Chapter One
The One Hundredth Bodyguard
Cassandra’s POV
Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng malaking bahay, maingat muna akong sumilip sa kaliwa at kanan. Huminga ng malalim.
Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kulisap ang maririnig sa gitna ng gabi. Halos patay na rin ang mga ilaw sa garden, maliban sa ilang nakasindi malapit sa main entrance.
Wala ring mga guard na nag-iikot. Sa mga oras na ito.
“Perfect.”
Maingat akong humakbang palapit sa likod ng bahay.
Walang ingay. Walang kaluskos. Para akong pusang palihim na pumapasok sa kusina para magnakaw ng pagkain. Wala man lang tunog ang bawat hakbang ko papasok sa loob.
Kung may makakita sa akin sa ganitong oras, malamang hindi nila iisiping ako ang anak ng may-ari ng bahay na ito.
Baka isipin pa nilang magnanakaw ako.
Napangiti ako sa sarili ko.
At least, kung magnanakaw man ang tingin nila sa akin, hindi nila ako mahuhuling walang dala. May dala akong bag na puno ng mga pinamili ko kanina.
At maganda magnanakaw naman ako.
Nang makarating ako sa maliit na p***o sa likod ng bahay, marahan kong pinihit ang doorknob.
Bukas.
Napangiti ako nang malaki. Napasuntok pa sa hangin sa labis na kasiyahan.
“Yes!”
Napapikit ako nang marinig ang sarili kong boses.
Masyado akong malakas.
Agad akong napatingin sa paligid. Mabuti na lang at wala pa ring tao.
“Maasahan talaga si Nanay Tessie,” bulong ko habang maingat na isinasara ang p***o sa likuran ko.
Si Nanay Tessie ang isa sa mga matagal nang kasambahay namin. Siya rin ang nag-alaga at nagpalaki sa akin mula pagkabata.
Kung hindi dahil sa kaniya, malamang kanina pa ako nakatayo sa harap ng main entrance at sumasagot sa kung anu-anong tanong ng mga guard kung bakit ganitong oras na ako umuwi.
Panigurado, bukas ay yayakapin ko siya nang mahigpit at sasabihing napakabait niya.
Napangiti ako bago dahan-dahang humakbang patungo sa hagdan.
Kaunti na lang.
Kapag nakarating ako sa second floor, diretso na ako sa kuwarto ko.
Safe.
Walang sermon.
Walang tanong.
Walang—
“CASSANDRA MARIE VILLAREAL!”
“Ay, putek!”
Napatalon ako sa sobrang gulat.
Biglang nagliwanag ang buong hallway, kasabay ng malakas na pagtawag sa buong pangalan ko.
Dahan-dahan akong napalingon sa hagdan.
At doon ko nakita si Papa.
Nakatayo siya sa pinakamataas na bahagi ng hagdan, nakasuot ng simpleng pambahay na damit at nakahalukipkip.
Tahimik.
Nakatitig.
At higit sa lahat…
Galit.
Napangiti ako nang alanganin habang napakamot sa ulo.
“Hi, Pa.”
Walang sagot.
“Bakit gising pa po kayo?”
Tahimik pa rin siya.
Napatingin ako sa wall clock.
2:17 A.M.
Napakagat ako sa labi.
Ayos. Wala na akong lusot.
Sigurado akong katakot-takot na sermon ang aabutin ko sa aking ama.
“Medyo late na pala,” mahinang bulong ko.
Dahan-dahang bumaba si Papa sa hagdan.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Bawat hakbang niya ay parang countdown sa katapusan ng kalayaan ko.
“Alam mo pala na madaling-araw na.”
“Opo.”
“Pero ganitong oras ka pa umuwi?”
Madiin ang pagsasalita niya. Ramdam ko ang galit sa boses nito.
“Sorry po, Pa. Hindi na po mauulit. Napahaba lang kasi ang kuwentuhan namin ni Shella.”
Nasa pangalawang baitang na siya, pero hindi pa rin nagbabago ang seryosong tingin niya sa akin.
“Ilang beses ko na ba narinig ang paghingi mo ng sorry at ang pangakong hindi na mauulit. Cassandra.”
Napayuko ako ng ulo dahil totoo ang sinabi ng aking ama.
“Pero araw-araw mo pa rin ginagawa, Cassandra.” my diin na wika ni Papa.
Tahimik lang ako. Wala na rin akong maisasagot dahil kahit anong palusot ang sabihin ko, alam kong hindi na iyon uubra kay sa aking Ama.
“Pati ang personal mong bodyguard, suko na sa iyo?”
Napatingin ako sa kaniya. Alam ko na agad ang ibig sabihin.
“Sinabi sa akin na tinakasan mo raw siya. Nag paalam ka lang daw na pupunta sa ladies’ room, pero ilang oras kang hinintay ng bodyguard mo.”
“Sa labas, halos maputi na ang mga mata ng bantay mo!”
Napangiwi ako. Naalala ko nga tinakasan ko naman ito.
“Hindi lang isang beses o ilang beses. Marami na ang ginawa mong pagtakas.”
Patuloy siyang bumaba ng hagdan.
“Lagi mo silang iniiwan. Ginagawan mo pa ng kung anu-anong kalokohan.”
Napalunok ako ng laway.
“Alam mo ba?”
“Ngayon, kakatanggap ko lang ng report mula sa agency na nag-resign na ang pang-siyamnapu’t siyam mong bodyguard, anak.” tila napapagod na wika ni Papa sa akin.
“Pa…”
“Anong ‘Pa’?”
“Ano naman ang ikakatwiran o paliwanag at palusot mo?”
Napabuntong-hininga ako. Alam na agad ni papa ang gusto kong sabihin.
“Pa, Alam naman po ninyo na ayaw ko ng bodyguard na lagi akong sinusundan saan man ako pumunta.”
Himutok ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
“Natatakot ang mga kaibigan ko at nawawalan din ako ng mga kakilala dahil sa kanila. Sa tuwing may lalapit sa akin, hinaharangan nila. May pupuntahan lang ako, nakasunod agad sila.”
Napailing ako. Mula elementarya hanggang ngayon na tapos na ako ng college, may bodyguard pa rin.”
“Kulang na lang pati sa comfort room ay sumunod sila sa akin. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Gusto ko lang naman maging normal. Iyong makapaglakad nang walang bantay sa likod ko.”
“Normal?”
“Opo.”
“Sa tingin mo ba, normal ang buhay mo?” agad na wika ni Papa.
Napaisip ako. At napabuntong hininga.
“Hindi.” mahina kung sagot.
“Then, bakit mo ipinipilit na mamuhay na parang wala kang kailangan alalahanin?”
“Alam mo naman kung bakit my bodyguard ka,”
Hindi ako nakasagot.
Ngunit kailangan kung magsalita at sabihin sa aking Ama.
“Pa, Pati mga manliligaw ko, natatakot lumapit.”
“Dahil sa kanila, wala akong kalayaan. Para bang isa akong ibon na nakakulong sa malaking kulungan.”
Napailing si Papa kasabay ng pagbuntong-hininga.
“Alam mo rin naman kung ilang beses ka nang nakidnap at nalagay sa panganib ang buhay mo.”
Napaupo siya sa sofa habang hawak ang sentido niya.
Ako naman ay naglakad palapit at naupo sa kabilang bahagi ng sofa.
Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.
“Hindi ako naglalagay ng bodyguard sa tabi mo dahil gusto kitang kontrolin.”
Bahagya niyang itinaas ang tingin para magtama ang aming mga mata.
“Ginagawa ko iyon dahil gusto kitang protektahan.”
Napabuntong-hininga ako.
“Pero, Pa…”
“Walang pero.”
“Hindi ko naman po kailangan ng ganoon karaming bodyguard.”
“Ganoon karami?”
Tumaas ang isang kilay niya.
“Cassandra, ilan na ba ang naging personal bodyguard mo?”
Hindi ako agad nakasagot.
“Maliban pa sa mga security personnel na nakabantay sa paligid mo, siyamnapu’t siyam na bodyguard na ang umalis dahil sa iyo.”
Napangiti ako nang alanganin.
“Technically… ninety-nine po.”
Natawa ako nang bahagya.
“Hindi nakakatawa.”
Agad nawala ang ngiti ko.
“Sorry na po, Pa.”
Ilang sandali kaming parehong natahimik.
Napatingin ako sa sahig habang hinihintay kung ano pa ang sasabihin niya.
Sa totoo lang, alam kong may punto si Papa.
Hindi ko maikakaila na marami na talaga akong ginawang kalokohan para makatakas sa mga bodyguard ko.
Minsan, nagtatago ako sa mga dressing room.
Minsan naman, nagpapalit ako ng damit para hindi nila ako agad makilala.
May isang pagkakataon pa na umalis ako sa isang restaurant gamit ang kitchen exit para lang hindi ako masundan.
Pero hindi ko naman ginagawa ang mga iyon dahil gusto kong mapahamak.
Gusto ko lang ng kaunting kalayaan.
“Pero…” muli kong simula.
Napatingin sa akin si Papa.
“Hindi ko naman sinasadyang pahirapan sila.”
“Pero ginagawa mo pa rin.”
Napayuko ako.
“Sorry.”
Napabuntong-hininga siya.
“At dahil nag-resign na naman ang bodyguard mo ngayong gabi…”
Tumuwid si Papa at malamig akong tinitigan.
“Kailangan nating maghanap ng kapalit.”
Napakunot-noo ako.
“Agad-agad?”
“Oo.”
“Hindi ba puwedeng ipagpaliban muna? Pahingahin muna natin ang sarili natin sa paghahanap ng bodyguard?”
“Hindi.”
“Sa makalawa?”
“Hindi rin.”
“Next week?”
“Cassandra.”
“Opo?”
“Mayroon na akong bagong bodyguard para sa iyo.”
Napatigil ako. “Luh, sabi maghahanap pero meron na pala!” Mahinang bulong ko.
“My sinasabi ka ba, Cassandra?”
“Ha?”
“Wala naman, Pa ang bilis ninyo naman nakahanap?”
Tumango siya.
“Bukas, ipakikilala ko sa iyo ang pang-isandaang bodyguard mo.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“The one hundredth?”
“Yes.”
Napahawak ako sa noo.
“Pa, baka naman puwedeng huwag na lang.”
“Hindi.”
“Baka mag-resign din siya.”
“Hindi siya basta-basta magre-resign.”
Napatingin ako kay Papa.
“Bakit?”
Bahagya siyang ngumiti.
“Dahil hindi siya tulad ng lahat ng naging bodyguard mo.”
Napakunot ang noo ko.
“Anong ibig ninyong sabihin?”
“Malalaman mo bukas.”
“Pa naman.”
“Wala nang tanong.”
“Pero—”
“Matulog ka na.”
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ko gusto ang sagot niya.
Lalo na at parang sigurado siyang hindi magiging katulad ng siyamnapu’t siyam na bodyguard ko ang lalaking ito.
“Anong pangalan niya?”
Saglit siyang tumingin sa akin bago sumagot.
“Bukas malalaman mo.”
“Bakit bukas pa?”
“Saka ano Hitsura?
“Bukas na,”
“Kilala kita Cassandra,” sagot na lamang ni Papa sa akin.
Hindi ko rin alam kung ano ang hitsura niya, kung gaano siya katanda, o kung gaano siya kahigpit.
Pero base sa kumpiyansa ni Papa, parang hindi ordinaryong bodyguard ang lalaking ito.
“Bukas ng umaga?” tanong ko.
“Oo.”
“Anong oras?”
“Eight.”
Napangiwi ako.
“Ang aga naman.”
“Bodyguard mo siya, hindi alarm clock.”
Napatawa ako nang bahagya.
“Okay.”
Tumayo si Papa mula sa sofa.
“Matulog ka na. May pasok ka pa bukas.”
“Paano kung hindi ko siya magustuhan?”
“Hindi mo kailangang magustuhan.”
“Paano kung hindi niya ako magustuhan?”
“Mas mabuti.”
Napanganga ako.
“Pa!”
Napangiti siya nang bahagya bago tumalikod.
“Good night, Cassandra.”
“Good night, Pa.”
Pinanood ko siyang maglakad palayo hanggang sa tuluyan siyang mawala sa hagdan.
Naiwan akong nakaupo sa sofa.
Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya.
Pang-isandaang bodyguard.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
Sa siyamnapu’t siyam na bodyguard na dumaan sa buhay ko, pare-pareho lang ang nangyari.
Sa una, seryoso sila sa trabaho.
Pagkalipas ng ilang araw, napapagod na sa akin.
At sa huli…
Umaalis.
Napangiti ako nang bahagya.
Pero sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung bakit parang iba ang pakiramdam ko. Lalot sa bago kung magiging Bodyguard.
Hindi ko pa siya nakikilala.
Pero sa paraan ng pagkakasabi ni Papa sa pangalan niya, parang may kakaibang kaba akong nararamdaman.
Napailing ako at tumayo mula sa sofa.
“Bahala na bukas.”
Tumungo ako sa hagdan.
Pero bago ako tuluyang umakyat, napahinto ako sandali.
Pang-isandaang bodyguard.
Sana naman hindi siya kasing-seryoso ni Papa.
Kung hindi…
Mukhang magiging mahirap ang pagsasama namin.