Share

Chapter 4

Author: Bluemoon22
last update publish date: 2026-11-03 22:08:13

Chapter 4

Cassandra’s POV

Napapikit ako nang tuluyang mapunit ang kumot na ginagamit kong panlusong mula sa bintana.

“Juskooo!”

Sigurado akong ilang segundo na lang, babagsak na ako sa semento. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang tanging nagawa ko ay ipikit nang mahigpit ang mga mata ko habang naghihintay sa hindi magandang mangyayari.

Pero…

Bakit parang hindi naman ako bumabagsak?

Sa halip na maramdaman ang malakas na impact na inaasahan ko, tila may kung anong pumigil sa akin. Para akong nakalutang sa hangin. May nararamdaman akong matibay na bagay na sumusuporta sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

At doon ako natigilan.

Isang lalaki ang nasa harapan ko.

Matangkad. Malapad ang balikat. At sa unang tingin pa lang, masasabi kong hindi siya ordinaryong lalaki. Maayos ang pagkakasuot niya ng itim na polo, at ang mukha niyang tila walang bahid ng emosyon ay lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang dating.

Pero ang pinakanakuha ng atensiyon ko ay ang mukha niya.

Guwapo.

Hindi lang basta guwapo. Iyong tipong kahit hindi ngumiti ay may dating na agad. Matangos ang ilong, maayos ang mga labi, at ang mga matang nakatitig sa akin ay tila kayang basahin ang lahat ng iniisip ko.

Sandali.

Bakit ako nasa ganitong posisyon?

At bakit siya ang nasa harapan ko?

“Are you done?” malamig niyang tanong.

Napakurap ako.

“Ha?”

“Are you done screaming?”

Napakunot ang noo ko. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkabigla, may gana pa siyang magtanong nang ganoon?

“Excuse me? I almost fell!”

“Almost,” tugon niya. “But you didn’t.”

Napatingin ako sa ibaba. Saka ko lamang napagtanto na hindi pala ako nakahandusay sa semento. Nasa bisig ako ng lalaki, at mahigpit niya akong hawak upang hindi tuluyang bumagsak.

Bigla akong namula.

“Put me down!”

“Are you sure?”

“Yes!”

Walang sabi-sabing ibinaba niya ako. Ngunit dahil hindi pa maayos ang balanse ko, muntik na naman akong matumba.

Napahawak ako sa braso niya.

“Hey!”

Tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa kaniya.

“Thought you wanted me to put you down.”

“Hindi ibig sabihin no’n, bibitawan mo ako nang parang sako!”

Bahagyang tumaas ang isang kilay niya.

“Next time, try not to climb out of a window.”

Napanganga ako.

Next time?

May balak pa ba siyang makita akong ganito?

“Who are you, anyway?” tanong ko habang inaayos ang sarili ko.

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tumingin siya sa kumot na nakabitin pa sa bintana. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa akin.

“Marcus Navarro.”

Marcus Navarro.

Mabilis kong inalala ang sinabi ni Papa kaninang umaga.

Ang bagong bodyguard.

Ang lalaking ipinagmamalaki niyang hindi raw basta-basta susuko sa akin.

Napailing ako.

“Wait. You’re the new bodyguard?”

“Yes.”

Napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa.

“Seriously?”

“Do I look like I’m joking?”

Hindi ko napigilang mapangiwi.

Great.

Sa lahat ng bodyguard na puwedeng dumating, bakit naman ang isang ito? Mukha pa namang masungit. At base sa unang limang minuto ng pagkikita namin, mukhang hindi siya marunong makisama.

“Look, Mr. Navarro,” panimula ko. “I don’t need a bodyguard.”

“Your father thinks otherwise.”

“Of course. Papa always thinks he knows what’s best for me.”

“Maybe because you’re currently climbing down a window using a blanket.”

Napatingin ako sa kumot.

Then back at him.

“That's none of your business.”

“Starting today, it is.”

Napahawak ako sa noo ko.

Hindi pa man nagsisimula ang araw ko, gusto ko nang matapos ito.

“Can you please stop acting like you own my life?”

“I don’t.” Saglit siyang tumingin sa akin. “I’m just responsible for keeping you alive.”

“Wow. What a lovely job.”

Hindi siya ngumiti. Ni hindi man lang gumalaw ang mukha niya.

“Let’s go inside.”

“No.”

“Cassandra.”

Napatingin ako sa kaniya.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?

“Don Rafael’s daughter,” sagot niya sa tanong na hindi ko pa naibibigkas. “Cassandra Marie Villarell.”

Napangiwi ako.

“Don’t call me that. Cassandra is fine.”

“Then act like one.”

“Like what?”

“Someone who doesn’t sneak out of her own house.”

Napataas ang kilay ko.

“Excuse me? I wasn’t sneaking out. I was just… taking a shortcut.”

“Through the window?”

“Exactly.”

Saglit siyang natahimik.

Hindi ko alam kung pinipigilan niya ang sarili niyang matawa o sadyang wala lang siyang sense of humor.

Pero kung may isang bagay akong sigurado, hindi ko gusto ang bagong bodyguard ko.

At mukhang ganoon din siya sa akin.

---

Mula sa main entrance, narinig ko ang boses ni Papa.

“Cassandra!”

Napapikit ako.

Oh, no.

Hindi na kailangan pang lumingon para malaman kung gaano siya kagalit. Kilala ko ang boses na iyon. Iyon ang boses na ginagamit niya kapag nahuli niya akong gumagawa ng kalokohan.

Dahan-dahan akong lumingon.

Nakatayo si Papa sa may pintuan, nakasuot ng maayos na pang-umagang damit. Sa tabi niya ay ang ilang staff na halatang nagulat sa nasaksihan.

“Pa…” mahinang tawag ko.

Tumingin siya sa akin, saka sa kumot na nakabitin sa bintana.

“Care to explain?”

Napakamot ako sa ulo.

“Actually, I can explain.”

“Then explain.”

“Um… I was checking if the blanket was strong enough?”

Napapikit si Papa na tila sinusubukan niyang pigilan ang sarili.

“Cassandra Marie Villarell!”

“Okay, okay! I was trying to escape.”

“Escape from what?”

Napatingin ako kay Marcus.

“From him.”

Nilingon ni Papa ang bagong bodyguard ko.

“Marcus?”

“Yes, Sir.”

“Did you catch her?”

“Yes, Sir.”

Tumango si Papa at saka muling tumingin sa akin.

“Good. At least this time, someone managed to stop you before you did something worse.”

Napakunot ang noo ko.

“Pa, seriously? You’re taking his side?”

“I’m taking the side of common sense.”

Napailing ako.

Great. Dalawa na sila.

“Cassandra,” seryosong sabi ni Papa, “this is Marcus Navarro. He will be your bodyguard starting today. I expect you to cooperate with him.”

“Cooperate?” Halos matawa ako. “Pa, he’s already treating me like a prisoner.”

“Then perhaps you should stop giving him reasons to do so.”

Napabuntong-hininga ako.

Wala na. Talo na naman ako.

“Fine.”

“Good. Now go inside and get ready for breakfast.”

“Do I really have to?”

“Yes.”

Napatingin ako kay Marcus. Nakatayo lamang siya sa tabi, tahimik at walang emosyon.

“Are you coming too?” tanong ko sa kaniya.

“I’m assigned to you.”

“Meaning, you’ll follow me everywhere?”

“Yes.”

Napapikit ako.

“Unbelievable.”

---

Pagpasok namin sa bahay, hindi ko maiwasang mapansin na nakasunod nga sa akin si Marcus.

Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya nagtatanong. Basta naroon lang siya sa likuran ko na para bang anino.

Nakakainis.

“Do you always have to walk that close?” tanong ko habang umaakyat sa hagdan.

“Would you prefer I stay downstairs?”

“Would you?”

“No.”

Napahinto ako at humarap sa kaniya.

“Then why did you ask?”

“To confirm.”

Napailing ako.

This man was impossible.

Pagdating sa aking silid, mabilis akong pumasok at humarap sa kaniya.

“Wait here.”

“Why?”

“Because I need to change.”

“Then change.”

Napanganga ako.

“Are you seriously planning to stay outside my door?”

“Yes.”

“Don’t you have anything else to do?”

“Keeping you safe.”

“From what? My own clothes?”

Hindi siya sumagot.

Napabuntong-hininga ako at isinara ang p***o.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter 5

    Chapter FiveCassandra’s POV“Aaaaah!”Napahiyaw ako sa sobrang inis habang tuluyan kong isinara ang pinto ng aking silid.“Kabago-bago, nagpasikat na agad kay Papa!” reklamo ko habang padabog na naglalakad papunta sa aking closet.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang maging ganoon kaseryoso ng lalaking iyon. Ni hindi pa nga kami nagkakakilala nang maayos, pero kung umasta siya ay para bang matagal na niyang alam ang lahat tungkol sa akin.At ang mas nakakainis?Nakuha na agad niya ang loob ni Papa.Napailing ako habang kumukuha ng damit na susuotin ko. Isang simpleng T-shirt at maong na pantalon ang pinili ko. Wala akong balak mag-ayos nang bongga. Breakfast lang naman iyon, at hindi ko kailangang magmukhang prinsesa sa harap ng bago kong bodyguard.“Buwisit na Marcus Navarro,” bulong ko habang hinahagis ang damit sa kama.Ngunit kusa akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kanina.Kung hindi niya ako nasalo, baka bali-bali na ang buong katawan ko ngayon. Panigurad

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter 4

    Chapter 4Cassandra’s POVNapapikit ako nang tuluyang mapunit ang kumot na ginagamit kong panlusong mula sa bintana.“Juskooo!”Sigurado akong ilang segundo na lang, babagsak na ako sa semento. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang tanging nagawa ko ay ipikit nang mahigpit ang mga mata ko habang naghihintay sa hindi magandang mangyayari.Pero…Bakit parang hindi naman ako bumabagsak?Sa halip na maramdaman ang malakas na impact na inaasahan ko, tila may kung anong pumigil sa akin. Para akong nakalutang sa hangin. May nararamdaman akong matibay na bagay na sumusuporta sa akin.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.At doon ako natigilan.Isang lalaki ang nasa harapan ko.Matangkad. Malapad ang balikat. At sa unang tingin pa lang, masasabi kong hindi siya ordinaryong lalaki. Maayos ang pagkakasuot niya ng itim na polo, at ang mukha niyang tila walang bahid ng emosyon ay lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang dating.Pero ang pinakanakuha ng atensiyon ko ay ang mukha ni

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter 3

    Chapter 3Cassandra’s POV“Iha, gising na.”Naririnig ko ang boses ni Yaya Tessie mula sa tabi ng kama ko.“Yaya, why so noisy?” reklamo ko habang hinihila ang kumot hanggang sa ibabaw ng ulo ko. Pagkatapos, tumalikod ako at niyakap ang unan, umaasang kapag hindi ko siya pinansin ay kusa na lang siyang lalabas ng silid.“Cassandra, hija, gumising ka na. Baka mapagalitan ka na naman ng papa mo.”“Mamaya na, Yaya.”“Kapag hindi ka nag-ayos, baka ang papa mo pa ang sumundo sa iyo rito.”“Inaantok pa ako. Anong oras pa lang, Yaya?”“Gumising ka na. Darating na ang bago mong bodyguard.”Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot.Bodyguard.“Haist! Oo nga pala. Ngayon ang dating ng bago kong bodyguard,” bulong ko.Bigla kong naalala ang sinabi ni Papa kagabi. May bago na naman akong magiging bantay. Pang-isandaan na nga pala.“Yaya, masama ang pakiramdam ko.”“Naku, Cassandra! Huwag mo akong lokohin. Baka mapagalitan ka talaga ng papa mo. Bumangon ka na, baka siya pa ang sumundo sa iyo.”“Yay

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter two

    Chapter TwoThe One Hundredth BodyguardMarcus POV“Sigurado ka na ba, sir?” tanong ni Bobby sa akin habang nakaupo ito sa gilid ng mesa, hawak ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa magiging kliyente namin.“Oo nga, sir. Baka puwedeng iba na lang ang tumanggap ng mission na ito?” segunda ni Troy, isa rin sa mga tauhan ko. Abala ito sa paglalaro ng ballpen sa pagitan ng mga daliri.“Pwede naman po sigurong ibang agent ang italaga natin?” muling tanong ni Bobby.Hindi ko sila pinansin.Patuloy lamang akong nagbabasa ng mga dokumentong nasa harapan ko. Ilang minuto na silang nagtatanong, at sa totoo lang, nagsisimula na akong mawalan ng pasensya.“Ang balita namin, matigas ang ulo at pasaway ang anak ni Don Rafael Villareal,” patuloy ni Bobby. “Kaya wala nang agency ang gustong humawak o magpadala ng mga tauhan nila. Wala pang isang araw, umaayaw na raw agad ang mga ito.”Napabuntong-hininga ako.Hindi na bago sa akin ang mga impormasyong iyon. Bago ko pa tanggapin ang assig

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   chapter one

    Chapter OneThe One Hundredth BodyguardCassandra’s POVBago ako tuluyang pumasok sa loob ng malaking bahay, maingat muna akong sumilip sa kaliwa at kanan. Huminga ng malalim.Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kulisap ang maririnig sa gitna ng gabi. Halos patay na rin ang mga ilaw sa garden, maliban sa ilang nakasindi malapit sa main entrance.Wala ring mga guard na nag-iikot. Sa mga oras na ito.“Perfect.”Maingat akong humakbang palapit sa likod ng bahay.Walang ingay. Walang kaluskos. Para akong pusang palihim na pumapasok sa kusina para magnakaw ng pagkain. Wala man lang tunog ang bawat hakbang ko papasok sa loob.Kung may makakita sa akin sa ganitong oras, malamang hindi nila iisiping ako ang anak ng may-ari ng bahay na ito.Baka isipin pa nilang magnanakaw ako.Napangiti ako sa sarili ko.At least, kung magnanakaw man ang tingin nila sa akin, hindi nila ako mahuhuling walang dala. May dala akong bag na puno ng mga pinamili ko kanina.At maganda magnanakaw naman ako.Nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status