Share

Fake Date, Real Problem
Fake Date, Real Problem
Author: Celine Vale

Chapter 1

Author: Celine Vale
last update publish date: 2026-10-29 17:26:44

The Problem with Being Single

Sam's POV

"Sweetheart, anong plano mo sa love life mo?"

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain at dahan-dahang tumingin kay Mama, na nakaupo sa tapat ko habang kumakain kami ng dinner.

Oh, no.

Hindi na naman ito.

"Wala ka pang naging boyfriend kahit isa. You're already twenty-four, anak. At huwag mong gayahin ‘yang kuya mo na twenty-eight na, wala pa ring asawa at anak," dagdag niya bago sumulyap kay Kuya Basti.

Napatingin ako sa kuya ko. Abala siya sa paghiwa ng steak niya, na para bang wala siyang narinig. Pero kilala ko ang lalaking ‘to. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong mang-asar.

"Ma, wala sa plano ko ang mag-asawa at magkaanak," kalmadong sagot niya. "Kay Sam pa nga lang, sakit na sa ulo. Mag-asawa at anak pa kaya?"

Napasinghap ako.

"Excuse me? I'm not sakit sa ulo kaya!"

Doon lang siya tumingin sa akin, saka ngumisi.

"Talaga? Sure ka?"

"Kuya!"

Tumawa siya nang mahina habang ipinagpapatuloy ang pagkain. Nakakainis talaga. Minsan, iniisip kong ipinanganak siya para lang subukan ang pasensya ko.

"Ma, puwede bang huwag muna nating pag-usapan ang love life ko?" balik ko kay Mama. "I'm still enjoying my life. May trabaho ako, kumikita ako ng sarili kong pera, at kaya kong buhayin ang sarili ko. What's wrong with that?"

Wala naman akong problema sa mga taong gustong mag-asawa. Kung masaya sila sa ganoong buhay, good for them. Pero hindi ibig sabihin na kailangan kong sundan ang parehong path dahil lang nasa edad na ako kung saan maraming tao ang nagsisimulang mag-settle down.

Besides, bakit parang kasalanan ko pang wala akong boyfriend?

Hindi naman ako naghahanap ng jowa na parang nawawalang susi.

"At kung edad ko lang naman ang pag-uusapan," dagdag ko habang nakatingin kay Mama, "dapat ‘yung isa diyan na malapit nang mag-trentahin ang kausapin ninyo."

Itinuro ko si Kuya gamit ang tinidor ko.

Agad siyang napalingon sa akin.

"Hoy! Anong ginawa ko?"

"Wala. Nire-remind lang kita na twenty-eight ka na."

"At least hindi ako nagrereklamo kapag tinatawag na sakit sa ulo."

"Because you are one!"

"Sam," saway ni Papa, pero halatang pinipigilan din niyang matawa.

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya bago bumalik sa pagkain ko. Akala ko, tapos na ang interrogation of the night.

Akala ko lang pala.

"Well, anak," panimula ni Papa. "May gusto kaming sabihin sa iyo tungkol sa nalalapit nating family reunion sa Japan ngayong Pasko."

Kumunot ang noo ko. "Anong reunion?"

"May mga bagay kaming gustong pag-usapan ng Mamu at Dadu mo habang magkakasama tayo roon."

"Like what?"

Nagkatinginan sina Mama at Papa bago muling nagsalita ang huli.

"Matagal nang magkakilala ang grandparents mo at ang isang mag-asawang kaibigan nila noong high school. Hanggang ngayon, maganda pa rin ang relasyon nila, at matagal na rin nilang pinag-uusapan ang posibilidad na mas mapalapit ang mga pamilya nila."

Tumango ako, kahit hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan kong malaman iyon habang kumakain.

"Okay? Good for them?"

Napailing si Papa, pero hindi naman siya mukhang naiinis.

"May apo silang lalaki na malapit lang sa edad mo. Maayos ang pamilya nila, at matagal na silang pinagkakatiwalaan nina Mamu at Dadu."

Sandali akong natahimik.

Wait.

Bakit parang may kakaiba sa tono ni Papa?

"Papa, bakit pakiramdam ko may kasunod ‘yang sinasabi mo?"

Nagkatinginan ulit sila ni Mama.

Ayoko na. Bakit ba kailangang may dramatic pause bago ang bawat masamang balita?

"Kapag nagkita-kita tayo sa Japan ngayong Pasko," paliwanag ni Papa, "at wala ka pa ring naipapakilalang boyfriend sa Mamu at Dadu mo, baka pag-usapan na namin ang arrangements para sa iyo."

Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsara ko.

"Arrangements?" ulit ko. "Anong arrangements?"

"Possibility ng arranged marriage," sagot niya. "Hindi naman agad-agad. Pag-uusapan muna namin kung paano at kung kailan kayo puwedeng ipakilala sa isa't isa."

Napatitig ako sa kaniya.

"Sorry, what?"

"Narinig mo ako, Sam."

"Papa, hindi naman yata ako nagtanong kung ano ang narinig ko. Ang tanong ko, bakit?"

"Because we believe it's time for you to consider settling down," sagot niya. "Hindi ka naman namin pinipilit na magpakasal bukas. Gusto lang naming pag-isipan mo ang posibilidad."

"Pero hindi niyo naman siya kilala personally!"

"Kilala ng Mamu at Dadu mo ang grandparents niya since high school," paliwanag ni Mama. "Matagal na silang magkakaibigan. May tiwala sila sa pamilya, kaya kampante silang ipakilala ka sa apo nila."

Napailing ako.

So, dahil lang pinagkakatiwalaan nila ang grandparents ng lalaki, dapat pagkatiwalaan ko na rin siya?

Paano kung hindi kami magkasundo? Paano kung magkaiba kami ng values? Paano kung hindi ko siya gusto?

At higit sa lahat, bakit parang may plano na sila para sa buhay ko nang hindi man lang kinukuha ang opinyon ko?

"WHAT?! Mom, Dad, alam niyo ba kung gaano ka-unfair ‘yon?" halos mapasigaw kong tanong. "You're talking about arranging my marriage with someone I don't even know! Paano kung hindi ko siya gusto? What if I don't want to get married at all?"

"Sam, hindi naman namin sinasabing kailangan mong magpakasal agad," paliwanag ni Mama. "Wala pang final decision. Kung sakaling ituloy natin, saka pa lang kayo magkakakilala. Gusto lang naming bigyan mo ng chance ang possibility."

"Then why are you already talking about marriage?"

Wala akong nakuhang sagot na ikinatuwa ko.

Ang mas nakakainis, hindi ko naman alam kung kailan eksaktong mangyayari ang lahat. Ang alam ko lang, sa Pasko, pupunta kami sa Japan para sa sarili naming family reunion. Doon namin makakasama sina Mamu at Dadu, at doon din daw nila gustong pag-usapan ang tungkol sa future ko kuno.

Hindi naman kasama sa trip na iyon ang pamilya ng lalaking tinutukoy nila. Wala rin akong kailangang makilala roon.

Pero apparently, puwede nang mabago ang buhay ko dahil lang sa isang pag-uusap.

Five months.

May five months pa bago ang Pasko, pero parang kailangan ko nang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang plano nila.

"I feel so betrayed," bulong ko bago napalingon kay Kuya. "KUYA BASTI, DO SOMETHING!"

Itinaas niya ang dalawang kamay, kunwari'y sumusuko.

"Wait, bakit ako? Hindi ako kasali sa meeting na ‘yan."

"You're my brother!"

"And you're an adult."

"KUYA!"

"Sam, mahal kita, pero ayokong makipag-away kay Papa habang kumakain."

Napanganga ako.

Traitor.

"Akala ko ba supportive ka sa akin?"

"Supportive ako. Hindi lang ako interesado sa death wish mo."

"SEBASTIANI!" saway ni Mama, pero natawa pa rin siya.

Samantalang ako, halos gusto ko nang ibalibag ang napkin ko sa mukha ng kuya ko.

"Enough," sabi ni Papa. "Hindi pa naman bukas ang reunion. You still have time to think about it."

"Fine," sagot ko, kahit hindi talaga fine ang lahat. "Pero just so we're clear, I'm not agreeing to anything."

Tumango lang siya, habang si Mama naman ay bumalik sa pagkain na para bang hindi niya lang ginulo ang buong plano ko sa buhay.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan.

Twenty-four years of being single, and suddenly, it had become a family emergency.

Hindi ko naman kailangang magkaroon ng boyfriend para lang patunayang may direksyon ang buhay ko. May trabaho ako, may sarili akong pangarap, at marami pa akong gustong gawin bago isipin ang pagpapakasal.

Pero mukhang hindi ganoon kadaling ipaintindi iyon sa pamilya ko.

At ang mas nakakainis?

Wala pa akong ideya kung sino ang lalaking gusto nilang ipakilala sa akin.

Sana lang, kung sino man siya, hindi siya mayabang, hindi nakakainis, at higit sa lahat, hindi siya ‘yung tipo ng lalaking gugustuhin kong sakalin sa unang pagkikita pa lang.

Because if I ever had to marry a stranger, at the very least, the universe owed me someone tolerable.

Right?

I had absolutely no idea how wrong I was.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 8

    The Things You Shouldn't Have ReadSam's POVFour Years AgoHindi ko alam kung bakit may mga taong kahit hindi mo naman hinahanap, palaging nasa paligid mo.At sa lahat ng taong puwede kong makasalubong sa university, si Nicolas Alcantara pa talaga."You're blocking the way."Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Sa halip, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng notes ko habang nakaupo sa isang bench sa hallway."Then take another route.""There's no other route, Sam."Napataas ang tingin ko. Nakatayo siya sa harap ko, hawak ang cellphone niya at may pamilyar na ngisi sa labi."Then wait."He glanced at his watch. "You're really making me late.""Not my problem.""You're impossible.""And you're annoying. We're even."Umiling siya bago tuluyang lumakad palayo. Akala ko ay ‘yon na ang huli naming interaction for the day, pero ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na naman siya kasama si Gabe sa kabilang dulo ng hallway.Hindi ko na lang pinansin.Sa totoo lang, sanay na akong mak

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 7

    Getting to Know You Sam's POV Nagising ako sa sunod-sunod na vibration ng cellphone ko sa tabi ng unan. Dinukot ko ito nang hindi pa tuluyang dumidilat. Akala ko may importanteng message, kaya agad kong inabot ang cellphone at binuksan ang notifications. Pero nang makita ko ang pangalan ng nag-message, napahinto ako. Nicolas Alcantara. Napatingin ako sa oras. Alas otso pa lang ng umaga. I unlocked my phone and opened our conversation. Nicolas: Good morning. Nicolas: Are you awake? Nicolas: Sam? Nicolas: Don't tell me you're still sleeping. Nicolas: Wake up, woman. Nicolas: Let's get to know each other nang hindi tayo matameme kapag may nag tanong. I stared at the messages for a moment. Kainis. Bakit ko pa kasi in-unblock ‘to? Mas malala, bakit ko pa nilagay sa contacts ko? I was about to put my phone down when another message came in. Nicolas: Unless you're planning to ignore your boyfriend already? Napairap ako. Me: You're not my boyfriend. Nicolas: Noted. Your ver

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 6

    The Rules of PretendingHindi pa man umaabot ng dalawampu't apat na oras mula nang pumayag si Sam sa plano ni Nico, nagsisimula na siyang magsisi.Hindi dahil may nararamdaman siya para sa lalaki. Malayo roon. Ang problema, hindi pa nga sila nagsisimulang magpanggap, pero parang gusto na niyang bawiin ang lahat."You're late."Napatingin si Sam sa kaniyang relo bago tumingin sa lalaking naghihintay sa labas ng café."Three minutes lang.""Three minutes is still late.""At least marunong kang magbilang. Proud ako sa progress mo."Napailing si Nico. Siya ang nagmungkahi na magkita sila para ayusin ang detalye ng kanilang kasunduan, pero ngayon ay nagsisimula na siyang magtanong sa sarili kung bakit si Sam pa ang pinili niya.Ah, oo. Dahil hindi siya nito gusto.Sa ngayon, mukhang hindi lang ‘yon ang magiging problema niya.Pumasok sila sa café at pumili ng mesang medyo malayo sa ibang customers. Umorder si Nico ng kape, habang tubig lang muna ang kinuha ni Sam."Okay," panimula ng lalak

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 5

    A Ridiculous ProposalSa lahat ng café sa buong Maynila, bakit naman sa café na iyon pa nagkita sina Sam at Nico?Galing sa isang meeting si Sam at balak sanang magtrabaho muna sa labas bago umuwi. Malapit lang ang café sa opisina ng Reyes Group, tahimik ang lugar, at hindi ganoon karami ang customers kapag hapon. Perfect sana para sa isang taong gusto lang uminom ng kape at tapusin ang ilang documents.Samantala, doon naman pumunta si Nico dahil may kailangan siyang basahin na contracts bago ang susunod niyang meeting. Ayaw niyang bumalik agad sa opisina, kaya naghanap siya ng lugar na puwedeng magtrabaho nang hindi naaabala ng mga empleyado.Pareho silang may sariling dahilan sa pagpunta roon.Wala sa kanilang umaasang makikita ang isa't isa.Kaya nang makapasok si Sam at makita ang lalaking nakaupo malapit sa bintana, agad na nawala ang magandang mood niya.Nico.Napansin din siya ng lalaki. Saglit itong natigilan bago ngumiti, halatang natutuwa sa hindi inaasahang pagkakataon."We

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 4

    The First ProblemFour Years AgoHindi pa man nagsisimula nang maayos ang araw ni Samantha Reyes, gusto na niyang umuwi.Hindi dahil mahirap ang university na pinasukan niya. Hindi rin dahil kinakabahan siya sa bago niyang environment. Ang problema, halos labinlimang minuto na siyang paikot-ikot sa campus habang hawak ang schedule niya, at hindi pa rin niya mahanap ang tamang building.“Great. First day, lost na agad.”Napahinto siya nang makarinig ng tawanan mula sa may fountain.May ilang estudyanteng nagkukumpulan roon, pero isang lalaki ang agad nakakuha ng atensyon niya. Matangkad, maayos manamit, at may ngiting parang sanay na sanay na nakukuha ang gusto niya.Nakatayo ito sa harap ng isang babae, nakayuko nang bahagya habang may ibinubulong sa tainga nito. Nang tumawa ang babae, marahang hinawakan ng lalaki ang baywang nito para ilapit sa kaniya. Pagkatapos, inayos pa nito ang buhok ng babae at hinalikan ang noo nito na para bang matagal na silang magkasintahan.Hindi alam ni S

  • Fake Date, Real Problem   Chapter 3

    The Face I Never ForgotThird-Person POV — Sam“Sam, kapag hindi ka pa bumangon in the next five minutes, pupunta ako sa bahay ninyo at ako mismo ang magbibihis sayo.”Napatingin si Samantha Reyes sa cellphone niya. Sunod-sunod ang messages ni Alessandra Mendoza, o Alex, ang best friend niyang hindi marunong tumanggap ng no bilang sagot.Nakahiga pa rin siya sa kama, suot ang oversized shirt at pajama shorts. Wala siyang balak lumabas. Kung siya ang masusunod, gugugulin niya ang buong gabi sa panonood ng series habang kumakain ng snacks.Unfortunately, may ibang plano ang kaibigan niya.Sam: I'm not going.Ilang segundo lang ang lumipas bago tumunog ang cellphone niya.“Anong hindi ka pupunta?” bungad ni Alex nang sagutin niya ang tawag.“Exactly what I said.”“Sam, nakapag-reserve na ako!”“Then enjoy your reservation.”“Girl, we've been planning this since last week!”“Eh, nagbago ang isip ko. Isn't that allowed?”“Hindi kapag ako ang kaibigan mo.”Napabuntong-hininga si Sam. “You'r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status