MIA POVTatlong taon na ang nakalipas simula ng umalis ako sa Pilipinas para pagbigyan ang gusto ni lola.Tatlong taon na nakalipas noong nakatayo ako sa airport na umiiyak habang magkahawak ang kamay namin ni Dominic na para bang ayaw namin bitawan ang isa’t isa.At ngayon matapos ang tatlong taon ay uuwi na ako.Tahimik akong nakatingin sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko. Masaya at excited na ako, pero mas lamang ang kaba na nararamdaman ko.Dahil ang pag uwi ko ay hindi lang dahil sa makikita ko na ang mga magulang ko kundi pati si Dominic.Dahan dahan kung hinahawan ang suot kung silver bracelet na ibinigay niya sa akin noon.Halos hindi ko na matandaan kung ilang beses kung kinakausap ang bracelet na ito. Saksi din ito sa lungkot, hirap, pangungulila at pag iyak ko sa loob ng taon na malayo ako. Ingat na ingat ako na hindi ito mawala dahil isa ito sa patunay ng pangako na binitawan namin sa isa’t isa ni Dominic.Biglang pumasok sa isip ko yung araw na binigay niya ‘to sa akin
Dernière mise à jour : 2026-11-06 Read More