LOGINThe Problem with Settling Down
Nico's POV "Son, kailan mo ba balak mag-asawa?" Napahinto ako sa pag-scroll sa tablet ko at dahan-dahang tumingin kay Dad. Kakaupo ko pa lang sa breakfast table, at kasal agad ang bungad niya sa akin. "Good morning din, Dad," sagot ko bago muling tumingin sa tablet. "Nice to know na ‘yan agad ang priority mo today." "Nicolas." Napabuntong-hininga ako. Kapag buong pangalan ko na ang gamit niya, alam kong hindi ito simpleng usapan lang. "What?" "You're twenty-five. Panahon na para seryosohin mo ang future mo." "Siniseryoso ko naman, Dad. Kaya nga nagtatrabaho ako araw-araw." "Alam mo ang ibig kong sabihin." Unfortunately, alam ko. "Anak, hindi ka naman namin pinipilit na mag-asawa bukas," mahinahong singit ni Mama habang inilalapag ang plato sa mesa. "Gusto lang naming malaman kung may balak ka bang mag-settle down." "Mom, hindi pa nga ako handang mag-alaga ng halaman. Marriage pa kaya?" Napailing siya habang pinipigilang ngumiti. "Don't exaggerate, Nico." "I'm being realistic." Muling nagsalita si Dad, at agad nawala ang bahagyang ngiti sa mukha ko. "If you want to take over as CEO of Alcantara Corporation, you need to understand that there are responsibilities beyond the company." Ibinaba ko ang tablet ko. Ayan na naman tayo. Ever since I started working at Alcantara Corporation, malinaw na sa akin ang expectations ng pamilya ko. Bilang Executive Director, humahawak ako ng projects, dumadalo sa meetings, at nakikipag-usap sa business partners. Hindi ko iniiwasan ang trabaho. In fact, gusto kong ako mismo ang mamuno sa kumpanya balang araw. Ang problema, parang may sarili nang checklist ang pamilya ko bago nila ibigay sa akin ang posisyon. At isa sa mga requirements nila ang bagay na hindi ko naman kailangang madaliin. Marriage. "So, let me get this straight," sabi ko habang nakatingin kay Dad. "Kaya kong humawak ng major projects, makipag-negotiate sa business partners, at gumawa ng importanteng decisions para sa kumpanya. Pero hindi pa rin ako puwedeng maging CEO hangga't wala akong asawa?" "Hindi ‘yon ang sinabi ko." "Then what exactly are you saying?" Humigop siya ng kape bago sumagot. "May mga arrangements na kaming pinag-uusapan para sa future mo. Gusto naming pag-isipan mo rin ang posibilidad na magkaroon ng sariling pamilya bago mo tuluyang akuin ang pinakamalaking responsibilidad sa kumpanya." Napakunot ang noo ko. "Arrangements?" "Yes. At kapag dumating na ang tamang panahon, gusto naming maging bukas ka sa mga plano namin." Napatingin ako sa kaniya. "Wait. May mga plano na kayo para sa buhay ko, pero ako mismo hindi pa alam kung ano ang mga ‘yon?" "Nico, hindi naman namin gagawin ang isang bagay nang hindi pinag-iisipan." "That's reassuring," sagot ko. "Pero sana kasama rin ako sa pag-iisip ninyo." "Nicolas, your mother and I only want what's best for you." "I know, Dad. Pero hindi ibig sabihin na lahat ng tingin ninyong best for me ay kailangan kong sundin." Sandaling natahimik ang mesa. Hindi ko naman gustong makipagtalo sa kanila tuwing umaga. Mahal ko ang pamilya ko, at alam kong hindi rin naman nila gustong mapahamak ako. Pero minsan, nakakalimutan nilang may sarili rin akong mga desisyon. Hindi ko gustong magpakasal dahil lang kailangan ko ng asawa para makuha ang posisyong pinaghirapan ko. Gusto kong maging CEO dahil kaya ko. At kung sakaling mag-asawa man ako balang araw, gusto kong gawin ‘yon dahil handa na ako, hindi dahil may deadline na itinakda ang pamilya ko. "Pag-isipan mo muna," sabi ni Mama. "Hindi naman natin kailangang pag-awayan ito." Tumango ako at muling kinuha ang tablet ko. "Fine. I'll think about it." Hindi ko sinabing papayag ako. At hindi rin naman nila ako puwedeng piliting mangako ng ganoon. --- By the time I arrived at the office, determinado na akong kalimutan ang buong usapan. May ilang dokumentong kailangan kong suriin bago ang meeting namin tungkol sa isang business proposal. Kaka-upo ko pa lang nang kumatok ang assistant ko. "Sir, nandito na po si Attorney Villanueva. Dinala na raw po niya ang revised contract para sa acquisition." "Papuntahin mo rito." Ilang segundo lang ang lumipas, bumukas ang p***o at pumasok si Gabe, may hawak na folder at laptop. "Good morning, future CEO!" Napatingin ako sa kaniya. "Kung gusto mong makalabas dito nang buhay, tumigil ka sa pagtawag sa akin niyan." Tumawa siya at inilapag ang folder sa mesa ko. "Relax. Dinala ko na ang revised contract na hinihingi mo. Basahin mo muna bago mo ako pagbantaan." Si Gabriel Villanueva ang isa sa mga corporate lawyer ng Alcantara Corporation. Siya ang humahawak sa ilan naming legal matters, kaya regular kaming nagkikita sa opisina. Best friend ko rin siya mula highschool, dahilan kung bakit hindi niya masyadong sineseryoso ang mga pagbabanta ko. Binuksan ko ang folder at sinimulang basahin ang dokumento. "May binago ka rito?" "May ilang provisions na kailangan pang linawin. Nilagyan ko ng notes ang mga bahagi na posibleng maging problema kapag pinirmahan natin nang hindi nirerepaso." Ilang minuto kaming nag-usap tungkol sa kontrata at sa mga kailangang ipaayos bago ituloy ang kasunduan. Nang matapos kami, isinara ko ang folder at ibinalik ‘yon sa kaniya. "I-coordinate mo sa kabilang kumpanya ang revisions. Ipa-double-check mo rin sa legal team bago natin i-finalize." "Got it." Tumayo na sana siya nang bigla siyang ngumisi. "So, kumusta ang breakfast with the family?" Napatingin ako sa kaniya. "Paano mo nalaman na may problema?" "Bro, kilala kita. Kapag ganyan ang mukha mo, either may nag-cancel na meeting mo o pinag-usapan na naman ang love life mo." Ibinaba ko ang kape ko sa mesa. "Marriage." Biglang umayos ang pagkakaupo niya. "Wait. Talaga?" "Don't start." "Hindi pa nga ako nagsasalita!" "Pero nakangiti ka na." Hindi niya napigilang tumawa. "Sorry, bro. It's just funny. Ikaw pa talaga ang unang susuko sa pressure ng pamilya." "Who's surrendering?" "Well, kung ako ang tatanungin, mas madaling maghanap ng girlfriend kaysa makipagtalo sa tatay mo araw-araw." "Then ikaw ang maghanap ng girlfriend para sa akin." "Excuse me? Corporate lawyer ako, hindi dating agency." "Sayang naman. Akala ko kaya mong ayusin lahat ng problema." Tumawa siya bago sumandal sa couch. "Seriously, though. Ano na naman ang sinabi nila?" Ikinuwento ko sa kaniya ang kondisyon ni Dad at ang arrangements na pinag-uusapan ng pamilya ko. Hindi ko rin alam ang buong detalye, at halatang nagulat siya nang marinig iyon. "Wait. May mga plano na talaga sila?" "Apparently." "And you don't even know what those plans are?" "Exactly." Napailing siya. "Bro, kung ako sayo, aalamin ko muna kung ano ang mga ‘yan bago pa sila gumawa ng desisyon para sayo." "I was planning to do that." "Good. At least may isang tao sa atin ang nag-iisip nang maayos." Tiningnan ko siya nang masama. "You're literally the one who suggested finding me a girlfriend five minutes ago." "That's different. I'm suggesting, not arranging." Napatawa ako nang bahagya. Minsan talaga, hindi ko alam kung paano ko natitiis ang kaibigan kong ito. Pero sa kabila ng lahat ng pang-aasar niya, alam kong isa siya sa iilang taong magsasabi sa akin ng totoo kahit hindi ko gustong marinig. "Anyway," sabi niya habang tumatayo, "whatever happens, don't agree to something you don't want just because you're afraid of losing the CEO position." Nawala ang ngiti ko. Dahil iyon mismo ang bagay na ayokong mangyari. Pinaghirapan kong marating ang posisyon ko ngayon. Hindi ko gustong isipin ng kahit sino na makukuha ko ang susunod na posisyon dahil lang anak ako ng may-ari. Gusto kong patunayan na kaya kong pamunuan ang kumpanya sa sarili kong kakayahan. Pero hindi ko rin gustong isuko ang sarili kong kalayaan para lang mapatunayan ‘yon. "I won't," sagot ko. Tumango si Gabe at kinuha ang cellphone niya. "Good. Now, can we finally talk about work? May meeting ka pa in thirty minutes, Your Highness." "Get out of my office." "Love you, too, bro!" Mabilis siyang lumabas bago ko pa siya matapunan ng kung ano. Napailing ako habang binubuksan ang mga dokumentong kailangan kong tapusin. Sa ngayon, trabaho muna. Hindi ko kailangang magmadali sa pag-aasawa. Hindi ko kailangang maghanap ng girlfriend para lang may maipakita sa pamilya ko. At lalong hindi ko kailangang pumayag sa mga arrangements na hindi ko pa nga lubos na naiintindihan. I had my own plans, and I intended to stick to them. Kung may isang bagay akong sigurado, ‘yon ay hindi ako basta-bastang magpapasya tungkol sa buong buhay ko dahil lang sa kagustuhan ng ibang tao. Marriage could wait. At kung may taong nakatakda mang guluhin ang maayos kong buhay, sana lang ay marunong siyang makipag-usap. Dahil wala akong balak na gawing komplikado ang buhay ko para lang mapasaya ang pamilya ko. Not now. Not anytime soon. At least, ‘yon ang akala ko.The Things You Shouldn't Have ReadSam's POVFour Years AgoHindi ko alam kung bakit may mga taong kahit hindi mo naman hinahanap, palaging nasa paligid mo.At sa lahat ng taong puwede kong makasalubong sa university, si Nicolas Alcantara pa talaga."You're blocking the way."Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Sa halip, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng notes ko habang nakaupo sa isang bench sa hallway."Then take another route.""There's no other route, Sam."Napataas ang tingin ko. Nakatayo siya sa harap ko, hawak ang cellphone niya at may pamilyar na ngisi sa labi."Then wait."He glanced at his watch. "You're really making me late.""Not my problem.""You're impossible.""And you're annoying. We're even."Umiling siya bago tuluyang lumakad palayo. Akala ko ay ‘yon na ang huli naming interaction for the day, pero ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na naman siya kasama si Gabe sa kabilang dulo ng hallway.Hindi ko na lang pinansin.Sa totoo lang, sanay na akong mak
Getting to Know You Sam's POV Nagising ako sa sunod-sunod na vibration ng cellphone ko sa tabi ng unan. Dinukot ko ito nang hindi pa tuluyang dumidilat. Akala ko may importanteng message, kaya agad kong inabot ang cellphone at binuksan ang notifications. Pero nang makita ko ang pangalan ng nag-message, napahinto ako. Nicolas Alcantara. Napatingin ako sa oras. Alas otso pa lang ng umaga. I unlocked my phone and opened our conversation. Nicolas: Good morning. Nicolas: Are you awake? Nicolas: Sam? Nicolas: Don't tell me you're still sleeping. Nicolas: Wake up, woman. Nicolas: Let's get to know each other nang hindi tayo matameme kapag may nag tanong. I stared at the messages for a moment. Kainis. Bakit ko pa kasi in-unblock ‘to? Mas malala, bakit ko pa nilagay sa contacts ko? I was about to put my phone down when another message came in. Nicolas: Unless you're planning to ignore your boyfriend already? Napairap ako. Me: You're not my boyfriend. Nicolas: Noted. Your ver
The Rules of PretendingHindi pa man umaabot ng dalawampu't apat na oras mula nang pumayag si Sam sa plano ni Nico, nagsisimula na siyang magsisi.Hindi dahil may nararamdaman siya para sa lalaki. Malayo roon. Ang problema, hindi pa nga sila nagsisimulang magpanggap, pero parang gusto na niyang bawiin ang lahat."You're late."Napatingin si Sam sa kaniyang relo bago tumingin sa lalaking naghihintay sa labas ng café."Three minutes lang.""Three minutes is still late.""At least marunong kang magbilang. Proud ako sa progress mo."Napailing si Nico. Siya ang nagmungkahi na magkita sila para ayusin ang detalye ng kanilang kasunduan, pero ngayon ay nagsisimula na siyang magtanong sa sarili kung bakit si Sam pa ang pinili niya.Ah, oo. Dahil hindi siya nito gusto.Sa ngayon, mukhang hindi lang ‘yon ang magiging problema niya.Pumasok sila sa café at pumili ng mesang medyo malayo sa ibang customers. Umorder si Nico ng kape, habang tubig lang muna ang kinuha ni Sam."Okay," panimula ng lalak
A Ridiculous ProposalSa lahat ng café sa buong Maynila, bakit naman sa café na iyon pa nagkita sina Sam at Nico?Galing sa isang meeting si Sam at balak sanang magtrabaho muna sa labas bago umuwi. Malapit lang ang café sa opisina ng Reyes Group, tahimik ang lugar, at hindi ganoon karami ang customers kapag hapon. Perfect sana para sa isang taong gusto lang uminom ng kape at tapusin ang ilang documents.Samantala, doon naman pumunta si Nico dahil may kailangan siyang basahin na contracts bago ang susunod niyang meeting. Ayaw niyang bumalik agad sa opisina, kaya naghanap siya ng lugar na puwedeng magtrabaho nang hindi naaabala ng mga empleyado.Pareho silang may sariling dahilan sa pagpunta roon.Wala sa kanilang umaasang makikita ang isa't isa.Kaya nang makapasok si Sam at makita ang lalaking nakaupo malapit sa bintana, agad na nawala ang magandang mood niya.Nico.Napansin din siya ng lalaki. Saglit itong natigilan bago ngumiti, halatang natutuwa sa hindi inaasahang pagkakataon."We
The First ProblemFour Years AgoHindi pa man nagsisimula nang maayos ang araw ni Samantha Reyes, gusto na niyang umuwi.Hindi dahil mahirap ang university na pinasukan niya. Hindi rin dahil kinakabahan siya sa bago niyang environment. Ang problema, halos labinlimang minuto na siyang paikot-ikot sa campus habang hawak ang schedule niya, at hindi pa rin niya mahanap ang tamang building.“Great. First day, lost na agad.”Napahinto siya nang makarinig ng tawanan mula sa may fountain.May ilang estudyanteng nagkukumpulan roon, pero isang lalaki ang agad nakakuha ng atensyon niya. Matangkad, maayos manamit, at may ngiting parang sanay na sanay na nakukuha ang gusto niya.Nakatayo ito sa harap ng isang babae, nakayuko nang bahagya habang may ibinubulong sa tainga nito. Nang tumawa ang babae, marahang hinawakan ng lalaki ang baywang nito para ilapit sa kaniya. Pagkatapos, inayos pa nito ang buhok ng babae at hinalikan ang noo nito na para bang matagal na silang magkasintahan.Hindi alam ni S
The Face I Never ForgotThird-Person POV — Sam“Sam, kapag hindi ka pa bumangon in the next five minutes, pupunta ako sa bahay ninyo at ako mismo ang magbibihis sayo.”Napatingin si Samantha Reyes sa cellphone niya. Sunod-sunod ang messages ni Alessandra Mendoza, o Alex, ang best friend niyang hindi marunong tumanggap ng no bilang sagot.Nakahiga pa rin siya sa kama, suot ang oversized shirt at pajama shorts. Wala siyang balak lumabas. Kung siya ang masusunod, gugugulin niya ang buong gabi sa panonood ng series habang kumakain ng snacks.Unfortunately, may ibang plano ang kaibigan niya.Sam: I'm not going.Ilang segundo lang ang lumipas bago tumunog ang cellphone niya.“Anong hindi ka pupunta?” bungad ni Alex nang sagutin niya ang tawag.“Exactly what I said.”“Sam, nakapag-reserve na ako!”“Then enjoy your reservation.”“Girl, we've been planning this since last week!”“Eh, nagbago ang isip ko. Isn't that allowed?”“Hindi kapag ako ang kaibigan mo.”Napabuntong-hininga si Sam. “You'r







