ELISA Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa mga taong bumabati sa akin bilang bagong Mrs. Suarez.Sa bawat pagbati, pilit kong itinataas ang mga sulok ng labi ko kahit ang totoo, gusto ko na lamang umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko puro peke ang nakikita ko.“Congratulations, Elisa! You're so lucky to have Antonio as your husband.”Lucky? Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang maging asawa ng lalaking hindi naman ako gusto.“Thank you,” mahinang sagot ko rito sa isa sa mga bisita namin.Muli akong ngumiti nang lumapit ang isa pang grupo ng bisita. Halos lahat sila ay kilala sa mundo ng negosyo. Mga taong mayayaman, makapangyarihan at nakukuha nila ang mga gusto nila.“By the way, where's Cassandra?” tanong ng isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown.Napatigil ako. “My sister?” sambit ko.“Cassandra. I thought she was supposed to marry Antonio.” Ngumiti ito na para bang wala itong sinabing nakasasakit. “I heard she suddenly disappeared. What happened?”Hindi
Last Updated : 2026-11-02 Read more