Beranda / Romance / The Woman He Never Loved / Chapter 2: The Woman He Was Looking For

Share

Chapter 2: The Woman He Was Looking For

Penulis: gian_leeian
last update Tanggal publikasi: 2026-11-07 12:44:56

‎Seraphina's POV

‎

‎Ngayon ko lang kinamuhian ang sarili ko nang ganito.

‎

‎Sa lahat ng lalaking pwede kong makasama, sa lahat ng estrangherong pwede kong paglaanan ng isang gabi, bakit sa sarili ko pang asawa ako napunta?

‎

‎Alexander Dominic Montenegro.

‎

‎Ang lalaking minahal ko ng labintatlong taon. ‎Yung lalaking pinangakuan ko ang sarili kong titigilan ko na ring mahalin. ‎At ang masaklap pa, siya pa ang kumuha ng pagkababae ko.

‎Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nangyari. Kung may award lang para sa pinakamalas na babae sa mundo, siguradong ako na iyon.

‎

‎Pangarap ko noong maging espesyal ang una ko. Akala ko, gagawin ko 'yon sa piling ng taong mahal din ako—yung hahawakan ang kamay ko pagkatapos at ipaparamdam na hindi lang ako isang gabing madaling limutin.

‎Pero ang sakit... kasi nangyari 'to sa lalaking ni hindi man lang maalala o makilala ang sarili niyang asawa.

‎Ang bobo ko. Ang kawawa ko.

‎Tumayo ako at pumasok sa banyo. Umaasa akong mahuhugasan ng malamig na tubig ang kahihiyan ko. ‎Pero hindi pa rin.

‎

‎Pagkatapos kong magbihis, tiningnan ko ang oras sa phone. Ala-sais na ng gabi.

‎

‎Dinner. Of course.

‎

‎Isa na namang family gathering kung saan kailangan ko na namang magpanggap na perpekto ang kasal namin.

‎Pinili ko ang itim na silk dress sa closet ko at nag-umpisa nang mag-ayos. Inaayos ko pa lang ang hikaw ko nang marinig ko ang pamilyar na boses niya mula sa hallway.

‎Alexander.

‎

‎Bahagyang nakabukas ang p***o ng kwarto niya kaya naririnig ko siya mula dito.

‎

‎''Hanapin mo siya.''

‎

‎I froze.

‎

‎Sandali siyang napahinto bago magsalita muli.

‎

‎''I don't care how you do it, Nathaniel. Check the guest records, security footage, and everyone who entered that VIP section last night.''

‎

‎Humigpit ang hawak ko sa hikaw.

‎

‎Kagabi?

‎

‎''She wasn't the woman I was supposed to meet. Someone made a mistake, and I want to know who she was.''

‎

‎Parang nanghina ang buong katawan ko sa kaba. Diyos ko po.

‎

‎''Basta hanapin mo siya. Gusto kong malaman sino siya ngayong araw.''

‎

‎Natapos ang usapan nila.

‎

‎Ilang segundo akong hindi makagalaw. Hinahanap niya ako. ‎Hinahanap niya ang babae na nakasiping niya kagabi, walang kaalam-alam na ako iyon.

‎

‎Napalunok ako. Anong mangyayari kung malaman niya ang katotohanan? Magagalit ba siya? Aakusahan kaya niya ako na ako ang nag-plano ng lahat? Isipin kaya niyang ginawa ko 'to para lang makuha ang atensyon niya?

‎

‎Kilala ko si Alexander. Hindi ko na kailangang hulaan pa kung gaano kakasama ang susunod na mangyayari. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Hindi ko na ulit hahayaang baligtarin niya ang sitwasyon para sa huli, ako na naman ang magmakaawa at humingi ng tawad sa sakit na dinulot niya. Pero higit sa lahat, ayokong malaman niya. Ayokong malaman niyang ang babaeng inangkin niya nakaraang gabi ay ang mismong asawang tatlong taon niyang itinuring na parang hangin.

‎

‎Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tinitigan ako ng sarili kong repleksyon. ‎At sa sandaling ito, alam ko na anong gagawin ko.

‎

‎Divorce.

‎

‎Hindi bukas. Hindi sa susunod na linggo.

‎

‎Agad-agad.

‎

‎Aalis na ako bago pa niya malaman ang totoo. Aalis ako rito bago pa niya magawan ng paraan na tapak-tapakan uli ang pagkatao ko.

‎

‎Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang contacts.

‎

‎Isabella Reyes.

‎

‎Nagtipa ako ng mensahe.

‎

‎Bella, kailangan ko ng lawyer. Someone who handles divorce proceedings. Pwede mo ba akong matulungan?

‎

‎Tinitigan ko nang matagal ang mensahe bago ko i-send.

‎

‎Inilagay ko na ang phone sa aking handbag.

‎Sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na tatlong taon, tumigil na ako sa paghahanap ng paraan para ipaglaban ang pagsasama namin. Nagpaplano na ako paano tapusin ito.

‎

---

‎

‎Puno na ang dining room nang makarating ako.

‎

‎Nakaupo si Tito Hector Montenegro sa pinakadulo ng hapag kainan habang may binabasang ilang mga dokumento. Katabi nito ay ang ina ni Alexander, na sinalubong ako ng isang matamis na ngiti.

‎

‎''Seraphina, darling. You look lovely tonight.''

‎

‎''Salamat, tita.''

‎

‎Nakaupo si Alexander mismo sa tapat ng bakanteng upuan na para sa akin. Ni hindi niya man lang ako nilingon.

‎

‎Umupo ako at binuklat ang aking table napkin.

‎

‎''Saan ka galing?'' bigla niyang tanong.

‎

‎Lumingon ako sa kaniya. ''Nag-ready.''

‎

‎Nanliit ang mga mata niya, na para bang may gusto pa siyang itanong. Pero hindi niya ginawa. Marahil, busy pa rin siya sa paghahanap ng babaeng nakasama niya kagabi. ‎Muntik na akong matawa sa naisip ko.

‎Nagpatuloy ang hapunan kasama ang mga karaniwang kuwentuhan. Nag-discuss lang si Tito Hector tungkol sa paparating na business merger, samantalang ang nanay ni Alexander ay isiningit ang patungkol sa invitation sa charity gala.

‎Sumasagot lang ako kapag kailangan, ngumingiti.

‎

‎Ibinaba ni Tito Hector ang kaniyang glass. ''May gusto akong pag-usapan tungkol sa inyong dalawa.''

‎

‎Napaupo nang maayos si Alexander. ''Ano iyon?''

‎

‎''Your mother and I have been talking. Tumatanda na kami, at gusto na namin magkaroon ng mga apo habang malusog pa kami at malaro namin sila.''

‎

‎Dahan-dahan kong ibinaba ang tinidor na hawak ko.

‎

‎Ito na naman tayo.

‎

‎''Tatlong taon na rin simula nang ikasal kayo,'' Pagpapatuloy ni Tito Hector. ''Oras na siguro para magkaanak kayo.''

‎

‎Nanatiling tahimik si Alexander.

‎

‎Ngumiti sa amin ang nanay nito.

‎

‎''Gusto namin magkaroon ng apo, Seraphina. Imagine, having a little one running around this house.''

‎

‎Ngumiti ako nang pilit. ''That's very thoughtful of you, Tita.''

‎

‎''Then perhaps you and Alexander should start trying.''

‎

‎Tumingin ako sa lalaking nakaupo sa harap ko. Hindi niya man lang nililingon ang direksiyon ko.

‎

‎Anak? Sa lalaking hindi man lang kayang magbigay ng kahit kaunting pagpapahalaga?

‎

‎Nakatatawang isipin.

‎

‎I placed my utensils down. ''Sa tingin ko ay hindi mangyayari iyon.''

‎

‎Tito Hector frowned. ''Anong ibig mong sabihin?''

‎

‎Tumuwid ako ng postura at tumingin nang diretso sa kaniya. ''There won't be a child.''

‎

‎Naglaho ang ngiti ng biyenan ko. ''Seraphina?''

‎

‎Huminga ako nang malalim. ''Because I'm planning to divorce Alexander.''

‎

‎Katahimikan. Natahimik ang buong dining room.

‎

‎Napalingon sa akin si Alexander. ''Ano?''

‎

‎Tinitigan ko siya. ''Narinig mo naman siguro ako.''

‎

‎''Anong pinagsasabi mo, Seraphina?''

‎

‎Agad na tumayo si Tito Hector. ''Hindi ka ba nag-iisip? How dare you bring up something like this during dinner?''

‎

‎Tiningnan ko siya nang kalmado. ''Dapat siguro tinanong niyo muna kung masaya ba kami sa isa't isa ng anak niyo bago kayo humiling ng apo.''

‎

‎''Seraphina!'' Sigaw ng nanay ni Alexander.

‎

‎''Pasensya na, tita pero ayokong magdala ng anak sa isang relasyong wasak na.''

‎

‎Tumayo ako at kinuha ang handbag. ''Excuse me.''

‎

‎Hindi pa man ako nakakadalawang lakad nang marinig kong tumayo mula sa pagkakaupo si Alexander. ''Seraphina. Sandali.''

‎

‎Nagpatuloy ako sa paglalakad.

‎

‎''Seraphina!''

‎

‎Ramdam kong sinusundan niya ako.

‎

‎Nang makarating ako sa hagdan, marahas niyang hinawakan ang pulso ko.

‎

‎''What the hell was that?''

‎

‎Tiningnan ko ang kamay niya bago siya titigan. ''Bitawan mo ako.''

‎

‎''Hangga't hindi mo ipapaliwanag sinabi mo kanina.''

‎

‎I pulled my wrist away. ''Anong kailangan kong ipaliwanag?''

‎

‎''Gusto mong makipag-divorce?''

‎

‎Tumawa ako. Hindi dahil may nakakatawa, pero sa dahilan na tinatanong niya ako.

‎

‎''Oo, Alexander. A divorce. Mahirap ba intindihin 'yun?''

‎

‎''Bakit?''

‎

‎Tinitigan ko siya. At tumawa uli. ''Bakit?'' Nanginig ang boses ko. ''Seryoso ka ba?''

‎

‎''Oo. What brought this on all of a sudden?''

‎

‎''All of a sudden?''

‎

‎Napailing ako. ''God, Alexander. Gusto mo ba isa-isahin ko kung bakit?''

‎

‎Wala siyang sinabi.

‎

‎''Oh sige. Simulan natin sa mga babae mo.''

‎

‎Umigting ang panga niya. ''Huwag ngayon.''

‎

‎''Oh, we're definitely doing this again.''

‎

‎Lumapit ako sa kaniya. ''Ilang babae ang dinala mo simula nang ikasal tayo? Ilang beses akong nagising at nalamang may scandal ka? Ilang beses akong nakatanggap ng tawag kay Nathaniel asking me to help up another mess you've made?''

‎

‎''Tama na.''

‎

‎''Hindi. Hindi pa ako tapos.'’ Ngayon lang ako nagtaas ng boses.

‎

‎''Hindi mo ba alam anong kahihiyan ang makita mo ang sarili mong asawa na may hinahalikang ibang babae? Kung paano pag-usapan ng mga tao ang tungkol sa atin? To smile in front of everyone when all you want to do is disappear?''

‎

‎Umiwas siya ng tingin.

‎

‎''At alam mo anong malala? Ako ang pumoprotekta sa'yo.'' Nagsimulang manakit ang mga mata ko. ''I was the one calling people, arranging statements, and making sure those pictures disappeared. Prinoktetahan kita kahit alam kong mali ka.''

‎

‎Napalunok ako. ''Alam mo kung bakit?''

‎

‎Hindi siya sumagot.

‎

‎''Because I loved you.'' The words came out quieter than I intended. ''Sa loob ng labintatlong taon, Alexander. Labintatlong taon.''

‎

‎Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, pero hindi ko matukoy kung ano ang nasa isip niya.

‎

‎''I loved you when I was thirteen. I loved you when you ignored me. I loved you when you told me you would never love me. And I still loved you when you married me just because our families wanted you to.'' Pinunasan ko ang gilid ng aking mata. ''Pero pagod na ako ngayon.''

‎

‎''Seraphina-''

‎

‎''Hindi. Hayaan mo akong matapos.''

‎

‎I took a shaky breath. ''Tatlong taon akong nagpaka-asawa kahit hindi ko nararamdaman. Uuwi ka kung kailan mo gusto. Aalis ka kung kailan mo gusto. Matutulog ka kahit saan, kung kani-kanino. At eto ako, nagpapanggap na hindi masakit.''

‎

‎Nanginig ang boses ko. ''Alam mo ba kung gaano kalungkot yung ganoon?''

‎

‎Sa sandaling ito, nanatili siyang tahimik.

‎

‎Then I spoke. ''Alam kong hindi mo ako mahal nung pinakasalan mo ako.''

‎

‎Ngumiti ako nang mapait.

‎

‎''Yes. I did.''

‎

‎Dahan-dahan akong tumango. ''At ang tanga ko lang na naniwala ako na baka isang araw, mamahalin mo rin ako.'' Lumingon ako sa kaniya sa huling beses. ''Pero ayoko nang maghintay.''

‎

‎Kinuha ko ang handbag at kinuha ang envelope na naglalaman ng divorce papers. I placed it against his chest. ''Pirmahan mo 'yan, Alexander.''

‎

‎Tinignan niya ang envelope. ''Seryoso ka ba?''

‎

‎''More serious than I've ever been about anything.''

‎

‎Lumayo ako sa kaniya. ''Huwag kang mag-alala. You don't have to deal with me anymore. Pwede ka na mag-uwi ng ilang babae. Pwede mo na gawin lahat nang hindi mo kailangan mag-alala na may asawang naghihintay sa'yo.''

‎

‎Ngumiti ako nang pilit. ''Ayun naman ang gusto mo diba?''

‎

‎Tumalikod na ako at nagsimulang umakyat sa hagdan.

‎

‎Sa sandaling ito, hindi niya na ako pinigilan. At sa pagkakataong ito, hindi na ako nag-abalang lumingon o maghintay na tawagin niya ako. Dahil naliwanagan na ako sa wakas. Madali lang mahalin si Alexander Montenegro.

‎

‎Pero ang iwanan siya?

‎

‎Mahirap.

‎

‎Pero gagawin ko pa rin.

‎

‎

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Woman He Never Loved    Chapter 5: The Woman From His Past

    Seraphina's POVMay mga bagay na kahit ilang taon mong piliting kalimutan, mananatili pa rin sa isang sulok ng iyong isipan. At para kay Alexander, alam kong isa sa mga bagay na iyon ay si Vivienne Laurent. Hindi ko kailanman nakalimutan ang pangalan niya.Paano ko naman makakalimutan?Siya lang naman ang minahal ni Alexander. The woman whose photographs I had accidentally seen on his phone. The woman whose name he sometimes muttered in his sleep during the early months of our marriage.At ang babaeng kailanman hindi ko mapapantayan.Hindi naman ako kailanman nakipagkompetensiya sa kaniya. Hindi ko rin naman gustong gawin iyon. Pero may mga gabi na itinatanong ko sa sarili ko kung ano bang mayroon siya na wala ako.Mas maganda ba siya? Mas matalino? Mas nakakaakit?O siya lang talaga ang gusto ni Alexander?Napailing ako sa naiisip.Hindi ko dapat siya iniisip. After all, I was getting divorced.''Kung tumitig ka sa kape mo, para kang inaapi.''Napatingin ako kay Isabella na kasalukuy

  • The Woman He Never Loved    Chapter 4: The Things We Never Said

    Seraphina's POV"I want you to explain why my wife was looking for another man."Napatingin ako kay Alexander.Sandali akong natigilan, iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko.My wife.Ang dali niyang sabihin ng mga salitang iyon kapag may kailangan siya.Niyakap ko ang sarili ko, saka siya hinarap."Why? Does it bother you?"Bahagyang nanigas ang panga niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Seraphina.""Hindi rin naman ako nagbibiro. Sinasagot lang kita.""Pumunta ka talaga sa nightclub para maghanap ng ibang lalaki?"Napatawa ako nang walang gana. "At least ngayon, interesado ka na kung saan ako nagpupunta.""Seraphina, sagutin mo ako.""Oo."Agad na nagbago ang ekspresyon niya. "Oo?""Oo, Alexander. I went there because I wanted to spend the night with someone else. Masaya ka na?"Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Hindi ka na ba nag-iisip?"Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "Siguro. But I wasn't the one who sp

  • The Woman He Never Loved    Chapter 3: The Woman In His Bed

    ‎Seraphina’s POV‎Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang nakatulog. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko, pilit na pinipigilan ang sariling umiyak.‎Akala ko, gagaan ang pakiramdam ko matapos kong sa wakas sabihin kay Alexander na gusto ko nang makipaghiwalay. Akala ko, malaya na ako. ‎Pero ang totoo, masakit pa rin.‎Hindi naman basta-basta mawawala ang tatlong taong pagsasama namin dahil lamang nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipaghiwalay. Hindi rin mabubura sa isang iglap ang labintatlong taon kong pagmamahal sa kaniya.‎At iyon ang pinakanakakainis sa lahat.‎Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin, gusto ko pa rin siyang pigilan.‎Gusto kong marinig na ayaw niya akong mawala. Na kahit minsan, ayaw niyang matapos ang kung anuman ang mayroon kami.‎Pero hindi ganoong klaseng tao si Alexander.‎Hindi siya ang tipo ng lalaking magmamakaawa sa isang tao na manatili. Lalo na kung ako ang pinag-uusapan.‎Nanginginig na nagliwanag ang

  • The Woman He Never Loved    Chapter 2: The Woman He Was Looking For

    ‎Seraphina's POV‎‎Ngayon ko lang kinamuhian ang sarili ko nang ganito.‎‎Sa lahat ng lalaking pwede kong makasama, sa lahat ng estrangherong pwede kong paglaanan ng isang gabi, bakit sa sarili ko pang asawa ako napunta?‎‎Alexander Dominic Montenegro.‎‎Ang lalaking minahal ko ng labintatlong taon. ‎Yung lalaking pinangakuan ko ang sarili kong titigilan ko na ring mahalin. ‎At ang masaklap pa, siya pa ang kumuha ng pagkababae ko.‎Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nangyari. Kung may award lang para sa pinakamalas na babae sa mundo, siguradong ako na iyon.‎‎Pangarap ko noong maging espesyal ang una ko. Akala ko, gagawin ko 'yon sa piling ng taong mahal din ako—yung hahawakan ang kamay ko pagkatapos at ipaparamdam na hindi lang ako isang gabing madaling limutin.‎Pero ang sakit... kasi nangyari 'to sa lalaking ni hindi man lang maalala o makilala ang sarili niyang asawa.‎Ang bobo ko. Ang kawawa ko.‎Tumayo ako a

  • The Woman He Never Loved    Chapter 1: The Last Night I Loved Him

    ‎SERAPHINA'S POV‎"Don't expect anything from me, Seraphina."‎‎Hindi man lang ako tiningnan ni Alexander habang sinasabi niya iyon. Abala siya sa pagtanggal ng kaniyang relo, para bang wala lang sa kaniya ang mga salitang binitiwan niya ilang segundo lamang matapos ang aming kasal.‎‎"Just because we're married doesn't mean you own me."‎‎Napatigil ako.‎‎Iyon ba talaga ang unang bagay na gusto niyang ipaalam sa akin bilang asawa niya?‎‎Hindi ako sumagot. Ngumiti lamang ako at tumango, kahit pa pakiramdam ko'y may kung anong bagay sa loob ng dibdib ko ang tuluyang nabasag.‎‎Thirteen years.‎‎Labintatlong taon kong hinintay na maging asawa niya. Labintatlong taon kong inisip kung ano kaya ang pakiramdam na mahalin din ako ng lalaking matagal ko nang minamahal.‎‎Pero para kay Alexander Dominic Montenegro, hindi ako ang babaeng pinili niya. Isa lamang akong babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng dalawang pamilya. At kahit alam kong hindi niya ako mahal, naniwala pa rin akong baka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status