Share

Now Suffer Your Own Regret
Now Suffer Your Own Regret
Author: Adev_Stories

chapter 1

Author: Adev_Stories
last update publish date: 2026-11-02 13:54:23

ELISA

“Hindi ikaw ang dapat na ikakasal bukas, Elisa.”

Napahinto ako sa pagtitiklop ng damit nang marinig ang malamig na boses ni Mama at bakas sa mukha niya na hindi talaga siya masaya sa kasal ko. 

Hindi ko agad siya hinarap. Sa loob ng silid na ito, ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyan sa iba't-ibang paraan. Pero ngayong gabi, mas masakit dahil alam kong wala na akong ibang mapagpipilian rin. Kung sa kanya hindi siya masaya dahil hindi dapat ako ang pakakasalan, pero ako naman hindi masaya dahil wala akong choice.

“Alam ko  naman po.” Mahinang sabi.

“Kung alam mo, bakit parang wala kang pakialam?” iritableng tanong niya. “Dapat naiintindihan mo kung gaano kahalaga ang kasalang ito para sa pamilya natin.”

Napangiti ako nang mapait. Paano ko ba naman hindi maiintindihan? Ang kasal ko kay Antonio Suarez ang magliligtas sa negosyong matagal nang unti-unting nalulugi. Ang kasunduang ito ang magpapatibay sa ugnayan ng Villareal at Suarez. Dahil tumakas ang tunay na bride-to-be, ako ang ipinapalit nila dahil kailangan pa rin ituloy.

Ang lang naman ang anak na hindi kailanman naging paborito ng aking mga magulang.

“Nasaan na po ba si Cassandra?” mahinang tanong ko dahil siguro naman may alam siya.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mama, sumimangot agad.

“Wala kang pakialam kung nasaan ang kapatid mo!” paasik na pagkakasabi niya.

“Pero siya po dapat na ikakasal kay Mr. Suarez. Hindi ba dapat hinahanap ninyo siya?”

“Tumigil ka na Elisa!”

Napapikit ako sa lakas ng boses niya at damang-dama ko ang galit niya.

“Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon natin? Nawawa ang kapatid mo at wala na tayong panahon para maghanap pa ng ibang paraan. Kailangan mong pumalit sa kaniya dahil nakasasalay ang kinabukasan ninyo dito!”

Hindi ako nagsalita dahil nasa isil ko, para sa kinabuksan namin? Kahit kailan wala akong natikman. Napahugot ako ng isang malalim na pagbuntong hininga.

“Paano kung ayaw ko?” lakas loob kong tanong at natahimik siya.

Mayamaya'y dahan-dahang siyan lumapit sa akin. Hindi galit ang nasa mukha niya ngayon, mas nakakatakot ‘yon dahil kalmado siya.

“Kung tatanggi ka, huwag ka nang umasa na may lugar ka pa sa pamilyang ito. Naiintidihan mo?”

Napatingin ako sa kaniya. “Anak ninyo rin ako ma.” mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.

“Kung talagang mahal mo ang pamilyang ito, hindi mo na kailangang tanungin kung bakit kailangan mong gawin ito.”

Lihim na napakagat ako sa labi ko dahil palaging ginagamit ang salitang pamilya kapag may kailangan sila sa akin. Pero kapag ako ang nangangailangan, para akong estrangherang nakikitira lamang sa bahay nila.

“Hindi ko naman po hinihinging mahalin ninyo ako,” halos bulong ko. “Gusto ko lang sanang minsan, isipin ninyo rin kung ano ang nararamdaman ko.”

Hindi siya sumagot at sa halip ‘ay inilapag niya sa kama ang isang puting kahon.

“Isuot mo ‘yan bukas. Huwag kang gagawa ng eksena, higit sa lahat, huwag mong ipaparamdam kay Antonio na napilitan ka lang pakasalan siya.”

Napatingin ako sa kahon. Ang wedding dress ni Cassandra, ang perpekto kong kapatid para sa kanila. Maging ang damit na isusuot ko sa araw ng kasal ay hindi para sa akin.

“Puwede po bang ibang gown na lang?” sabi ko pa.

“Wala na tayong oras para sa kagustuhan mo, isa pa gagastos pa tayo? Ayan na isusuot mo nalang.”

Pagkatapos sabihin ‘yon sinabayan ng pagtalikod niya at tuluyang lumabas ng silid ko. Naiwan akong nakatitig sa puting kahon.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo bago ko tuluyang binuksan ang kahon. Maingat kong inilabas ang gown. Napakaganda nito, eksaktong katulad ng pinangarap ni Cassandra na isuot sa araw ng kasal niya kay Antonio.

Hinaplos ko at dinama ang madulas na tela, bukas ako ang maglalakad sa altar. Ako ang hahawak sa kamay ng lalaking hindi naman ako ang gusto talaga.

Magiging asawa ng lalaking maaaring habang-buhay na manghihinayang dahil hindi ang babaeng mahal niya ang nasa tabi niya.

___

Kinabukasan, halos hindi ako makakain. Habang inaayos ng makeup artist ang mukha ko at buhok, abala naman si Mama sa pakikipag-usap sa mga bisita. Hindi niya man lang ako tinanong kung maayos ba ang pakiramdam ko.

Sa salamin, nakita ko ang sarili kong nakasuot ng puting wedding gown. Maganda ako ngayon sa suot ko at sa mga papuri ng ibang mga tao.

Pero hindi ko makita sa sarili ko na masaya ako sa araw ng kasal ko na ito.

“Ang ganda mo, Ate.”

Napalingon ako sa pintuan at hindi ko alam kung nabibingi lang ba ako sa boses na narinig ko at ng makita ko ang taong tumawag sa akin.

Si Cassandra. Nakaayos ang buhok niya at nakasuot ng mamahaling damit, may ngiting parang walang nangyaring kaguluhan dahil sa kaniya.

“Cassandra?” nagulat kong tawag at dito ako natauhan sa malalim na pag-iisip.

Lumapit siya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

“Bagay sayo ang gown ko. Parang ikaw talaga ang ikakasal.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil sa pagkakasabi niya.

“Nasaan ka ba kagabi? Nag-alala si Mama.” Sabi ko na hindi pa rin makapaniwala, umupo siya sa tabi ko at ngumiti.

“May mga bagay lang akong kailangang asikasuhin.” kaswal niyang sagot.

“Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ako ang kailangang pumalit sa’yo?” kalmado kong pagkakasabi.

“Alam ko naman.”

Napatingin ako sa kaniya at bigla akong naguluhan.  

“Hindi ka ba nakokonsensiya?” sabi ko pa at bahagyang natawa siya.

“Bakit ako makokonsensiya? Hindi ko naman gustong pakasalan si Antonio.”

“Pero bakit hindi mo sinabi sa amin nang mas maaga?” nakaramdam ako ng inis dahil sa tono ng pananalita niya.

“Dahil alam kong hindi ako papayagan ni Mama.” Sagot niya at tumayo siya.

Marahan niyang inayos ang laylayan ng damit niya.

“Besides, Ate, ikaw naman ang laging sumusunod sa gusto nila. Hindi ba? Kaya alam kong kaya mo itong gawin.”

Napatitig ako sa kaniya na para bang wala siyang nakikitang mali sa ginawa niya. Para bang normal lamang na ipasa niya sa akin ang isang buhay na ayaw niyang tahakin.

“Cassandra, paano kong malaman ni Antoni na hindi ikaw ang—”

“Wala siyang magagawa.” mabilis niyang sagot.

Ngumiti siya bago yumuko sa akin.

“Pakasalan mo lang siya. Huwag kang umasa na dahil ikaw na ang asawa niya, magiging sa’yo na rin ang puso niya.”

Pagkatapos ay tumawa siya nang mahina at lumabas ng kuwarto, naiwan akong nakatitig sa salamin na naguguluhan.

Hindi ko alam kung alin ba ang mas masakit, ang malaman na ginagamit lamang ako ng pamilya ko o ang marinig mula sa sarili kong kapatid na wala akong karapatang umasa na mamahalin ako ng mapapangasawa ko.

____

“Ready na po ba ang bride?”

Napalingon ako dahil sa nagsalita at makalipas ang ilang sandali, tinulungan akong tumayo ng wedding coordinator ngunit magulo pa rin ang isip ko dahil sa mga naiiisip ko.

Tumango ako nang bumukas ang malaking p***o, marahan akong naglakad patungo sa altar. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin. May mga bumubulong at may mga ngumingiti, may mga nagtataka kung bakit ako ang bride sa halip na si Cassandra.

Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging taong tinitingnan ko ay ang lalaking naghihintay sa altar. Tahimik naman si papa sa tabi ko habang sabay kaming naglalakad.

Si Antonio Suarez. Matangkad, makisig, at napakaguwapo sa suot nitong itim na tuxedo. Isa siya sa pinakakilalang young billionaires sa bansa. Maraming babaeng nangangarap na mapangasawa siya.

Ngayong araw, ako ang magiging asawa niya at nagtataka ako bakit ayaw siya pakasalan ni Cassandra. Dahil perpekto naman si Antonio.

Nang magtagpo ang aming mga mata, wala akong nakitang saya sa kaniyang mukha. Wala akong makitang emosyon, blangko na para bang ayaw niya makakita ako ng kahit na anong emosyon sa mukha niya.

Nang makarating ako sa harap niya, iniabot sa kaniya ng aking ama ang kamay ko.

“Antonio, ipinagkakatiwala ko sa iyo ang anak ko.”

Bahagyang tumango si Antonio bago niya hinawakan ang kamay ko, malamig ang palad niya. Mas malamig ang mga salitang binitiwan niya nang yumuko siya nang bahagya upang ako lamang ang makarinig.

“Don't mistake this marriage for love, Elisa.”

Pakiramdam ko parang saglit na huminto ako sa paghinga.

“Hindi ikaw ang gusto kong pakasalan.”

Naramdaman kong nanginig ang mga daliri ko sa pagkakahawak niya.

“Alam ko,” mahina kong sagot at sinusubukan na maging maayos ang boses ko kahit sa kabila ng panginginig ko.

Tumingin siya sa akin.

“Good. At least we understand each other.”

Hindi na ako sumagot at nagsimula na ang seremonya. Paulit-ulit kong sinubukang kumbinsihin ang sarili kong magiging maayos din ang lahat. Na baka sa paglipas ng panahon, matutunan kong maging masaya sa buhay na ito.

Pero nang dumating ang oras para sa aming mga panata, lalo lamang akong nawalan ng pag-asa.

“Antonio Suarez, do you take Elisa Villareal as your lawful wife?”

“I do.”

Mabilis na sagot niya na walang emosyon, nang ako naman ang tinanong, napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko.

“Elisa Villareal, do you take Antonio Suarez as your lawful husband?”

Sandali akong natigilan at hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib ko. Marahil dahil alam kong sa sandaling sabihin ko ang salitang iyon, tuluyan ko nang isusuko ang kalayaan kong piliin ang sarili kong buhay.

Pero wala na akong babalikan at hindi na ako makakawala rito.

“I do.” Mahinang sagot ko at sa harap ng maraming tao, naging asawa ko ang lalaking mukhang kahit na kailan hindi ako susubukang mahalin.

Nang halikan niya ako, mabilis lamang iyon. Isang halik na para bang ginagawa lang niya dahil bahagi ‘yon ng seremonya.

Nang maghiwalay ang aming mga labi, humarap siya sa mga taong narito at ngumiti siyam

Ako naman ay nanatiling tahimik. Dahil sa araw na dapat ay pinakamasaya sa buhay ko, isang bagay ang malinaw kong natutunan.

Hindi lahat ng babaeng nakasuot ng wedding gown ay masaya at ito na ang kapalaran ko para sa lalaking pakikisamahan ko at paglilingkuran.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 5

    ELISA“Ma'am Elisa, may dumating pong bisita para kay Sir Antonio.”Napatingin ako sa kasambahay habang nag-aalmusal ako. “Sino raw po?” tanong ko dahil ang aga naman ng bisita niya.“Si Miss Cassandra Villareal.”Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsarang hawak ko, hindi ko inaasahang pupunta siya rito, lalo na't alam niyang dito na ako nakatira bilang asawa ni Antonio.“Nasaan siya ngayon?” maya'y tanong ko.“Nasa sala po at sinabi niyang gusto niyang sorpresahin si Sir.”Napabuntong-hininga ako. “Pakiusap, samahan mo muna siya rito. Tatawagin ko si Antonio.”“Hindi na po kailangan, Ma'am. Sinabi niyang siya na raw po ang bahala sa sarili niya.’Tumango lang ako at tumayo ako at inayos ang suot kong simpleng damit. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kaniya. Balak ko sanang magtungo sa kuwarto ko dahil wala akong balak na makita silang magkasama.“ATE!”Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ng hagdan nang marinig ko ang masiglang boses ni Cassandra.Nakangiti siyang naglalakad palapi

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 4

    ELISAAlas-diyes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Noong una, balak ko sanang hindi sagutin, pero ilang ulit itong tumunog kaya napilitan akong kunin ang cellphone.“Hello?”“Good morning, Miss Elisa Villareal. Ako si Atty. Ramon Villanueva. Ako ang personal lawyer ng inyong yumaong lola, si Doña Beatriz Elena Villareal.”Napatuwid ako ng upo, ang pangalan ng lola ko ang agad nagpaalala sa akin ng mga panahong siya lamang ang taong tunay na nakakaunawa sa akin.“Good morning po, Attorney. May kailangan po ba kayo?”“May mahalaga lamang akong kailangang ipaalam sa inyo. May mga dokumento po akong kailangang personal na ipakita. Tungkol ito sa huling habilin ng inyong lola.”Napakunot ang noo ko dahil ang alam ko tapos na ang habilin ni lola at nalaman na namin ‘yon.“Anong tungkol po doon may nakalimutan po ba kayong sabihin?” tanong ko.“Mas mabuting mapag-usapan natin ito nang personal. Maaari po ba tayong magkita ngayong hapon? Sisiguradu

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 3

    ELISAAlas-sais pa lamang ng umaga nang magising ako. Hindi ko alam kung dahil ba nasa bagong bahay ako at sobrang o dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at napatingin sa malaking kama, hanggang sa tuluyan na akong sumuko at bumangon.Pagkatapos maligo at magbihis, lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang buong mansion. Iilan pa lamang ang mga kasambahay na abala sa kanilang paglilinis.“Good morning, Ma'am Elisa.”Napalingon ako sa babaeng nakilala ko kagabi.“Good morning.” ngiting bati ko rin.“May breakfast na po sa dining area. Ihahanda ko na rin po ang kape ninyo.”“Salamat.” yuko kong tugon.Naglakad ako patungo sa dining area. Pagdating ko roon, nakita kong nakahanda na ang iba't ibang pagkain sa mahabang mesa. Pero hindi ko nakita doon si Antonio.“Nasaan po si Mr. Suarez?” tanong ko imbis na asawa dahil mukhang parang hindi naman bagay na tawagin ko siyang ganun.“Nasa-study room po Ma'am. Maaga raw po siyang aalis dahil may meeting.”Tu

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 2

    ELISA Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa mga taong bumabati sa akin bilang bagong Mrs. Suarez.Sa bawat pagbati, pilit kong itinataas ang mga sulok ng labi ko kahit ang totoo, gusto ko na lamang umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko puro peke ang nakikita ko.“Congratulations, Elisa! You're so lucky to have Antonio as your husband.”Lucky? Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang maging asawa ng lalaking hindi naman ako gusto.“Thank you,” mahinang sagot ko rito sa isa sa mga bisita namin.Muli akong ngumiti nang lumapit ang isa pang grupo ng bisita. Halos lahat sila ay kilala sa mundo ng negosyo. Mga taong mayayaman, makapangyarihan at nakukuha nila ang mga gusto nila.“By the way, where's Cassandra?” tanong ng isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown.Napatigil ako. “My sister?” sambit ko.“Cassandra. I thought she was supposed to marry Antonio.” Ngumiti ito na para bang wala itong sinabing nakasasakit. “I heard she suddenly disappeared. What happened?”Hindi

  • Now Suffer Your Own Regret    chapter 1

    ELISA“Hindi ikaw ang dapat na ikakasal bukas, Elisa.”Napahinto ako sa pagtitiklop ng damit nang marinig ang malamig na boses ni Mama at bakas sa mukha niya na hindi talaga siya masaya sa kasal ko. Hindi ko agad siya hinarap. Sa loob ng silid na ito, ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyan sa iba't-ibang paraan. Pero ngayong gabi, mas masakit dahil alam kong wala na akong ibang mapagpipilian rin. Kung sa kanya hindi siya masaya dahil hindi dapat ako ang pakakasalan, pero ako naman hindi masaya dahil wala akong choice.“Alam ko naman po.” Mahinang sabi.“Kung alam mo, bakit parang wala kang pakialam?” iritableng tanong niya. “Dapat naiintindihan mo kung gaano kahalaga ang kasalang ito para sa pamilya natin.”Napangiti ako nang mapait. Paano ko ba naman hindi maiintindihan? Ang kasal ko kay Antonio Suarez ang magliligtas sa negosyong matagal nang unti-unting nalulugi. Ang kasunduang ito ang magpapatibay sa ugnayan ng Villareal at Suarez. Dahil tumakas ang tunay na bride-to-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status