LOGINELISA
Alas-diyes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Noong una, balak ko sanang hindi sagutin, pero ilang ulit itong tumunog kaya napilitan akong kunin ang cellphone. “Hello?” “Good morning, Miss Elisa Villareal. Ako si Atty. Ramon Villanueva. Ako ang personal lawyer ng inyong yumaong lola, si Doña Beatriz Elena Villareal.” Napatuwid ako ng upo, ang pangalan ng lola ko ang agad nagpaalala sa akin ng mga panahong siya lamang ang taong tunay na nakakaunawa sa akin. “Good morning po, Attorney. May kailangan po ba kayo?” “May mahalaga lamang akong kailangang ipaalam sa inyo. May mga dokumento po akong kailangang personal na ipakita. Tungkol ito sa huling habilin ng inyong lola.” Napakunot ang noo ko dahil ang alam ko tapos na ang habilin ni lola at nalaman na namin ‘yon. “Anong tungkol po doon may nakalimutan po ba kayong sabihin?” tanong ko. “Mas mabuting mapag-usapan natin ito nang personal. Maaari po ba tayong magkita ngayong hapon? Sisiguraduhin kong walang ibang makaaalam sa pag-uusap natin.” Saglit akong nag-isip bago sumagot. “Sige po. Saan tayo magkikita?” Ibinigay niya sa akin kung saan ang personal niyang opisina. Pagkababa ko ng tawag, matagal akong nakatitig sa cellphone. Hindi ko alam kung bakit mayroon pa ulit pahabol kay lola. Ilang taon na ring wala ang lola ko at wala akong ideya kung ano ang mahalagang bagay na kailangan pa niyang ipaalam sa akin. Eksaktong alas-tres ng dumating ak sa opisina ni Atty. Ramon. Mag-isa niya akong sinalubong at pinapasok sa isang pribadong meeting room. Sa ibabaw ng mesa ay may ilang makakapal na folder at isang maliit na kahon na gawa sa kahoy. “Salamat at nakapunta ka, Elisa.” “May kinalaman po ba ito sa mga ari-arian ni Lola?” curious kong tanong. Tumango siya at binuksan ang unang folder. “Bago pumanaw ang iyong lola, gumawa siya ng legal na dokumento tungkol sa kaniyang mga negosyo at personal na ari-arian. At ayon sa kaniyang huling habilin, ikaw ang itinalaga niyang pangunahing tagapagmana.” Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko ‘yun inaasahan. “A-ako po?” napaawang ang bibig ko. “Oo. Ikaw ang pinili niya.” Napatingin ako sa mga dokumentong nasa harap ko. “Pero bakit ako? Marami naman po siyang ibang apo. At may mga miyembro rin ng pamilya namin na mas may kakayahang humawak ng negosyo.” Ngumiti nang bahagya si Atty. Ramon. “May dahilan ang iyong lola kung bakit ikaw ang pinili niya. Ayon sa kaniya, hindi niya hinahanap ang pinakamayaman o ang pinakamakapangyarihan. Ang gusto niya ay isang taong marunong magpahalaga sa pinaghirapan niya.” Binuksan niya ang isa pang folder. “Kasama sa iniwan niya sa iyo ang malaking bahagi ng pagmamay-ari sa Elena Grand Hotels, Elena Properties, Elena Shipping Corporation, at ilan pang negosyo at investment. Mayroon ding mga ari-arian sa ibang bansa.” Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung ano ang unang dapat kong itanong o sabihin. Ang Elena Grand Hotels ay isa sa mga kilalang hotel chains sa bansa. Ilang beses ko na itong nakita sa mga business magazine at balita. Hindi ko kailanman naisip na may kaugnayan pala ito kay lola. “Sandali po. Ibig niyo pong sabihin, kay Lola ang mga kompanyang iyon?” nanlalaki ang mata ko. “Siya ang nagtatag at pangunahing may-ari ng mga ito. Ngunit sadyang hindi niya ginamit ang apelyidong Villareal sa pangalan ng kaniyang mga negosyo.” Napatingin ako sa kaniya. “Bakit po?” tanong ko na hindi pa rin makapaniwala. “Pribadong tao ang iyong lola. Ayaw niyang gamitin ang pangalan ng pamilya sa lahat ng bagay na kaniyang pinaghirapan. Mas pinili niyang panatilihing hiwalay ang kaniyang ibang negosyo sa personal niyang buhay.” Tahimik akong nakinig habang ipinapaliwanag niya ang mga dokumento. May mga hotel, commercial properties, shipping assets, investments, at iba pang kompanyang hindi ko man lang alam na pag-aari pala lahat ng Lola ko. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang kabuuang halaga ng lahat ng iyon. Pero isang bagay ang malinaw sa akin, hindi simpleng mana ang iniwan ng lola ko. Isa itong napakalaking responsibilidad. “May isa pa,” sabi ni Atty. Ramon habang inilalabas ang isang sobre. “Personal na sulat ito ng iyong lola para sa’yo.” Maingat kong binuksan ang sobre, nanginginig ang mga daliri ko habang binabasa ang sulat. Para sa aking pinakamamahal na Elisa, Kung binabasa mo ito, nangangahulugan lamang na dumating na ang panahong hindi na kita kayang gabayan nang personal. Alam kong maraming beses mong naramdaman na hindi ka kabilang sa pamilyang ito. Nakita ko kung paano ka nila tratuhin at alam kong hindi naging madali ang buhay mo. Hindi ko iniwan sa iyo ang lahat ng ito dahil naaawa ako sa iyo. Iniwan ko ito dahil naniniwala akong kaya mong pangalagaan ang mga bagay na pinaghirapan ko. Huwag mong madaliin ang lahat. Pag-aralan mo muna. Unawain mo ang bawat negosyo at kilalanin ang mga taong kasama mong magpapatakbo nito. Huwag mong hayaang ang pera ang magdikta kung sino ka. At higit sa lahat, huwag mong ipaalam ang tungkol sa pamana hangga't hindi ka handa. May mga taong lalapit sa iyo dahil lamang sa kung ano ang mayroon ka. Piliin mong mabuti kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Mahal na mahal kita, apo. Lola Beatriz Hindi ko napansing tumulo na pala ang mga luha ko, mhigpit kong hinawakan ang sulat. Sa dami ng taong nakapaligid sa akin, ang lola ko lamang pala ang tunay na nakakakita sa akin. “May huling habilin pa po ba siya?” tanong ko habang nagpupunas ng luha. Tumango si Atty. Ramon. “May kondisyon siyang inilagay. Hindi mo kailangang agad na humawak ng posisyon sa mga kompanyang. Maaari kang mag-aral muna tungkol sa operasyon ng mga ito. May mga pinagkakatiwalaan siyang taong magpapatuloy sa pang-araw-araw na pamamahala habang inihahanda mo ang sarili mo.” “Paano kung hindi ko kayanin?” “Hindi mo kailangang malaman ang lahat ngayon, Elisa. Ang mahalaga ay handa kang matuto.” Tumingin ako sa mga dokumentong nakalatag sa mesa, sa loob ng maraming taon, pakiramdam ko wala akong kakayahang magdesisyon para sa sarili ko. Lagi akong sumusunod sa gusto ng pamilya ko. Ngayon, may malaking responsibilidad na ipinagkatiwala sa akin. Hindi ko iyon puwedeng sayangin. “Attorney,” maingat kong sabi, “may pabor po sana akong hilingin.” “Ano ‘yon?” “Gusto kong manatiling lihim muna ang lahat ng ito. Ayokong malaman ng pamilya ko pati na si Antonio.” Hindi siya nagulat sa sinabi ko. “Sigurado ka ba?” “Opo. Hindi pa ako handang malaman nila. Kailangan ko munang pag-aralan ang lahat ng negosyo ni Lola. Hindi ko gustong basta na lang ako maupo sa isang posisyon nang wala akong alam sa pagpapatakbo ng mga ito.” Tumango siya na nakangiti. “Igagalang ko ang desisyon mo. Sisiguraduhin kong mananatiling kumpidensiyal ang mga dokumento at ang mga susunod nating pag-uusap.” “Salamat po.” ngiti ko rin na sagot. “May isang bagay lang akong gustong ipaalala sa iyo, Elisa. Hindi ka pinili ng lola mo para lamang maging tagapagmana. Pinili ka niya dahil naniniwala siyang kaya mong maging pinuno.” Napayuko ako dahil sa magandang sinabi ni Attorney. Ngayon may bago akong dahilan para magpatuloy kahit pa alam kong nag-iisa lang ako. Paglabas ko ng opisina, agad kong itinago ang mga dokumento sa bag ko. Walang dapat makaalam nito, lalo na ang mama ko. Hindi si Cassandra, pati si Antonio. Pagdating ko sa mansiyon, nadatnan ko si Antonio siya nasa sala at may kausap sa telepono. Sandali niya akong nilingon. “Saan ka galing?” “May inayos lang akong personal na bagay.” Hindi na siya nagtanong pa at alam ko naman wala siyang pakialam, tumango lamang siya at bumalik sa pakikipag-usap sa kausap niya. Umakyat ako sa kuwarto at maingat na inilagay ang mga dokumento sa loob ng maliit kong maleta. Pagkatapos ay kinuha ko ang notebook ko. Isinulat ko ang pangalan ng bawat kumpanyang iniwan sa akin ni Lola. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga pangalan. Hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Hindi ko rin alam kung gaano katagal bago ko maintindihan ang pagpapatakbo ng mga negosyong ito. Pero hindi ako magmamadali at hindi ko gagamitin ang pangalan ng lola ko para magyabang. Gagamitin ko ito sa tama at aalagaan. Sa ngayon, kailangan kong mag-aaral pa kahit may konti na akong alam at hihintayin ang tamang panahon na kaya ko na.ELISA“Ma'am Elisa, may dumating pong bisita para kay Sir Antonio.”Napatingin ako sa kasambahay habang nag-aalmusal ako. “Sino raw po?” tanong ko dahil ang aga naman ng bisita niya.“Si Miss Cassandra Villareal.”Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsarang hawak ko, hindi ko inaasahang pupunta siya rito, lalo na't alam niyang dito na ako nakatira bilang asawa ni Antonio.“Nasaan siya ngayon?” maya'y tanong ko.“Nasa sala po at sinabi niyang gusto niyang sorpresahin si Sir.”Napabuntong-hininga ako. “Pakiusap, samahan mo muna siya rito. Tatawagin ko si Antonio.”“Hindi na po kailangan, Ma'am. Sinabi niyang siya na raw po ang bahala sa sarili niya.’Tumango lang ako at tumayo ako at inayos ang suot kong simpleng damit. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa kaniya. Balak ko sanang magtungo sa kuwarto ko dahil wala akong balak na makita silang magkasama.“ATE!”Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat ng hagdan nang marinig ko ang masiglang boses ni Cassandra.Nakangiti siyang naglalakad palapi
ELISAAlas-diyes ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Noong una, balak ko sanang hindi sagutin, pero ilang ulit itong tumunog kaya napilitan akong kunin ang cellphone.“Hello?”“Good morning, Miss Elisa Villareal. Ako si Atty. Ramon Villanueva. Ako ang personal lawyer ng inyong yumaong lola, si Doña Beatriz Elena Villareal.”Napatuwid ako ng upo, ang pangalan ng lola ko ang agad nagpaalala sa akin ng mga panahong siya lamang ang taong tunay na nakakaunawa sa akin.“Good morning po, Attorney. May kailangan po ba kayo?”“May mahalaga lamang akong kailangang ipaalam sa inyo. May mga dokumento po akong kailangang personal na ipakita. Tungkol ito sa huling habilin ng inyong lola.”Napakunot ang noo ko dahil ang alam ko tapos na ang habilin ni lola at nalaman na namin ‘yon.“Anong tungkol po doon may nakalimutan po ba kayong sabihin?” tanong ko.“Mas mabuting mapag-usapan natin ito nang personal. Maaari po ba tayong magkita ngayong hapon? Sisiguradu
ELISAAlas-sais pa lamang ng umaga nang magising ako. Hindi ko alam kung dahil ba nasa bagong bahay ako at sobrang o dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at napatingin sa malaking kama, hanggang sa tuluyan na akong sumuko at bumangon.Pagkatapos maligo at magbihis, lumabas ako ng kuwarto. Tahimik ang buong mansion. Iilan pa lamang ang mga kasambahay na abala sa kanilang paglilinis.“Good morning, Ma'am Elisa.”Napalingon ako sa babaeng nakilala ko kagabi.“Good morning.” ngiting bati ko rin.“May breakfast na po sa dining area. Ihahanda ko na rin po ang kape ninyo.”“Salamat.” yuko kong tugon.Naglakad ako patungo sa dining area. Pagdating ko roon, nakita kong nakahanda na ang iba't ibang pagkain sa mahabang mesa. Pero hindi ko nakita doon si Antonio.“Nasaan po si Mr. Suarez?” tanong ko imbis na asawa dahil mukhang parang hindi naman bagay na tawagin ko siyang ganun.“Nasa-study room po Ma'am. Maaga raw po siyang aalis dahil may meeting.”Tu
ELISA Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti sa mga taong bumabati sa akin bilang bagong Mrs. Suarez.Sa bawat pagbati, pilit kong itinataas ang mga sulok ng labi ko kahit ang totoo, gusto ko na lamang umalis sa lugar na iyon dahil pakiramdam ko puro peke ang nakikita ko.“Congratulations, Elisa! You're so lucky to have Antonio as your husband.”Lucky? Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang maging asawa ng lalaking hindi naman ako gusto.“Thank you,” mahinang sagot ko rito sa isa sa mga bisita namin.Muli akong ngumiti nang lumapit ang isa pang grupo ng bisita. Halos lahat sila ay kilala sa mundo ng negosyo. Mga taong mayayaman, makapangyarihan at nakukuha nila ang mga gusto nila.“By the way, where's Cassandra?” tanong ng isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown.Napatigil ako. “My sister?” sambit ko.“Cassandra. I thought she was supposed to marry Antonio.” Ngumiti ito na para bang wala itong sinabing nakasasakit. “I heard she suddenly disappeared. What happened?”Hindi
ELISA“Hindi ikaw ang dapat na ikakasal bukas, Elisa.”Napahinto ako sa pagtitiklop ng damit nang marinig ang malamig na boses ni Mama at bakas sa mukha niya na hindi talaga siya masaya sa kasal ko. Hindi ko agad siya hinarap. Sa loob ng silid na ito, ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyan sa iba't-ibang paraan. Pero ngayong gabi, mas masakit dahil alam kong wala na akong ibang mapagpipilian rin. Kung sa kanya hindi siya masaya dahil hindi dapat ako ang pakakasalan, pero ako naman hindi masaya dahil wala akong choice.“Alam ko naman po.” Mahinang sabi.“Kung alam mo, bakit parang wala kang pakialam?” iritableng tanong niya. “Dapat naiintindihan mo kung gaano kahalaga ang kasalang ito para sa pamilya natin.”Napangiti ako nang mapait. Paano ko ba naman hindi maiintindihan? Ang kasal ko kay Antonio Suarez ang magliligtas sa negosyong matagal nang unti-unting nalulugi. Ang kasunduang ito ang magpapatibay sa ugnayan ng Villareal at Suarez. Dahil tumakas ang tunay na bride-to-







