LOGINELISA
“Ma'am Elisa, may dumating pong bisita para kay Sir Antonio.” Napatingin ako sa kasambahay habang nag-aalmusal ako. “Sino raw po?” tanong ko dahil ang aga naman ng bisita niya. “Si Miss Cassandra Villareal.” Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsarang hawak ko, hindi ko inaasahang pupunta siya rito, lalo na't alam niyang dito na ako nakatira bilang asawa ni Antonio. “Nasaan siya ngayon?” maya'y tanong ko. “Nasa sala po at sinabi niyang gusto niyang sorpresahin si Sir.” Napabuntong-hininga ako. “Pakiusap, samahan mo muna siya rito. Tatawagin ko si Antonio.” “Hindi na po kailangan, Ma'am. Sinabi niyang siya na raw po ang bahala sa sarili niya.’ Tumango lang ako at tumayo ako at inayos ang suot kong simpleng damit. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kaniya. Balak ko sanang magtungo sa kuwarto ko dahil wala akong balak na makita silang magkasama. “ATE!” Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ng hagdan nang marinig ko ang masiglang boses ni Cassandra. Nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin suot ang isang mamahaling puting dress at may dalang malaking paper bag. “Cassandra.” sambit ko at lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi. “Wow! Ang laki naman pala ng bahay ni Antonio. I mean, bahay ninyo na pala.” Bahagya akong ngumiti. “Anong kailangan mo rito?” Napahawak siya sa dibdib niya. “Grabe ka naman, Ate. Hindi ba ako puwedeng bumisita sa sarili kong kapatid?” “Puwede naman. Pero hindi mo sinabi na pupunta ka rito,” kaswal kong sagot. “Surprise nga, ‘di ba?” nakataas ang kilay niya at tumingin siya sa paligid. “Nasaan si Antonio?” “Hindi ko alam kung anong oras siya bababa.” sagot ko lang. “Can you call him?” Bago pa ako makasagot, narinig namin ang mga yabag mula sa hagdan sa itaas. “Cassandra?” Agad na lumiwanag ang mukha ng kapatid ko ng makita namin si Antonio. “Antonio!” Masayang bigkas at nabilis siyang lumapit kay Antonio at niyakap ito. Hindi ko alam kung saan ako titingin para iwasan ang eksena na ‘yon. Nakita kong bahagyang natigilan si Antonio, pero hindi rin niya agad itinulak palayo si Cassandra. “Why are you here?” tanong niya. “I missed you.” Napatingin ako sa kanila, parang walang kasalanan si Cassandra sa lahat ng nangyari. Para bang hindi niya ako ipinagpalit sa isang kasal na hindi naman niya gustong panindigan. “Come on. I brought you something.” Iniabot niya ang paper bag kay Antonio. “Your favorite coffee beans.” “Thanks.” Simple lamang ang sagot nito, pero sapat na iyon para ngumiti nang malawak si Cassandra. “Can we have coffee together? Just like before?” “Sure.” Napatingin si Antonio sa akin. “Elisa, can you ask the staff to prepare coffee?” Napatigil ako hindi niya man lang naisip na nakikita ko sila. “Sure,” mahinang sagot ko. Tumalikod ako upang tawagin ang kasambahay at pilit na binabalewala na lang ang lahat. Pero bago ako makalayo, narinig ko ang sumunod na sinabi ni Cassandra. “Actually, Antonio, I was hoping we could talk privately.” “About what?” “Something important.” “Okay, let's go to study.” Dinig kong usapan nila at nagpatuloy na akong maglakad, binalewala ko nalang dahil sabi nga niya hayaan ko siya lalo na kay Cassandra. Matapos kong sabihin sa kasambahay ang kape para sa dalawa at dalhin sa study room. Naupo ako sa sofa at binuksan ang cellphone ko, nilibang ang sarili sa pagtingin sa social media. Pero ilang minuto na ang lumipas hindi ako nalibang sa ginagawa ko dahil hindi ko maiwasang isipin kung ano ang pinag-uusapan ng dalaw Hindi ko dapat problema ‘yon. May sarili akong buhay na kailangang ayusin. Kung tutuusin, wala akong karapatang magreklamo. Malinaw naman sa kasunduan na hindi kami dapat makialam sa personal na buhay ng isa't isa. Pero bakit ganoon may konting kirot akong nararamdaman, makalipas ang oras lumabas si Cassandra mula sa study room. Masaya ang mukha niyang nilapitan ako. “ATE!” Napatingin ako. “Bakit?” “Thank you, ha?” “Para saan naman?” taka kong tanong. Ngumiti siya. “For letting me visit Antonio.” Hindi ako nakasagot, lumapit siya at umupo sa tabi ko. “Alam mo, Ate, may gusto sana akong sabihin sa iyo.” “Ano?” tipid kong sagot. “Hindi pa rin ako sanay na ikaw ang asawa niya.” Napatingin ako sa kaniya at bahagyang nabigla sa sinabi niya. “Cassandra, ikaw ang tumakas. Ano pa ba ang gusto mong mangyari?” Bahagyang nawala ang ngiti niya. “Hindi ko naman ginustong mangyari ‘yon.” “Pero nangyari at ginawa mo.” sagot ko. “Alam ko.” Tumayo siya at inayos ang buhok. “Pero sana hindi mo isipin na dahil ikaw na ang Mrs. Suarez, tuluyan na akong mawawala sa buhay niya.” Nanigas ang katawan ko dahil sa sinabi niya. “Ano bang ibig mong sabihin?” Ngumiti siya. “Antonio and I have history, Ate. Hindi ganoon kadaling burahin ‘yon.” Tumayo rin ako. “Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo nang diretso.”nSaglit siyang natahimik bago lumapit sa akin. “Hindi ko siya mahal noon. Pero hindi ibig sabihin na hindi ko na siya puwedeng mahalin ngayon.” Napatitig ako sa kaniya. “Hindi mo ba naisip na asawa ko na siya?” “Of course, I did.” ngiting sagot niya. “Kung ganoon, bakit sinasabi mo ‘yan sa akin?” Ngumiti siya nang mapanukso. “Because I know him better than you do.” Parang may kung anong sa dibdib ko ngunit hindi ko pinahalata na naapektuhan ako. “Cassandra, kung gusto mong bumalik sa buhay niya, hindi mo kailangang dumaan sa akin.” sabi ko nalang. “Good. At least naiintindihan mo.” Kinuha niya ang bag niya. “See you again, Ate.” Umalis na siya habang ako malalim na napapaisip. ___ Kinagabihan, nadaanan ko si Antonio sa study room. Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana habang may hawak na baso na may lamang alak. “Antonio?” Hindi siya agad lumingon. “What?” “May itatanong sana ako.” lapit ko ng kaunti sa kanya. “What is it?” Huminga ako nang malalim. “May relasyon pa ba kayo ni Cassandra?” Dahan-dahan siyang humarap sa akin. “Why are you asking?” “Dahil sa pagpunta niya rito kanina.” hindi siya sumagot. Sandali akong natahimik bago muling nagsalita. “Gusto kong malaman kung ano ang namamagitan sa inyo.” Bahagyang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Elisa, I already told you not to interfere with my personal life.” “Hindi ako nakikialam. Gusto ko lang malaman kung dapat ba akong maghanda sa posibilidad na bumalik siya sa buhay mo.” diretsong sagot ko. “She's free to come and go as she pleases.” Napalunok ako. “Paano naman ako?” “What about you?” “Dapat ba akong magkunwaring walang nakikita kahit alam kong may ibang babaeng palaging pumupunta rito para makita ka?” Napabuntong-hininga siya. “She's your sister.” “Oo,kapatid ko siya. At alam kong siya ang babaeng gusto mong pakasalan.” Natahimik siya at hindi niya itinanggi, nanatiling tahimik at ang katahimikang iyon, nakuha ko ang sagot na hindi ko gustong marinig. “Don't make this harder than it already is,” malamig niyang sabi. Napangiti ako nang mapait. “Hindi ko naman pinahirapan ang sitwasyon natin, Antonio. Hindi ako ang tumakas. Hindi ako ang pumalit sa sarili kong kapatid. Hindi rin ako ang pumili na maging ganito ang kasal natin.” Napatitig siya sa akin at sa unang pagkakataon parang wala siyang maisagot sa akin. “Good night, Antonio.” paalam ko na at tumalikod ako bago pa niya makita ang mga luhang namumuo sa mata ko. Pagpasok ko sa kuwarto, agad kong isinara ang p***o. Umupo ako sa gilid ng kama at tahimik na umiyak dahil kahit wala kaming damdamin sa isa't-isa hindi ko maiwasang masaktan. Nakalaya ako sa magulang ko dahil nag-asawa ako pero kahit dito sa asawa ko wala rin akong halaga.ELISA“Ma'am Elisa, may dumating pong bisita para kay Sir Antonio.”Napatingin ako sa kasambahay habang nag-aalmusal ako. “Sino raw po?” tanong ko dahil ang aga naman ng bisita niya.“Si Miss Cassandra Villareal.”Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsarang hawak ko, hindi ko inaasahang pupunta siya rito, lalo na't alam niyang dito na ako nakatira bilang asawa ni Antonio.“Nasaan siya ngayon?” maya'y tanong ko.“Nasa sala po at sinabi niyang gusto niyang sorpresahin si Sir.”Napabuntong-hininga ako. “Pakiusap, samahan mo muna siya rito. Tatawagin ko si Antonio.”“Hindi na po kailangan, Ma'am. Sinabi niyang siya na raw po ang bahala sa sarili niya.’Tumango lang ako at tumayo ako at inayos ang suot kong simpleng damit. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kaniya. Balak ko sanang magtungo sa kuwarto ko dahil wala akong balak na makita silang magkasama.“ATE!”Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ng hagdan nang marinig ko ang masiglang boses ni Cassandra.Nakangiti siyang naglalakad palapi
ELISAAlas-diyes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Noong una, balak ko sanang hindi sagutin, pero ilang ulit itong tumunog kaya napilitan akong kunin ang cellphone.“Hello?”“Good morning, Miss Elisa Villareal. Ako si Atty. Ramon Villanueva. Ako ang personal lawyer ng inyong yumaong lola, si Doña Beatriz Elena Villareal.”Napatuwid ako ng upo, ang pangalan ng lola ko ang agad nagpaalala sa akin ng mga panahong siya lamang ang taong tunay na nakakaunawa sa akin.“Good morning po, Attorney. May kailangan po ba kayo?”“May mahalaga lamang akong kailangang ipaalam sa inyo. May mga dokumento po akong kailangang personal na ipakita. Tungkol ito sa huling habilin ng inyong lola.”Napakunot ang noo ko dahil ang alam ko tapos na ang habilin ni lola at nalaman na namin ‘yon.“Anong tungkol po doon may nakalimutan po ba kayong sabihin?” tanong ko.“Mas mabuting mapag-usapan natin ito nang personal. Maaari po ba tayong magkita ngayong hapon? Sisiguradu
ELISAAlas-sais pa lamang ng umaga nang magising ako. Hindi ko alam kung dahil ba nasa bagong bahay ako at sobrang o dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at napatingin sa malaking kama, hanggang sa tuluyan na akong sumuko at bumangon.Pagkatapos maligo at magbihis, lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang buong mansion. Iilan pa lamang ang mga kasambahay na abala sa kanilang paglilinis.“Good morning, Ma'am Elisa.”Napalingon ako sa babaeng nakilala ko kagabi.“Good morning.” ngiting bati ko rin.“May breakfast na po sa dining area. Ihahanda ko na rin po ang kape ninyo.”“Salamat.” yuko kong tugon.Naglakad ako patungo sa dining area. Pagdating ko roon, nakita kong nakahanda na ang iba't ibang pagkain sa mahabang mesa. Pero hindi ko nakita doon si Antonio.“Nasaan po si Mr. Suarez?” tanong ko imbis na asawa dahil mukhang parang hindi naman bagay na tawagin ko siyang ganun.“Nasa-study room po Ma'am. Maaga raw po siyang aalis dahil may meeting.”Tu
ELISA Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa mga taong bumabati sa akin bilang bagong Mrs. Suarez.Sa bawat pagbati, pilit kong itinataas ang mga sulok ng labi ko kahit ang totoo, gusto ko na lamang umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko puro peke ang nakikita ko.“Congratulations, Elisa! You're so lucky to have Antonio as your husband.”Lucky? Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang maging asawa ng lalaking hindi naman ako gusto.“Thank you,” mahinang sagot ko rito sa isa sa mga bisita namin.Muli akong ngumiti nang lumapit ang isa pang grupo ng bisita. Halos lahat sila ay kilala sa mundo ng negosyo. Mga taong mayayaman, makapangyarihan at nakukuha nila ang mga gusto nila.“By the way, where's Cassandra?” tanong ng isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown.Napatigil ako. “My sister?” sambit ko.“Cassandra. I thought she was supposed to marry Antonio.” Ngumiti ito na para bang wala itong sinabing nakasasakit. “I heard she suddenly disappeared. What happened?”Hindi
ELISA“Hindi ikaw ang dapat na ikakasal bukas, Elisa.”Napahinto ako sa pagtitiklop ng damit nang marinig ang malamig na boses ni Mama at bakas sa mukha niya na hindi talaga siya masaya sa kasal ko. Hindi ko agad siya hinarap. Sa loob ng silid na ito, ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyan sa iba't-ibang paraan. Pero ngayong gabi, mas masakit dahil alam kong wala na akong ibang mapagpipilian rin. Kung sa kanya hindi siya masaya dahil hindi dapat ako ang pakakasalan, pero ako naman hindi masaya dahil wala akong choice.“Alam ko naman po.” Mahinang sabi.“Kung alam mo, bakit parang wala kang pakialam?” iritableng tanong niya. “Dapat naiintindihan mo kung gaano kahalaga ang kasalang ito para sa pamilya natin.”Napangiti ako nang mapait. Paano ko ba naman hindi maiintindihan? Ang kasal ko kay Antonio Suarez ang magliligtas sa negosyong matagal nang unti-unting nalulugi. Ang kasunduang ito ang magpapatibay sa ugnayan ng Villareal at Suarez. Dahil tumakas ang tunay na bride-to-







