INICIAR SESIÓNElyse Sarmiento’s Point of View
“Wala,” sagot naman niya kaagad. “Morning ang shift ko ngayon. Kabi-break time ko lang din.” Napahugot naman ako nang malalim na hininga, at napapikit na lamang ng aking mga mata. Dapat ko naman na talagang asahan ‘to, eh. Hindi ko lang alam kung bakit nadismaya pa ako. “Puwede bang magpunta sa apartment mo? Saglit lang.” “Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin. “I saw him!” kuwento ko kaagad na siyang nagpasinghap sa kaniya sa kabilang linya. “Siya ang naghatid sa akin, pero ayaw kong malaman niya ang address ko, dahil alam mo naman kung bakit.” “My gosh! Seryoso ba ‘to?! Ganoon ba kaliit ang mundo niyo’t nagtagpo ulit kayo?” Napailing na lamang ako sa kaniyang sinasabi. Kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay magagawa ko na talaga siyang layuan kung siya rin naman talaga ang gumagawa ng paraan para mahanap ako. Hindi ko alam kung bakit. Ang hirap kung tutuusin. Parang alam na alam niya ang bawat galaw ko, kahit sinusubukan kong magtago. “Hintayin mo na lang ako sa apartment ko. Malapit na rin naman ang out ko,” paliwanag sa akin ni Janice. Napangiti na lamang ako sa kaniyang sinabi, at nagpasalamat. Kaya naman mabilis akong nagtungo sa apartment ni Janice, at sinilip sa bintana kung nandoon pa rin nga ba si Darius sa parking lot. Nawala nga lang ang sayang naramdaman ko nang natanto kong nandoon pa rin siya. Hindi talaga siya umalis. “Tang ina,” nahihirapan kong wika, at napahilamos na lamang ng aking mukha. Isang oras mahigit din akong naghintay sa apartment ni Janice, hanggang sa dumating siya. Halata pang nagmamadali talaga siyang nagpunta rito, dahil kaagad niya akong sinalubong. “Tell me what happened.” “Huminga ka muna,” sambit ko naman sa kaniya. Pinaupo ko naman siya sa kaniyang sofa, habang ako naman ay nagtungo sa kaniyang kusina para kumuha ng tubig. Hinahabol pa rin talaga niya ang kaniyang hininga, at hindi ko maiwasang mapailing na lamang. Nang ibigay ko ang baso na naglalaman nang malamig na tubig, kinuha naman niya kaagad ‘yon. “Kanina pa siya riyan sa labas,” pagkukuwento na lamang, at humugot pa nang malalim na hininga. “Hanggang ngayon, hindi pa rin siya umaalis.” “How come? Mahigit isang oras ka ng nandito, hindi ba?” tanong niya sa akin. Pagod naman akong tumango, at wala sa sariling napasandal na lamang sa kaniyang sofa. Napahawak ako sa aking ulo lalo na’t naramdaman ko ang pagpintig nito. Kaya humugot ako nang malalim na hininga para lang pakalmahin ang aking sarili. As much as possible, hindi dapat ako na-i-stress. Pero paano ko ‘yon maiiwasan kung ganito ngayon ang nangyayari sa akin? “Hindi ko rin alam kung bakit.” “Hindi naman siguro siya, at kamukha lang ng sasakyan niya ‘yon?” Umiling lamang ako, at napasulyap na lamang sa kaniyang glass window. “Imposible,” malungkot kong sagot. “Nakatayo siya kanina sa labas ng sasakyan niya, at nakasandal sa sasakyan niya. Nakahalukipkip pa, at nakatingin dito sa building.” Kaya sigurado talaga akong siya ‘yon, dahil parang hinihintay niya akong bumaba. Parang alam niya na hindi talaga ako nakatira rito, at gusto ko lamang siyang lituhin. “You’re not joking, right?” “Tingnan mo riyan sa glass window,” hamon ko kay Janice. “Kapag nandiyan siya, nakatingin dito sa building, malalaman mong hindi talaga ako nagbibiro.” Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa kaniyang damit, habang ako naman ay napapikit na lamang. Paano na ako uuwi ngayon kung nandito si Darius, at talagang hinihintay niya ako sa baba? “Shit! Totoo nga!” “Sinabi ko naman kasi sa ‘yo,” giit ko, at tuluyang iminulat ang aking mga mata para salubungin ang kaniyang titig. “Hindi naman ako nagbibiro.” “Pero bakit? Sigurado ka ba talagang hindi niya alam kung saan ka nakatira?” Doon ako napaisip. Sigurado naman kasi akong walang nakaaalam na ibang tao ang tungkol sa address ng apartment ko, eh. Magmula nang umalis ako—magtago, nagawa ko na talagang lumipat ng apartment. Itinapon ko rin ang dati kong cellphone, at maging ang aking mga social media account ay naka-deactivate rin. Natatakot kasi ako na baka nga mahanap niya ako lalo pa’t isa siyang maimpluwensyang tao—isang bilyonaryo na isa sa kinatatakutan ng lahat. At sa tuwing naiisip ko ‘yon, hindi ko maiwasang kilabutan na lamang. Kung tutuusin nga ay maganda ang naging takbo ng buhay ko, dahil nakatago pa ako. Hindi nga lang nagtagal, dahil nahanap niya kaagad ako. “What do you think?” “Huh?” “Hindi ka nakikinig,” puna niya na siyang ikinatikom naman ng aking bibig. “Sinasabi ko lang na baka posibleng may ideya na siya sa anak niyo.” Umiling ako bilang sagot. “Imposible ‘yon. Nagawa kong maitago si Kaelen nang dalawang taon. Sa dalawang taon na ‘yon, tingin mo malalaman niya ang tungkol kay Kaelen?” “We don’t know. Mayaman ‘yang lalaking ‘yan, Elyse. Walang imposible sa kanila.” Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang sinabi. Nailing na lamang ako, at sa huli ay hinayaan ang aking sarili na magpalipas nang ilang oras doon. Umabot nga lang sa puntong dumidilim na, at wala akong ibang naging choice kung hindi ay magpaalam na lamang. Mabuti na lamang, dahil wala na si Darius sa parking lot. Maging ang kaniyang sasakyan, hindi ko na rin makita. Nakahinga ako nang maluwag, at naghintay ng mga taxi na puwedeng i-book. Na kahit mahal ang magiging pamasahe ko’t lalo gabi na, hindi ko na inintindi pa. “I’ll triple your salary, Elyse.” Ipinilig ko ang aking ulo nang sumagi sa aking isip ang kaniyang sinabi. “Kahit pa gawin niyang triple ang sahod ko, hindi ako magtatrabaho sa kaniya,” bulong ko na lamang. Naikuyom ko ang aking kamay lalo na’t walang gustong tumigil na taxi ngayon. Madalas ay nilalampasan na lamang ako na oara bang hindi nila ako nakikita. “Shit! Hindi naman rush hour!” “Are you done hiding?” tanong nang isang malamig na boses. Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking narinig, at hindi maiwasang matulala na lamang. “Ilang oras ka ring nagtagal doon. That’s not even your apartment, right?” Naramdaman ko ang panghihina ng aking mga binti, at muntikan pang mabuwal sa aking kinatatayuan. Kung hindi lang niya naipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang, baka napaupo na ako rito nang wala sa oras. “I’ll drive you home, so tell me your exact address.”Elyse Sarmiento’s Point of View“Wala,” sagot naman niya kaagad. “Morning ang shift ko ngayon. Kabi-break time ko lang din.”Napahugot naman ako nang malalim na hininga, at napapikit na lamang ng aking mga mata.Dapat ko naman na talagang asahan ‘to, eh. Hindi ko lang alam kung bakit nadismaya pa ako.“Puwede bang magpunta sa apartment mo? Saglit lang.”“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.“I saw him!” kuwento ko kaagad na siyang nagpasinghap sa kaniya sa kabilang linya. “Siya ang naghatid sa akin, pero ayaw kong malaman niya ang address ko, dahil alam mo naman kung bakit.”“My gosh! Seryoso ba ‘to?! Ganoon ba kaliit ang mundo niyo’t nagtagpo ulit kayo?”Napailing na lamang ako sa kaniyang sinasabi. Kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay magagawa ko na talaga siyang layuan kung siya rin naman talaga ang gumagawa ng paraan para mahanap ako.Hindi ko alam kung bakit. Ang hirap kung tutuusin. Parang alam na alam niya ang ba
Elyse Sarmiento’s Point of ViewKagaya ng napag-usapan namin ni Mama, mag-a-apply muna ako bago kami magtungo sa probinsya para makapagpahinga na lang muna.Kakapasa ko lang din naman ng aking application letter, pero tingin ko ay mas magandang mag-apply pa ako sa ibang company, at umasang tatawagan nila ako, kahit sobrang labo naman.“Hindi naman dapat ako nawawalan ng pag-asa,” bulong ko, at napatingala na lamang sa langit. “Kung para naman kay Kaelen ang lahat ng ‘to, bakit ako susuko?”Kinagat ko nang mariin ang aking labi, at naghanap pa ng mga business, o company na nagha-hire. Kaya lang ay sa tuwing magtatanong ako, ang sabi nila ay nakapaghanap na raw sila, at nalimutan lang nilang tanggalin ang mga nakapaskil sa labas ng kanilang business.Bumagsak ang aking mga balikat, dahil ilang oras na rin akong naghahanap ng trabaho, pero iisa pa lang ang napagpasahan ko ng aking application letter. Ni hindi pa sigurado kung tatanggapin ba ako, o ano.“Kakain muna siguro ako,” bulong ko
Elyse Sarmiento’s Point of ViewPersonal maid? Seryoso ba siya?Napakurap ako. Hindi makapagsalita lalo na’t naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi.“Bakit ka mag-o-offer ng ganiyan? Dahil nawalan ako ng trabaho?” tanong ko sa kaniya.Para akong iniinsulto ng lalaking ‘to. Alam ko naman na mayaman siya, pero hindi naman yata ibig sabihin nito ay puwede na niya akong insultuhin.Hindi porque alam niya ang tungkol sa pagkatanggal ko ng trabaho ay ganito na. Kailangan ko man ng trabaho, hindi ko tatanggapin kung galing sa kaniya.“You can say that.”Natawa ako nang pagak, at napailing na lamang. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Puwede akong maghanap ng trabaho kung gugustuhin ko. Kaya ko naman.”Tumayo ako, at tumalikod na sa kaniya. Balak ko na sanang maglakad patungo sa pinto, pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko.Dahil sa kaniyang ginawa, napatingin ako sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan, binawi ang aking siko. Kaya lang ay mas hinigpitan ni
Elyse Sarmiento’s Point of View“Sir!” angal ko nang hilahin na lamang niya ako papunta sa kaniyang sasakyan.Sinubukan kong bawiin ang aking kamay, pero hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas, at bukod pa roon ay mahigpit ang kaniyang pagkahahawak sa aking kamay.“Bitawan mo ako!”Hindi siya sumagot, o lumingon man lang sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa buksan niya ang passenger seat.Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa akin, malamig ang kaniyang mga mata.“Sakay,” utos niya, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Don’t make me repeat myself, Elyse.”“Don’t use that tone on me,” saad ko, kahit na nanginginig pa rin. “Sir, mas magandang pauwiin mo na lang ako.”Umigting ang kaniyang panga, at basta na lamang akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami.Tuluyang nalaglag ang aking panga, at nawala sa sarili nang ibaba niya ako sa passenger seat.Isinara niya kaagad ang pinto, pero nang matauhan ako, sinubukan ko ‘yong buksan, pero naka-loc
Elyse Sarmiento’s Point of View“You’re fired, Miss Sarmiento.”Para akong pinagbagsakan ng lupa nang marinig ko ang katagang binitawan ng boss ko. Akala ko pa man din ay magandang balita ang sasabihin niya, pero hindi pala.Napakurap ako, habang nakatitig sa boss ko na ngayon ay seryoso lamang. Walang kahit anong bakas ng emosyon kung hindi ay ‘yon lang.“Bakit po? Ano po ang dahilan kung bakit natanggal ako?” naguguluhan kong sambit.Umiling lamang ang aking boss, at parang dismayado pa sa hindi ko malaman na dahilan.“Huwag ka ng pumasok bukas. Nandito na ang huling salary mo. Advanced pa ‘yan,” aniya, at inilapit sa akin ang check. “You did your best, pero may kulang pa rin.”Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa check na nasa aking harapan, at wala sa sariling inabot ‘to.Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Wala akong ideya kung ano ang dahilan. Na kahit pinipilit ko namang tanungin si sir, hindi niya magawang sagutin.“Salamat po,” mahina kong wika, bago lisanin ang of







