Compartir

MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE
MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE
Autor: AnneVillamin

Chapter 1

Autor: AnneVillamin
last update Fecha de publicación: 2026-11-02 14:59:05

CARA'S POV

Pagdating namin sa Valentino Mansion, bumungad agad sa amin ang nagkikislapang mga ilaw at engrandeng dekorasyong tila sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng gabi. Halos lahat ng kilalang negosyante at maimpluwensiyang pamilya sa bansa ay naroon para sa engagement party namin ni Luis Valentino. Isa siya sa mga tagapagmana ng Valentino Corporation, isang kumpanyang may hawak sa iba't ibang industriya sa bansa.

Humigpit ang hawak ni Mommy sa aking braso habang magkasabay kaming humahakbang papasok. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri, ngunit mas matindi ang kaba sa aking dibdib.

“You look beautiful, anak,” malambing niyang bulong, marahil ay sinusubukang pagaanin ang aking loob.

Tipid akong ngumiti. Nakasuot ako ng puting silk gown na personal pang ipinagawa ni Luis para sa gabing ito. Eleganteng tingnan, mamahalin, at perpekto para sa isang gabing inaasahang magiging espesyal sa aming dalawa.

Hindi ko naman talaga gustong magmadali sa pagpapakasal, pero unti-unti nang bumabagsak ang Villa Corporation, ang kumpanyang itinayo ni Daddy. Ang Valentino Corporation na lamang ang may kakayahang magligtas dito. At dahil mahal ko si Luis, pumayag ako. Halos isang taon na rin kaming magkasintahan.

Pagpasok namin sa mansion, sinalubong kami ng mga boses na puno ng papuri at matatamis na ngiti. Sunod-sunod ang pagbati ng mga bisita kay Daddy. Ngunit habang naglalakad kami, isang eleganteng babae na punong-puno ng mamahaling alahas at kumikinang na diamante ang aksidenteng nakabangga kay Mommy.

“Oh my God!” mataray nitong sigaw habang pinapagpag ang gown na natapunan ng kaunting champagne. “Can’t you watch where you’re going? Ang mahal ng suot ko!”

“Excuse me?” seryoso kong sabi. Hindi ko nagustuhan ang tono niya.

Ngunit bago pa ako makapagsalita muli, mabilis na lumapit si Sofia, ang best friend ko.

“Actually, kayo po ang hindi tumitingin sa dinaraanan ninyo,” matalim niyang sagot. “And besides, konting champagne lang naman ’yan. Hindi naman siguro matutunaw ang diamonds ninyo dahil sa isang patak.”

Napatahimik ang babae, halatang napahiya sa harap ng maraming tao. Mabilis itong lumayo habang pigil ang inis.

Napabuntong-hininga si Mommy.

“Thank you, hija,” malambing niyang sabi kay Sofia.

Ngumiti ito at agad na kumapit sa braso ni Mommy. “You're welcome, Tita. Hindi naman po dapat kayo nagpapaapi sa mga ganyang tao.”

Napailing na lang ako habang bahagyang napapangiti.

“Buti na lang nandito ka,” sabi ko.

“At buti na lang din nandito na kayo, bestie!” masaya niyang sagot sabay yakap sa akin. “Kanina pa kita hinihintay.”

“Traffic kasi,” paliwanag ko.

“Hinahanap ka kanina ni Luis,” sabi niya. Tila kumikislap ang mga mata niya. “May pinapakuha raw siya sa 'yo na documents sa library. Nasa dulo lang ng hallway, malapit sa garden.”

“Documents? Ngayon pa talaga?” nagtatakang tanong ko.

Tumango siya. “Importante raw para sa engagement announcement. Bilisan mo, magsisimula na ang event maya-maya.”

“Sige, salamat,” sagot ko bago nagpaalam at naglakad patungo sa mahabang hallway sa gilid ng mansion.

Nang marating ko ang pinakadulo, napansin ko ang isang bahagyang nakabukas na p***o. Pumasok ako, umaasang iyon ang library na tinutukoy ni Sofia.

Ngunit pagkapasok ko pa lamang—

CLICK!

Bigla akong napalingon nang marinig ang malakas na pagsara ng p***o sa likuran ko.

“Hello?” mahina kong tawag.

Mabilis akong lumapit sa p***o at pinihit ang seradura. Ngunit hindi ito bumukas.

Mas nilakasan ko ang pagpihit.

Wala pa rin.

Locked.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Sandali! May tao ba diyan? Nandito pa ako sa loob!”

Walang sumagot.

Unti-unti akong napaatras habang nanginginig ang aking mga kamay. Doon ko lamang napansin na hindi pala ito library. Maliit at madilim ang silid. May mga lumang istante at malalaking drum na naglalaman ng mga kemikal sa isang sulok.

Maintenance room ito.

Bigla akong kinabahan. May claustrophobia ako, at ang masikip na paligid ay unti-unting nagpapalala sa aking takot. Mas lalo pang lumala ang pakiramdam ko nang maamoy ko ang matapang na kemikal sa hangin. Nagsimulang humapdi ang aking ilong at lalamunan sa bawat paghinga.

“Hindi maaari…” nanginginig kong bulong.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang numero ni Luis.

“Please… sagutin mo…”

Ilang ring lang ay sumagot na siya.

“Cara.” Malamig ang boses niya.

“Luis!” halos maiyak kong sabi. “Na-lock ako rito sa maintenance room! Hindi ako makahinga. May mga kemikal dito… Please, puntahan mo ako!”

Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya—isang buntong-hiningang puno ng pagkairita.

“Seriously?” sabi niya. “Ngayon ka pa talaga mag-iinarte?”

Natigilan ako.

“Hindi ako nag-iinarte… Luis, natatakot ako rito. Hindi ako maka—”

“Cara, engagement natin ngayon. Huwag kang gumawa ng eksena,” putol niya sa akin.

“Hindi ako makahinga…” pagsusumamo ko habang hawak ang aking leeg. “Please, tulungan mo ako…”

Bigla akong nakarinig ng tawa ng isang babae mula sa kabilang linya.

Pamilyar na pamilyar ang boses.

Kasunod nito ang mahihinang bulungan at tunog ng mga halik.

“Ang arte talaga niya,” natatawang sabi ni Luis.

Parang may kung anong matalim na bagay na bumaon sa aking dibdib.

“Sabi ko sa'yo, OA 'yan,” sagot ng babae habang tumatawa.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.

Bakit parang kilala ko ang boses na iyon?

Parang madalas ko na itong narinig.

Pero hindi ko matandaan kung kanino iyon.

“Luis…” nanginginig kong tawag.

Ngunit bago pa ako makapagsalita, bigla niyang pinatay ang tawag.

Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone. Nawalan ng lakas ang buong katawan ko. Hindi na siya darating.

Napahikbi ako habang nakasandal sa p***o. Mahapdi na ang aking mga mata dahil sa kemikal, at lalong bumibigat ang aking paghinga.

Unti-unting lumalabo ang aking paningin. Pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay. Pinilit kong kumatok sa p***o, ngunit nanghihina na ang aking mga kamay.

“Tulong…”

Ngunit bigla—

CRACK!

Napadilat ako nang marinig ang malakas na pagbukas ng p***o. Sumalubong sa akin ang maliwanag na ilaw mula sa hallway.

Isang matangkad na lalaki ang mabilis na pumasok.

“Damn it!”

Galit ang boses niya. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa panlalabo ng aking paningin, ngunit ramdam ko ang pagmamadali niya. Agad niyang hinubad ang kanyang coat at ibinalot iyon sa aking katawan.

“Stay awake,” utos niya. Malakas at puno ng awtoridad ang kanyang boses, ngunit may bahid din ng pag-aalala.

Maingat niya akong binuhat palabas ng silid.

“You're safe now,” bulong niya.

Sa huling sandali bago tuluyang lamunin ng dilim ang aking paningin, naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya habang buhat-buhat niya ako. At pagkatapos, tuluyan na akong nawalan ng malay.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 10

    CARA'S POVPagkatapos naming mag-almusal, kinuha ko ang bag ko. Ngunit bago pa ako makalabas ng dining area, naunahan na ako ni Xander at kinuha niya iyon."I can carry my own bag," sabi ko."I know, sweetheart. Let me.""Ang kulit mo talaga.""Just let me take care of you for once."Hindi na ako nakipagtalo.Pagdating namin sa sasakyan, binuksan niya ang passenger door para sa akin. Nang makaupo ako, maingat niyang isinara ang pinto bago umikot papunta sa driver's seat.Habang nasa biyahe kami, tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko maitatangging kinakabahan ako. Matagal na rin mula nang huli akong magkaroon ng aktuwal na papel sa pagpapatakbo ng kumpanya.Napansin yata iyon ni Xander."Stop worrying. You'll do fine.""How do you know?""Because I know you're stubborn enough not to give up."Napalingon ako sa kanya."Is that supposed to be a compliment?""Of course. I happen to like that about you.""Ang galing mo talagang mambola."He laughed. "I'm only telling the t

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 9

    CARA'S POVNapatawa siya sa naging reaksyon ko. Halatang-halata sa mukha niya na natutuwa siyang inisin ako."What? I'm only asking for a little appreciation from my wife.""You're impossible.""I've heard that before."Umiling ako at napabuntong-hininga. Pero nang mapansin niyang hindi na ako nakangiti, bahagyang nagbago ang ekspresyon niya."All right. Let's talk seriously."Umayos ako ng upo at hinarap siya."We have a two-year agreement, Cara. I want us to be clear about what we expect from each other."Tumango ako."Do we have to pretend to be a happy couple whenever we're in public?""Only when necessary. Hindi naman natin kailangang magpakitang-gilas sa lahat ng pagkakataon.""And what about our personal lives?""You're free to do what you want, as long as it doesn't put you or our agreement at risk. I won't control every move you make."Napatingin ako sa kanya."What about sharing a room?"Bahagya siyang ngumiti."Would you like to share one?"Agad akong napakunot-noo."I'm a

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 8

    CARA'S POVPagkasakay namin sa sasakyan, hindi ko agad siya kinausap. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina."Are you angry?" tanong niya.Napalingon ako sa kanya. "Sa tingin mo?"Bahagya siyang ngumiti. "I was hoping you'd say no.""At bakit naman?""Because I prefer seeing you smile rather than glare at me.""Kung hindi ka kasi nagsisinungaling, hindi kita tatarayan.""That's a little harsh, sweetheart.""Don't call me that.""All right, Mrs. Valentino."Mas lalo akong napairap. "Mas nakakainis ka."Tumawa siya nang mahina. "At least, consistent ako."Umiling ako at muling humarap sa bintana."Xander, seryoso ako. Bakit mo itinago sa akin ang bagong merger agreement?""Because I already knew what Luis was planning to do with the old one.""Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari mo na akong papirmahin nang hindi ipinapaliwanag ang dokumento.""You're right."Napalingon ako sa kanya.

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 7

    CARA'S POVNakatayo sa harapan namin sina Luis at Sofia. Hawak ni Xander ang isang dokumentong tila ipinagmamalaki ni Luis. Samantalang si Sofia ay nakangiti na para bang sigurado silang wala kaming magagawa laban sa kanila."What is this?" malamig na tanong ni Xander.Ngumisi si Luis. "The original merger agreement between Villa Corporation and Valentino Corporation."Napatingin ako sa papel na hawak ni Xander."Anong kinalaman niyan sa amin?" tanong ko."Marami, Cara." Tumingin si Luis sa akin."Nakasaad diyan na ang kasal natin ang isa sa mga kondisyon para maipagpatuloy ang merger."Nanlaki ang mga mata ko."Ano?""Narinig mo ako. Ako ang dapat mong pakasalan para matuloy ang kasunduan ng dalawang kumpanya."Napailing ako. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Ang alam ko, ang kasunduan ay para matulungan ang kumpanya ng pamilya ko, hindi para itali ako sa kanya."Pero hindi ko alam na may ganoong kondisyon.""Pinirmahan mo ang dokumento, Cara. Hindi mo ba binasa?""Nagtiwala ako sa iy

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 6

    CARA'S POVTahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan ni Xander matapos umalis sa corporate gala. Tanging ugong ng makina ang maririnig habang nakatuon siya sa pagmamaneho."Be my wife, Cara," bigla niyang sabi.Napalingon ako sa kanya. Kahit alam ko na ang kondisyon niya, hindi pa rin ako makapaniwalang kasal ang hinihingi niyang kapalit sa pagtulong sa kumpanya ng Daddy ko."Marriage? Iyon talaga ang gusto mong kapalit?"Bahagya siyang ngumisi. "You heard me right.""Pero bakit kasal? Marami ka namang ibang puwedeng hingin sa akin. Why does it have to be marriage?"Saglit siyang lumingon sa akin. "Why? Don't you like the idea of being Mrs. Valentino?""Huwag kang assuming, Xander! Ang tanong ko, bakit kasal ang gusto mong kapalit? Ano ba ang mapapala mo sa pagpapakasal sa akin?"Bahagya siyang ngumisi. "Because I have my reasons, sweetheart.""Anong mga dahilan?""You'll find out soon enough.""Huwag mo nga akong tawaging sweetheart!""Fine. What should I call you? My Wife?"Napailin

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 5

    CARA'S POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang huli kong makausap si Xander, pero wala pa rin akong natatanggap na malinaw na sagot mula sa kanya kung tutulungan ba niya ako o hindi. Kaya wala akong ibang pagpipilian kundi dumalo sa corporate gala namin ni Luis. Hindi na rin niya ako sinundo, pero hindi na iyon nakapagtataka. Alam ko naman kung ano talaga ang pakay niya sa akin. Pagpasok ko sa ballroom ng Prime Suite Hotel, sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa malalaking chandelier. Maingay ang paligid—halo-halong tawanan, mahihinang bulungan, at marangyang musikang nagmumula sa live orchestra sa gitna ng silid. Hindi ito isang simpleng party. Isa itong corporate engagement event kung saan opisyal na iaanunsiyo ang partnership ng Villa Group at Valentino Corporation. Kahit alam kong ang mga ari-arian at negosyo ng Villa ang tunay niyang habol, nagpunta pa rin ako. Hindi dahil tanga ako, kundi dahil kung hindi ako dadalo sa sarili kong event, mas lalakas ang mga espe

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status