Compartilhar

Chapter 3

Autor: Bluemoon22
last update Data de publicação: 2026-11-03 22:00:29

Chapter 3

Cassandra’s POV

“Iha, gising na.”

Naririnig ko ang boses ni Yaya Tessie mula sa tabi ng kama ko.

“Yaya, why so noisy?” reklamo ko habang hinihila ang kumot hanggang sa ibabaw ng ulo ko. Pagkatapos, tumalikod ako at niyakap ang unan, umaasang kapag hindi ko siya pinansin ay kusa na lang siyang lalabas ng silid.

“Cassandra, hija, gumising ka na. Baka mapagalitan ka na naman ng papa mo.”

“Mamaya na, Yaya.”

“Kapag hindi ka nag-ayos, baka ang papa mo pa ang sumundo sa iyo rito.”

“Inaantok pa ako. Anong oras pa lang, Yaya?”

“Gumising ka na. Darating na ang bago mong bodyguard.”

Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot.

Bodyguard.

“Haist! Oo nga pala. Ngayon ang dating ng bago kong bodyguard,” bulong ko.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Papa kagabi. May bago na naman akong magiging bantay. Pang-isandaan na nga pala.

“Yaya, masama ang pakiramdam ko.”

“Naku, Cassandra! Huwag mo akong lokohin. Baka mapagalitan ka talaga ng papa mo. Bumangon ka na, baka siya pa ang sumundo sa iyo.”

“Yaya, ikaw na lang ang bahalang mag-alibi kay Papa.”

“Cassandra!”

Napapikit ako nang marinig ang mas malakas na pagtawag ni Yaya Tessie.

“Bakit po?”

“Bumangon ka na. Alas-sais na ng umaga!”

“Exactly!” sagot ko mula sa ilalim ng unan. “Alas-sais pa lang! Hindi pa nga sumisikat nang maayos ang araw, pinapahirapan n’yo na po ako.”

Himutok ko iyon na para bang napakalaki ng kasalanang ginawa nila sa akin.

“Cassandra, bakit hindi ka pa nag-aayos? Gusto mo bang hindi ka na makalabas ng bahay?”

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Papa.

Napatingin ako sa p***o kung saan nakatayo ang aking ama. Nakakunot ang noo nito at nakahalukipkip. Mukhang wala siyang balak umalis hangga’t hindi ako bumabangon.

“Papa, naman!” angal ko habang hinihimas ang mga mata. “Sobrang aga pa po. Anong oras pa lang? Alas-sais lang ng umaga!” reklamo ko.

“Alas-sais na. At may mahalagang darating ngayong araw.”

“Diba sinabi ko na sa'yo?”

“Opo, alam ko. At ngayon araw ko makikilala ang bago kong jail guard.”

“Bodyguard, Cassandra.”

“Same difference.”

Napailing si Papa. Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

“Hindi mo pa nga nakikilala ang tao, kung anu-ano na ang sinasabi mo.”

“Pa, kilala ko na ang magiging ending. Magiging shadow ko na naman siya. Bawal dito, bawal doon. Baka pati paghinga ko kailangan ko pang magpaalam.”

“Kung hindi ka kasi laging gumagawa ng paraan para mapahamak, hindi mo kailangan ng bodyguard.”

“Pa. Hindi ko naman kasalanan kung may mga taong gustong mang-kidnap sa akin!”

“Cassandra.”

Isang salita lang, pero alam ko na ang ibig sabihin niyon.

Warning.

Napabuntong-hininga ako at napakamot sa ulo. Tumahimik na lamang ako dahil kahit ano gawin ko, hindi naman mananalo.

“Fine. I’ll get ready.”

“Good. Nasa dining room ako. Huwag kang magtagal.”

“Bilisan mo, nakakahiya sa bisita natin,”

Pagkaalis ni Papa, bumagsak akong muli sa kama.

“Good morning daw,” bulong ko sa sarili. “Good morning sa lahat, except sa bagong bodyguard ko at sa'yo Papa.” naiinis na talaga ako.

Napatingin ako sa orasan.

Alas-sais y medya.

Masyado pang maaga para harapin ang isang taong posibleng maging dahilan ng panibagong sakit ng ulo ko.

Sa totoo lang, hindi naman ako tutol sa pagkakaroon ng bodyguard. Ang problema, halos lahat ng naging bodyguard ko ay pare-pareho. Akala mo kung sino kung mag-utos. Hindi ako makalabas ng walang pahintulot, hindi ako makapunta sa mga gusto kong lugar, at palagi na lang iniisip na kapag hindi nila ako sinundan ay may mangyaring hindi maganda sa akin o masama.

Nakakapagod na ang ganito senaryo.

Kaya naman, ngayong may bago akong iniisip na paraan para hindi ko na kailangan makilala pa ang Bodyguard ko.

Simple lang Aalis muna ako pupunta ako sa lugar na hindi ako makikita ni Papa.

O mas mabuti…

Tatakas ako. Tama mas okay nang tumakas habang wala pang bantay.

Napangiti ako habang bumabangon sa kama.

“Cassandra Villarell, you are a genius.”

Mabilis akong nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng simpleng T-shirt at maong, saka itinali ang buhok ko. Kumuha rin ako ng maliit na bag at naglagay ng ilang gamit.

Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Ang mahalaga, makalabas ako ng mansyon bago dumating ang bagong bodyguard.

Dahan-dahan akong lumapit sa bintana at sumilip sa labas.

Tahimik ang garden. Ilan lamang ang mga katulong na nakikita kong nag-aasikaso sa paligid. Sa kabilang bahagi naman ng bakuran ay ang mataas na bakod na naghihiwalay sa aming property sa kalsada.

Napangiti ako.

May ideya ako.

Kinuha ko ang isang makapal na kumot mula sa aking kama at inilapit iyon sa bintana. Tiningnan ko ang paligid ng kuwarto upang matiyak na wala akong nakalimutan.

“Okay. This is it.”

Hindi ko na pinag-isipan ng mabuti ang plano. Ang nasa isip ko lang ay makalabas bago pa dumating ang lalaking iyon.

Nagsimula akong kumilos, ngunit bago ko pa tuluyang maisakatuparan ang plano ko, may narinig akong tunog ng mga sasakyan. At alam ko na kung sino ang dumating marahil ang bago kung taga bantay.

mula sa bintana sumilip ako at nakita ko nga ang pagbukas ng malaki gate at pumasok ang dalawa sasakyan isa ay Van na puto at kulay na itim na kotse.

“Sh*t,” mahina kong mura.

“Kailangan ko na talaga makaalis.”

Dali-dali akong bumalik sa kama at umikot sa balcony, kung saan naroon ang tinali kung Kumot sa bintana.

Agad kung hinagis ang bag ko na naglalaman ng mga gamit. Sinuot ko rin ang body bag ko na naglalaman ng mahalaga bagay katulad ng Pera, Cellphone, at Atm,”

Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan kung may mga bantay wala tao at wala akong narinig na anumang ingay.

“Perfect,” bulong ko.

Dahan-dahan na ako kumapit sa kumot para makababa.

Ilang sandali na ang lumipas ng narinig ako ng isang tunog mula sa kinakapitan kung kumot at ganun na lamang ang paglaki ng mga mata ko ng makita kung napupunit ang pinakadulo nito nakatali sa bintana.

“Oh, Jusskooo….! Malakas na sigaw ko at napapikit na lamang dahil tuluyan na napunit ang kumot….

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter 5

    Chapter FiveCassandra’s POV“Aaaaah!”Napahiyaw ako sa sobrang inis habang tuluyan kong isinara ang pinto ng aking silid.“Kabago-bago, nagpasikat na agad kay Papa!” reklamo ko habang padabog na naglalakad papunta sa aking closet.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang maging ganoon kaseryoso ng lalaking iyon. Ni hindi pa nga kami nagkakakilala nang maayos, pero kung umasta siya ay para bang matagal na niyang alam ang lahat tungkol sa akin.At ang mas nakakainis?Nakuha na agad niya ang loob ni Papa.Napailing ako habang kumukuha ng damit na susuotin ko. Isang simpleng T-shirt at maong na pantalon ang pinili ko. Wala akong balak mag-ayos nang bongga. Breakfast lang naman iyon, at hindi ko kailangang magmukhang prinsesa sa harap ng bago kong bodyguard.“Buwisit na Marcus Navarro,” bulong ko habang hinahagis ang damit sa kama.Ngunit kusa akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kanina.Kung hindi niya ako nasalo, baka bali-bali na ang buong katawan ko ngayon. Panigurad

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter 4

    Chapter 4Cassandra’s POVNapapikit ako nang tuluyang mapunit ang kumot na ginagamit kong panlusong mula sa bintana.“Juskooo!”Sigurado akong ilang segundo na lang, babagsak na ako sa semento. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang tanging nagawa ko ay ipikit nang mahigpit ang mga mata ko habang naghihintay sa hindi magandang mangyayari.Pero…Bakit parang hindi naman ako bumabagsak?Sa halip na maramdaman ang malakas na impact na inaasahan ko, tila may kung anong pumigil sa akin. Para akong nakalutang sa hangin. May nararamdaman akong matibay na bagay na sumusuporta sa akin.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.At doon ako natigilan.Isang lalaki ang nasa harapan ko.Matangkad. Malapad ang balikat. At sa unang tingin pa lang, masasabi kong hindi siya ordinaryong lalaki. Maayos ang pagkakasuot niya ng itim na polo, at ang mukha niyang tila walang bahid ng emosyon ay lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang dating.Pero ang pinakanakuha ng atensiyon ko ay ang mukha ni

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter 3

    Chapter 3Cassandra’s POV“Iha, gising na.”Naririnig ko ang boses ni Yaya Tessie mula sa tabi ng kama ko.“Yaya, why so noisy?” reklamo ko habang hinihila ang kumot hanggang sa ibabaw ng ulo ko. Pagkatapos, tumalikod ako at niyakap ang unan, umaasang kapag hindi ko siya pinansin ay kusa na lang siyang lalabas ng silid.“Cassandra, hija, gumising ka na. Baka mapagalitan ka na naman ng papa mo.”“Mamaya na, Yaya.”“Kapag hindi ka nag-ayos, baka ang papa mo pa ang sumundo sa iyo rito.”“Inaantok pa ako. Anong oras pa lang, Yaya?”“Gumising ka na. Darating na ang bago mong bodyguard.”Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot.Bodyguard.“Haist! Oo nga pala. Ngayon ang dating ng bago kong bodyguard,” bulong ko.Bigla kong naalala ang sinabi ni Papa kagabi. May bago na naman akong magiging bantay. Pang-isandaan na nga pala.“Yaya, masama ang pakiramdam ko.”“Naku, Cassandra! Huwag mo akong lokohin. Baka mapagalitan ka talaga ng papa mo. Bumangon ka na, baka siya pa ang sumundo sa iyo.”“Yay

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   Chapter two

    Chapter TwoThe One Hundredth BodyguardMarcus POV“Sigurado ka na ba, sir?” tanong ni Bobby sa akin habang nakaupo ito sa gilid ng mesa, hawak ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa magiging kliyente namin.“Oo nga, sir. Baka puwedeng iba na lang ang tumanggap ng mission na ito?” segunda ni Troy, isa rin sa mga tauhan ko. Abala ito sa paglalaro ng ballpen sa pagitan ng mga daliri.“Pwede naman po sigurong ibang agent ang italaga natin?” muling tanong ni Bobby.Hindi ko sila pinansin.Patuloy lamang akong nagbabasa ng mga dokumentong nasa harapan ko. Ilang minuto na silang nagtatanong, at sa totoo lang, nagsisimula na akong mawalan ng pasensya.“Ang balita namin, matigas ang ulo at pasaway ang anak ni Don Rafael Villareal,” patuloy ni Bobby. “Kaya wala nang agency ang gustong humawak o magpadala ng mga tauhan nila. Wala pang isang araw, umaayaw na raw agad ang mga ito.”Napabuntong-hininga ako.Hindi na bago sa akin ang mga impormasyong iyon. Bago ko pa tanggapin ang assig

  • My One Hundredth Bodyguard Hates Me   chapter one

    Chapter OneThe One Hundredth BodyguardCassandra’s POVBago ako tuluyang pumasok sa loob ng malaking bahay, maingat muna akong sumilip sa kaliwa at kanan. Huminga ng malalim.Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kulisap ang maririnig sa gitna ng gabi. Halos patay na rin ang mga ilaw sa garden, maliban sa ilang nakasindi malapit sa main entrance.Wala ring mga guard na nag-iikot. Sa mga oras na ito.“Perfect.”Maingat akong humakbang palapit sa likod ng bahay.Walang ingay. Walang kaluskos. Para akong pusang palihim na pumapasok sa kusina para magnakaw ng pagkain. Wala man lang tunog ang bawat hakbang ko papasok sa loob.Kung may makakita sa akin sa ganitong oras, malamang hindi nila iisiping ako ang anak ng may-ari ng bahay na ito.Baka isipin pa nilang magnanakaw ako.Napangiti ako sa sarili ko.At least, kung magnanakaw man ang tingin nila sa akin, hindi nila ako mahuhuling walang dala. May dala akong bag na puno ng mga pinamili ko kanina.At maganda magnanakaw naman ako.Nang

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status