan sa pagpunta roon. Wala sa kanilang umaasang makikita ang isa't isa. Kaya nang makapasok si Sam at makita ang lalaking nakaupo malapit sa bintana, agad na nawala ang magandang mood niya. Nico. Napansin din siya ng lalaki. Saglit itong natigilan bago ngumiti, halatang natutuwa sa hindi inaasahang pagkakataon. "Well, look who's here." Napapikit si Sam bago lumapit sa counter. "Unfortunately, marunong ka pa ring magsalita." "Missed me?" "Sa dami ng bagay na puwede kong ma-miss, ikaw talaga ang pinakamalabong mangyari." Napangisi si Nico. Hindi niya alam kung bakit, pero nakaaaliw para sa kaniya ang mang-asar kay Sam. Siguro dahil hindi ito tulad ng ibang babaeng nakakasalamuha niya. Hindi nito sinusubukang kunin ang atensiyon niya, at hindi rin ito natitinag sa charm na madalas gumagana sa iba. O baka sadyang masarap lang talagang inisin ang babaeng laging may sagot sa lahat. Umorder si Sam ng iced coffee at sandwich, saka humanap ng mauupuan. Kaso halos puno na ang café. Ang natitirang bakanteng upuan ay nasa mesa ni Nico. "Looking for a seat?" tanong ng lalaki. "Looking for a way to make you disappear." "That's sweet." "Don't flatter yourself." Dahil wala nang ibang mapagpipilian, napilitan si Sam na umupo sa tapat niya. "One unnecessary comment," babala niya habang inilalabas ang laptop, "at lilipat ako." "Noted." Sa unang ilang minuto, pareho silang nagtrabaho nang tahimik. Si Sam ay abala sa documents para sa opisina, habang si Nico naman ay nagbabasa ng contracts sa kaniyang tablet. Hindi naman pala imposibleng manatiling tahimik ang lalaki, na ikinagulat pa ni Sam. Hanggang sa tumunog ang cellphone ni Nico. Isang mensahe iyon mula sa kaniyang ama. Don't forget the family dinner this Saturday. Bring someone with you. Your mother is tired of hearing that you're still single. Napabuntong-hininga si Nico. Ilang buwan na siyang kinukulit ng pamilya tungkol sa pagpapakasal. Bilang Executive Director ng Alcantara Corporation, inaasahan nilang maging handa siya sa susunod na yugto ng buhay niya—kasama na roon ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Ang problema, wala siyang interes sa ganoong arrangement. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon dahil lamang iyon ang gusto ng ibang tao. "What's wrong?" tanong ni Sam. "May nag-reject ba sayo?" Napatingin si Nico sa kaniya. "Why? Are you hoping someone finally did?" "Actually, yes. It would be nice to know na may limit din ang pasensiya ng ibang tao." "You're very concerned about my love life." "Concerned ako sa mga babaeng kailangan kang tiisin." Napatawa si Nico, pero may naisip siyang posibilidad. Nasa harap niya ang isang babaeng hindi siya gusto, hindi siya pinagkakatiwalaan, at malamang ay mas gugustuhing magkulong sa bahay kaysa makipag-date sa kaniya. Kung may kailangan siyang makasama sa mga family gathering para tigilan siya ng mga magulang niya, bakit hindi isang taong hindi naman magkakaroon ng maling ideya tungkol sa kanilang dalawa? Hindi ito perpektong plano, pero may katuturan. "Sam." "Ano na naman?" "Let's fake date." Natigil ang dalaga sa pagta-type. Tiningnan niya si Nico na para bang hindi siya sigurado kung seryoso ba ito o kailangan na nitong magpatingin. "Sorry. What?" "Fake dating. Pretend we're together. No actual relationship, no commitment." "Did you hit your head before coming here?" "No." "Then why are you asking me to pretend to date you?" "Because you don't like me." "Finally, may sinabi kang matino." "And you don't have feelings for me." "Not even the slightest." "Exactly." Umiling si Sam. Nakakatawa ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pero habang iniisip niya ang alok, may isa ring bagay na hindi niya maikakaila: baka may pakinabang din iyon sa kaniya. Matagal na siyang kinukulit ng pamilya tungkol sa love life niya. Ayaw niyang magpakasal dahil lang may napili nang mapapangasawa para sa kaniya. Kung magkakaroon siya ng pekeng boyfriend, baka kahit paano ay mabawasan ang pangungulit nila. Pero hindi niya kailangang sabihin iyon kay Nico. Magkaaway sila, hindi magkaibigan. "Why me?" tanong niya. "Because you're the last person I'd fall for." "Wow. Such a romantic proposal." "I'm being realistic." "You're being ridiculous." "Still considering it, though." Hindi sumagot agad si Sam. Sa halip, itinupi niya ang mga braso at pinagmasdan ang lalaki. "What's in it for you?" "Let's just say I have my own reasons for wanting people to stop asking questions about my love life." Hindi na nagtanong si Sam. Kung ayaw nitong magpaliwanag, wala siyang pakialam. May sarili rin siyang dahilan, at wala siyang balak ibahagi iyon. "Fine," sabi niya sa wakas. "But we're setting rules." "Of course." "First, walang totoong feelings. This is strictly an arrangement." "Agreed." "Second, walang pakikialam sa personal lives ng isa't isa." "Fine." "Third, no unnecessary physical contact. Kung kailangan nating mag-holding hands, pag-uusapan muna natin." "You're making this sound like a business contract." "At least business contracts have terms and conditions. Ikaw, wala kang warranty." Napatawa si Nico. Nagpatuloy sila sa pagbuo ng mga tuntunin. Walang paggamit sa pangalan ng isa't isa para magyabang, walang pagdadala ng personal nilang away sa arrangement, at puwedeng umatras ang sinuman kapag hindi na gumagana ang plano. Hindi nila pinag-usapan ang buong dahilan kung bakit nila kailangan ang kasunduang ‘yon. Sapat nang alam nilang pareho silang may gustong iwasan. Nang matapos sila, iniabot ni Nico ang kamay niya. "So, partners?" Tiningnan ni Sam ang kamay nito bago nakipagkamay. "Temporary partners. Huwag kang feeling." "Wouldn't dream of it." Wala sa kanilang kinikilig. Wala ring lihim na pag-amin na may gusto sila sa isa't isa. Para sa kanila, isa lamang itong kasunduang may malinaw na simula at katapusan. Ang hindi nila alam, mas madaling gumawa ng kasunduan kaysa panindigan ito kapag nagsimulang maging komplikado ang lahat.The Things You Shouldn't Have ReadSam's POVFour Years AgoHindi ko alam kung bakit may mga taong kahit hindi mo naman hinahanap, palaging nasa paligid mo.At sa lahat ng taong puwede kong makasalubong sa university, si Nicolas Alcantara pa talaga."You're blocking the way."Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Sa halip, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng notes ko habang nakaupo sa isang bench sa hallway."Then take another route.""There's no other route, Sam."Napataas ang tingin ko. Nakatayo siya sa harap ko, hawak ang cellphone niya at may pamilyar na ngisi sa labi."Then wait."He glanced at his watch. "You're really making me late.""Not my problem.""You're impossible.""And you're annoying. We're even."Umiling siya bago tuluyang lumakad palayo. Akala ko ay ‘yon na ang huli naming interaction for the day, pero ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na naman siya kasama si Gabe sa kabilang dulo ng hallway.Hindi ko na lang pinansin.Sa totoo lang, sanay na akong mak
Getting to Know You Sam's POV Nagising ako sa sunod-sunod na vibration ng cellphone ko sa tabi ng unan. Dinukot ko ito nang hindi pa tuluyang dumidilat. Akala ko may importanteng message, kaya agad kong inabot ang cellphone at binuksan ang notifications. Pero nang makita ko ang pangalan ng nag-message, napahinto ako. Nicolas Alcantara. Napatingin ako sa oras. Alas otso pa lang ng umaga. I unlocked my phone and opened our conversation. Nicolas: Good morning. Nicolas: Are you awake? Nicolas: Sam? Nicolas: Don't tell me you're still sleeping. Nicolas: Wake up, woman. Nicolas: Let's get to know each other nang hindi tayo matameme kapag may nag tanong. I stared at the messages for a moment. Kainis. Bakit ko pa kasi in-unblock ‘to? Mas malala, bakit ko pa nilagay sa contacts ko? I was about to put my phone down when another message came in. Nicolas: Unless you're planning to ignore your boyfriend already? Napairap ako. Me: You're not my boyfriend. Nicolas: Noted. Your ver
The Rules of PretendingHindi pa man umaabot ng dalawampu't apat na oras mula nang pumayag si Sam sa plano ni Nico, nagsisimula na siyang magsisi.Hindi dahil may nararamdaman siya para sa lalaki. Malayo roon. Ang problema, hindi pa nga sila nagsisimulang magpanggap, pero parang gusto na niyang bawiin ang lahat."You're late."Napatingin si Sam sa kaniyang relo bago tumingin sa lalaking naghihintay sa labas ng café."Three minutes lang.""Three minutes is still late.""At least marunong kang magbilang. Proud ako sa progress mo."Napailing si Nico. Siya ang nagmungkahi na magkita sila para ayusin ang detalye ng kanilang kasunduan, pero ngayon ay nagsisimula na siyang magtanong sa sarili kung bakit si Sam pa ang pinili niya.Ah, oo. Dahil hindi siya nito gusto.Sa ngayon, mukhang hindi lang ‘yon ang magiging problema niya.Pumasok sila sa café at pumili ng mesang medyo malayo sa ibang customers. Umorder si Nico ng kape, habang tubig lang muna ang kinuha ni Sam."Okay," panimula ng lalak
A Ridiculous ProposalSa lahat ng café sa buong Maynila, bakit naman sa café na iyon pa nagkita sina Sam at Nico?Galing sa isang meeting si Sam at balak sanang magtrabaho muna sa labas bago umuwi. Malapit lang ang café sa opisina ng Reyes Group, tahimik ang lugar, at hindi ganoon karami ang customers kapag hapon. Perfect sana para sa isang taong gusto lang uminom ng kape at tapusin ang ilang documents.Samantala, doon naman pumunta si Nico dahil may kailangan siyang basahin na contracts bago ang susunod niyang meeting. Ayaw niyang bumalik agad sa opisina, kaya naghanap siya ng lugar na puwedeng magtrabaho nang hindi naaabala ng mga empleyado.Pareho silang may sariling dahilan sa pagpunta roon.Wala sa kanilang umaasang makikita ang isa't isa.Kaya nang makapasok si Sam at makita ang lalaking nakaupo malapit sa bintana, agad na nawala ang magandang mood niya.Nico.Napansin din siya ng lalaki. Saglit itong natigilan bago ngumiti, halatang natutuwa sa hindi inaasahang pagkakataon."We
The First ProblemFour Years AgoHindi pa man nagsisimula nang maayos ang araw ni Samantha Reyes, gusto na niyang umuwi.Hindi dahil mahirap ang university na pinasukan niya. Hindi rin dahil kinakabahan siya sa bago niyang environment. Ang problema, halos labinlimang minuto na siyang paikot-ikot sa campus habang hawak ang schedule niya, at hindi pa rin niya mahanap ang tamang building.“Great. First day, lost na agad.”Napahinto siya nang makarinig ng tawanan mula sa may fountain.May ilang estudyanteng nagkukumpulan roon, pero isang lalaki ang agad nakakuha ng atensyon niya. Matangkad, maayos manamit, at may ngiting parang sanay na sanay na nakukuha ang gusto niya.Nakatayo ito sa harap ng isang babae, nakayuko nang bahagya habang may ibinubulong sa tainga nito. Nang tumawa ang babae, marahang hinawakan ng lalaki ang baywang nito para ilapit sa kaniya. Pagkatapos, inayos pa nito ang buhok ng babae at hinalikan ang noo nito na para bang matagal na silang magkasintahan.Hindi alam ni S
The Face I Never ForgotThird-Person POV — Sam“Sam, kapag hindi ka pa bumangon in the next five minutes, pupunta ako sa bahay ninyo at ako mismo ang magbibihis sayo.”Napatingin si Samantha Reyes sa cellphone niya. Sunod-sunod ang messages ni Alessandra Mendoza, o Alex, ang best friend niyang hindi marunong tumanggap ng no bilang sagot.Nakahiga pa rin siya sa kama, suot ang oversized shirt at pajama shorts. Wala siyang balak lumabas. Kung siya ang masusunod, gugugulin niya ang buong gabi sa panonood ng series habang kumakain ng snacks.Unfortunately, may ibang plano ang kaibigan niya.Sam: I'm not going.Ilang segundo lang ang lumipas bago tumunog ang cellphone niya.“Anong hindi ka pupunta?” bungad ni Alex nang sagutin niya ang tawag.“Exactly what I said.”“Sam, nakapag-reserve na ako!”“Then enjoy your reservation.”“Girl, we've been planning this since last week!”“Eh, nagbago ang isip ko. Isn't that allowed?”“Hindi kapag ako ang kaibigan mo.”Napabuntong-hininga si Sam. “You'r







