INICIAR SESIÓNChapter Five
Cassandra’s POV “Aaaaah!” Napahiyaw ako sa sobrang inis habang tuluyan kong isinara ang p***o ng aking silid. “Kabago-bago, nagpasikat na agad kay Papa!” reklamo ko habang padabog na naglalakad papunta sa aking closet. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang maging ganoon kaseryoso ng lalaking iyon. Ni hindi pa nga kami nagkakakilala nang maayos, pero kung umasta siya ay para bang matagal na niyang alam ang lahat tungkol sa akin. At ang mas nakakainis? Nakuha na agad niya ang loob ni Papa. Napailing ako habang kumukuha ng damit na susuotin ko. Isang simpleng T-shirt at maong na pantalon ang pinili ko. Wala akong balak mag-ayos nang bongga. Breakfast lang naman iyon, at hindi ko kailangang magmukhang prinsesa sa harap ng bago kong bodyguard. “Buwisit na Marcus Navarro,” bulong ko habang hinahagis ang damit sa kama. Ngunit kusa akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kanina. Kung hindi niya ako nasalo, baka bali-bali na ang buong katawan ko ngayon. Paniguradong nasa ospital na ako, at baka ilang linggo pa akong hindi makalakad nang maayos. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakakakilabot isipin. Ilang segundo lang ang pagitan ng pagkakaroon ko ng problema at posibleng kapahamakan. At ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit hindi ako napahamak. “Hmm.” Napangiwi ako. “Paki ko kung hindi niya ako sinalo. Di sana nakatakas na ako ngayon.” Mabilis akong umiling, pilit na inaalis sa isip ko ang mukha niya. Pero hindi yata ganoon kadali. “Pero aminin mo, Cass,” bulong ng kung anong bahagi ng isip ko. “Ang gwapo ng bago mong bodyguard. Malayo-layo sa mga nagdaang bodyguard mo.” Napahinto ako sa pagkuha ng damit. “Excuse me?” kaagad kong sagot sa sarili ko. “Hindi ko kailangan ng gwapo. Ang kailangan ko ay bodyguard na hindi pakialamero!” Pero parang hindi nakikinig ang utak ko. Sa halip, muling bumalik sa alaala ko ang mukha ni Marcus—ang matangos niyang ilong, matalim na mga mata, at seryosong ekspresyon na tila hindi marunong ngumiti. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa kaniya. Hindi siya tulad ng mga naunang bodyguard ko na halos lahat ay natatakot sa akin o pilit na nakikisama para hindi sila mapagalitan ni Papa. Si Marcus, mukhang wala siyang pakialam kung magalit ako. At iyon ang lalong nakakainis. “Stop it, Cassandra!” saway ko sa sarili ko. “Huwag kang magpaapekto sa isang bodyguard lang. Sigurado, kapag pinahirapan at tinakasan ko siya, susuko rin siya tulad ng mga nauna.” Tumango pa ako sa sarili ko, na para bang kailangan kong kumbinsihin ang buong pagkatao ko. “Exactly. Wala siyang pinagkaiba sa kanila.” Pagkatapos ay mabilis akong nagpalit ng damit at inayos ang aking buhok. Kinuha ko ang cellphone ko at sinulyapan ang oras. Masyado pang maaga. Kung tutuusin, puwede pa akong matulog. Pero dahil sa lalaking nasa labas ng p***o ko, malamang ay hindi na ako makakapagpahinga nang maayos. Napabuntong-hininga ako. “Ang aga-aga, may stress na agad.” Binuksan ko ang p***o. Nagulat pa ako nang makita si Yaya Tessie na akmang kakatok na sa p***o. “Yaya naman!” angal ko. “Jusko ka naman, bata ka!” bulalas niya. “Bakit po?” “Bakit ang tagal mo? Kanina ka pa hinihintay ng Papa mo at ng magiging bodyguard mo,” sabi niya. Napairap ako sa hangin. “Bakit po? Nasa akin ba ang pagkain kaya hinihintay nila ako?” masungit kong turan. Hindi pa ako nakakahakbang nang mabilis niya akong kinurot sa tagiliran, malapit sa singit. “Awww! Yaya naman! Ang sakit!” reklamo ko habang napaatras. “Masasaktan ka talaga sa akin! Pinalaki ba kita nang ganyan? Nagiging bastos ka na, Cassandra!” sermon niya, kasabay ng mahinang palo sa braso ko. Napahawak ako sa braso ko at sumimangot. “Yaya, grabe ka na sa akin! Child abuse na ’yan! Hindi mo na ba ako mahal? Lagi mo na lang akong kinukurot!” Nakanguso pa ako habang nakatingin sa kaniya, para bang batang pinagkaitan ng kendi. Ngunit sa halip na maawa, mas lalo lamang siyang napailing. “Sus! Mahal na mahal kita, kaya nga pinapagalitan kita. Kung hindi, bahala ka na sa buhay mo!” “Eh, bakit puro kurot ang pagmamahal mo?” “Dahil sobra kang pasaway! Kaya kailangan kang makurot sa singit para matauhan ka.” Napangiwi ako. “Yaya, ang sakit kaya no’n!” “Mas masakit ang ulo mo sa akin araw-araw. Kaya nagagalit ang Papa mo sa iyo. Hindi mo ba naisip na para sa iyo rin ang ginagawa ng ama mo? Nag-iingat lang siya dahil ayaw niyang maulit pa ang nangyari.” Napahinto ako. Nawala nang bahagya ang pagkakanguso ko. Alam ko naman iyon. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung bakit gustong-gusto ni Papa na may bodyguard ako. Ilang beses na akong napahamak dahil sa pagiging pasaway ko. May mga pagkakataong hindi ko na lang pinapansin ang mga paalala niya dahil pakiramdam ko ay masyado niya akong kinokontrol. Pero alam kong hindi iyon ang dahilan. Nag-iingat lang siya. Ayaw niyang may mangyaring masama sa akin. “Alam ko naman po ’yon, Yaya,” mahina kong sagot. “Pero Yaya naman, minsan nakakasakal na rin.” Napabuntong-hininga si Yaya Tessie. Pagkatapos ay inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakatakas sa pagkakatali. “Anak, hindi naman masama ang mag-ingat. Hindi ka na bata. Pero hangga’t kaya ng Papa mo, gagawin niya ang lahat para protektahan ka.” Napatingin ako sa kaniya. Si Yaya Tessie ang isa sa mga taong matagal nang nasa buhay ko. Siya ang nag-alaga sa akin mula noong bata pa ako. Kaya kahit minsan ay nakakainis ang mga sermon niya, alam kong may pagmamahal sa likod ng bawat salita. “Okay na po,” sagot ko, pilit na ngumingiti. “Promise, hindi na ako magpapasaway.” Tumaas ang kilay niya. “Talaga?” “Opo.” “Hindi ka na tatakas?” “Yaya naman, breakfast lang naman ang pupuntahan ko.” “Hindi iyon ang tinatanong ko.” Napatawa ako nang bahagya. “Fine. Hindi na ako tatakas… ngayong umaga.” “Cassandra!” “Joke lang po!” Umiling si Yaya Tessie, pero hindi na niya napigilan ang bahagyang pagngiti. “Hay naku, bata ka talaga. Tama na iyan. Halika na. Baka lalo pang magalit ang Papa mo sa iyo.” Wala na akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako palabas ng silid. “Yaya, kaya ko namang maglakad!” “Eh, bakit ang bagal mo?” “Dahan-dahan lang naman!” “Kung hindi kita hihilahin, baka bumalik ka pa sa kama mo.” “Hindi kaya!” “Talaga? Gusto mo bang subukan natin?” Napatahimik ako. Okay. May punto siya.Chapter FiveCassandra’s POV“Aaaaah!”Napahiyaw ako sa sobrang inis habang tuluyan kong isinara ang pinto ng aking silid.“Kabago-bago, nagpasikat na agad kay Papa!” reklamo ko habang padabog na naglalakad papunta sa aking closet.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang maging ganoon kaseryoso ng lalaking iyon. Ni hindi pa nga kami nagkakakilala nang maayos, pero kung umasta siya ay para bang matagal na niyang alam ang lahat tungkol sa akin.At ang mas nakakainis?Nakuha na agad niya ang loob ni Papa.Napailing ako habang kumukuha ng damit na susuotin ko. Isang simpleng T-shirt at maong na pantalon ang pinili ko. Wala akong balak mag-ayos nang bongga. Breakfast lang naman iyon, at hindi ko kailangang magmukhang prinsesa sa harap ng bago kong bodyguard.“Buwisit na Marcus Navarro,” bulong ko habang hinahagis ang damit sa kama.Ngunit kusa akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kanina.Kung hindi niya ako nasalo, baka bali-bali na ang buong katawan ko ngayon. Panigurad
Chapter 4Cassandra’s POVNapapikit ako nang tuluyang mapunit ang kumot na ginagamit kong panlusong mula sa bintana.“Juskooo!”Sigurado akong ilang segundo na lang, babagsak na ako sa semento. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang tanging nagawa ko ay ipikit nang mahigpit ang mga mata ko habang naghihintay sa hindi magandang mangyayari.Pero…Bakit parang hindi naman ako bumabagsak?Sa halip na maramdaman ang malakas na impact na inaasahan ko, tila may kung anong pumigil sa akin. Para akong nakalutang sa hangin. May nararamdaman akong matibay na bagay na sumusuporta sa akin.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.At doon ako natigilan.Isang lalaki ang nasa harapan ko.Matangkad. Malapad ang balikat. At sa unang tingin pa lang, masasabi kong hindi siya ordinaryong lalaki. Maayos ang pagkakasuot niya ng itim na polo, at ang mukha niyang tila walang bahid ng emosyon ay lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang dating.Pero ang pinakanakuha ng atensiyon ko ay ang mukha ni
Chapter 3Cassandra’s POV“Iha, gising na.”Naririnig ko ang boses ni Yaya Tessie mula sa tabi ng kama ko.“Yaya, why so noisy?” reklamo ko habang hinihila ang kumot hanggang sa ibabaw ng ulo ko. Pagkatapos, tumalikod ako at niyakap ang unan, umaasang kapag hindi ko siya pinansin ay kusa na lang siyang lalabas ng silid.“Cassandra, hija, gumising ka na. Baka mapagalitan ka na naman ng papa mo.”“Mamaya na, Yaya.”“Kapag hindi ka nag-ayos, baka ang papa mo pa ang sumundo sa iyo rito.”“Inaantok pa ako. Anong oras pa lang, Yaya?”“Gumising ka na. Darating na ang bago mong bodyguard.”Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot.Bodyguard.“Haist! Oo nga pala. Ngayon ang dating ng bago kong bodyguard,” bulong ko.Bigla kong naalala ang sinabi ni Papa kagabi. May bago na naman akong magiging bantay. Pang-isandaan na nga pala.“Yaya, masama ang pakiramdam ko.”“Naku, Cassandra! Huwag mo akong lokohin. Baka mapagalitan ka talaga ng papa mo. Bumangon ka na, baka siya pa ang sumundo sa iyo.”“Yay
Chapter TwoThe One Hundredth BodyguardMarcus POV“Sigurado ka na ba, sir?” tanong ni Bobby sa akin habang nakaupo ito sa gilid ng mesa, hawak ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa magiging kliyente namin.“Oo nga, sir. Baka puwedeng iba na lang ang tumanggap ng mission na ito?” segunda ni Troy, isa rin sa mga tauhan ko. Abala ito sa paglalaro ng ballpen sa pagitan ng mga daliri.“Pwede naman po sigurong ibang agent ang italaga natin?” muling tanong ni Bobby.Hindi ko sila pinansin.Patuloy lamang akong nagbabasa ng mga dokumentong nasa harapan ko. Ilang minuto na silang nagtatanong, at sa totoo lang, nagsisimula na akong mawalan ng pasensya.“Ang balita namin, matigas ang ulo at pasaway ang anak ni Don Rafael Villareal,” patuloy ni Bobby. “Kaya wala nang agency ang gustong humawak o magpadala ng mga tauhan nila. Wala pang isang araw, umaayaw na raw agad ang mga ito.”Napabuntong-hininga ako.Hindi na bago sa akin ang mga impormasyong iyon. Bago ko pa tanggapin ang assig
Chapter OneThe One Hundredth BodyguardCassandra’s POVBago ako tuluyang pumasok sa loob ng malaking bahay, maingat muna akong sumilip sa kaliwa at kanan. Huminga ng malalim.Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga kulisap ang maririnig sa gitna ng gabi. Halos patay na rin ang mga ilaw sa garden, maliban sa ilang nakasindi malapit sa main entrance.Wala ring mga guard na nag-iikot. Sa mga oras na ito.“Perfect.”Maingat akong humakbang palapit sa likod ng bahay.Walang ingay. Walang kaluskos. Para akong pusang palihim na pumapasok sa kusina para magnakaw ng pagkain. Wala man lang tunog ang bawat hakbang ko papasok sa loob.Kung may makakita sa akin sa ganitong oras, malamang hindi nila iisiping ako ang anak ng may-ari ng bahay na ito.Baka isipin pa nilang magnanakaw ako.Napangiti ako sa sarili ko.At least, kung magnanakaw man ang tingin nila sa akin, hindi nila ako mahuhuling walang dala. May dala akong bag na puno ng mga pinamili ko kanina.At maganda magnanakaw naman ako.Nang



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



