Compartir

Chapter 2

Autor: AnneVillamin
last update Fecha de publicación: 2026-11-02 15:25:12

CARA'S POV

Mabigat ang talukap ng aking mga mata nang dahan-dahan akong magkamalay. Bigla akong napabangon, ngunit agad ding napangiwi nang umatake ang matinding hilo. Parang may pumupukpok sa loob ng aking ulo.

“Easy.”

Napapitlag ako at napalingon sa gilid ng silid. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo malapit sa bintana, nakapamulsa habang diretso ang tingin sa akin.

“Don’t move too fast,” sabi niya habang lumalapit. “Your oxygen level dropped earlier.”

“Ikaw… ikaw ba ang nagligtas sa akin?” mahina kong tanong, pilit na inaalala ang mga huling pangyayari.

Tumango siya nang tipid. “I'm Xander Valentino.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

Xander Valentino.

Ang tiyuhin ni Luis.

Kilala siya sa business world bilang isang taong hindi basta-basta kumikilos kung walang kapalit o matalinong estratehiya. Sa edad na tatlumpu't dalawa, siya ang namumuno sa Valentino Corporation, at bihira siyang makita sa publiko.

Bakit niya ako tinulungan?

“Salamat,” bulong ko, bagaman nanginginig pa ang boses ko sa halo-halong emosyon.

Inabutan niya ako ng isang basong tubig.

“Drink. You should rest."

“Kailangan kong makita si Luis,” tanggi ko habang pilit na tumatayo. “Ang engagement party—”

“Party?” putol niya, bahagyang nagtaas ng kilay. “After what happened to you, you still want to go back there?”

“Hindi ko puwedeng basta iwan ang mga bisita. Engagement party namin iyon.”

Sandali niya akong tinitigan bago sumagot.

“Impressive. Nawalan ka na ng malay, pero mas inaalala mo pa ang party.”

“Hindi mo naiintindihan,” mahinang sagot ko.

“Maybe. But I don't understand how you can even think of attending your engagement party wearing that gown.”

Tiningnan niya ang suot ko. Sinundan ko ang tingin niya at doon ko lamang napagtanto ang hitsura ko. Ang puting gown ko ay marumi, puno ng alikabok, at punit ang laylayan.

Napayuko ako sa kahihiyan.

Bago pa ako tuluyang makatayo, itinuro niya ang isang kahon sa ibabaw ng sofa.

“Wear that.”

Dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Isang midnight blue gown ang bumungad sa akin. Simple lang iyon ngunit sobrang elegante.

“Hindi na kailangan.”

Tumaas ang isang kilay niya.

“Really? Are you planning to attend your own engagement party looking like you just escaped from a disaster movie?”

Napatingin ako sa kanya.

“Hindi naman ganoon kasama ang itsura ko.”

Saglit niyang sinuri ang marumi kong gown.

“You can’t go downstairs looking like that,” malamig niyang sabi. “Unless gusto mong ako ang magsuot niyan para sa'yo?”

“Hindi mo kailangang gawin iyon!”

“Good. I wasn't planning to.”

Napatitig ako sa kanya. Wala na akong nagawa kundi isuot ang gown.

Pagkalipas ng ilang minuto, huminto ako sa harap ng salamin. Saktong-sakto ang fit ng midnight blue gown. Simple ngunit elegante, at mas lumilitaw ang kaputian ng aking balat at ang kurba ng aking katawan.

Paglabas ko ng silid, nakatayo pa rin siya sa may bintana.

“Okay na,” sabi ko.

Mabilis niya akong sinulyapan mula ulo hanggang paa.

“Better,” sagot niya at bahagya siyang ngumisi. “Wala bang thank you diyan?”

Napakunot ang noo ko. “Nagpasalamat na ako kanina.”

“Para sa pagliligtas sa buhay mo. Paano naman ang gown na ipinahiram ko?”

Napatingin ako sa suot ko.

“Ah… thank you.”

“See? Hindi naman pala mahirap sabihin.”

Napailing ako. “Ang dami mong hinihinging pasasalamat.”

“I'm just making sure you know how to appreciate people who help you.”

Napatitig na lang ako sa kanya. Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon nito.

“Mag-iingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.”

Napahinto ako.

“Anong ibig mong sabihin?”

Diretso lamang siyang tumingin sa akin.

“Figure it out.”

Pagkatapos ay bahagya siyang tumabi upang bigyang-daan ako.

Tahimik akong bumaba ng hagdan. Habang papalapit ako sa venue ng party, mas lalo kong naririnig ang musika at tawanan ng mga bisita. Pero bago pa ako makarating sa main hall, huminto ako nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa isang private room. Bahagyang nakabukas ang p***o.

Si Luis.

May kahalikan siya.

Nakatalikod ang babae habang mahigpit na nakayakap ang mga kamay ni Luis sa baywang nito.

Nanigas ako. Hindi ako makahinga. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

“Honestly,” natatawang sabi ni Luis, “mas madali pala siyang manipulahin kaysa sa inaasahan ko.”

Tumawa ang babae. Isang tawang pamilyar na pamilyar sa akin.

“Mahal ka kasi ng tanga. Naniniwala siya sa bawat kasinungalingan mo.”

At sa mismong sandaling iyon, bahagya itong humarap.

Nanlaki ang mga mata ko.

Sofia.

Ang best friend ko. Ang taong itinuring kong kapatid.

Dahan-dahang dumurog sa puso ko ang natuklasan kong kataksilan.

“Pero admit it,” dagdag ni Sofia habang humihigop ng mamahaling wine. “Kung hindi dahil sa Villa assets, hindi mo naman talaga papatulan si Cara. Boring siya.”

Ngumisi si Luis.

“Obviously. Kapag natuloy ang kasal, madali nang mapupunta sa akin ang malaking bahagi ng Villa assets.”

“Lahat ba ng pagmamahal na pinaramdam niya sa akin ay para lang makuha ang assets ng pamilya ko?” nanginginig kong bulong sa dilim ng hallway.

“Alam mo kung ano talaga ang nakakainis kay Cara?” sabi ni Sofia. “Lahat napupunta sa kanya. Mayaman na, maganda pa, at sumisikat pa bilang painter. Kahit saan ako pumunta, pangalan niya ang naririnig ko. Kaya deserve niyang mawala. Kapag wala na siya, ako na ang mapapansin sa art industry.”

“Exactly,” sagot ni Luis habang tumatawa.

“At ako mismo ang nag-lock sa kanya sa maintenance room kanina. Perfect chance para mawala siya nang tuluyan,” proud na sabi ni Sofia.

Ang lalaking minahal ko at ang kaibigang itinuring kong kapatid ay ang mismong mga taong gustong pumatay sa akin.

Hindi ko na mapigilan ang galit.

Itinulak ko nang malakas ang p***o.

Nagulat ang dalawa sa loob. Napabitaw si Luis sa baywang ni Sofia, at halos mabitawan naman nito ang baso ng wine na hawak niya.

Nanlaki ang kanilang mga mata—hindi makapaniwalang buhay pa ako.

“Cara?” nauutal na sambit ni Luis. Ang mukha niya ay pinaghalong takot at pagkagulat.

Hindi ako nag-atubili. Mabilis akong lumapit at bago pa sila makapagsalita, isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Sofia.

Napangiwi ito at napaatras.

Lumingon ako kay Luis, at bago pa siya makabawi, isang sampal din ang pinatikim ko sa kanya.

“Buhay… buhay ka,” nauutal na sabi ni Luis, tila nakakita ng multo.

“Oo, buhay ako,” mariin kong sagot, ang boses ko ay puno ng awtoridad na hindi ko alam kung saan nanggaling. “At narinig ko ang lahat. Ang pagkulong ninyo sa akin at ang paghahangad ninyo sa assets ng pamilya ko. Mga hayop kayo!”

“Cara, makinig ka. Huwag kang padalos-dalos,” pagtatangka ni Luis na lumapit. “Alam mong hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal natin.”

“Kasal?” Mapait akong natawa. “Sinubukan ninyo akong patayin, tapos sasabihin mong kailangan pa ring ituloy ang kasal?”

Lumapit si Luis, sinusubukang hawakan ang braso ko, pero mabilis ko itong iniwasan.

“Listen to me,” seryoso niyang sabi. “Tuloy ang engagement party na ito. Kung hindi mo itutuloy ang kasal at sasabihin mo ang nakita mo ngayon, hindi lang ako ang babagsak. Babagsak ang kumpanya ng Daddy mo, at masisira nang tuluyan ang reputasyon nating lahat. Gusto mo bang madamay ang pamilya mo sa kahihiyan?”

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Ginamit niya ang kahinaan ko—ang pamilya ko.

“You have no choice,” dagdag ni Sofia na ngayon ay hinahaplos ang pisngi niyang namumula. “Kung gusto mong manatili ang reputasyon ng mga Villa, ipagpapatuloy ninyo ang engagement party na ito na parang walang nangyari.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 10

    CARA'S POVPagkatapos naming mag-almusal, kinuha ko ang bag ko. Ngunit bago pa ako makalabas ng dining area, naunahan na ako ni Xander at kinuha niya iyon."I can carry my own bag," sabi ko."I know, sweetheart. Let me.""Ang kulit mo talaga.""Just let me take care of you for once."Hindi na ako nakipagtalo.Pagdating namin sa sasakyan, binuksan niya ang passenger door para sa akin. Nang makaupo ako, maingat niyang isinara ang pinto bago umikot papunta sa driver's seat.Habang nasa biyahe kami, tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko maitatangging kinakabahan ako. Matagal na rin mula nang huli akong magkaroon ng aktuwal na papel sa pagpapatakbo ng kumpanya.Napansin yata iyon ni Xander."Stop worrying. You'll do fine.""How do you know?""Because I know you're stubborn enough not to give up."Napalingon ako sa kanya."Is that supposed to be a compliment?""Of course. I happen to like that about you.""Ang galing mo talagang mambola."He laughed. "I'm only telling the t

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 9

    CARA'S POVNapatawa siya sa naging reaksyon ko. Halatang-halata sa mukha niya na natutuwa siyang inisin ako."What? I'm only asking for a little appreciation from my wife.""You're impossible.""I've heard that before."Umiling ako at napabuntong-hininga. Pero nang mapansin niyang hindi na ako nakangiti, bahagyang nagbago ang ekspresyon niya."All right. Let's talk seriously."Umayos ako ng upo at hinarap siya."We have a two-year agreement, Cara. I want us to be clear about what we expect from each other."Tumango ako."Do we have to pretend to be a happy couple whenever we're in public?""Only when necessary. Hindi naman natin kailangang magpakitang-gilas sa lahat ng pagkakataon.""And what about our personal lives?""You're free to do what you want, as long as it doesn't put you or our agreement at risk. I won't control every move you make."Napatingin ako sa kanya."What about sharing a room?"Bahagya siyang ngumiti."Would you like to share one?"Agad akong napakunot-noo."I'm a

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 8

    CARA'S POVPagkasakay namin sa sasakyan, hindi ko agad siya kinausap. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina."Are you angry?" tanong niya.Napalingon ako sa kanya. "Sa tingin mo?"Bahagya siyang ngumiti. "I was hoping you'd say no.""At bakit naman?""Because I prefer seeing you smile rather than glare at me.""Kung hindi ka kasi nagsisinungaling, hindi kita tatarayan.""That's a little harsh, sweetheart.""Don't call me that.""All right, Mrs. Valentino."Mas lalo akong napairap. "Mas nakakainis ka."Tumawa siya nang mahina. "At least, consistent ako."Umiling ako at muling humarap sa bintana."Xander, seryoso ako. Bakit mo itinago sa akin ang bagong merger agreement?""Because I already knew what Luis was planning to do with the old one.""Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari mo na akong papirmahin nang hindi ipinapaliwanag ang dokumento.""You're right."Napalingon ako sa kanya.

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 7

    CARA'S POVNakatayo sa harapan namin sina Luis at Sofia. Hawak ni Xander ang isang dokumentong tila ipinagmamalaki ni Luis. Samantalang si Sofia ay nakangiti na para bang sigurado silang wala kaming magagawa laban sa kanila."What is this?" malamig na tanong ni Xander.Ngumisi si Luis. "The original merger agreement between Villa Corporation and Valentino Corporation."Napatingin ako sa papel na hawak ni Xander."Anong kinalaman niyan sa amin?" tanong ko."Marami, Cara." Tumingin si Luis sa akin."Nakasaad diyan na ang kasal natin ang isa sa mga kondisyon para maipagpatuloy ang merger."Nanlaki ang mga mata ko."Ano?""Narinig mo ako. Ako ang dapat mong pakasalan para matuloy ang kasunduan ng dalawang kumpanya."Napailing ako. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Ang alam ko, ang kasunduan ay para matulungan ang kumpanya ng pamilya ko, hindi para itali ako sa kanya."Pero hindi ko alam na may ganoong kondisyon.""Pinirmahan mo ang dokumento, Cara. Hindi mo ba binasa?""Nagtiwala ako sa iy

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 6

    CARA'S POVTahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan ni Xander matapos umalis sa corporate gala. Tanging ugong ng makina ang maririnig habang nakatuon siya sa pagmamaneho."Be my wife, Cara," bigla niyang sabi.Napalingon ako sa kanya. Kahit alam ko na ang kondisyon niya, hindi pa rin ako makapaniwalang kasal ang hinihingi niyang kapalit sa pagtulong sa kumpanya ng Daddy ko."Marriage? Iyon talaga ang gusto mong kapalit?"Bahagya siyang ngumisi. "You heard me right.""Pero bakit kasal? Marami ka namang ibang puwedeng hingin sa akin. Why does it have to be marriage?"Saglit siyang lumingon sa akin. "Why? Don't you like the idea of being Mrs. Valentino?""Huwag kang assuming, Xander! Ang tanong ko, bakit kasal ang gusto mong kapalit? Ano ba ang mapapala mo sa pagpapakasal sa akin?"Bahagya siyang ngumisi. "Because I have my reasons, sweetheart.""Anong mga dahilan?""You'll find out soon enough.""Huwag mo nga akong tawaging sweetheart!""Fine. What should I call you? My Wife?"Napailin

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 5

    CARA'S POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang huli kong makausap si Xander, pero wala pa rin akong natatanggap na malinaw na sagot mula sa kanya kung tutulungan ba niya ako o hindi. Kaya wala akong ibang pagpipilian kundi dumalo sa corporate gala namin ni Luis. Hindi na rin niya ako sinundo, pero hindi na iyon nakapagtataka. Alam ko naman kung ano talaga ang pakay niya sa akin. Pagpasok ko sa ballroom ng Prime Suite Hotel, sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa malalaking chandelier. Maingay ang paligid—halo-halong tawanan, mahihinang bulungan, at marangyang musikang nagmumula sa live orchestra sa gitna ng silid. Hindi ito isang simpleng party. Isa itong corporate engagement event kung saan opisyal na iaanunsiyo ang partnership ng Villa Group at Valentino Corporation. Kahit alam kong ang mga ari-arian at negosyo ng Villa ang tunay niyang habol, nagpunta pa rin ako. Hindi dahil tanga ako, kundi dahil kung hindi ako dadalo sa sarili kong event, mas lalakas ang mga espe

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status