Seraphina’s POVHindi ko alam kung kailan ako tuluyang nakatulog. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko, pilit na pinipigilan ang sariling umiyak.Akala ko, gagaan ang pakiramdam ko matapos kong sa wakas sabihin kay Alexander na gusto ko nang makipaghiwalay. Akala ko, malaya na ako. Pero ang totoo, masakit pa rin.Hindi naman basta-basta mawawala ang tatlong taong pagsasama namin dahil lamang nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipaghiwalay. Hindi rin mabubura sa isang iglap ang labintatlong taon kong pagmamahal sa kaniya.At iyon ang pinakanakakainis sa lahat.Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin, gusto ko pa rin siyang pigilan.Gusto kong marinig na ayaw niya akong mawala. Na kahit minsan, ayaw niyang matapos ang kung anuman ang mayroon kami.Pero hindi ganoong klaseng tao si Alexander.Hindi siya ang tipo ng lalaking magmamakaawa sa isang tao na manatili. Lalo na kung ako ang pinag-uusapan.Nanginginig na nagliwanag ang
Last Updated : 2026-11-07 Read more