Beranda / Romance / Liyab ng Tukso (SSPG) / Kabanata 3 - Pride

Share

Kabanata 3 - Pride

Penulis: Saevris
last update Tanggal publikasi: 2026-11-09 08:43:15

Elyse Sarmiento’s Point of View

Personal maid? Seryoso ba siya?

Napakurap ako. Hindi makapagsalita lalo na’t naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi.

“Bakit ka mag-o-offer ng ganiyan? Dahil nawalan ako ng trabaho?” tanong ko sa kaniya.

Para akong iniinsulto ng lalaking ‘to. Alam ko naman na mayaman siya, pero hindi naman yata ibig sabihin nito ay puwede na niya akong insultuhin.

Hindi porque alam niya ang tungkol sa pagkatanggal ko ng trabaho ay ganito na. Kailangan ko man ng trabaho, hindi ko tatanggapin kung galing sa kaniya.

“You can say that.”

Natawa ako nang pagak, at napailing na lamang. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Puwede akong maghanap ng trabaho kung gugustuhin ko. Kaya ko naman.”

Tumayo ako, at tumalikod na sa kaniya. Balak ko na sanang maglakad patungo sa p***o, pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko.

Dahil sa kaniyang ginawa, napatingin ako sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan, binawi ang aking siko. Kaya lang ay mas hinigpitan niya ang pagkahahawak roon.

“You can’t leave this damn house, Elyse.”

“Bitiwan mo ako. Uuwi ako,” saad ko, at pilit na binabawi ang aking siko.

Pagod na pagod ako. Hindi ba niya maintindihan ‘yon?

Galing ako ng trabaho. Alam naman niya ‘yon, dahil doon pa nga niya ako kinuha. Pero bakit ayaw niya akong pauwiin? Ano ba ang problema niya?

“I told you, you can’t leave my house, Elyse. You’ll stay here. You’re my personal maid.”

“Ni hindi ko pa nga pinipirmahan ‘yang kontrata!” singhal ko sa kaniya, pero ngumisi lamang siya bilang sagot.

“I’ll double your salary.”

Inilihis ko ang aking mga mata, at hindi na nagsalita pa.

Kahit pa doblehin niya ang sahod ko, kailangan ko pa ring umuwi. Hindi puwedeng hindi ako umuwi.

“Still not enough, huh?” pukaw nito sa aking atensyon na siyang nagpatigil sa akin. “I’ll triple it. If you still want this job, you can contact me.”

Inabot niya ang aking palad, at may inilagay roon. Kaya naman napalingon ako sa kaniya, at tiningnan ang inilapag niya sa aking palad.

Binitawan niya ang aking siko, nakapamulsang nakatingin sa akin.

“I’ll give you one week, Elyse.” Tumalikod siya, at iniangat ang kaniyang palad sa ere na para bang pinapayagan na niya akong malabas.

Kaya kahit nagtataka pa ako, hindi na ako nagdalawang-isip. Lumabas na kaagad ako ng kaniyang study room, hanggang sa napansin kong nasa gilid lang pala ng pintuan ang butler. Parang may hinihintay.

Nang lumingon siya sa aking gawi, napayuko siya, at ‘yon ang ipinagtataka ko.

“Ihahatid na po kita sa maghahatid sa ‘yo, Miss Sarmiento.”

Hindi ko man maitago ang gulat sa aking mukha, sinundan ko pa rin ang butler nang tuluyan na siyang tumalikod sa akin.

Hindi rin naman nagtagal ang biyahe, eh. Hindi na rin naman kasi rush hour. Kaya pagdating na pagdating ko sa tapat ng p***o ng apartment, humugot ako nang malalim na hininga.

Wala sa sarili kong binuksan ang p***o, at ang unang tumambad sa akin ay ang sigaw niya.

“Mommy!” sigaw niya kaagad, at mabilis na tumakbo palapit sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata, at kaagad na isinara ang p***o. Lumuhod ako para saluhin siya, pero mas lalo lamang siyang umiyak.

“Ma, bakit siya umiiyak?” tanong ko kay Mama na ngayon ay nakahawak sa kaniyang noo.

“Hinahanap ka,” paliwanag naman ni Mama, at lumapit sa mesa para kumuha ng kaniyang inumin. “Hindi mapirmi. Kabisado kasi niya kung anong oras ang uwi mo. Bakit ba late kang umuwi?”

Inalo ko naman kaagad si Kaelen, at hinalikan ang kaniyang noo. Naglakad naman ako papunta sa living room, at hindi naman maiwasang mapangiti na lang, dahil nagkalat na naman siya ng kaniyang laruan.

“May inasikaso lang po,” paliwanag ko naman kay Mama, dahil wala akong balak sabihin sa kaniya ang naging pagtatagpo namin ni Darius. “Baka nga po maaga po ulit ako bukas. Mag-a-apply ng trabaho.”

“Mag-a-apply?” nalilitong na tanong ni Mama. “Bakit ka mag-a-apply? Kulang ba ang sinasahod mo, at kailangan mong magdagdag ng trabaho?”

I pursed my lips. Kumalma naman na si Kaelen sa bisig ko ngayon, pero humihikbi pa rin naman kaunti. Kaya naman inabot ko na lamang ang bimpo na malapit sa akin, at umupo ngayon sa sofa para mapunasan na ang likod nito. Basang-basa kasi. Parang anina pa yata siya umiiyak.

Kumirot ang puso ko. Hindi ko naman ginustong magtrabaho, pero kailangan na kailangan kasi lalo pa’t lumalaki na siya.

“Natanggal po ako sa trabaho kanina. Hindi ko po alam kung ano ang dahilan,” kalmado kong paliwanag, at naalala na naman ang nangyari.

Kinagat ko na lamang tuloy ang aking ibabang labi, habang si Kaelen naman ay bigla na lang ipinasok ang kaniyang kamay sa aking damit para lang hawakan ang dibdib ko.

Sa dinami-dami ng puwedeng mamana niya sa ama niya, ang paghawak pa sa dibdib ko.

“Ano?!” gulantang na tanong ni Mama, pero kaagad akong lumingon sa kaniya, at sinenyasan na hinaan ang boses niya.

Ayaw ko kasing isipin ni Kaelen na nag-aaway kami ni Mama, kahit na hindi naman. Sanay naman siya sa maingay, pero hindi siya sanay sa sigawan.

“Hindi po sinabi ang dahilan sa akin. Nagulat na lang po nang bigla na lang po akong tinanggal sa trabaho,” paliwanag ko kay Mama, at napailing na lamang.

Inayos ko naman ang buhok ni Kaelen, habang nakatitig siya sa akin. Walang nakuha sa akin si Kaelen, eh. Mula mukha, at ugali, sa ama niya lahat nakuha. Ang ambag ko lang talaga ay ipanganak siya, at alagaan.

“Mas mabuti pang magpahinga ka na muna. Umuwi muna tayo sa probinsya para makahinga ka naman nang maayos.”

Umiling ako bilang sagot. “Susubukan ko pa rin pong mag-apply bukas, Ma. Para habang nagpapahinga ako, malalaman ko kung may kukuha ba sa akin.”

“Kaya naman nating mamuhay sa probinsya.”

“Pero hindi po ganoon kadali lalo na kung may bata po,” paliwanag ko kay Mama, dahil sa tuwing nagkasasakit si Kaelen, malaki ang kailangang gastusin, kahit pa lagnat ‘yan.

Hindi naman kami mayaman, eh. Kaya kung sakali na magkaroon siya ng sakit, na sana ay hindi, hindi ko alam kung saan kukuha ng pera.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 5 - Caught

    Elyse Sarmiento’s Point of View“Wala,” sagot naman niya kaagad. “Morning ang shift ko ngayon. Kabi-break time ko lang din.”Napahugot naman ako nang malalim na hininga, at napapikit na lamang ng aking mga mata.Dapat ko naman na talagang asahan ‘to, eh. Hindi ko lang alam kung bakit nadismaya pa ako.“Puwede bang magpunta sa apartment mo? Saglit lang.”“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.“I saw him!” kuwento ko kaagad na siyang nagpasinghap sa kaniya sa kabilang linya. “Siya ang naghatid sa akin, pero ayaw kong malaman niya ang address ko, dahil alam mo naman kung bakit.”“My gosh! Seryoso ba ‘to?! Ganoon ba kaliit ang mundo niyo’t nagtagpo ulit kayo?”Napailing na lamang ako sa kaniyang sinasabi. Kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay magagawa ko na talaga siyang layuan kung siya rin naman talaga ang gumagawa ng paraan para mahanap ako.Hindi ko alam kung bakit. Ang hirap kung tutuusin. Parang alam na alam niya ang ba

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 4 - Hide

    Elyse Sarmiento’s Point of ViewKagaya ng napag-usapan namin ni Mama, mag-a-apply muna ako bago kami magtungo sa probinsya para makapagpahinga na lang muna.Kakapasa ko lang din naman ng aking application letter, pero tingin ko ay mas magandang mag-apply pa ako sa ibang company, at umasang tatawagan nila ako, kahit sobrang labo naman.“Hindi naman dapat ako nawawalan ng pag-asa,” bulong ko, at napatingala na lamang sa langit. “Kung para naman kay Kaelen ang lahat ng ‘to, bakit ako susuko?”Kinagat ko nang mariin ang aking labi, at naghanap pa ng mga business, o company na nagha-hire. Kaya lang ay sa tuwing magtatanong ako, ang sabi nila ay nakapaghanap na raw sila, at nalimutan lang nilang tanggalin ang mga nakapaskil sa labas ng kanilang business.Bumagsak ang aking mga balikat, dahil ilang oras na rin akong naghahanap ng trabaho, pero iisa pa lang ang napagpasahan ko ng aking application letter. Ni hindi pa sigurado kung tatanggapin ba ako, o ano.“Kakain muna siguro ako,” bulong ko

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 3 - Pride

    Elyse Sarmiento’s Point of ViewPersonal maid? Seryoso ba siya?Napakurap ako. Hindi makapagsalita lalo na’t naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi.“Bakit ka mag-o-offer ng ganiyan? Dahil nawalan ako ng trabaho?” tanong ko sa kaniya.Para akong iniinsulto ng lalaking ‘to. Alam ko naman na mayaman siya, pero hindi naman yata ibig sabihin nito ay puwede na niya akong insultuhin.Hindi porque alam niya ang tungkol sa pagkatanggal ko ng trabaho ay ganito na. Kailangan ko man ng trabaho, hindi ko tatanggapin kung galing sa kaniya.“You can say that.”Natawa ako nang pagak, at napailing na lamang. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Puwede akong maghanap ng trabaho kung gugustuhin ko. Kaya ko naman.”Tumayo ako, at tumalikod na sa kaniya. Balak ko na sanang maglakad patungo sa pinto, pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko.Dahil sa kaniyang ginawa, napatingin ako sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan, binawi ang aking siko. Kaya lang ay mas hinigpitan ni

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 2 - Maid

    Elyse Sarmiento’s Point of View“Sir!” angal ko nang hilahin na lamang niya ako papunta sa kaniyang sasakyan.Sinubukan kong bawiin ang aking kamay, pero hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas, at bukod pa roon ay mahigpit ang kaniyang pagkahahawak sa aking kamay.“Bitawan mo ako!”Hindi siya sumagot, o lumingon man lang sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa buksan niya ang passenger seat.Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa akin, malamig ang kaniyang mga mata.“Sakay,” utos niya, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Don’t make me repeat myself, Elyse.”“Don’t use that tone on me,” saad ko, kahit na nanginginig pa rin. “Sir, mas magandang pauwiin mo na lang ako.”Umigting ang kaniyang panga, at basta na lamang akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami.Tuluyang nalaglag ang aking panga, at nawala sa sarili nang ibaba niya ako sa passenger seat.Isinara niya kaagad ang pinto, pero nang matauhan ako, sinubukan ko ‘yong buksan, pero naka-loc

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 1 - Danger

    Elyse Sarmiento’s Point of View“You’re fired, Miss Sarmiento.”Para akong pinagbagsakan ng lupa nang marinig ko ang katagang binitawan ng boss ko. Akala ko pa man din ay magandang balita ang sasabihin niya, pero hindi pala.Napakurap ako, habang nakatitig sa boss ko na ngayon ay seryoso lamang. Walang kahit anong bakas ng emosyon kung hindi ay ‘yon lang.“Bakit po? Ano po ang dahilan kung bakit natanggal ako?” naguguluhan kong sambit.Umiling lamang ang aking boss, at parang dismayado pa sa hindi ko malaman na dahilan.“Huwag ka ng pumasok bukas. Nandito na ang huling salary mo. Advanced pa ‘yan,” aniya, at inilapit sa akin ang check. “You did your best, pero may kulang pa rin.”Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa check na nasa aking harapan, at wala sa sariling inabot ‘to.Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Wala akong ideya kung ano ang dahilan. Na kahit pinipilit ko namang tanungin si sir, hindi niya magawang sagutin.“Salamat po,” mahina kong wika, bago lisanin ang of

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status