Hindi ako natulog. Kahit anong pilit kong ipikit ang aking mga mata, dalawang imahe lamang ang nagpapalitan at patuloy na sumusugat sa aking isipan: ang mapanlinlang na mukha nina Harold at Catherine sa ibabaw ng kama, at ang nakakapasong mga titig ni Harvey Aranas sa loob ng madilim na penthouse suite.Dalawang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang pinakamalagim na gabi sa buhay ko, nang matuklasan ko ilang araw bago ang aming kasal na niloloko ako ng aking nobyo kasama ang aking best friend. At sa halip na umuwi at umiyak, naging desperada akong makalimutan ang pagtataksil kaya't gumugol ako ng isang ligaw na gabi sa bar kasama ang isang misteryosong estranghero. Isang estrangherong naging biyenan ko pala.Kailangan kong lakasan ang loob ko. Nanginginig man ang aking mga kamay, kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang mga taong alam kong kailanman ay hindi ako tatalikuran, ang aking mga magulang. Sa unang ring pa lamang, sinagot na agad ito ni Mama."Hello, nak? Napataw
Last Updated : 2026-11-03 Read more