Home / Romance / The Woman He Never Loved / Chapter 5: The Woman From His Past

Share

Chapter 5: The Woman From His Past

Author: gian_leeian
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-07 13:07:31

Seraphina's POV

May mga bagay na kahit ilang taon mong piliting kalimutan, mananatili pa rin sa isang sulok ng iyong isipan. At para kay Alexander, alam kong isa sa mga bagay na iyon ay si Vivienne Laurent. Hindi ko kailanman nakalimutan ang pangalan niya.

Paano ko naman makakalimutan?

Siya lang naman ang minahal ni Alexander. The woman whose photographs I had accidentally seen on his phone. The woman whose name he sometimes muttered in his sleep during the early months of our marriage.

At ang babaeng kailanman hindi ko mapapantayan.

Hindi naman ako kailanman nakipagkompetensiya sa kaniya. Hindi ko rin naman gustong gawin iyon. Pero may mga gabi na itinatanong ko sa sarili ko kung ano bang mayroon siya na wala ako.

Mas maganda ba siya? Mas matalino? Mas nakakaakit?

O siya lang talaga ang gusto ni Alexander?

Napailing ako sa naiisip.

Hindi ko dapat siya iniisip. After all, I was getting divorced.

''Kung tumitig ka sa kape mo, para kang inaapi.''

Napatingin ako kay Isabella na kasalukuyang nakaupo sa harap ko.

''Totoo ba?''

''Oo. And it's getting concerning.''

Napangiti ako habang iniikot ang kutsara sa tasa.

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal sa isang café malapit sa nightclub. She had insisted that I accompany her because, according to her, I had been spending too much time inside the house.

''Nakausap mo na ba lawyer mo?'' tanong niya.

Tumango ako. ''Kahapon lang. Hinahanda na niya ang mga kakailanganing papeles.''

''Si Alexander?''

''Hindi pa siya pumipirma.''

Napairap si Isabella. ''Of course he hasn't.''

Napakibit-balikat ako. ''Baka busy lang siya.''

''Busy saan? Sa pambababae?''

Muntik na akong matawa. ''Huwag kang magsimula.''

''Seryoso ako, Sera. That man needs to understand that you're not one of his business properties.''

Lumingon ako sa labas ng bintana. ''Alam ko.''

''Talaga ba?''

Lumingon ako sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago inabot ang kamay ko. ''Look, alam kong mahal mo siya. Alam kong hindi madali na iwan siya. But please, don't let him convince you that you're making a mistake.''

Napangiti ako. ''I won't.''

''Promise?''

''Promise.''

For the first time in a long while, ngayon lang ako naniwala sa sinabi ko.

---

Pag-uwi ko nang gabing iyon, nadatnan ko si Alexander sa sala. Nakasandal siya sa sofa habang may kausap sa telepono. Hindi ko na pinansin ang presensiya niya at dumiretso sa hagdan.

''Seraphina.''

Huminto ako. ''What?''

''Pupunta ka sa bahay ng mother mo ngayong linggo?''

Napaangat ako ng kilay. ''Oo.''

''Kailan?''

''Sabado.''

Tumango lamang siya. ''Gaano ka katagal doon?''

Isinara ko ang librong hawak ko. ''Bakit?''

''Nagtatanong lang.''

Tinitigan ko lang siya. ''Kailan ka nagkaroon ng pake sa akin?''

Umigting ang panga niya. ''Pwede mo bang tigilan kakaganiyan mo?''

''Ang alin?''

''Turning every conversation into an argument.''

Natawa ako nang mahina. ''Alexander, hindi tayo nag-aaway. Nag-uusap lang tayo.''

''Pinapakumplikado mo lahat.''

Tiningnan ko siya nang ilang segundo.

Ito na naman tayo.

Minsan, siya ang nagtatanong pero ako pa rin ang may problema.

''Okay. Pupunta ako sa bahay ni Mama sa Sabado. Okay na ba?''

Napabuntong-hininga siya. ''Forget it.''

Tumalikod na siya. Pero bago siya tuluyang makalayo, nagsalita ako.

''By the way, congratulations.''

Napahinto siya. ''Para saan?''

Ngumiti ako nang maliit. ''Narinig ko bumalik si Vivienne.''

His shoulders stiffened. Nagpatuloy ako bago pa man siya makapagsalita. ''Now you don't have to miss her from a distance anymore.''

''Sino nagsabi sa'yo?''

Nagkibit-balikat ako. ''Does it matter?''

''Seraphina.''

''Ano? Bawal ko bang malaman na bumalik ang dati mong girlfriend?''

Tinitigan niya ako. ''Don't make assumptions.''

Natawa ako. ''Huwag kang mag-alala. Hindi ako nag-a-assume.''

Tumayo ako at inilapag ang libro sa bedside table. ''Masaya nga ako para sa'yo, eh.''

He frowned. ''Masaya ka na?''

''Oo. Dahil ngayon, may pagkakataon ka nang makasama ang babaeng gusto mo.''

His expression darkened. ''Tama na.''

Tiningnan ko siya. ''Bakit? May nasabi ba akong mali?''

Hindi siya sumagot.

Nilagpasan ko siya at pumunta sa bathroom. ''Good night, Alexander.''

Isinara ko ang pintuan bago pa siya makapagsalita. Sumandal ako sa pintuan at ipinikit ang mga mata.

It was strange.

Noong una, natatakot akong marinig ang pangalan ni Vivienne. Now, all I felt was exhaustion. Siguro ganito ang mangyayari kapag huminto ka na sa paghihintay sa isang taong piliin ka.

---

Mabilis lumipas ang mga araw. Sabado na agad.

Nakarating ako sa bahay ni Mama bago magtanghali.

''Seraphina!''

Agad niya akong niyakap pagkapasok ko sa loob. ''Ma.''

Hinawakan niya ang mukha ko. ''Namamayat ka. Kumakain ka pa ba?''

Natawa ako. ''Yes, Ma.''

''Huwag kang magsinungaling sa akin.''

Inakay niya ako papunta sa dining room, kung saan ipinaghanda niya ako ng tanghalian.

Sa saglit na iyon, ordinaryong bagay lang ang napag-usapan namin. Yung garden niya, mga kapitbahay, at ang paparating na family reunion.

Pero bigla na lamang lumambot ang ekspresyon niya. ''Kumusta kayo ni Alexander?''

Ibinaba ko ang kutsara. ''Hindi okay.''

Dahan-dahan siyang tumango. ''Nalaman ko nga.''

Tumingin ako sa kaniya. ''Ma, I filed for divorce.''

Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. ''Alam ko, anak.''

Namilog ang mga mata ko. ''Alam mo?''

''Sinabi sa akin ni Isabella. Yung kaibigan mo.''

Napabuntong-hininga ako. Of course she did.

''Are you disappointed?''

Nangasim ang hitsura niya. ''Why would I be disappointed?''

''Because I am ending my marriage.''

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. ''Seraphina, hindi kita pinalaki para panoorin kang magdusa sa isang taong hindi kayang mahalin ka.''

Nanikip ang lalamunan ko.

''Deserve mong maging masaya, anak. At kung ang pag-iwan sa kaniya ang makakapagpasaya sa'yo, susuportahan kita.''

Napayuko ako. For the first time in days, I allowed myself to cry. Tumayo si Mama at niyakap ako. And I cried against her shoulder like the thirteen-year-old girl who had once fallen in love with a boy she thought would eventually become her forever.

Only this time, I knew better.

---

Kinabukasan, habang nag-aayos ako ng ilang gamit sa kuwarto, napansin kong naiwan ang phone ko sa bedside table.

May ilang unread messages mula kay Isabella, kaya agad ko itong binuksan.

Bago pa ako makapag-reply, pumasok ang isang mensahe mula kay Alexander.

Alexander: D’yan ka pa rin ba sa bahay ng mother mo?

Napakunot ang noo ko. Ilang segundo ko ring tinitigan ang screen bago sumagot.

Me: Oo. Bakit?

Nakita kong nagta-type siya, pero ilang sandali lang ay nawala rin iyon.

Napailing ako at ibinaba ang phone. Hindi ko na kailangang alamin kung ano ang gusto niyang sabihin.

---

Pagbalik ko sa bahay kinagabihan, nadatnan ko si Alexander sa sala. Nakatayo siya malapit sa malaking bintana habang hawak ang phone niya.

''You're back.''

Napatingin ako sa kaniya. ''Obviously.''

Hindi siya ngumiti. ''I thought you were staying longer.''

''I said a few days.''

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa phone.

May ilang sandaling katahimikan bago siya muling nagsalita. ''May kailangan tayong pag-usapan.''

Napahinto ako sa paglalakad. ''About what?''

''The divorce.''

Napabuntong-hininga ako. ''Alexander, hindi pa ba sapat ang mga nasabi natin?''

''You haven't even given me a chance to explain.''

Napatawa ako nang walang saya. ''Explain what?''

Hindi siya agad nakasagot.

''We need to talk about this properly.''

''We've had three years, Alexander. I don't think another conversation will change anything.''

Tinitigan niya ako, pero wala siyang sinabi. Ipinagpatuloy ko ang pag-akyat sa hagdan.

Pagod na ako. Pagod na akong paulit-ulit na ipaliwanag ang mga bagay na matagal na niyang dapat naintindihan.

At higit sa lahat, pagod na akong maghintay.

---

Kinabukasan, habang naghahanda ako para sa isang meeting, tumawag si Isabella.

''Sera!''

''What?''

''May balita ako.''

Napabuntong-hininga ako. ''Kung tungkol na naman 'to kay Alexander, ayoko.''

''Actually, tungkol kay Vivienne.''

Napapikit ako. Of course.

''Ano na naman?''

''May nakita akong post. Apparently, she attended some private event with Alexander.''

Hindi ako sumagot.

''Sera? Are you there?''

''I'm here.''

''Okay ka lang?''

Tumingin ako sa wedding ring na nakasuot pa rin sa daliri ko.

''I'm fine, Bella.''

''Sure?''

''Yes.''

Ibinaba ko ang tingin sa singsing.

Three years.

Tatlong taon kong sinuot ang singsing na ito habang umaasang balang araw, magiging sapat ako para piliin niya.

Pero ngayon, unti-unti ko nang naiintindihan na hindi ko kailangang maging sapat para sa isang taong hindi naman kailanman nagtangkang makita ang halaga ko.

''Bella?''

''Hmm?''

''I think it's time.''

''For what?''

Dahan-dahan kong hinubad ang wedding ring ko. ''For me to stop waiting.''

Hindi na ako naghintay ng sagot niya.

Inilapag ko ang singsing sa ibabaw ng mesa.

At sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman na may nawawala sa akin.

Sa halip, para bang may isang bagay na matagal ko nang pasan ang unti-unting bumibitaw sa akin.

Maybe this was what freedom felt like.

And maybe, just maybe, I was finally ready to find out.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Woman He Never Loved    Chapter 5: The Woman From His Past

    Seraphina's POVMay mga bagay na kahit ilang taon mong piliting kalimutan, mananatili pa rin sa isang sulok ng iyong isipan. At para kay Alexander, alam kong isa sa mga bagay na iyon ay si Vivienne Laurent. Hindi ko kailanman nakalimutan ang pangalan niya.Paano ko naman makakalimutan?Siya lang naman ang minahal ni Alexander. The woman whose photographs I had accidentally seen on his phone. The woman whose name he sometimes muttered in his sleep during the early months of our marriage.At ang babaeng kailanman hindi ko mapapantayan.Hindi naman ako kailanman nakipagkompetensiya sa kaniya. Hindi ko rin naman gustong gawin iyon. Pero may mga gabi na itinatanong ko sa sarili ko kung ano bang mayroon siya na wala ako.Mas maganda ba siya? Mas matalino? Mas nakakaakit?O siya lang talaga ang gusto ni Alexander?Napailing ako sa naiisip.Hindi ko dapat siya iniisip. After all, I was getting divorced.''Kung tumitig ka sa kape mo, para kang inaapi.''Napatingin ako kay Isabella na kasalukuy

  • The Woman He Never Loved    Chapter 4: The Things We Never Said

    Seraphina's POV"I want you to explain why my wife was looking for another man."Napatingin ako kay Alexander.Sandali akong natigilan, iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko.My wife.Ang dali niyang sabihin ng mga salitang iyon kapag may kailangan siya.Niyakap ko ang sarili ko, saka siya hinarap."Why? Does it bother you?"Bahagyang nanigas ang panga niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Seraphina.""Hindi rin naman ako nagbibiro. Sinasagot lang kita.""Pumunta ka talaga sa nightclub para maghanap ng ibang lalaki?"Napatawa ako nang walang gana. "At least ngayon, interesado ka na kung saan ako nagpupunta.""Seraphina, sagutin mo ako.""Oo."Agad na nagbago ang ekspresyon niya. "Oo?""Oo, Alexander. I went there because I wanted to spend the night with someone else. Masaya ka na?"Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Hindi ka na ba nag-iisip?"Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "Siguro. But I wasn't the one who sp

  • The Woman He Never Loved    Chapter 3: The Woman In His Bed

    ‎Seraphina’s POV‎Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang nakatulog. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko, pilit na pinipigilan ang sariling umiyak.‎Akala ko, gagaan ang pakiramdam ko matapos kong sa wakas sabihin kay Alexander na gusto ko nang makipaghiwalay. Akala ko, malaya na ako. ‎Pero ang totoo, masakit pa rin.‎Hindi naman basta-basta mawawala ang tatlong taong pagsasama namin dahil lamang nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipaghiwalay. Hindi rin mabubura sa isang iglap ang labintatlong taon kong pagmamahal sa kaniya.‎At iyon ang pinakanakakainis sa lahat.‎Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin, gusto ko pa rin siyang pigilan.‎Gusto kong marinig na ayaw niya akong mawala. Na kahit minsan, ayaw niyang matapos ang kung anuman ang mayroon kami.‎Pero hindi ganoong klaseng tao si Alexander.‎Hindi siya ang tipo ng lalaking magmamakaawa sa isang tao na manatili. Lalo na kung ako ang pinag-uusapan.‎Nanginginig na nagliwanag ang

  • The Woman He Never Loved    Chapter 2: The Woman He Was Looking For

    ‎Seraphina's POV‎‎Ngayon ko lang kinamuhian ang sarili ko nang ganito.‎‎Sa lahat ng lalaking pwede kong makasama, sa lahat ng estrangherong pwede kong paglaanan ng isang gabi, bakit sa sarili ko pang asawa ako napunta?‎‎Alexander Dominic Montenegro.‎‎Ang lalaking minahal ko ng labintatlong taon. ‎Yung lalaking pinangakuan ko ang sarili kong titigilan ko na ring mahalin. ‎At ang masaklap pa, siya pa ang kumuha ng pagkababae ko.‎Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nangyari. Kung may award lang para sa pinakamalas na babae sa mundo, siguradong ako na iyon.‎‎Pangarap ko noong maging espesyal ang una ko. Akala ko, gagawin ko 'yon sa piling ng taong mahal din ako—yung hahawakan ang kamay ko pagkatapos at ipaparamdam na hindi lang ako isang gabing madaling limutin.‎Pero ang sakit... kasi nangyari 'to sa lalaking ni hindi man lang maalala o makilala ang sarili niyang asawa.‎Ang bobo ko. Ang kawawa ko.‎Tumayo ako a

  • The Woman He Never Loved    Chapter 1: The Last Night I Loved Him

    ‎SERAPHINA'S POV‎"Don't expect anything from me, Seraphina."‎‎Hindi man lang ako tiningnan ni Alexander habang sinasabi niya iyon. Abala siya sa pagtanggal ng kaniyang relo, para bang wala lang sa kaniya ang mga salitang binitiwan niya ilang segundo lamang matapos ang aming kasal.‎‎"Just because we're married doesn't mean you own me."‎‎Napatigil ako.‎‎Iyon ba talaga ang unang bagay na gusto niyang ipaalam sa akin bilang asawa niya?‎‎Hindi ako sumagot. Ngumiti lamang ako at tumango, kahit pa pakiramdam ko'y may kung anong bagay sa loob ng dibdib ko ang tuluyang nabasag.‎‎Thirteen years.‎‎Labintatlong taon kong hinintay na maging asawa niya. Labintatlong taon kong inisip kung ano kaya ang pakiramdam na mahalin din ako ng lalaking matagal ko nang minamahal.‎‎Pero para kay Alexander Dominic Montenegro, hindi ako ang babaeng pinili niya. Isa lamang akong babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng dalawang pamilya. At kahit alam kong hindi niya ako mahal, naniwala pa rin akong baka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status