LOGINELISA
Alas-sais pa lamang ng umaga nang magising ako. Hindi ko alam kung dahil ba nasa bagong bahay ako at sobrang o dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at napatingin sa malaking kama, hanggang sa tuluyan na akong sumuko at bumangon. Pagkatapos maligo at magbihis, lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang buong mansion. Iilan pa lamang ang mga kasambahay na abala sa kanilang paglilinis. “Good morning, Ma'am Elisa.” Napalingon ako sa babaeng nakilala ko kagabi. “Good morning.” ngiting bati ko rin. “May breakfast na po sa dining area. Ihahanda ko na rin po ang kape ninyo.” “Salamat.” yuko kong tugon. Naglakad ako patungo sa dining area. Pagdating ko roon, nakita kong nakahanda na ang iba't ibang pagkain sa mahabang mesa. Pero hindi ko nakita doon si Antonio. “Nasaan po si Mr. Suarez?” tanong ko imbis na asawa dahil mukhang parang hindi naman bagay na tawagin ko siyang ganun. “Nasa-study room po Ma'am. Maaga raw po siyang aalis dahil may meeting.” Tumango ako. “Aa, ganun po ba?” patanong kong sagot. “Gusto n'yo po bang ipatawag ko siya para sabay kayong mag-almusal?” Agad akong umiling. “Huwag na. Alam kong busy siya.” Umupo ako sa isang upuan at nagsimulang kumain. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mas lalo kong naramdaman kung gaano kalaki ang dining dahil ako lang mag-isa. Napatingin ako sa cellphone ko walang bagong message. Sa bahay namin, sanay akong kumain nang hindi kasabay ang pamilya ko. Pero iba pala kapag alam mong may asawa ka na, pero parang wala ka pa ring kasama. “Ma'am Elisa.” Napatingin ako sa kasambahay na lumapit sa akin. “May ipinabibigay po si Sir.” Iniabot niya sa akin ang isang itim na folder. “Ano po ito?” nagtataka kong tanong. “Hindi ko po alam, Ma'am. Pinabibigay lang po niya sa inyo.” Napatango ako at binuksan ang folder, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga dokumentong nasa loob. MARRIAGE AGREEMENT Dahan-dahan kong binasa ang mga nakasulat..Nakasaad doon na magkahiwalay ang silid namin, walang karapatang makialam sa personal na buhay sa isa't isa.at walang obligasyong magpakita ng pagmamahalan kapag kaming dalawa lamang ang magkasama. May isa pang nakasaad sa huling bahagi. This marriage shall remain valid until both parties mutually agree to terminate it. Napatitig ako sa papel, may divorce clause pa. Para bang bago pa man magsimula ang pagsasama namin, naghahanda na siyang tapusin ito. “May kailangan pa po ba kayo, Ma'am?” tanong ng kasambahay. Umiling ako bigla at hindi ko alam nandito pa pala siya. “Wala na. Salamat.” Nang makaalis siya, muling bumalik ang tingin ko sa dokumento. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Kahapon, ikinasal ako sa isang lalaking hindi ako naman gusto at mas lalong hindi ako gusto. Ngayon, binibigyan niya ako ng kasunduang nagsasabing hindi ko dapat asahang magiging asawa niya ako sa tunay na kahulugan nito. “Bakit hindi mo pa pinipirmahan?” Napalingon ako, nakatayo sa may pintuan si Antonio. Nakasuot siya ng itim na business suit, may hawak na cellphone at mukhang nagmamadali. Agad akong tumayo. “Good morning.” Hindi niya pinansin ang pagbati ko. “May problema ba sa agreement?” Tiningnan ko ang folder ulit. “Puwede ba kitang tanungin?” “Make it quick. I have a meeting.” “Bakit kailangan pa nating pumirma nito? Hindi ba sapat na ang kasal natin?” Bahagya siyang napangiti, pero walang saya sa mukha niya. “Do you really think marriage is enough to make us a real couple?” Hindi ako nakasagot agad. “Hindi ko naman sinasabing ganun.” sabi ko. “Then what's the problem?” “Gusto ko lang maintindihan kung bakit kailangan nating magkaroon ng ganitong kasunduan.” paliwanag ko at lumapit siya sa mesa at kinuha ang isang dokumento. “Because I don't want misunderstandings.” “Anong klaseng misunderstandings?” tanong ko pa dahil naguguluhan talaga ako. “Elisa, let's be honest. You didn't marry me because you love me. You married me because our families needed this arrangement.” Napakagat ako sa labi. “At ikaw?” mahinang sabi ko. “What about me?” “Hindi ka ba pumayag dahil kailangan din ng pamilya mo ang kasunduang ito?” Sandali siyang natahimik. “Yes.” Sagot niya agad. Masakit palang marinig mula mismo sa asawa mo na wala siyang ibang dahilan para pakasalan ka kundi negosyo. “Then we should be clear about our boundaries,” dagdag niya. “I won't interfere with your life, and I expect you to do the same.” “Paano kung may kailangan akong tulong?” sabi ko pa. “You can ask my secretary to arrange it.” Muli akong napatingin sa kaniya. “Talaga bang hindi mo kayang kausapin ang sarili mong asawa?” Bahagyang tumigas ang panga niya. “Don't start, Elisa.” Napahinga ako nang malalim dahil sana pala hindi ko na dapat pang itanong. “Fine. I'll sign it.” maya’y sabi ko at kinuha ko ang ballpen sa mesa. Ngunit bago ko maisulat ang pangalan ko, muli siyang nagsalita. “One more thing.” Tumingin ako sa kaniya at hinintay ang sasabihin pa niya. “Don't expect me to stop seeing Cassandra.” Nanlamig ang mga daliri ko at muntikan ko ng mabitawan ang ballpen. “Anong ibig mong sabihin?” napamaang kong turan. “She's still part of my life.” Napatingin ako sa kaniya nang diretso. “As your former fiancée?” “That's none of your concern.” Napangiti ako nang mapait. “Pero asawa mo ako, Antonio.” “And I never promised you exclusivity in anything other than the marriage contract.” Napapikit ako, hindi ko alam kung paano ko nagawang pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa akin dahil kahit mag-asawa lang kami sa papel ‘ay ganito niya ako tratuhin. “Don't worry,” mahinahon kong sabi. “Hindi ako makikipag-agawan sa kapatid ko.” maya’y sagot ko at pinilit kong maayos ang pagkakasabi ko. Tiningnan niya ako nang ilang segundo bago tumalikod. “Good. Sign the papers and leave them with the house manager.” Pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis. Matagal akong nakatitig sa papel, hindi ko alam kung ilang beses kong binasa ang bawat linya bago ko tuluyang nilagdaan ang pangalan ko. Elisa Villareal Suarez. ‘Yon ang pangalan na nakalagay dito. Nang matapos kong pirmahan ‘ay iniwan ko ang folder sa mesa. Tumunog naman ang cellphone ko at si Mama ang tumatawag sa akin, sinagot ko ang tawag. “Hello, Mama?” “Bakit hindi ka pa tumatawag?” Napakunot ang noo ko sa bungad niyang sagot agad. “Pasensya na po. Maaga akong nagising at—” “Wala akong pakialam kung ano ang ginagawa mo. May kailangan akong sabihin sa’yo.” Hindi na ako sumagot at napahugot ng buntong hininga. “Pupunta ka rito bukas. May mga dokumentong kailangan mong pirmahan.” Natigilan naman ako dahil ano na naman ang pipirmahan ko. “Anong mga dokumento po?” “Mga papeles tungkol sa shares mo sa Villareal Group.” Napatigil ako. “Shares ko?” ulit ko dahil naguguluhan ako. “Dahil kailangan nating ayusin ang mga bagay-bagay ngayon na kasal ka na. Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa mga shares na iyan. Si Cassandra ang mas karapat-dapat na humawak niyan.” Nanigas ang kamay ko sa pagkakahawak sa cellphone. “Pero,sa akin po nakapangalan ang mga shares na iniwan ni Lola.” “Ano naman? Anak ka pa rin namin. Hindi mo ba naiintindihan na para rin ‘yon sa kapakanan ng pamilya?” “Hindi ko po maintindihan kung bakit kailangang kay Cassandra mapunta ang shares ko.” sagot ko. “Dahil mas may kakayahan ang kapatid mo kaysa sa iyo!” malakas ang boses niya na halos mailayo ko na ang cellphone. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. “Hindi ka naman interesado sa negosyo. Wala kang alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Kaya huwag kang magmalaki dahil lamang may iniwan sa iyo ang lola mo.” Naramdaman kong nanikip ang dibdib ko. Hindi niya alam kung ilang gabi akong nag-aral ng mga financial report kasama si Lola. Hindi niya alam kung ilang beses akong tinuruan nitong unawain ang negosyo. Dahil hindi naman niya ako kailanman tinanong. “Pag-iisipan ko po muna,” mahinang sagot ko. “Wala kang dapat pag-isipan! Bukas ka pupunta ka rito. Huwag mong kalimutang dalhin ang mga dokumento.” Pagkatapos ay ibinaba niya ang tawag. Naiwan akong nakatayo habang nakatitig sa cellphone. Mula pagkabata, palagi kong naririnig na mas magaling si Cassandra. Mas maganda at mas matalino, higit sa lahat mas karapat-dapat. Ngayon, kahit ang natitirang bagay na ipinagkatiwala sa akin ng lola ko ay gusto pa nilang kunin. Napatingin ako sa kamay kong may suot na wedding ring. Kahapon, iniwan ko ang dating tahanan ko para maging bahagi ng bagong pamilya. Pero ngayong araw, pakiramdam ko ay wala akong pamilyang mapagkakatiwalaan. Hindi ang sarili kong pamilya, lalong hindi ang lalaking pinakasalan ko. Nang gabing ‘yon, hindi ko inaasahang makikita ko si Antonio sa dining area. Katatapos ko lamang maghapunan nang pumasok siya. “Where's the agreement?” “Naibigay ko na sa house manager.” Sagot ko at tumango siya, umupo sa kabilang bahagi ng mesa. Tahimik kaming kumain na dalawa at ilang minuto ang lumipas bago ako naglakas-loob na magsalita. “Antonio?” agaw ko sa atensyon niya. “What?” sagot niya na saglit lang akong sinulyapan. “May gusto sana akong itanong.” Pagpapatuloy ko pero hindi siya tumingin sa akin. “Go ahead.” balewang sagot niya na para bang hindi siya interesado at napipilitan lang makinig. “Puwede ba akong magtrabaho?” Napatigil siya sa paghiwa ng pagkain. “Work?” “Oo. Gusto kong magkaroon ng sarili kong trabaho.” desperadang saad ko. “Why?” “Dahil ayokong buong araw lang akong nasa bahay.” diretsoong sagot ko at tumingin siya sa akin. “Don't you have enough money?” “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gusto kong magkaroon ng sarili kong ginagawa.” Sandali niya akong pinagmasdan bago muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain. “Do whatever you want. Just don't use my name to get a position in any company.” Tumango ako at kahit paano natuwa na rin dahil hindi siya tumutol. “Hindi ko gagawin ‘yon.” nakangiti kong sagot. “Good.” Muli siyang natahimik, sa simpleng usapan namin na ‘yon, lalo kong naunawaan na wala akong dapat asahan talaga sa kaniya. Hindi siya magiging sandalan ko at kakampi ko kahit asawa ko siya, kailangan kong matutunang tumayo nang mag-isa. Hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula. Kailangan kong hanapin ang sarili kong halaga sa labas ng mundong matagal nang nagdikta kung sino lamang ako. Dahil kung wala akong lugar sa puso ng asawa ko at wala rin akong lugar sa sarili kong pamilya, kailangan kong gumawa ng sariling lugar kung saan hindi na nila ako kayang paalisin.ELISA“Ma'am Elisa, may dumating pong bisita para kay Sir Antonio.”Napatingin ako sa kasambahay habang nag-aalmusal ako. “Sino raw po?” tanong ko dahil ang aga naman ng bisita niya.“Si Miss Cassandra Villareal.”Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsarang hawak ko, hindi ko inaasahang pupunta siya rito, lalo na't alam niyang dito na ako nakatira bilang asawa ni Antonio.“Nasaan siya ngayon?” maya'y tanong ko.“Nasa sala po at sinabi niyang gusto niyang sorpresahin si Sir.”Napabuntong-hininga ako. “Pakiusap, samahan mo muna siya rito. Tatawagin ko si Antonio.”“Hindi na po kailangan, Ma'am. Sinabi niyang siya na raw po ang bahala sa sarili niya.’Tumango lang ako at tumayo ako at inayos ang suot kong simpleng damit. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kaniya. Balak ko sanang magtungo sa kuwarto ko dahil wala akong balak na makita silang magkasama.“ATE!”Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ng hagdan nang marinig ko ang masiglang boses ni Cassandra.Nakangiti siyang naglalakad palapi
ELISAAlas-diyes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Noong una, balak ko sanang hindi sagutin, pero ilang ulit itong tumunog kaya napilitan akong kunin ang cellphone.“Hello?”“Good morning, Miss Elisa Villareal. Ako si Atty. Ramon Villanueva. Ako ang personal lawyer ng inyong yumaong lola, si Doña Beatriz Elena Villareal.”Napatuwid ako ng upo, ang pangalan ng lola ko ang agad nagpaalala sa akin ng mga panahong siya lamang ang taong tunay na nakakaunawa sa akin.“Good morning po, Attorney. May kailangan po ba kayo?”“May mahalaga lamang akong kailangang ipaalam sa inyo. May mga dokumento po akong kailangang personal na ipakita. Tungkol ito sa huling habilin ng inyong lola.”Napakunot ang noo ko dahil ang alam ko tapos na ang habilin ni lola at nalaman na namin ‘yon.“Anong tungkol po doon may nakalimutan po ba kayong sabihin?” tanong ko.“Mas mabuting mapag-usapan natin ito nang personal. Maaari po ba tayong magkita ngayong hapon? Sisiguradu
ELISAAlas-sais pa lamang ng umaga nang magising ako. Hindi ko alam kung dahil ba nasa bagong bahay ako at sobrang o dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at napatingin sa malaking kama, hanggang sa tuluyan na akong sumuko at bumangon.Pagkatapos maligo at magbihis, lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang buong mansion. Iilan pa lamang ang mga kasambahay na abala sa kanilang paglilinis.“Good morning, Ma'am Elisa.”Napalingon ako sa babaeng nakilala ko kagabi.“Good morning.” ngiting bati ko rin.“May breakfast na po sa dining area. Ihahanda ko na rin po ang kape ninyo.”“Salamat.” yuko kong tugon.Naglakad ako patungo sa dining area. Pagdating ko roon, nakita kong nakahanda na ang iba't ibang pagkain sa mahabang mesa. Pero hindi ko nakita doon si Antonio.“Nasaan po si Mr. Suarez?” tanong ko imbis na asawa dahil mukhang parang hindi naman bagay na tawagin ko siyang ganun.“Nasa-study room po Ma'am. Maaga raw po siyang aalis dahil may meeting.”Tu
ELISA Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa mga taong bumabati sa akin bilang bagong Mrs. Suarez.Sa bawat pagbati, pilit kong itinataas ang mga sulok ng labi ko kahit ang totoo, gusto ko na lamang umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko puro peke ang nakikita ko.“Congratulations, Elisa! You're so lucky to have Antonio as your husband.”Lucky? Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang maging asawa ng lalaking hindi naman ako gusto.“Thank you,” mahinang sagot ko rito sa isa sa mga bisita namin.Muli akong ngumiti nang lumapit ang isa pang grupo ng bisita. Halos lahat sila ay kilala sa mundo ng negosyo. Mga taong mayayaman, makapangyarihan at nakukuha nila ang mga gusto nila.“By the way, where's Cassandra?” tanong ng isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown.Napatigil ako. “My sister?” sambit ko.“Cassandra. I thought she was supposed to marry Antonio.” Ngumiti ito na para bang wala itong sinabing nakasasakit. “I heard she suddenly disappeared. What happened?”Hindi
ELISA“Hindi ikaw ang dapat na ikakasal bukas, Elisa.”Napahinto ako sa pagtitiklop ng damit nang marinig ang malamig na boses ni Mama at bakas sa mukha niya na hindi talaga siya masaya sa kasal ko. Hindi ko agad siya hinarap. Sa loob ng silid na ito, ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyan sa iba't-ibang paraan. Pero ngayong gabi, mas masakit dahil alam kong wala na akong ibang mapagpipilian rin. Kung sa kanya hindi siya masaya dahil hindi dapat ako ang pakakasalan, pero ako naman hindi masaya dahil wala akong choice.“Alam ko naman po.” Mahinang sabi.“Kung alam mo, bakit parang wala kang pakialam?” iritableng tanong niya. “Dapat naiintindihan mo kung gaano kahalaga ang kasalang ito para sa pamilya natin.”Napangiti ako nang mapait. Paano ko ba naman hindi maiintindihan? Ang kasal ko kay Antonio Suarez ang magliligtas sa negosyong matagal nang unti-unting nalulugi. Ang kasunduang ito ang magpapatibay sa ugnayan ng Villareal at Suarez. Dahil tumakas ang tunay na bride-to-







