Beranda / Romance / The Woman He Never Loved / Chapter 4: The Things We Never Said

Share

Chapter 4: The Things We Never Said

Penulis: gian_leeian
last update Tanggal publikasi: 2026-11-07 12:57:58

Seraphina's POV

"I want you to explain why my wife was looking for another man."

Napatingin ako kay Alexander.

Sandali akong natigilan, iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko.

My wife.

Ang dali niyang sabihin ng mga salitang iyon kapag may kailangan siya.

Niyakap ko ang sarili ko, saka siya hinarap.

"Why? Does it bother you?"

Bahagyang nanigas ang panga niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Seraphina."

"Hindi rin naman ako nagbibiro. Sinasagot lang kita."

"Pumunta ka talaga sa nightclub para maghanap ng ibang lalaki?"

Napatawa ako nang walang gana. "At least ngayon, interesado ka na kung saan ako nagpupunta."

"Seraphina, sagutin mo ako."

"Oo."

Agad na nagbago ang ekspresyon niya. "Oo?"

"Oo, Alexander. I went there because I wanted to spend the night with someone else. Masaya ka na?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Hindi ka na ba nag-iisip?"

Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "Siguro. But I wasn't the one who spent the last three years sleeping around."

"Magkaiba 'yon."

Napailing ako habang natatawa. "Talaga? Paano naging magkaiba?"

Lumapit siya sa akin. "Asawa kita."

"At asawa mo rin ako. Does that mean anything to you?"

Hindi siya sumagot.

"Exactly."

"Seraphina, you can't just—"

"Can't just what? Do something for myself? Have one night where I don't have to worry about your scandals, your mistresses, or your reputation?"

Itinuro ko siya gamit ang daliri ko. "Simula nang ikasal tayo, ginagawa mo lahat ng gusto mo. Hindi mo man lang iniisip kung ano ang mararamdaman ko. Pero kapag ako na ang gumawa, biglang bawal?"

"Kasi kasal ka sa akin!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong silid.

Sandali akong natahimik bago napangiti. Isang maliit at mapait na ngiti.

"Ayan ang problema, Alexander. Kasal ako sa'yo."

Umiwas siya ng tingin at napahawak sa buhok niya. "Who was he?"

Napakunot ang noo ko. "What?"

"The man you were supposed to meet. Who was he?"

Hindi ako makapaniwala sa kaniya. Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko, iyon lang pala ang gusto niyang malaman?

"Anong pakialam mo?"

"Sabihin mo na lang."

Umiling ako. "Wala kang karapatang tanungin kung sino ang lalaking gusto kong makasama. Ni minsan nga, hindi mo sinabi sa akin kung sino-sino ang mga babaeng nakasama mo."

"Wala ka na doon."

Dahan-dahan akong tumango. "Then neither do you."

Tumalikod ako at naglakad palayo. Akala ko ay tapos na ang usapan namin, pero napahinto ako nang muli siyang magsalita. "Did you sleep with him?"

Pumikit ako. Ilang segundo akong hindi nakasagot.

Paano ko ba ipapaliwanag na ang lalaking dapat kong makasama nang gabing iyon ay hindi naman ang lalaking nakasama ko sa huli? Paano ko sasabihin sa kaniya na sa kabila ng lahat, sa kaniya ko pa rin ibinigay ang unang pagkakataon ko?

Halos hindi ko matanggap ang kabalintunaan ng lahat.

"Does it matter?" mahina kong tanong.

"Seraphina, sagutin mo ako."

Lumingon ako sa kaniya. "Bakit? Nagseselos ka?"

Hindi siya sumagot. Napatawa ako nang mapait.

"Huwag mong sabihin sa akin na nagseselos si Alexander Dominic Montenegro."

"Stop putting words in my mouth."

"Edi huwag kang magtanong. Wala ka namang karapatan."

Nanginginig na ang boses ko. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. "Makinig ka. Whatever happened that night, wala ka nang pakialam. You and I are getting a divorce. 'Yun lang ang kailangan mong malaman."

Nilagpasan ko siya.

At sa pagkakataong iyon, hindi niya ako pinigilan.

---

Akala ko, iyon na ang huli naming pag-uusap tungkol sa nangyari. Pero mukhang may iba pang plano si Alexander.

Kinabukasan, nadatnan ko siyang nakaupo sa hapag-kainan.

May binabasa siya sa tablet habang dahan-dahang umiinom ng kape.

Sinubukan ko siyang lampasan nang hindi nagpapansinan, pero agad niya akong pinigilan. "Sit down."

Napahinto ako. "Excuse me?"

"Kailangan nating mag-usap."

Napabuntong-hininga ako. "Alexander, may gagawin pa ako."

"Five minutes."

Tinitigan ko siya bago tuluyang nagpasiyang umupo sa tapat niya.

Inilapag niya ang tablet sa mesa at saka ako hinarap. "I want you to stop the divorce proceedings."

Muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko. "I'm sorry?"

"Narinig mo ako."

Dahan-dahan kong inilapag ang tasa. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because this marriage isn't something you can simply throw away."

Tinitigan ko siya bago napatawa. "You're unbelievable."

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable ang pagsasama natin, tapos ngayon sasabihin mong hindi ko puwedeng basta na lang tapusin?"

Nanigas ang ekspresyon niya. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."

"Then what do you mean?"

Hindi siya sumagot.

Napailing ako. "Alexander, hindi ko kailangan ng pahintulot mo para makaalis sa relasyong hindi na ako masaya."

"You're making this more complicated than it needs to be."

Napangiti ako nang pilit. "Siyempre. Lagi namang nagiging komplikado kapag ako na ang pinag-uusapan."

Tumayo ako at kinuha ang handbag ko. "Have a nice day."

"Seraphina."

Hindi ko na siya pinansin.

Sa ngayon, wala akong panahong makipagtalo sa taong hindi man lang kayang unawain ang mga tanong na matagal ko nang itinatanong sa sarili ko.

---

Kinahapunan, tumawag si Isabella.

"Kumusta kayo?"

Nasa loob ako ng kotse, naghihintay na tumila ang ulan. "Terrible."

"Nalaman niya na?"

Alam ko agad kung ano ang tinutukoy niya. "Oo."

Sandaling natahimik si Isabella. "Tapos?"

"Alam na niyang ako 'yung babaeng nakasama niya sa nightclub."

"Oh, my God."

Isinandal ko ang ulo ko sa headrest. "He's furious."

"Of course. May ginawa kasi ang asawa niya na hindi niya kayang kontrolin."

Napatawa ako. "You're enjoying this too much."

"Sorry, but someone has to remind you that you're not the villain in this story."

Napatingin ako sa labas ng bintana.

Sa loob ng mahabang panahon, kinumbinsi ko ang sarili kong bahagi ng pagiging mabuting asawa ang pag-unawa sa lahat ng ginagawa ni Alexander.

Tiniis ko ang madalas niyang pag-uwi nang gabi.

Tiniis ko ang mga babae niya.

Tiniis ko ang paulit-ulit na kahihiyang idinulot niya sa akin.

At sa tuwing naiisip kong sumuko, lagi kong ipinapaalala sa sarili ko na pinili ko siya.

Pero hindi ibig sabihin na dahil pinili ko ang isang tao, kailangan ko na ring tanggapin ang lahat ng sakit na idinudulot niya sa akin.

"Bella?"

"Hmm?"

"Do you think I'll ever stop loving him?"

Lumambot ang boses niya. "Yes, Sera. Maybe not today. Maybe not tomorrow. But eventually, you will."

Napalunok ako. "Sana nga."

"Ngayon, umuwi ka na. Kumain ka nang maayos. At tigilan mo na muna ang pag-iisip tungkol sa lalaking 'yon."

Napangiti ako nang bahagya. "Okay, 'ma."

"Huwag mo akong tawaging ganyan. Masyado akong maganda para maging nanay mo."

Napatawa ako.

Sa unang pagkakataon sa araw na iyon, totoo ang naging ngiti ko.

---

Nang gabing iyon, nakatanggap ako ng mensahe mula sa mama ko.

Mom: Anak, pwede ka bang umuwi ngayong linggo? I miss you.

Ilang sandali akong nakatitig sa mensahe.

Palaging mapagmasid ang mama ko. Bago ko pa man sabihin sa kaniya na may problema sa pagsasama namin ni Alexander, alam na niyang may hindi tama.

Nagtipa ako ng sagot.

Me: Sige, Ma. Bibisita ako ngayong linggo.

Ilang segundo lang ang lumipas bago muling nag-vibrate ang cellphone ko.

Mom: Okay lang ba kayo ni Alexander?

Nagdalawang-isip ako.

Ayokong magsinungaling.

Me: We're getting divorced, Ma.

Ilang sandali akong naghintay bago dumating ang sagot niya.

Mom: Pwede nating pag-usapan 'yan pag-uwi mo rito. Kahit anong mangyari, anak pa rin kita. Hindi mo kailangang magdusa para lang mapanatili ang pagsasama ninyo.

Pinagdikit ko ang mga labi ko. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Marahil, masyado akong naging abala sa paghahanap ng pagmamahal mula sa isang taong hindi naman kailanman nagkusang ibigay iyon sa akin kaya nakalimutan kong may mga taong nagmamahal sa akin nang walang hinihinging kapalit.

---

Alexander's POV

Nasa loob ako ng opisina at tinitingnan ang mga dokumentong inilapag ni Nathaniel sa ibabaw ng mesa ko.

"Here are the final reports, sir."

Binuksan ko ang folder. Nasa loob nito ang mga litrato mula sa nightclub, booking records, at salaysay ng isa sa mga staff na naka-duty noong gabing iyon.

Walang duda. Si Seraphina nga ang nag-book ng VIP room. May hinihintay nga siyang ibang lalaki. At dahil sa pagkakamali sa room assignment, ako ang napunta roon.

Sumandal ako sa upuan habang patuloy na sinusuri ang mga dokumento.

"Alam ba niya na ako ang pumasok sa room?"

"We can't confirm that, sir."

Napatingin ako sa isang litrato.

Naalala ko ang pulang damit niya.

Ang pabango niya.

Kung paano siya natawa nang sabihin kong kamukha niya ang asawa ko.

At ang sinabi niya pagkatapos noon.

Your wife must be a very unfortunate woman.

Pumikit ako. Hindi ko iyon gaanong pinansin noong gabing iyon. Pero ngayon, iba na ang dating ng alaala.

"Anything else?" tanong ko.

Nag-atubili si Nathaniel bago sumagot.

"There's something else you should know, sir."

"What?"

"Si Mrs. Montenegro po, nakipag-ugnayan na sa isang law firm tungkol sa divorce."

Napalingon ako sa kaniya. "When?"

"Yesterday, sir."

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa folder. "Alamin mo kung anong law firm."

"Sir?"

"I want to know who's handling her case."

Tumango siya. "Understood, sir."

Nang makalabas ang assistant ko, muli kong ibinalik ang tingin sa mga dokumento.

Sa loob ng tatlong taon, palaging nariyan si Seraphina.

Naghihintay.

Umiintindi.

Nagpapatawad.

At ngayon, gusto na niyang umalis.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako mapakali sa tuwing naiisip ko iyon.

I had never promised to love her.

I had never asked her to wait for me.

So why did the thought of her walking away feel like I was losing something I had always owned?

Tumunog ang cellphone ko.

Isang notification ang lumitaw sa screen.

Vivienne Laurent.

It's been a while, Alexander. Nasa city na uli ako. Sana magkita tayo.

Nakatitig lang ako sa mensahe.

Ilang sandali pa, may panibagong notification na pumasok.

I've missed you.

Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone sa mesa.

At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi si Vivienne ang unang taong pumasok sa isip ko.

Si Seraphina.

Ang asawa ko.

Ang babaeng sa loob ng labintatlong taon ay naghintay na mahalin ko rin siya.

At ang babaeng ngayon ay ayaw nang maghintay pa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Woman He Never Loved    Chapter 5: The Woman From His Past

    Seraphina's POVMay mga bagay na kahit ilang taon mong piliting kalimutan, mananatili pa rin sa isang sulok ng iyong isipan. At para kay Alexander, alam kong isa sa mga bagay na iyon ay si Vivienne Laurent. Hindi ko kailanman nakalimutan ang pangalan niya.Paano ko naman makakalimutan?Siya lang naman ang minahal ni Alexander. The woman whose photographs I had accidentally seen on his phone. The woman whose name he sometimes muttered in his sleep during the early months of our marriage.At ang babaeng kailanman hindi ko mapapantayan.Hindi naman ako kailanman nakipagkompetensiya sa kaniya. Hindi ko rin naman gustong gawin iyon. Pero may mga gabi na itinatanong ko sa sarili ko kung ano bang mayroon siya na wala ako.Mas maganda ba siya? Mas matalino? Mas nakakaakit?O siya lang talaga ang gusto ni Alexander?Napailing ako sa naiisip.Hindi ko dapat siya iniisip. After all, I was getting divorced.''Kung tumitig ka sa kape mo, para kang inaapi.''Napatingin ako kay Isabella na kasalukuy

  • The Woman He Never Loved    Chapter 4: The Things We Never Said

    Seraphina's POV"I want you to explain why my wife was looking for another man."Napatingin ako kay Alexander.Sandali akong natigilan, iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko.My wife.Ang dali niyang sabihin ng mga salitang iyon kapag may kailangan siya.Niyakap ko ang sarili ko, saka siya hinarap."Why? Does it bother you?"Bahagyang nanigas ang panga niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Seraphina.""Hindi rin naman ako nagbibiro. Sinasagot lang kita.""Pumunta ka talaga sa nightclub para maghanap ng ibang lalaki?"Napatawa ako nang walang gana. "At least ngayon, interesado ka na kung saan ako nagpupunta.""Seraphina, sagutin mo ako.""Oo."Agad na nagbago ang ekspresyon niya. "Oo?""Oo, Alexander. I went there because I wanted to spend the night with someone else. Masaya ka na?"Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Hindi ka na ba nag-iisip?"Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "Siguro. But I wasn't the one who sp

  • The Woman He Never Loved    Chapter 3: The Woman In His Bed

    ‎Seraphina’s POV‎Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang nakatulog. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko, pilit na pinipigilan ang sariling umiyak.‎Akala ko, gagaan ang pakiramdam ko matapos kong sa wakas sabihin kay Alexander na gusto ko nang makipaghiwalay. Akala ko, malaya na ako. ‎Pero ang totoo, masakit pa rin.‎Hindi naman basta-basta mawawala ang tatlong taong pagsasama namin dahil lamang nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipaghiwalay. Hindi rin mabubura sa isang iglap ang labintatlong taon kong pagmamahal sa kaniya.‎At iyon ang pinakanakakainis sa lahat.‎Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin, gusto ko pa rin siyang pigilan.‎Gusto kong marinig na ayaw niya akong mawala. Na kahit minsan, ayaw niyang matapos ang kung anuman ang mayroon kami.‎Pero hindi ganoong klaseng tao si Alexander.‎Hindi siya ang tipo ng lalaking magmamakaawa sa isang tao na manatili. Lalo na kung ako ang pinag-uusapan.‎Nanginginig na nagliwanag ang

  • The Woman He Never Loved    Chapter 2: The Woman He Was Looking For

    ‎Seraphina's POV‎‎Ngayon ko lang kinamuhian ang sarili ko nang ganito.‎‎Sa lahat ng lalaking pwede kong makasama, sa lahat ng estrangherong pwede kong paglaanan ng isang gabi, bakit sa sarili ko pang asawa ako napunta?‎‎Alexander Dominic Montenegro.‎‎Ang lalaking minahal ko ng labintatlong taon. ‎Yung lalaking pinangakuan ko ang sarili kong titigilan ko na ring mahalin. ‎At ang masaklap pa, siya pa ang kumuha ng pagkababae ko.‎Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nangyari. Kung may award lang para sa pinakamalas na babae sa mundo, siguradong ako na iyon.‎‎Pangarap ko noong maging espesyal ang una ko. Akala ko, gagawin ko 'yon sa piling ng taong mahal din ako—yung hahawakan ang kamay ko pagkatapos at ipaparamdam na hindi lang ako isang gabing madaling limutin.‎Pero ang sakit... kasi nangyari 'to sa lalaking ni hindi man lang maalala o makilala ang sarili niyang asawa.‎Ang bobo ko. Ang kawawa ko.‎Tumayo ako a

  • The Woman He Never Loved    Chapter 1: The Last Night I Loved Him

    ‎SERAPHINA'S POV‎"Don't expect anything from me, Seraphina."‎‎Hindi man lang ako tiningnan ni Alexander habang sinasabi niya iyon. Abala siya sa pagtanggal ng kaniyang relo, para bang wala lang sa kaniya ang mga salitang binitiwan niya ilang segundo lamang matapos ang aming kasal.‎‎"Just because we're married doesn't mean you own me."‎‎Napatigil ako.‎‎Iyon ba talaga ang unang bagay na gusto niyang ipaalam sa akin bilang asawa niya?‎‎Hindi ako sumagot. Ngumiti lamang ako at tumango, kahit pa pakiramdam ko'y may kung anong bagay sa loob ng dibdib ko ang tuluyang nabasag.‎‎Thirteen years.‎‎Labintatlong taon kong hinintay na maging asawa niya. Labintatlong taon kong inisip kung ano kaya ang pakiramdam na mahalin din ako ng lalaking matagal ko nang minamahal.‎‎Pero para kay Alexander Dominic Montenegro, hindi ako ang babaeng pinili niya. Isa lamang akong babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng dalawang pamilya. At kahit alam kong hindi niya ako mahal, naniwala pa rin akong baka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status