Elyse Sarmiento’s Point of View“Sir!” angal ko nang hilahin na lamang niya ako papunta sa kaniyang sasakyan.Sinubukan kong bawiin ang aking kamay, pero hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas, at bukod pa roon ay mahigpit ang kaniyang pagkahahawak sa aking kamay.“Bitawan mo ako!”Hindi siya sumagot, o lumingon man lang sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa buksan niya ang passenger seat.Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa akin, malamig ang kaniyang mga mata.“Sakay,” utos niya, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Don’t make me repeat myself, Elyse.”“Don’t use that tone on me,” saad ko, kahit na nanginginig pa rin. “Sir, mas magandang pauwiin mo na lang ako.”Umigting ang kaniyang panga, at basta na lamang akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami.Tuluyang nalaglag ang aking panga, at nawala sa sarili nang ibaba niya ako sa passenger seat.Isinara niya kaagad ang pinto, pero nang matauhan ako, sinubukan ko ‘yong buksan, pero naka-loc
Last Updated : 2026-11-09 Read more