Chapter 3Cassandra’s POV“Iha, gising na.”Naririnig ko ang boses ni Yaya Tessie mula sa tabi ng kama ko.“Yaya, why so noisy?” reklamo ko habang hinihila ang kumot hanggang sa ibabaw ng ulo ko. Pagkatapos, tumalikod ako at niyakap ang unan, umaasang kapag hindi ko siya pinansin ay kusa na lang siyang lalabas ng silid.“Cassandra, hija, gumising ka na. Baka mapagalitan ka na naman ng papa mo.”“Mamaya na, Yaya.”“Kapag hindi ka nag-ayos, baka ang papa mo pa ang sumundo sa iyo rito.”“Inaantok pa ako. Anong oras pa lang, Yaya?”“Gumising ka na. Darating na ang bago mong bodyguard.”Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot.Bodyguard.“Haist! Oo nga pala. Ngayon ang dating ng bago kong bodyguard,” bulong ko.Bigla kong naalala ang sinabi ni Papa kagabi. May bago na naman akong magiging bantay. Pang-isandaan na nga pala.“Yaya, masama ang pakiramdam ko.”“Naku, Cassandra! Huwag mo akong lokohin. Baka mapagalitan ka talaga ng papa mo. Bumangon ka na, baka siya pa ang sumundo sa iyo.”“Yay
Última atualização : 2026-11-03 Ler mais