로그인Chapter FiveCassandra’s POV“Aaaaah!”Napahiyaw ako sa sobrang inis habang tuluyan kong isinara ang pinto ng aking silid.“Kabago-bago, nagpasikat na agad kay Papa!” reklamo ko habang padabog na naglalakad papunta sa aking closet.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang maging ganoon kaseryoso ng lalaking iyon. Ni hindi pa nga kami nagkakakilala nang maayos, pero kung umasta siya ay para bang matagal na niyang alam ang lahat tungkol sa akin.At ang mas nakakainis?Nakuha na agad niya ang loob ni Papa.Napailing ako habang kumukuha ng damit na susuotin ko. Isang simpleng T-shirt at maong na pantalon ang pinili ko. Wala akong balak mag-ayos nang bongga. Breakfast lang naman iyon, at hindi ko kailangang magmukhang prinsesa sa harap ng bago kong bodyguard.“Buwisit na Marcus Navarro,” bulong ko habang hinahagis ang damit sa kama.Ngunit kusa akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kanina.Kung hindi niya ako nasalo, baka bali-bali na ang buong katawan ko ngayon. Panigurad
Chapter 4Cassandra’s POVNapapikit ako nang tuluyang mapunit ang kumot na ginagamit kong panlusong mula sa bintana.“Juskooo!”Sigurado akong ilang segundo na lang, babagsak na ako sa semento. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang tanging nagawa ko ay ipikit nang mahigpit ang mga mata ko habang naghihintay sa hindi magandang mangyayari.Pero…Bakit parang hindi naman ako bumabagsak?Sa halip na maramdaman ang malakas na impact na inaasahan ko, tila may kung anong pumigil sa akin. Para akong nakalutang sa hangin. May nararamdaman akong matibay na bagay na sumusuporta sa akin.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.At doon ako natigilan.Isang lalaki ang nasa harapan ko.Matangkad. Malapad ang balikat. At sa unang tingin pa lang, masasabi kong hindi siya ordinaryong lalaki. Maayos ang pagkakasuot niya ng itim na polo, at ang mukha niyang tila walang bahid ng emosyon ay lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang dating.Pero ang pinakanakuha ng atensiyon ko ay ang mukha ni
Chapter 3Cassandra’s POV“Iha, gising na.”Naririnig ko ang boses ni Yaya Tessie mula sa tabi ng kama ko.“Yaya, why so noisy?” reklamo ko habang hinihila ang kumot hanggang sa ibabaw ng ulo ko. Pagkatapos, tumalikod ako at niyakap ang unan, umaasang kapag hindi ko siya pinansin ay kusa na lang siyang lalabas ng silid.“Cassandra, hija, gumising ka na. Baka mapagalitan ka na naman ng papa mo.”“Mamaya na, Yaya.”“Kapag hindi ka nag-ayos, baka ang papa mo pa ang sumundo sa iyo rito.”“Inaantok pa ako. Anong oras pa lang, Yaya?”“Gumising ka na. Darating na ang bago mong bodyguard.”Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot.Bodyguard.“Haist! Oo nga pala. Ngayon ang dating ng bago kong bodyguard,” bulong ko.Bigla kong naalala ang sinabi ni Papa kagabi. May bago na naman akong magiging bantay. Pang-isandaan na nga pala.“Yaya, masama ang pakiramdam ko.”“Naku, Cassandra! Huwag mo akong lokohin. Baka mapagalitan ka talaga ng papa mo. Bumangon ka na, baka siya pa ang sumundo sa iyo.”“Yay
Chapter TwoThe One Hundredth BodyguardMarcus POV“Sigurado ka na ba, sir?” tanong ni Bobby sa akin habang nakaupo ito sa gilid ng mesa, hawak ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa magiging kliyente namin.“Oo nga, sir. Baka puwedeng iba na lang ang tumanggap ng mission na ito?” segunda ni Troy, isa rin sa mga tauhan ko. Abala ito sa paglalaro ng ballpen sa pagitan ng mga daliri.“Pwede naman po sigurong ibang agent ang italaga natin?” muling tanong ni Bobby.Hindi ko sila pinansin.Patuloy lamang akong nagbabasa ng mga dokumentong nasa harapan ko. Ilang minuto na silang nagtatanong, at sa totoo lang, nagsisimula na akong mawalan ng pasensya.“Ang balita namin, matigas ang ulo at pasaway ang anak ni Don Rafael Villareal,” patuloy ni Bobby. “Kaya wala nang agency ang gustong humawak o magpadala ng mga tauhan nila. Wala pang isang araw, umaayaw na raw agad ang mga ito.”Napabuntong-hininga ako.Hindi na bago sa akin ang mga impormasyong iyon. Bago ko pa tanggapin ang assig
Chapter OneThe One Hundredth BodyguardCassandra’s POVBago ako tuluyang pumasok sa loob ng malaking bahay, maingat muna akong sumilip sa kaliwa at kanan. Huminga ng malalim.Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kulisap ang maririnig sa gitna ng gabi. Halos patay na rin ang mga ilaw sa garden, maliban sa ilang nakasindi malapit sa main entrance.Wala ring mga guard na nag-iikot. Sa mga oras na ito.“Perfect.”Maingat akong humakbang palapit sa likod ng bahay.Walang ingay. Walang kaluskos. Para akong pusang palihim na pumapasok sa kusina para magnakaw ng pagkain. Wala man lang tunog ang bawat hakbang ko papasok sa loob.Kung may makakita sa akin sa ganitong oras, malamang hindi nila iisiping ako ang anak ng may-ari ng bahay na ito.Baka isipin pa nilang magnanakaw ako.Napangiti ako sa sarili ko.At least, kung magnanakaw man ang tingin nila sa akin, hindi nila ako mahuhuling walang dala. May dala akong bag na puno ng mga pinamili ko kanina.At maganda magnanakaw naman ako.Nang







