Share

chapter 2

Author: Adev_Stories
last update publish date: 2026-11-02 13:54:39

ELISA 

Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa mga taong bumabati sa akin bilang bagong Mrs. Suarez.

Sa bawat pagbati, pilit kong itinataas ang mga sulok ng labi ko kahit ang totoo, gusto ko na lamang umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko puro peke ang nakikita ko.

“Congratulations, Elisa! You're so lucky to have Antonio as your husband.”

Lucky? Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang maging asawa ng lalaking hindi naman ako gusto.

“Thank you,” mahinang sagot ko rito sa isa sa mga bisita namin.

Muli akong ngumiti nang lumapit ang isa pang grupo ng bisita. Halos lahat sila ay kilala sa mundo ng negosyo. Mga taong mayayaman, makapangyarihan at nakukuha nila ang mga gusto nila.

“By the way, where's Cassandra?” tanong ng isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown.

Napatigil ako. “My sister?” sambit ko.

“Cassandra. I thought she was supposed to marry Antonio.” Ngumiti ito na para bang wala itong sinabing nakasasakit. “I heard she suddenly disappeared. What happened?”

Hindi ako nakasagot agad at lihim na humugot ng paghinga. 

“Family matters,” maikling sagot ko.

“Oh, I see.”

Nagpalitan sila ng tingin ng kasama niya bago muling ngumiti sa akin.

“Anyway, congratulations. I hope you and Antonio will be happy together.”

Tumango lang ako, pero bago pa sila tuluyang makalayo, narinig ko ang mahinang bulong ng isa.

“She's pretty, but I think Cassandra would have suited Antonio better.”

Napayuko ako, hindi ko na kailangang marinig ang kasunod. Alam ko namang hindi lamang sila ang nag-iisip no’n.

Maging ang lalaking pinakasalan ko ay ganoon ‘din ang paniniwala niya dahil sa kanina na sinabi niya sa akin.

“Why are you standing here alone?”

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses. Si Antonio.

Nakatayo siya sa tabi ko habang may hawak na baso ng champagne. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na umiinom, pero hindi ko napansing lumapit siya.

“Wala naman. May mga bisita lang po na kumausap sa akin.” sagot ko at hindi ko lang masabi na iniwan mo ako kaya mag-isa ako rito.

Tiningnan niya ang mga taong nasa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin.

“Don't call me that.”

Bahagya akong nagtaka sa sinabi niya. “Bakit Po?” saad ko.

“Don't call me 'po.' We're married now.”

Saglit na natigilan ako.  “Sorry.” Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumingin siya sa relo niya.

“How long before this event ends?”

“Hindi ko alam.” tipid kong sagot at parang nagmamadali na siya.

“Then find out. I have an important meeting tomorrow.”

Napatitig ako sa kaniya, ngayong araw ang kasal namin. Hindi man lang ba niya kayang magkunwaring masaya at magtagal ng ilang oras?

“Antonio…” mahina kong sambit pero sapat na marinig niya.

“What?”

“Puwede ba tayong mag-usap?” bahagyang kumunot ang noo niya.

“About what?” seryosong niyang sagot.

“About our marriage.” lakas loob kong sagot at napabuntong-hininga siya na para bang hindi siya interesado.

“There's nothing to discuss, Elisa. You knew what you were getting into.”

“Alam kong hindi ako ang babaeng gusto mong pakasalan.” Diretsong pagkakasabi ko.

“Then we're clear.”

“Pero asawa mo na ako ngayon.” mabilis kong sagot at napatingin siya sa akin nang diretso.

“And that doesn't mean you can expect anything from me.”

Naramdaman kong nanikip ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.

“Hindi naman ako humihingi ng pagmamahal mo.” mahina kong tugon.

“Good.” maikli niyang sagot sabay lagok ng wine.

“Gusto ko lang sanang malaman kung paano tayo mamumuhay pagkatapos nito.” muli kong turan at sandali siyang natahimik.

“Live your life. I'll live mine. We don't have to interfere with each other.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

“Paano kung may kailangan akong—”

“Talk to my secretary. She'll arrange whatever you need.” putol niya agad sa sasabihn ko.

Lihim na napakagat ako sa labi ko. 

“Pati ba ang asawa mo, sa secretary mo kailangang dumaan para makausap ka?”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nagulat siya dahil sumagot ako o dahil hindi niya inaasahang maririnig niya iyon mula sa akin.

Pero agad din siyang bumalik sa dati niyang seryosong mukha.

“Don't make this marriage complicated, Elisa.”

Pagkasabi niya na ‘yon ay tumalikod na siya. Iniwan akong mag-isa nakatayo sa gitna ng napakagandang ballroom, suot ang wedding gown na hindi naman talaga para sa akin.

Makalipas ang halos isang oras, tuluyan nang natapos ang reception. Sumakay ako sa itim na sasakyan na nakaparada sa harap ng hotel. Nauna nang pumasok si Antonio at abala sa pagbabasa ng mga dokumentong dala niya.

Tahimik akong umupo sa kabilang bahagi ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

“Where are we going?” tanong ko.

“Home.”

“Sa bahay mo?” paninigurado kong tanong dahil baka nabingi lang ako.

“Obviously.”

Tumango ako at muling tumingin sa bintana. Sa buong biyahe, hindi na kami nag-usap.

Hanggang sa huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking mansion sa isang exclusive subdivision.

Napatingin ako sa bahay dahil napakaganda nito. Malawak ang hardin, may fountain sa gitna at maraming ilaw na nagbibigay ng magandang awra sa itsura sa buong lugar.

Ito na ang magiging tahanan ko. Sabi ko sa isipan ko, pero hindi ko alam kung matatawag ko ba itong tahanan kung ang taong makakasama ko rito ay hindi naman gustong naroon ako.

“Let's go.”

Aya niya at nauna na siyang lumabas hindi man lang naghintay na makalabas ako rin ako. Nagmamadali akong sumunod habang hawak ang laylayan ng gown ko, hirap na hirap ako sa suot ko dahil hindi man lang nila ako pinayagang magpalit ng damit.

Pagpasok namin sa mansion, agad akong sinalubong ng isang babaeng nasa edad singkuwenta.

“Good evening, Sir Antonio.”

“Mrs. Suarez,” malamig niyang pagpapakilala ni Antonio sa akin. “She'll be staying here from now on.”

Bahagyang yumuko ang babae. “Welcome, Ma'am.”

“Thank you,” sagot ko.

“Have someone prepare a room for her,” sabi niya.

Napatigil ako sa sinabi niya prepare my room. Ibig sabihin hindi kami sa iisang kuwarto?

“Sir, the master bedroom is ready,” sagot ng babae.

“I'm staying there. Prepare the guest room for Elisa.”

Hindi ko napigilang tumingin sa kaniya. “Antonio…” bigkas ko at huminto siya sa paglalakad.

“What now?”

“Sa guest room ako matutulog?” taka kong pagkakasabi.

“Do you have a problem with that?”

“Hindi ba tayo—”

“I'm tired, Elisa. I don't want to discuss this tonight.”

Hindi na ako nakasagot at nagpatuloy siya paglalakad hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

“Ma'am?”

Napalingon ako sa kasambahay.

“Halika po. Ihahatid ko kayo sa kuwarto ninyo.”

Pinilit kong ngumiti. “Salamat.”

Simple lamang ang guest room, pero mas malaki pa ito kaysa sa dati kong silid sa bahay ng pamilya ko.

May malaking kama, sariling banyo at malawak na bintanang tanaw ang hardin mula sa labas. Inilapag ng kasambahay ang maliit kong maleta sa tabi ng aparador.

“May kailangan pa po ba kayo, Ma'am?”

“Wala na. Salamat.” simpleng ngiti kong sabi.

“Good night po.”

Pagkalabas niya, dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama, tahimik ang buong silid. Tanging tunog ng air conditioner ang maririnig ko.

Inalis ko ang hikaw at kuwintas na suot ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa wedding ring na nasa daliri ko.

Isang singsing na sumisimbolo sa isang pangako ng mag-asawa. Kinuha ko ang cellphone ko nang biglang may pumasok na mensahe.

Cassandra:

Congratulations, Ate! I hope you enjoyed my wedding dress. Don't worry, bagay naman sa iyo.

Napapikit ako at may kasunod pa ang message niya.

By the way, how was Antonio? Did he kiss you? I bet he still thinks about me.

Tahimik na nakatitig lang ako sa message at kahit hindi ko gustong masaktan may bahagi na kumirot ang puso ko.

Hindi ko na piniling sumagot, pinatay ko ang cellphone at humiga sa kama.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kakayaning mabuhay sa ganitong pagsasama.

Pero isang bagay ang ipinangako ko sa sarili ko. Hindi ako gagawa ng gulo. Hindi ako manghihingi ng pagmamahal kay Antonio. Hindi ko hahayaang mawala ang natitira kong dignidad dahil lamang sa isang lalaking hindi ako ka gustong mahalin.

Dahil kahit hindi ako ang babaeng gusto niya, hindi ibig sabihin na wala na akong halaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 5

    ELISA“Ma'am Elisa, may dumating pong bisita para kay Sir Antonio.”Napatingin ako sa kasambahay habang nag-aalmusal ako. “Sino raw po?” tanong ko dahil ang aga naman ng bisita niya.“Si Miss Cassandra Villareal.”Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsarang hawak ko, hindi ko inaasahang pupunta siya rito, lalo na't alam niyang dito na ako nakatira bilang asawa ni Antonio.“Nasaan siya ngayon?” maya'y tanong ko.“Nasa sala po at sinabi niyang gusto niyang sorpresahin si Sir.”Napabuntong-hininga ako. “Pakiusap, samahan mo muna siya rito. Tatawagin ko si Antonio.”“Hindi na po kailangan, Ma'am. Sinabi niyang siya na raw po ang bahala sa sarili niya.’Tumango lang ako at tumayo ako at inayos ang suot kong simpleng damit. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kaniya. Balak ko sanang magtungo sa kuwarto ko dahil wala akong balak na makita silang magkasama.“ATE!”Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ng hagdan nang marinig ko ang masiglang boses ni Cassandra.Nakangiti siyang naglalakad palapi

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 4

    ELISAAlas-diyes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Noong una, balak ko sanang hindi sagutin, pero ilang ulit itong tumunog kaya napilitan akong kunin ang cellphone.“Hello?”“Good morning, Miss Elisa Villareal. Ako si Atty. Ramon Villanueva. Ako ang personal lawyer ng inyong yumaong lola, si Doña Beatriz Elena Villareal.”Napatuwid ako ng upo, ang pangalan ng lola ko ang agad nagpaalala sa akin ng mga panahong siya lamang ang taong tunay na nakakaunawa sa akin.“Good morning po, Attorney. May kailangan po ba kayo?”“May mahalaga lamang akong kailangang ipaalam sa inyo. May mga dokumento po akong kailangang personal na ipakita. Tungkol ito sa huling habilin ng inyong lola.”Napakunot ang noo ko dahil ang alam ko tapos na ang habilin ni lola at nalaman na namin ‘yon.“Anong tungkol po doon may nakalimutan po ba kayong sabihin?” tanong ko.“Mas mabuting mapag-usapan natin ito nang personal. Maaari po ba tayong magkita ngayong hapon? Sisiguradu

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 3

    ELISAAlas-sais pa lamang ng umaga nang magising ako. Hindi ko alam kung dahil ba nasa bagong bahay ako at sobrang o dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at napatingin sa malaking kama, hanggang sa tuluyan na akong sumuko at bumangon.Pagkatapos maligo at magbihis, lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang buong mansion. Iilan pa lamang ang mga kasambahay na abala sa kanilang paglilinis.“Good morning, Ma'am Elisa.”Napalingon ako sa babaeng nakilala ko kagabi.“Good morning.” ngiting bati ko rin.“May breakfast na po sa dining area. Ihahanda ko na rin po ang kape ninyo.”“Salamat.” yuko kong tugon.Naglakad ako patungo sa dining area. Pagdating ko roon, nakita kong nakahanda na ang iba't ibang pagkain sa mahabang mesa. Pero hindi ko nakita doon si Antonio.“Nasaan po si Mr. Suarez?” tanong ko imbis na asawa dahil mukhang parang hindi naman bagay na tawagin ko siyang ganun.“Nasa-study room po Ma'am. Maaga raw po siyang aalis dahil may meeting.”Tu

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 2

    ELISA Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa mga taong bumabati sa akin bilang bagong Mrs. Suarez.Sa bawat pagbati, pilit kong itinataas ang mga sulok ng labi ko kahit ang totoo, gusto ko na lamang umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko puro peke ang nakikita ko.“Congratulations, Elisa! You're so lucky to have Antonio as your husband.”Lucky? Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang maging asawa ng lalaking hindi naman ako gusto.“Thank you,” mahinang sagot ko rito sa isa sa mga bisita namin.Muli akong ngumiti nang lumapit ang isa pang grupo ng bisita. Halos lahat sila ay kilala sa mundo ng negosyo. Mga taong mayayaman, makapangyarihan at nakukuha nila ang mga gusto nila.“By the way, where's Cassandra?” tanong ng isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown.Napatigil ako. “My sister?” sambit ko.“Cassandra. I thought she was supposed to marry Antonio.” Ngumiti ito na para bang wala itong sinabing nakasasakit. “I heard she suddenly disappeared. What happened?”Hindi

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 1

    ELISA“Hindi ikaw ang dapat na ikakasal bukas, Elisa.”Napahinto ako sa pagtitiklop ng damit nang marinig ang malamig na boses ni Mama at bakas sa mukha niya na hindi talaga siya masaya sa kasal ko. Hindi ko agad siya hinarap. Sa loob ng silid na ito, ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyan sa iba't-ibang paraan. Pero ngayong gabi, mas masakit dahil alam kong wala na akong ibang mapagpipilian rin. Kung sa kanya hindi siya masaya dahil hindi dapat ako ang pakakasalan, pero ako naman hindi masaya dahil wala akong choice.“Alam ko naman po.” Mahinang sabi.“Kung alam mo, bakit parang wala kang pakialam?” iritableng tanong niya. “Dapat naiintindihan mo kung gaano kahalaga ang kasalang ito para sa pamilya natin.”Napangiti ako nang mapait. Paano ko ba naman hindi maiintindihan? Ang kasal ko kay Antonio Suarez ang magliligtas sa negosyong matagal nang unti-unting nalulugi. Ang kasunduang ito ang magpapatibay sa ugnayan ng Villareal at Suarez. Dahil tumakas ang tunay na bride-to-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status